Chapter Eight: Mysterious Attitude
Makalipas lamang ang tatlong araw ay abala ng muli si Daphne sa kaniyang pagbisita sa kaniyang mga pasyente. Mabuti na lamang at hindi ipinagkalat ni Doctor Cabrera ang tungkol sa kaniyang nalalapit na kasal. Nang matapos ang kaniyang gawain ay nakatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa kaniyang head Doctor.
"Hello, Doctor Romero. I don't know what you've done, but Director Casteñola is want to see you now."
When she answer the phone call hindi niya alam kung ano ang dahilan. Nang mag rehistro ang mukha ni Treyton sa kaniyang isipan ay nanlamig ang kaniyang mga kamay. Kinakabahan niyang inayos ang kaniyang sarili. At saka pinilit na maging normal. Lumabas siya ng Doctor's quarters ng naka-nakangiti. Nakahanda siyang salubungin ng isang pekeng ngiti ang mga taong makakasalubong niya.
Nang marating niya ang opisina ng Head Director ay hindi na siya nag atubiling kumatok ng tatlong beses bago magsalita.
"Head Director?"
"Come in," nang buksan ni Daphne ang pinto ay kaagad na nag angat ng tingin ang Head Director sa kaniya. "Oh, Doctor Romero! Mabuti na lang at wala kang emergency sa mga pasyente mo, at napagbigyan mo akong makita ka," iyon kaagad ang ibinungad nito sa kaniya.
Hindi niya malaman kung paanong parang naging mabait ito sa kaniya, gayong laging mainit ang ulo nito.
"Bakit hindi mo man lang sa'kin nasabi na ikakasal ka na pala? At ang ikinatutuwa ko ay sa inaanak ko pang si Treyton! Napakabait at napakatalento ng bata na iyon, kaya maswerte ka!"
Doon tuluyang naintindihan ni Daphne lahat. It's all about the wedding, kay Treyton. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis sa narinig niya mula sa Head Director.
"Hindi ko po alam na Ninong niya po kayo. Biglaan din po ang mangyayaring kasal pero--"
"Hay, ano ka ba! Kahit biglaan man 'yan o hindi, ay ayos lang 'yan. Para ka na ring nakabingwit ng malaking isda! At alam mo ba? Dahil magiging inaanak na rin kita. Babasahin kong muli ang gusto mong pagtulong sa Hope Foundation ng yumao mong Ama. Maaari kong approbahan ang pagpapapunta ng ilang Doctor doon at magdala ng mga libreng medisina at check-up-in ang mga bata."
Gulat na napaayos ng tayo si Daphne. Matagal na niyang hinihiling ang pakikipagtulungan ng hospital na pinagtatrabahuan niya para sa libreng serbisyo sa Hope Foundation. At ngayon, sa isang iglap, nang dahil kay Treyton ay mangyayari ang hinihiling niya.
"T-Totoo po ba 'yan, Head Director?!"
"Yes, of course. Para sa inaanak kong si Treyton. Nang makabawi man lang ako sa kaniya kahit papaano. Huwag mo lamang sana akong kakalimutan na padalahan ng invitation card para sa kasal niyo."
Tunay na napangiti si Daphne.
"Opo, makakaasa po kayo!"
Masaya siyang lumabas ng opisina ng Head Director. Hindi niya inakala na may mabuting maidudulot rin pala ang mangyayaring kasal. Kahit papaano ay nadagdagan ang dahilan niya para pumayag sa kasal. Ang gusto niya talaga ay makatulong sa mga bata sa Foundation, at ngayon ay magsisimula ng mangyari.
Tinawagan niya ang namamahala sa Hope Foundation at ipinaalam ang magandang balita. Tuwang-tuwa rin ito sa narinig. Habang nakaupo sa sariling upuan sa Doctor's Quarters, naisip niya si Treyton. Sa kung paano ito pasasalamatan kahit papaano.
Nawala ang kaniyang pag iisip nang tumunog ang kaniyang cellphone. Unknown number ang rumihistro sa screen ng cellphone. Nakakunot niya itong sinagot.
"Hello, This is Daphne Romero, how may I help you?"
"Daphne, anak. It's me, your Mommy Allyson. Pasensya ka na at nahingi ko ang number mo sa iyong Mama," tugon nito sa kabilang linya, dahilan kaya napasandal siya sa swivel chair.
"Ikaw po pala 'yan, M-Mommy. Okay lang po 'yon. Gusto ko rin po kayong makausap, tungkol sa pag alis ko no'ng mag dinner tayo."
Napangiti naman ang Ginang sa kabilang linya.
"Hija, don't worry about that. Tapos na iyon at naiintindihan ko. Kaya ako napatawag ay gusto sana kitang imbitahan sa darating na wedding anniversary namin ng Daddy Danilo mo this friday night, iyon ay kung free ka."
"I already told you, she's free!" rinig na sigaw ni Daphne mula sa kabilang linya.
It's Treyton.
"Shut up, Son. Hindi ikaw ang kausap ko," pag saway naman ng Mommy nito. "Ano Hija, free ka ba?"
"Friday night..." Napaisip si Daphne, birthday iyon ni Izzy. "I'll update you po about my schedule--"
"You're free," walang buhay na sambit ni Treyton.
Mukhang inagaw nito ang cellphone sa Mommy nito dahil ito na ngayon ang nasa kabilang linya. Ang ngiti at saya niya kanina ay biglang nawala. Nawala sa kaniyang isip na pasalamatan ito sa halip ay muli siyang nakaramdam ng galit dahil sa pagmamanipula nito sa kaniya.
Mgsasalita pa sana siya ngunit namatay na ang tawag. Napabuntong hininga siya saka walang buhay na napayuko sa lamesa niya. Ngayon ay naiipit siya ng dalawang sitwasyon, na parehas mahalaga sa kaniya.
>>>.<<<
"Izzy, pasensya talaga, ah? Hindi ko kasi alam na magsasabay ang dalawang okasyon. Nabigla rin ako nang imbitahin ako ng Mommy ni Treyton," paghigi niya ng paumahin sa kaibigan.
"Ano ka ba naman, naiintindihan ko! Saka masaya akong ayusan ka ngayon, siguradong maraming lalaki ang maglalaway sa'yo habang nakatingin sila sa makinis mong balat!" kinikilig na sabi naman ni Izzy.
She's now wearing a color silver simple mini-dress na hindi lalagpas sa tuhod ang haba, pinarisan niya ito ng two inches na sandals.
"Thank you for understanding. Happy birthday, again. Yung regalo ko, ay nasa bahay ko na. Siguradong magugustuhan mo 'yon!"
"You're welcome, and thank you rin! I love surprises!"
Nang makarinig sila ng busina mula sa labas ay nasiguro na ni Daphne na ito na ang sundo niya. Niyakap niya ang kaibigan at saka nagmadaling lumabas. Isang kulay itim na limousine ang naghihintay sa kaniya, lumabas din ang driver nito na tila pamilyar sa kaniya ang mukha at pangangatawan.
"Good evening, Ms. Daphne," pagbati nito sa kaniya.
"Good evening. Wait-- what's your name again?"
"Ah?" nagtatakang sambit nito bago yumuko, "Storm po ang tawag nila sa akin, personal bodyguard po ako ni Sir Treyton."
Napatango na lamang si Daphne. Hindi niya mawari kung bakit parang nakita na niya ito noon. Hindi niya lang malaman kung saan at kailan. Sumakay siya ng tahimik sa loob ng limousine habang nagpapasalamat sa kaniyang isipan na may kaibigan siyang naiintindihan ang sitwasyon niya.
Pumasok naman ang sinaskayan nilang kotse sa isang exclusive na subdivision. Isang itim na card ang ibinigay ni Storm sa guard ng subdivision saka ito ini-scan bago tuluyan silang pinapasok. Doon pa lamang ay alam na ni Daphne na mayayaman lamang ang tanging makakapasok dito at matindi ang security ng subdivision.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang kotse sa isang malaking gate at huminto ito sa tapat ng isang malaki at magarbong mansion. Napaawang ang labi ni Daphne sa nakikitang ganda ng mansion. Mula sa labas ay kitang-kita ang pagkatingkad at liwanag ng mansion.
"Narito na po tayo, Ms. Daphne," sambit ni Storm nang buksan nito ang pinto ng kotse para sa kaniya.
Marahang bumaba si Daphne habang mangha pa rin sa kaniyang nakikita. Nang pumasok sila sa loob ay kaagad niyang nakita ang Mommy at Daddy ni Treyton. Doon ay masaya niyang sinalubong ang mga ito, ngunit hindi niya magawang mailang nang yakapin siya ng dalawa. Ipinakilala siya ng mag asawa sa bawat taong kausap nito. Hindi niya tuloy maiaalis ang pekeng ngiti sa kaniyang labi.
Mula sa malayo ay namataan niya ang isang lalaking matipuno at kakaiba ang karisma sa lahat. Huli na ng malaman niyang si Treyton pala ang lalaking iyon. Mabilis naman na nagtama ang paningin nila at itinaas lamang nito ang wine glass na hawak. Napangisi siya at kaagad na iniwasan ng tingin ang lalaki.
Ilang sandali pa ay hinayaan na siya ng mag-asawa upang makakain na siya o hindi kaya ay makainom na. But she hates alcohol, dahil baka kung ano nanaman ang magawa niya. Kumuha lamang siya ng juice jabang ipinapalibot ang paningin sa paligid.
Mabilis naman siyang napaigtad nang maramdaman niya ang isang kamay na pumulupot sa kaniyang beywang.
"Hey, Baby," bulong nito sa kaniyang tainga. Tila ba may kuryenteng dumaloy mula sa kamay nito patungo sa kaniyang katawan.
Hindi niya pa tinitingnan ang lalaki ngunit alam na niya kung sino ito. Balak na niyang lumayo ngunit mabilis na mas hinapit siya ni Treyton, dahilan para magkadikit ang katawan nila.
"My relatives and friends is here, huwag mo sana akong ipahiya, dahil alam mo naman siguro ang mangyayari, right?" bulong muli nito na may halong pagbabanta.
Nakita niya ang dalawang lalaking papalapit sa pwesto nila. Sa tantiya ni Daphne ay nasa bente-otso pataas pa lamang ang edad ng mga ito. Masama niyang tiningnan si Treyton at unti-unting pilit na ngumiti.
"Here comes the bride!" salubong ng isang lalaki. "She's gorgeous, Buddy!" dagdag pa nito na parang wala siya sa harap ng mga ito at nakipag apir pa kay Treyton.
"Of course, papayag ba akong maikasal sa hindi maganda?" tugon naman ni Treyton.
"Ipakilala mo naman kami!" sambit muli ng isa.
"No need, Buddy. Kailangan niya pang makausap ang Mama niya."
Doon ay nagulat si Daphne. Kung gano'n ay narito ang Mama niya? At kung hindi rin siya nagkakamali ay baka narito rin si Diane.
"Hello, I'm Ryder," tila ba walang narinig na sambit ng isa at inilahad pa ang kamay sa harap niya.
Nag aalangan niyang tiningnan si Treyton at doon niya nakita ang biglaang pagbabago ng ekspresyon at emosyon nito. Madilim at nanlilisik ang mga mata nito na tila hindi nagustuhan ang naging aksiyon ng kaibigan. Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito, dahil ayaw niya naman na mapahiya ito.
"Nice to meet you, Ryder. I'm Doctor Daphne Romero."
"Oh, a Doctor?" tila ba mahiwagang tugon nito.
"And I'm Claude. I'm a lawyer! Kapag tapos ng kasal niyo at gusto mo ng humiwalay puwede mo akong kuning abogado-- f*ck!"
"Oh my gosh!" gulat na sigaw ni Daphne.
Hindi niya inaasahan ang biglaang pagsuntok ni Treyton sa sikmura nito. Mabilis na lumapit si Daphne kay Claude at hinawakan ito sa balikat.
"Hey, are you okay?" tanong niya at mabilis na binalingan ng tingin si Treyton na ngayon ay walang kaemo-emosyon. "Nababaliw ka na ba? Bakit mo ginawa 'yon sa kaibigan mo?!" tanong niya rito.
"Huwag kang mag alala, Doc. Malayo sa bituka 'yan," sambit ni Ryder saka tinapik sa balikat si Claude. "Umaakting lang 'tong ugok na 'to at ganyan talaga ang bonding nila, masanay ka na."
"Oo nga, Doc. Okay lang ako, malayo sa bituka," sambit pa ni Claude na nakahawak pa rin sa tiyan nito.
Hindi naniniwala si Daphne na hindi ito nasaktan dahil bakas sa mukha nito ang sakit. Umalis naman si Treyton na parang walang nangyari at gano'n din ang dalawa nitong kaibigan. Naiwan siyang nag-aalala at naguguluhan sa ikinilos ni Treyton.
"He's look likes a psychopath!" sigaw ni Daphne sa kaniyang isip.
Chapter Nine: Hidden Agenda"Mabuti naman at nagpunta ka rito."Napatingin si Daphne sa kadarating lamang na babae. It's her Mom. As usual ay kasa-kasama pa rin nito ang bago nitong asawa."Pang bawi na lang sa ginawa ko no'ng nakaraan.""Dapat lang, Daphne, dahil ilang araw na lang ay ikakasal ka na. At saka baka gusto mo rin bumawi sa kapatid mo? Sa ginawa mong pagsisinungaling para lang makaalis ka."Daphne smirked. "Until now, para sa inyo ay nagsisinungaling pa rin ako? Bakit kasi hindi niyo siya tinanong?""Sa tingin mo ba ay hindi ko siya tinanong?" inis na tugon ng Mama niya ngunit nasa mababang tono lamang ng boses."Oh, tinanong niyo pero itinanggi niya, malamang kaya ang ending ako ang sinungaling. Nasaan ba siya ngayon? Para naman ako na mismo ang kumausap sa kaniya.""W-Wala siya dito, dahil abala siya sa darating nilang exam."Hindi na lamang nagsalita si Daphne at kinuha na lamang niya ang isang baso ng wine sa kadaraan lamang na waiter. Mabilis niyang itinungga iyon sa
Chapter Ten: Awakened BeastNatuloy ang kasal nang araw na rin na iyon. Kahit labag sa kaniyang puso at prinsipyo ay walang magawa si Daphne. May mansion na rin na nakahanda para sa kanila. Ngunit hinayaan lamang siya ni Treyton sa kung saan niya gustong mag stay. Kaya naman sa guest room siya tumutuloy.Hindi naman makatulog ng maayos si Daphne tuwing gabi dahil gabi-gabi rin ay iba't-ibang babae ang inuuwi ni Treyton at maingay na pinagsasaluhan ang init ng katawan. Palagi na lamang siyang puyat na pumapasok sa hospital, hindi siya makatulog sa ingay ng mga ito na tila ba sadyang ipinaparinig sa kaniya ang mga ungol at halinghing ng mga ito.Ngayon araw ay naisipan niyang hindi pumasok dahil masama ang pakiramdam niya. Hindi na siya magtataka kung bakit dahil bukod sa puyat ay pagod rin siya sa trabaho. Dito niya mas nakilala ang mga katulong na kasama nila at isa na doon si Manang Sonya.Hinahatiran siya nito kung ano man ang kailangan niya. Ito rin ang nagsilbing personal maid niy
Chapter Eleven: The Reason Why "Anong ginawa niyo?! Sagutin mo ako!" Hindi malaman ni Daphne kung bakit galit na galit si Treyton. Ibang-iba ito sa pangkaraniwang Treyton na nakikita niya sa araw-araw. Ngayon ay para bang kayang-kaya siya nitong saktan. Napailing na lamang siya sa takot. "W-Wala... Wala kaming ginawa." "Tsk. Sa tingin mo maniniwala ako?!" mas humigpit ang pagkakahawak ni Treyton sa balikat niya. Unti-unti ay naglandas ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa takot. "Pare-parehas talaga kayong manloloko! You're just like my, Dad! And now, you should be punish!" Kinaladkad siya ni Treyton paakyat. Halos sumigaw na siya dahil sa nararamdamang takot. Hawak ni Treyton ang kaniyang buhok, hindi na niya nagawang lumaban dahil alam niyang mas masasaktan siya. Tumatama ang kaniyang mga braso sa bawat pagitan ng hawakan sa hagdan, lamesa at pinto. Nagulat na lamang siya nang diretso siya nitong ipinasok sa kwarto nito at malakas na hinagis sa kama. Napaurong si Daphne han
Chapter Twelve: The Unexpected Surprise!"Ano ng balita sa missing in action mong asawa? May pa-surprise pa kuno!" kantiyaw ni Izzy kay Daphne habang kumakain sila sa cafeteria.Napairap naman siya."I don't want to talk about him. Nakakawala ng gana kumain."Tatlong buwan na ang nakalipas, walang Treyton ang nagpakita at nagparamdam sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan ito, kahit ang pamilya nito ay hindi magawang sabihin sa kaniya kung nasaan ito. Ang akala pa naman niya ay simpleng business trip lamang at babalik rin kaagad ang asawa.Her husband? Tanggap na nga ba niya talaga? Oh, well. Matatanggap na nga niya siguro kung bumalik ito at nagbago, ngunit heto at mukhang pinaasa lang siya.Hindi naman kasi makakailang hinihintay niya ito bumalik, para sa surpresa nitong sinasabi. Hanggang sa napagod na lamang siya maghintay at mawalan ng pakialam dito. Kung tutuusin ay pabor sa kaniya na wala ito sa tabi niya dahil tila ba malaya na ulit siya.Pwera na lamang sa personal body guard
Chapter Thirteen: Make Out On Airplane"Ang gwapo niya talaga, shemsss!""True! Kanina pa nga 'yon nando'n na parang may hinihintay!""Ayy naku! Sinasabi ko sa inyo kung sino man ang jowa no'n ay talagang pinagpala ni Bathala!"Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ni Daphne na bulungan sa loob ng Hospital. Napailing na lamang siya dahil karamihan sa mga ito ay nurse. Marahil ay may nakita na naman ang mga ito na guwapo kaya ganito ang kwentuha at tila mga kinikilig pa."Besh! Kanina pa ako dito ang tagal mo!" salubong na angal ni Izzy.Nakasandal ito sa pader malapit sa pinto ng Doctor's Quarters. Halata ang pagkayamot sa itsura. Kakatapos pa lamang niyang mag rounds at hindi na rin niya napansin ang oras. Halos maga-ala una na ng hapon ngunit heto at kakain pa lamang sila."Sorry, I forgot to check the time. Hayaan mo libre ko na lang ang drinks mo.""'Yan ang gusto ko sa 'yo! Hoy, wala ng bawian 'yan, ah?!"Napatango na lamang siya habang nakangiti saka kinuha ang wallet sa loob ng bag
Chapter Fourteen: What I want? ••• Daphne "Oh, Treyton apo! Narito ka na pala!" nakangiting sambit ng matanda nang makita nito si Treyton. Mabilis na lumapit si Treyton dito saka nagmano at niyakap ito. Sa tingin ko ay sobrang close nila dahil ngayon ko lamang nakitang nakangiti si Treyton. Pero hindi mawala sa akin ang pagkainis dahil nakangiti rin ang kapatid kong si Diane sa tabi nito. "Bakit kasi hindi ka pa sumabay sa Mommy mo kahapon?" tanong ng matanda. Lumapit sa akin si Treyton saka yumapos sa balakang ko. Ngayon niya lang ako kinapitan ng ganito na halos para bang ayaw akong makuha ng iba. Naiilang akong tumingin sa kanila lalo na sa ibang tao na hindi ko pa kilala. "Lo, hindi ko naman po kasi puwedeng basta na lang iwan ang asawa ko. By the way, everyone meet Daphne Romero Fuentevalle. She's a Doctor and she's saving lives everyday and yesterday both of us have hectic schedule," tugon ni Treyton. Pinasadahan ako ng tingin ng Lolo niya. Kitang-kita ko ang pagkadismaya
Chapter Fifteen: Always Wrong••• DaphneWhat's with his look? Nakakatakot.Naiilang akong tumingin dito saka napayuko. Para bang galit na naman ito. At sigurado ako na dahil na naman iyon kay Theo."Lolo, let's swimming na!" sigaw ng batang si Hunter."Yes, we will go na sa Island! Mukhang excited ka na talaga, ah!" natatawang sambit ni Lolo.Island? Swimming? Oh, no. I can't swim. "Excited na rin po ako, Lolo," nagmamaarteng sambit naman ni Diane.Did they know that she is my sister? Alam rin ba nila na isa ito sa mga babae ni Treyton? Unbelievable."Since, kumpleto na tayo ay magpunta na tayo sa resort," sambit ni Havoc.Kaniya-kaniyang kilos ang mga ito at bumalik sa kaniya-kaniyang kwarto para kunin ang mga gamit. Ako naman ay nakaupo lang sa sofa. Ayokong sumama. Hindi rin naman ako mage-enjoy. Sabihin ko na lang na nilalagnat ako?"Why you're not pack your things?" bungad ni Treyton pagkapasok pa lang nito sa kwarto."Ah, kasi-- p-puwede bang huwag na lang sumama?"Sandaling t
Chapter Sixteen: Allergy Hit Me ••• Daphne "Andrei? Are you for real?!" nakangiti kong tanong nang makalapit ito. Niyakap ako nito nang mahigpit saka nagkibit-balikat. Hindi pa rin sumisink-in sa isipan ko na nasa harap ko siya ngayon. Andrei is our Izzy's bestfriend. We're actually trio! But suddenly Andrei move in at New York and take business management course. "Hey, you look so gorgeous! Muntik na kitang hindi makilala!" "Ikaw nga itong muntik ng hindi ko makilala! Sobrang laki ng pinagbago mo! May abs ka na infairness!" sabay tinaas nito ang sando. "Wow, ang yabang pa rin, ah?!" natatawa kong sambit. "Why are you here? Where's Izzy cheezzy?" Naalala ko naman bigla kung anong dahilan kaya ako nandito. Sumilay ang pekeng ngiti sa aking labi. He knows me very well at kahit papaano ay ayokong ipahalata na hindi ako okay, na hindi ako masaya. "Ah, I'm not with Izzy right now, I'm just--" "Mr. Florenzo?" boses iyon ni Treyton kaya napatingin ako sa aking likuran. "Oh, Mr. Fuen