Share

Chapter 5

"I see that you were having fun," Sabi ni Lev sa akin.

"I can't say no to him. Anak ng Presidente. At isa pa, everyone was looking at me. Alangan namang ire-reject ko siya," I defended myself.

Lev and I are both sitting in the table with foods in our plates. Si Kali? Hindi ko na alam kung nasaan siya. I didn't bother looking for her kasi naging busy na din ako.

"I didn't say you should have rejected him," Iling niya. "I just thought that we should stick together."

"Right," I nodded. "I'm sorry."

Dapat pala hindi na ako nag-entertain ng mga lalaki. I should have been pretending that Lev got my interest and my attention should only be his. Same goes to him. Ganun din dapat.

"It's fine. Gaya ng sabi mo, bastos din tingnan kong umayaw ka kanina."

Tumango lang ako at sumubo ulit ng pagkain. Masarap naman yung pagkain pero wala akong gana. Sayang kasi kung hindi ko kakainin. Mukhang mamahalin pa naman.

"Anyway, hindi ka yata late?" I asked.

"Oh. That." He nodded. "I had to take care of my Mom. Nasa ospital pa din kasi and may lakad ang dalawa kong kapatid kaya I waited for them to come back at saka na ako nakapunta dito."

"How is she? Ano ang diagnosis ng doktor?" I asked.

"My sisters won't tell me. Pero sigurado akong hindi maganda. They would've told me sooner if it wasn't that serious," Sagot niya.

"Why so? Hindi ba dapat alam ko kung ano yung sakit ng ina mo, no matter how complicated her condition is?" I asked confusely.

Kung totoo mang may malubhang sakit ang Mommy niya, may karapatan siyang malaman ito. Anak pa rin siya kahit ibaliktad man ang mundo.

"Ayaw nilang mag-aalala ako," He sighed. "You know that they still treat me like a baby brother, right?"

"Because you are," I shook my head. "I understand why they have to do that but that doesn't mean kailangan nilang itago ito mula sayo."

"Forget it. Kapag nalaman ko baka hindi ko makayanan. My sisters know me best at alam na nila siguro kapag nalaman ko ay mababaliw ako," He sighed. "Anyway, you don't have to worry."

I nodded. "Okay. Sabi mo e."

"Umiinom ka ba?" He asked na ikinatango ko. "I want to drink something hard. If you want to join me, nandun lang ako." Tinuro niya yung bar counter.

"You go ahead. Kakain muna ako."

Tumango siya at ngumiti bago ako tinalikuran. I feel sad for him. Everything must have been hard for him these days. Nandun yung pressure na dapat siyang ikasal ngayon. Idagdag mo ba yung kondisyon ng ina niya. Everything is happening all at once and it must have been too much for him to handle. But still, he stood strong and managed to put a smile on his face. I envy him though. Nakayanan pa niyang ngumiti kahit andami na niyang hinaharap. Ako nga hindi ko na kayang ngumiti. I don't know it just seems so hard for me. Besides, I don't see any reason for me to smile.

LEV'S POV

Habang papalapit pa lang ako sa bar counter ay nakangiti na agad sa akin yung bartender. I smiled back at him as he wave his hand to my direction.

"My friend, how are you?" Tanong niya sa akin nang makalapit ako.

"Everything is not on their right places," Iling ko. "Alam mo naman siguro ang nangyari."

The smile on his fave vanished at napalitan ito ng pag-alala. "I've heard. How's Tita?"

"The doctor said that she's stable for now. She's conscious though, kaya lang nanghihina pa rin," I replied.

Hindi mawala sa isip ko kung paano pinilit ni Mommy yung ngiti niya nung nagpaalam ako kanina. She doesn't want me to worry, gaya ng mga kapatid ko. I just don't understand kung bakit bini-baby pa rin nila ako kahit matanda na ako.

"Ano daw sakit ni Tita?" Andrew, the bartender, asked.

"Ayaw sabihin nina Ate. I know that Mom told them not to tell me. Wala akong magagawa kundi respetuhin ang gusto nila. As if may magagawa pa ako," I smirked.

"Don't worry bro. I got you," He chuckled. "How hard ba ang gusto mo."

"Not that hard, Andrew. Nasa party pa ako," I chuckled.

"Okay."

Iniwan na ako ni Andrew para ihanda yung inumin ko. I look around and was welcomed with fancy lights. Kung wala lang sa ospital si Mommy, magagawa ko pang mag-enjoy sa party.

Bumalik na si Andrew dala yung inumin ko. Dahil sa kagustuhang maramdam ng manhid, hindi ko na namalayan na naparami na pala ang nainom ko. Hindi naman ako napigilan ni Andrew kasi marami na din siyang inaasekaso. Napangiti nalang ako nang maalalang sinabihan ko pa si Andrew na hindi ako maglalasing. I ended up feeling tipsy.

Mula sa malayo ay nakita kong papalapit si Kaia sa akin. Napangiti nalang ako nang makitang ibang damit na naman ang suot niya.

"What took you so long?" I asked. "Inubos mo pa ba lahat ng pagkain sa buffet table bago ka makalapit sa akin?"

Kumunot yung noo niya na para bang naguguluhan. She even squinted her eyes bago lumapit sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Don't judge me," Turo ko sa kanya. "I know I'm messed up. Don't worry, I won't make a scene."

Napapikit ako nang mariin. Damn! Nahihilo na ako. Bakit pa kasi ako uminom nang marami kung hindi ko naman pala kaya. Dahil sa kalasingan, muntikan ko nang mahalikan yung sahig. Buti nalang nahawakan ako ni Kaia sa balikat.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin at pinaupo pabalik.

"I'm fine. Just tipsy," Sagot ko kahit alam ko naman sa sarili na lasing na ako.

"I'll take you home. Saan ba bahay niyo?" She asked.

Kumunot yung noo ko nang makita yung pag-alala sa mukha niya. Oh? Nag-aalala ba ito sa akin? Akala ko wala siyang puso?

"Mukhang ikaw yata ang lasing," I chuckled. "Are you okay?"

Tinuro ko pa yung mukha niya. She seemed surprised with my words. Ano bang nakain nito at naging mabait?

Teka. Lasing lang talaga siguro ako. Tama. Imagination ko ang lahat ng ito. Bukas na bukas mamalditahan na naman ako nito. I'll take advantage of her being good to me.

"Ituro mo nalang sa akin kung nasaan yung sainyo. Better yet, tell me your address. Ihahatid na kita," Presenta niya.

Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan. Hindi ko na din pinansin ang mga tao sa paligid. I didn't have time for I'm too dizzy to do so.

Naramdaman kong pinasok niya ako sa sasakyan and so I told her the address. She started the engine and started driving the car. At this point alam kong kong makakatulog ako sa byahe kaya hindi ko na pinigilan ang sarili at natulog na.

KAIA'S POV

I couldn't find Lev anywhere. Ang sabi niya kanina na sa bar counter lang daw muna siya. Kumain lang ako at pagkatingin ko wala na siya. Hindi ko na din makita si Kali. Paniguradong umuwi na yun dahil sa pagkabagot. I frowned. Boring na nga't lahat-lahat, iniwan pa nila ako. Uwi nalang siguro din ako.

I was about to walk out when someone held my wrist. I looked back and saw the same guy who halted me earlier. The President's son, Sebastian.

"Kaia," He called me. "Uuwi ka na?"

I nodded. "Oo. Wala naman akong ibang gagawin dito."

"But the party is not over yet," Sabi niya. "Please stay a little longer."

I hesitated. It looks like he really wanted me to stay. Pero mukhang ang kabaliktaran ang gusto ng karamihan. All the women were eyeing me as if I did something bad. I sighed before facing Seb.

"I would love to stay a bit longer. But I really must go. Something came up," I lied.

I know that it was a lame excuse pero wala na talaga akong maisip. Alangan namang sabihin ko na ayaw ng lahat na nandito ako. Isa pa, kanina ko pa napapansin na nagpapansin yung ibang babae sa kanya pero siya sa akin lang ang tingin. Hindi makakaporma yung iba sa kanya.

"Okay." He nodded. "Can I at least ask for your number?"

"What for?" I asked.

Napakamot siya sa batok niya na tila nahihiya. "Ano... I'd like to contact you personally if there will be another party. If you don't mind."

Napangiti nalang ako sa kanya. What I good excuse of wanting to see me again, Sebastian.

"Sure," I nodded.

Kumuha ako nang calling card at inabot sa kanya. Kita ko yung galak sa mga mata niya and I couldn't understand it. It's just paper and it made him so happy. May mga tao talagang mababaw ang ligaya and I couldn't blame him for it. We all have different levels of happiness. As for me, hindi ko alam kung makakaramdam din ba ako ng galak.

Nagpaalam na kami ni Sebastian sa isa't-isa. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas mula sa venue. It will always be suffocating like how it was previously. I then decided to go home para makapagpahinga na.

"Kaia, I met the man of my dreams!" tili ni Kali pagkapasok ko sa silid namin.

"I'm tired, Kali," iling ko at napahiga sa kama.

"Sa bagay, nakakapagod naman talagang makipag-usap ng napakaraming lalaki. Yieeee!" Tili niya. "Ang ganda mo talaga tonight. Haba ng hair."

I chuckled. "Kung maganda ako, maganda ka rin no. Magkamukha lang kaya tayo."

"Magkamukha nga pero iba-iba naman charisma natin no," She said. "Ah basta! Nakakakilig talaga Kaia."

"Sino ba yan ha? Baka fvckboy yan ha? Naku kapag nalaman kong fvckboy nga yan malalagot ka talaga sa akin," I said.

"Yes Mommy," Irap niya. "Hindi ko na nga nakuha pangalan niya. It was complicated."

"You never even got the chance to ask for his name? Paano mo siya mahahanap?" I asked.

"Don't worry, Twinnie. I believe that it won't be the last time I'll see him. And when I do meet him, ipapakilala ko siya sayo."

"Di nga?"

She nodded. "Oo nga!"

"Okay. I respect your judgment," I said and closed my eyes.

Ako yung dapat ikasal pero mukhang si Kali ang naunang nakakita ng nagugustuhan. Ang bilis naman niyang makakita ng crush.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status