Ang venue para sa handaan ay ang isa sa Montefalco Hotel, isang lugar kung saan karaniwang hindi pinupuntahan ni Aurora. Ang Montefalco Hotels ay isa sa mga pinaka-advanced na hotel sa lungsod, na kilala bilang 5 stars hotel.
“Auntie!” bati kaagad ni Sharon ng makita ang Auntie Vilma na papasok sa loob ng Montefalco Hotel.
Narinig naman ito ng Auntie Vilma ni Sharon at agad na lumingon sa direksyon ng kanyang pamangkin. Binati pa nito ang mga kaibigan ng kanyang asawa na siyang pumapasok din sa entrance ng hotel at matapos batiin ang mga kakilala ng kanyang asawa, ay pinakiusapan niya ang kanyang anak na mauna na sa loob ng hotel, at siya naman ay nanatili sa pintuan ng hotel upang salubungin ang kanyang pamangkin.
Naglalakad si Sharon patungo sa Auntie Vilma niya samantalang si Aurora ay nakasunod sa likod nito.
"Auntie Vilma, magandang gabi po." bati ulit ni Sharon sa Auntie niya at nagmano pa dito.
Alam ni Vilma na dinala ng kanyang pamangkin si Aurora, at medyo nag-aalala siya sapagkat si Aurora, ng makilala niya ito ay mas maganda pa kaysa sa kanyang pamangkin, kahit na sabihin pang mas maganda ang estado ng buhay ni Sharon at ang kay Aurora ay hindi, ngunit ang angking ganda ni Aurora ay parang mapagkakamalan pang mayaman ito kaysa sa pamangkin niya.
Kaya hindi maiwasan na mag-alala ni Vilma sapagkat baka mas makuha pa ni Aurora ang atensyon ng mga mayayamang bachelor sa party kaysa sa pamangkin niyang si Sharon.
Pagkatapos magmano ni Sharon sa kanyang Auntie Vilma ay bumati naman si Aurora dito na nakasunod sa likod ni Sharon. Doon rin mas napansin ni Vilma na nakasuot lang ito ng isang simpleng damit na may kaunting light makeup, at ni walang alahas ito sa katawan kaya kahit papaano’y natuwa si Vilma.
"Mabuti naman ang nakarating na kayo at ito ang iyong invitation letter, pumasok na kayo sa loob para magparehistro."
Nagmamadaling kinuha naman ni Sharon ang sarili niyang imbitasyon habang ang Auntie Vilma nito ay may mga bagay na pinapaalala sa kanila.
"Pagpasok niyo sa loob siguraduhin niyong maayos kayo kung kumilos, ugaliin niyong makihalubilo sa mga ibang bisita rin, “ sabi ni Vilma tapos ay nalipat ang tingin niya sa kay Aurora, “ At Ayang mas matino ka sa kaibigan mong ito kaya bantayan mo at huwag mo itong hayaang gumawa ng gulo o kung ano pa, may ipapakilala pa naman ako diyan sa kanya na isa sa mga mayayamang bachelor dito sa ating syudad.”
Tumango naman si Aurora sa Auntie Vilma ni Sheila na nakangiti, “ Makakaasa po kayo Auntie Vilma, ako bahala sa kay Sharon.”
Tapos ay bumulong si Vilma sa kanyang pamangkin, "Sharon, umayos ka, ito na ang chance mong makakilala ng mayamang bachelor dito sa ating syudad at pag nangyari iyon ay isang malaking karangalan iyon sa pamilya natin.” madiin na bilin ni Vilma sa jay Sharon, “ ikaw ang inaasahan namin sapagkat bata pa iyang pinsan mo at wala pa sa tamang gulang at panahon.”
Napabuga na lang hangin si Sharon sa ibinulong ng Auntie Vilma niya sa kanya, “ Auntie naman alam naman nating sobrang taas ng estado ng mga iyan kaysa sa atin at feeling ko hindi rin ako bagay sa mga ganyang lalaki.”
Expected na talaga ni Sharon ang gusto ng Auntie Vilma niya sa kanya pero wala talaga siyang balak para gawin ang mga bagay na sinabi nito sa kanya. Para sa kanya ay pumunta lang siya sa party na iyon para magsaya, uminom at kumain.
Si Aurora naman ay nasa tabi ni Sharon at mataman na nakikinig sa bulungan ng magtiya.
Hindi naman nangangarap si Sharon at gawin talaga ang sinabi ng Mama at Auntie Vilma niya, ngunit hindi rin nito napigilan na magtanong kung sino ba ang pinakamayang bachelor sa syudad nila.
"Ano po ba iyong pangalan ng pinakamayamang lalaki dito sa atin Auntie?"
"Naku iyong mga Montefalco ang mismong may-ari ng hotel na ito."
"Hmmm, di ba Montefalco rin ang napangasawa mo Bes?" Bahagyang hinawakan ni Sharon si Aurora ng maalala na ang last name ng lalaking pinakasalan nito kamakailan lang ay may parehos na apelyido sa pinakamayamang pamilya sa syudad nila.
Si Aurora naman ay napansin na rin iyon, simula ng marinig niya ang venue ng party, alam niya ring may Montefalco hotels pero kahit na kailan ay hindi sumagi sa isip niyang mag-isip na parti ng pinakamayamang pamilya ng mga Montefalco ang kanyang asawang si Franco, para kasi sa kanya maraming ordinaryong mga taong may parehong apelyido sa ibang mga mayayaman.
Kaya nagkibit balikat lang siya. Marami pang ibinilin at sinabi ang Auntie Vilma ni Sharon pero itong si Sharon ay hindi na nakikinig ng maayos, ang lahat ng mga sinabi ng Auntie Vilma nito ay ipinasok lang sa tenga niya at pinalabas sa kabila. Kaya di maiwasang hindi mairita ang Auntie Vima nito sa kay Sharon.
“Hay naku Sharon, kahit na kailan talaga hindi ka nakikinig ng maayos, “ inis na turan ni Vilma sa pamangkin, “ sige na mauna na kayo sa loob at may kakausapin pa ako… pero ang mga ibinilin ko Sharon.”
"Auntie naman eh, mauna na nga kami."
Pagkasabi nun ay mabilis na hinila ni Sharon si Aurora palayo sa Auntie Vilma nito, naririndi na ang tenga ni Sharon sa pagmamaktol ng kanyang Auntie Vilma, gaya ng kanyang ina, kaya di nakapagtataka kung magkasundo ang dalawa.
Hindi maiwasang mamangha ni Aurora ng makapasok na mismo sa loob ng Montefalco hotel, dumiretso sila sa pinakamalapad na function hall nito kung saan ang mga panauhin at ang mga pagkain. Si Sharon naman ay nakailang beses ng makapunta sa lugar kaya pangkaraniwan na lang ito sa kanya.
Agad na ikinuha niya si Aurora ng dalawang plato ng pagkain tapos naupo sila sa isang sulok.
Ngumiti si Aurora sa pinaggagawa ni Sharon at sinabing, "Kung alam ni Auntie na pumunta ka dito para kumain, magagalit iyon."
“Hay naku Bes, hayaan mo na nga sila, isa pa alam nating dalawa na ito lang talaga ang pakay natin dito ano.”
Mahinang natawa silang dalawa gaya ni Sharon ay pagkain lang din ang pinunta ni Aurora.
Sinulit nina Aurora at Sharon at sitwasyon. Nag e-enjoy silang kumakain at uminom ng mamahaking wine. Wala silang pakialam sa kung ano ang mga kaganapan sa palibot nila. Isa pa para kay Aurora kasal na siya kaya wala talagang rason para magpapansin o magka interest na makakilala ng kung sino sa lugar na iyon.
Patuloy sa pagkain ang dalawa sa sulok na parti ng function hall na iyon at komportable sa kanilang ginagawa. Hanggang sa napansin ni Aurora na biglang tumahimik ang lahat. Kaya napahinto sa pagkain ang dalawa.
Bahagyang siniko ni Aurora si Sharon na katabinlang nito sa upuan at tinanong, "Bes, bakit sila natahimik, anong meron bakit lahat sila nakatingin sa pinto… sino kaya ang paparating?"
"Hindi ko alam." mabilis na tugon ni Sharon.
Tumayo si Sharon at, sumunod din si Aurora. Minabuti nilang pumunta sa kumpol na mga taong nakiki siksikan dun sa malapit sa pintuan upang salubungin at makita ng malapitan kung sino man ang pinakaimportanteng taong paparating. Ngunit sa dami ng tao ay nahihirapan ang dalawang makita ang taong paparating.
Si Franco Montefalco, nakasuot ng suit at leather na sapatos, ay dire-diretsong pumasok sa kanyang malaking hotel na napapalibutan ng isang grupo ng mga bodyguard.
Ang party ngayong gabi ay pinamumunuan ng isa sa malaking tao na ka negosyo ni Franco kaya bilang CEO ng kompanya nila at tagapamahala ng negosyo ng pamilyang Montefalco ay walang siyang choice kung hindi ang pumunta at asikasuhin ang isa sa pinakamalaking investor niya sa negosyo.
Nakikita niya ang mga taong nagkukumpulan sa pagsalubong sa kanya at sanay na rin siya. Hindi siya ang tipo ng taong basta-basta na lang nakikihalubilo sa lahat. Seryoso at maamo ang kanyang mukha. Kaya marami ring atubiling mag approach sa kanya. Pero sa kabila ng lahat aminado siya na sa kabila ng pagiging malamig niya at hindi palangiti ay maraming nahuhumaling sa kanya pero palagi niyang iniisip na dahil iyon sa kayamanan na meron siya at hindi sa kung ano ang personalidad niya.
“Mr Montefalco, ikinagagalak naming nakapunta ka!” salubong na pagbati ng investor niyang may pasimuno ng pagpupulong nila ngayong gabi.
MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "
MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling
ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p
BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind
Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang
Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si
“Elsa, araw-araw ay pumapasok si Anton sa trabaho. Siya ay abala at pagod sa trabaho, kumikita ng pera para suportahan ang kanyang pamilya at itaguyod kayo ni Boyet. Ikaw ang asawa niya; dapat ay alagaan mo siya. Paano mo naman ipapagawa kay Anton ang gawaing-bahay?” Hindi umimik si Elsa at nasa loob pa rin siya ng kusina bagkos ay nagpatuloy ang Mama ni Anton sa pagsasalita. “Sinabi ni Anton na dapat pareho kayong may ambag sa responsibilidad sa bahay na ito dahil ayaw niyang sa kanya lahat manggaling ang lahat ng gastusin dito sa loob ng bahay at ikaw naman kung ganito ang gusto mo paano kayo mabubuhay nang magkasama nang ganyan? Bilisan mo na at linisin mo ang mesa. Huwag mo nang pakialaman si Anton. Pagod na sa mga bagay sa labas ang asawa mo. Dapat mong isaalang-alang ang kanyang nararamdaman!” Sumang-ayon si Luisa sa mga sinabi ng kanyang ina, “Ganun na nga, hindi ka nagtatrabaho, at nandiyan si Boyet, at ang lahat ng pangangailangan mo sa pagkain, damit, at tahanan ay galing
SI Franco ay may kaunting kaartehan sa kalinisan. Iniisip niya na marumi ang kamay ng bata at sinisira ang mga bagong laruan, kaya nga niya pinabigay ang isa sa mga bagong set ng laruan sa pinsan ng pamangkin ni Aurora.Dahil na rin sa ginawa niya ay tumigil ang pag-aaway ng dalawang bata at medyo umayos ang tensyon sa paligid.Bagaman tahimik at kunti lang magsalita si Franco, pero ang mga tingin sa kanyang mga mata kanina at ang kanyang ekspresyon ay tama lang upang ipaalam sa pamilya Santos na hindi madaling kalabanin ang asawa ni Aurora.Si Mrs. Santos, ang nanay nina Anton at Luisa ay medyo napataas ang kilay sa kay Aurora at sa asawa nito. Sa isip nito ay nakahanap na si Aurora ng lalaki na hindi basta-basta. Alam niya na malalim ang samahan ng kanyang manugang at ni Aurora at kung anong uri ng tao ang kanyang anak, kaya't malinaw din sa kanyang puso sa kung ano ang dapat nilang gawin at pakikitungo pagdating sa kay Elsa ngayon.Kailangan niyang humanap ng pagkakataon na paalala
INIS na inis si Aurora sa mga narinig. Isa pa malaki ang lungsod kaya hindi sila matutunton ng mga iyon. Iniisip niya pa lang kung paano maka demand ang lolo at ang half brother niya ay naha-highblood na siya. Samantalang si Franco naman ay mataimtim na nakikinig sa usapan ni Aurora at lolo nito at bawat usapan ay nakataktak sa kanyang isipan. Isa pa pinaimbestigahan niya na kung anong klaseng pamilya ang meron sina Aurora at kaya may tiwala siya na magkukuha niya ang report nito sa lalong madaling panahon. Nang dumating ang mag-asawa sa bahay nina Elsa ay siya namang lumabas ito para magtapon ng basura. "Ate." tawag ni Aurora sa kanyang Ate Elsa. Masaya si Aurora na makita ang kapatid niya kaya agad itong lumapit dito pagkalabas niya agad sa kotse. "Ayang, andito ka na pala." Niyakap ni Elsa si Ayang at ganun rin ang ginawa ni Ayang sa Ate niya. Habang yakap niya ito ay agad naman siyang napabitaw ng makita niya ang kanyang bayaw na lumabas sa kotse nito at may mga dala-dalang