Home / Romance / Married To My Evil Boss: Instant Mommy / Chapter 1 — Kulubot na Hotdog

Share

Married To My Evil Boss: Instant Mommy
Married To My Evil Boss: Instant Mommy
Author: jhowrites12

Chapter 1 — Kulubot na Hotdog

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-07-29 02:58:41

Justine Point of View

"Sir, bakit po?"

Nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. Nasa hapag ako ngayon habang kumakain nang bigla siyang dumating. Tumayo siya sa gilid ng mesa. Pinagmamasdan ako.

"Ano iyang kinakain mo Tin?" tanong niyang nakakunot noo. Nakatitig sa hawak ko.

Hindi ko mapigilang mapalabi nang tumingin sa niluto kong hotdog kaninang umaga. Hindi siya kumain ng umagahan dahil nagmamadali siyang umalis—ni hindi pinansin ang inihanda ko. Para sana sa kanya ang almusal na iyon. Kaya para hindi masayang, ako ang kakain. Sayang naman ang effort kong nagluto.

"Iyong hotdog niyo pong kulubot na..." ika kong muling sumubo sa isang pirasong hotdog. Kalahati niyon ang nasa bibig ko nang biglang mapatikhim si Sir Xander. Nakatitig pa rin siya kaya naasiwa ako.

Niluwa ko iyon kahit na may laway ko na. Para kasi akong mabibilaukan sa paraan ng tingin niya sa akin habang isinusubo ang hotdog. Nakatitig talaga siya habang sinusubo ko ang hotdog na kumulubot na dahil kaninang umaga pa naluto. Anong oras na, magtatanghali na yata.

Ganoon pala kapag nasobrahan sa luto ang hotdog. Nangungulubot at para pa ngang lumiit. Kanina ay kay laki niyon.

"Sir, may kailangan ka ba? Sorry kung kinain ko itong hotdog mong kumulubot na. Sayang po kasi kapag hindi kinain," ika kong sinubukang magpaliwanag. Baka nagagalit siya dahil kinain ko ang hotdog niya. Kaya may naisip ako para makabawi sa kanya. "Di bale po Sir Xander, patitikimin ko naman kayo ng tilapia ko mamaya—"

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang napaubo na para bang nabilaukan. Namula pa siyang umubo nang umubo kaya natigil ako sa pagsasalita.

Mabilis akong kumuha ng baso ng tubig. Binigay ko iyon sa kanya. Agad niya iyong tinanggap at uminom na para bang uhaw na uhaw.

"Sir, puwede naman po ninyong sabihin na ayaw niyo ng tilapia ko. Hindi ko naman po ipipilit iyon ipakain sa in—"

Nagulat ako at napasinghap nang maibuga niya sa akin ang tubig na iniinom. Mangiyak ngiyak tuloy ko siyang tinitigan dahil napahiya ako. Nabasa ako ng tubig mula sa bibig niya.

"Sir, galit po ba kayo sa akin? Kung ayaw niyo po ng tilap–"

"Tin, stop talking about the tilapia or that hotdog, please!" bigla niyang ika na halos pabulyaw pa. Binagsak niya ang baso ng tubig sa mesa bago tumingin sa akin. Tila inaarok ang reaksyon ko.

Kay pangit talaga ng ugali ng boss kong ito. May pagka-satanas talaga. Magluluto pa naman sana ako ng sinabawang tilapia. Masarap sanang s******n iyon lalo na kung malinamnam ang pagkakaluto. Pero ayaw niya. Sabagay, hindi ko naman talaga alam kung kumakain ba siya ng tilapia. Hindi ko naman siya natanong kung ano ang ayaw at paborito niya. May nakita kasi akong hotdog at tilapia sa fridge kaya ang inakala kong gusto niya ang mga iyon.

"I need your help. Get change, and I will tell you why when we are on our way," bigla niyang ika. Hinawakan pa ang kamay ko.

"Ho?" Maang na tanong ko. Nagtataka.

"Tin! Hindi ka naman bingi para hindi ako maintindihan. Just do what I am telling you!" Parang nairita niyang saad nang hindi ako agad tuminag.

Hindi ako bingi pero hindi ko siya naintindihan. Bakit ako magpapalit at sasama sa kanya? Saan kami pupunta?

"Kailangan ko pa bang ulitin ang utos ko, Tin? Sabi ko magbihis ka..."

Oh, di ba! Napaka-moody ng amo kong ito. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho at pera, nilayasan ko na. Kahit guwapo, ang pangit naman ng ugali!

Napatingin ako sa naantala kong pagkain.

"Sir, hindi pa po ako tapos kumain. Sayang iyong hotdog, minsan lang kami nakakakain ng ganyan ng inay at kapatid ko kaya sayang naman. Puwede po bang tapusin ko munang kumain?"

"Come on, Tin, sundin mo na lang ang utos ko. Itapon mo na iyan. I will give and let you taste a better and bigger hotdog, basta sundin mo lang ang gusto ko!" Tila nawawalan ng pasensiya na saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Xander. Muli kong sinulyapan ang hotdog na nasa mesa. Jumbo na iyong niluto ko. May mas malaki pa pala doon na hotdog?

Wow! Kung ganoon baka mas masarap nga iyong sinasabi niyang mas malaking hotdog.

"Sige, Sir, ililigpit ko lang po ang mga ito at magbibihis na agad ako..."

"Okay, bilisan mo. Hindi na ako makapaghihintay. I need us to leave right away. Baka wala na akong oras..."

Hindi ko maiwasang taasan ng kilay si Sir Xander. Binalewala naman niya ako at tinalikuran agad na para bang nagmamadali talaga. Bago umalis ay parang may kausap na siya sa telepono. Para siyang pusang hindi mapaanak-anak. Ewan ko doon, kanina parang eroplanong agad na sumibat, ngayon naman, nagmamadali na parang manganganak. Dinamay pa ako.

Habang nagliligpit ay napapaisip pa rin ako. Bago lamang ako sa kaniya. Wala pa nga akong isang linggo. Dapat ay sa mansiyon ako maninilbihan pero dahil nga sa biglang umalis ang katulong ni Sir Xander ay hiniling niyang magpadala doon ng isang katulong. Kaya ang agency ko, dito ako pinadala imbes na sa mansiyon ng mga Dela Vega.

Naalala ko pa ang una naming pagkikita ni Sir Xander. Binigyan ako ng susi para makapasok doon sa bahay niya. Ang sabi sa akin ay nasa out of town siya para sa isang project kaya hindi ko siya madadatnan doon. Dahil sa pag-aakala kong wala akong kasama ay ibinahay ko na ang sarili ko. Doon naman na ako titira kaya talagang ni-welcome ko ang aking sarili.

Medyo gabi na noong dumating ako sa bahay niya. Malaki iyon. Grabe, mag-isa lang ba talaga siyang namumuhay doon?

Pagkapasok ko ay unang tumambad sa akin ang kabundok na hugasin sa kusina at mga nagkalat na mga damit sa sala. Parang hindi bahay ang dinatnan ko kundi tapunan yata ng mga basura. As in parang isang buwan na walang linis at walang ayos ang bahay na iyon. Talaga bang kaaalis lang ng katulong niya? Bakit ganito kakalat ang bahay ng magiging amo ko?

Hindi pa man ako nakakapasok sa magiging kuwarto ko na ayon kay Mam Esther ay malapit sa kusina ay inuna ko ng ayusin ang sala. Pagkatapos kong malinisan ang sala na inabot yata ng halos dalawang oras ay nag-umpisa naman akong maglinis sa kusina.

"Kailan pa ba walang katulong ang bago kong amo? Jusko, hindi kaya pinamugaran na ng sawa dito sa dami ng kalat! Hay naku," ika kong kinakausap ang sarili. Tutal ay mag-isa ko lang naman doon. "Tsk, kung siguro hindi pa ako napunta ngayon dito, baka nga nagkaroon na ng saw—"

"Who are you!"

Gulat akong napaharap nang biglang may magsalita mula sa aking likuran.

"Ay malaking sawa!" sigaw kong napatda at hindi nakakilos. Nagulat talaga ako lalo na noong makaharap ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Hubo't hubad siya. At tila biglang namagneto ang mga mata ko sa ibaba ng kanyang katawan. "Ah!"

Mabilis kong natakpan ang mga mata ko ng aking mga kamay. Pagkatapos ay muling binuka ang mga daliri upang silipin ang naroon. Baka dahil sa pagod ko kaya ako nakakakita ng kung ano-ano. Ang sabi ay walang tao roon. Kaya imposibleng may taong hubo't hubad sa harapan ko.

"Ah!" Muli kong sigaw. Totoong may lalaking hubad na nakatayo sa harapan ko. Lalaking may malaking sawa!

"Tinatanong kita, who are you? Sino ang nagsabing pumasok ka sa bahay ko?" Galit at matigas na tanong ng lalaki. Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Sa taranta ko ay umatras ako. Sa hindi ko inaasahan ay may nasagi ang mga paa kong bagay na dahilan para lalo ako magulat. Napatalon ako papunta sa lalake na nasa tabi ko na pala. Sa gulat ko ay napahawak pa ako sa...

Napahawak ako sa bagay na biglang kumislot-kislot. Matigas at parang nagagalit.

"Fùck!" Naramdaman ko ang hininga ng lalake sa pisngi ko.

Alam kong mura iyon ng mga mayayaman. Fùck daw? Minumura ba ako ng lalaking ito?

"Can you take your hand off my dìck!" Nagngingitngit na utos niya sa akin. Ang tono ng salita niya ay may babala.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya. Imbes na bitiwan ay napapisil pa ako roon dahilan upang mapasinghap siya. Ako naman ay muling napasigaw nang silipin ko kung ano ang nahawakan ko talaga.

"Sawa!"

Kabadong kabado akong binitiwan ang malaking sawa ng lalake. Para bang tumigil ang tibok ng puso ko at maging ng aking mundo. Jusko, ang birhen kong mga mata at kamay, sa gabing iyon, nagkasala agad! At kahit gusto kong umalis mula sa kinaroroonan ay parang naipako naman ang mga paa ko. Nangangatog ang tuhod ko dahil sa lalakeng nasa harapan ko.

Napakalakas ng kabog ng puso ko. Samantalang ang lalake, mula sa galit na itsura kanina ay parang natutuwa na na makita kung paano ako mataranta.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang biglang tumunog ang cellphone na dala ko. Luma na iyon at marami ng crack sa screen. Pero dahil nakakatanggap pa ng tawag ay pinagtiya-tiyagaan ko muna. Mabilis ko iyon kinuha sa bulsa ko. Natatarantang sinagot iyon para humingi ng saklolo nang makitang si Mam Esther iyon sa agency.

"Hello, Mam Esther..." maging ang boses ko ay nanginginig. "Mam may saw—.Hmmm!" Gusto ko sanang magsumbong.

Hindi ako makahinga. Paano ay isang malapad na palad ang tumakip sa aking bibig at maging sa ilong ko. Nabitiwan ko tuloy ang aking cellphone at nagkandabasag-basag.

"Hmmmm!"

Sinubukan kong magpumiglas. Pero dahil malakas ang lalaking nasa harapan ko ay wala akong magawa kundi dakmain ang maaaring maging kahinaan niya. Ayaw ko sanang matuklaw muli pero wala akong choice!

Dinakma ko ang sawa. At sa pagdakma kong iyon ay lalong nagalit iyon maging ang lalakeng may ari ng sawa.

"Fùck you!"

Binitiwan niya ako sabay tulak bahagya. Binitiwan ko naman agad ang nadakma kong sawa niya.

"Get out of my sight! Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo!" babala niya.

Sa taranta ko ay agad akong napatakbo sa kuwartong nakalaan sa akin. Pero simula noong araw na iyon, lagi akong binabangungot ng kanyang sawa. At kahit na may damit naman si Sir ay para bang nakikita ko pa rin ang itsura ng kanyang hubad na katawan. Minumulto ng sawang aking nahawakan.

Nirumihan ni Sir Xander ang dalisay kong kaisipan!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Bethz M Ayunib
katuwa yong story ,napakainosente ni tin
goodnovel comment avatar
Judylyn Cubelo
hahaha anlaki nga ng sawa
goodnovel comment avatar
H i K A B
Comedy agad ang atake hehe.. ok na pampabawas ng bigat ng current situation sa Melting His Heartless Heart :)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 76: I will make her fall in love

    Xander's Point of View "This is insane!" Hindi ko mapigilang bulalas na may iritasyon. Talaga bang nakakulong kami ngayon ni Tin? Nasa maliit kaming presinto at nakakulong. Wala kaming kasama na iba kaya kami lang ang naroon ni Tin. Minabuti nilang pagsamahin kami dahil hindi talaga tumitigil si Tin. "Mamang pulis...sorry na oh! Joke lang iyon, joke!" Sigaw ni Tin habang nakahawak sa rehas at tinatawag ang pulis na humuli sa amin. Napasabunot na ako sa aking buhok. Kanina pa si Tin na nakikiusap. Medyo naiirita na rin ako sa kaniya. If she didn't provoke the police, wala sana kami doon. Lumapit ako kay Tin. "Stop it! I called Leandro already. He's coming right away. Stop pissing them..." Humarap sa akin si Tin. Nakapameywang. "Hindi ba nila alam ang salitang joke? Siguro natamaan—" Pinigilan ko si Tin sa pagsasalita sa pamamagutan ng pagtakip sa kaniyang bibig. Hanggang hindi siya tumitigil ay siguradong mapapahamak kami. Ilang oras pa ang ginugol namin bago dumating si Lea

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 75: Pulis

    Justine's Point of View "Nay, Junjun, mag-ingat kayo rito ha. Iyong mga bilin ko..." nalulungkot kong ika. Mahigpit kong hawak ang kamay ni Nanay na parang ayaw ko ng bitiwan."Naku, Tin, sarili mo ang ingatan mo maging itong si Xander. Alagaan mong mabuti ang pamilya mo..." bilin ni Nanay na ikinalabi ko. "Xander, alagaan mo din sana itong dalaga ko. Isip bata ito minsan at matigas ang ulo, ikaw na sana ang magpahaba ng pasensiya..." sabi ni Nanay. "Nay!" maktol ko dahil sa sinabi niya. Nilalaglag ba naman niya ang sariling anak. Si Nanay talaga!"Makakaasa kayo, Nay..." sagot naman ni Sir Xander. At least, marunong makisabay sa agos itong si Sir Xander. Pinapagaan niya ang loob ni Nanay para hindi na mag-alala sa akin."Sige na, humayo na kayo at magpakarami..." Inirapan ko si Nanay. Natawa naman si Sir Xander."Nay!" saway naman ni Junjun na nakikinig lang. "Este umalis na kayo at ng hindi kayo masyadong gabihin. Mahirap pa naman bumiyahe ng gabi..." sabi ni nanay pero kakaiba a

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 74

    Justine's Point of View "Sir Xander!" Napatayo ako bigla. Puno ng pagkasindak ang mukha ko dahil sa sinabi niya kay Nanay. Si nanay naman ay napaatras at muntikan matumba. Buti na lang at maagap si Junjun na nasalo siya. "A-anong sabi mo? Tin, totoo ba ang sinasabi ni Xander?"Hindi ko alam kung anong sasabihin. O-oo ba ako o itatanggi ko? Kung itatanggi ko parang sinabi ko na rin na sinungaling si Sir Xander."Tin?" untag muli ni Nanay. "Manang..." si Junjun na naghihintay din ng paliwanag ko.Tumayo na rin si Sir Xander. "Magpapaliwanag ako, Nay..."Hindi ko alam kung paano, ano o kung paniniwalaan ko ba ang nangyayari. Nagkuwento si Sir Xander. Iyong mga nangyari. Except sa kontrata lang ang kasal namin. "I have a child. Tinanggap ito ni Tin na walang alinlangan. That's why I fell in love with her..."Alam kong walang katotohanan ang huling sinabi ni Sir Xander. Pero mabilis na napatibok nito ang puso ko. Ewan ko kung sa kaba ba dahil kay Nanay na na matamang nakatitig sa ami

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 73: We are married

    Justine's Point of View Pagkatapos namin kumain ni Sir Xander ay nasa sala lang kami. Gusto kong manood ng TV para kahit papaano ay may ingay pero naalala ko na antenna lang ang meron kami at wala ng palabas sa oras na iyon. Hindi katulad sa TV sa bahay nila Sir Xander na may netflip na mapapanooran kahit anong oras ko gustuhin. Nasa dulo na side ni Sir Xander samantalang sa isa din akong dulo ng mahabang ratan na upuan namin. Parehong nagpapapiramdaman.Ang tahimik. Nakakabingi. Hanggang sa may kumagat sa akin na lamok kaya ang ingay ng hampas ko sa balat ko ang tunog na pumaibabaw sa katahimikan namin. Napakalakas ng hampas ko pero hindi naman natamaan ang lamok. Pumula tuloy ang balat ko. "Come here, lalamukin ka talaga riyan wala kang kumot eh," aniya. Nakabalabal pa rin kasi siya ng kumot na gamit namin kanina lang. Ngumuso ako. Kukuha na lang ako ng akin. Pero pagkatayo ko ay tumayo din siya. Agad akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kaniya. Niyakap niya ako pabala

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 72: Alulong ng aso: Takot

    Justine's Point of View Tumabi ako kay Sir Xander. Dahil hindi kalakihan ang foam sa kuwarto ni Junjun ay talagang magkalapit kami sa isa't isa. Naglagay na lang ako ng unan sa gitna namin. Pero tila pareho naman kaming hindi makatulog."Ganito ba talaga sa probinsiya?" biglang tanong niya. Nakapikit na ako pero sinagot ko pa rin siya. "Anong ganito sa probinsiya?""Ang ingay..."Napamulagat talaga ako dahil sa sinabi niya. "Huh? Maingay?"Ewan ko kung nabibingi ba ako o ano. Anong maingay ang sinasabi ni Sir Xander? Eh sobrang tahimik naman. Kuliglig nga lamang ang maririnig at ilang mga palaka. Hindi katulad sa siyudad na walang humpay na busina at tunog ng sasakyan ang maririnig. Kakaiba ang ingay doon. Anong naririnig niya na hindi ko naririnig?"Yeah, those frogs and crickets, maingay sila..."Bigla akong humagalpak ng tawa. Medyo nahampas ko pa siya. "Jusko Sir Xander, ingay na sa iyo iyon? Normal lang sa probinsiya iyan. Pero masasabi pa ring—"Bigla akong natigilan. Medyo

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 71:Sleep together

    Xander's Point of View What the heck? Ano itong naririnig kong usapan? Ano bang sawa ang pinag-uusapan nila? Is it mine?Napatingin ako sa aking baba. I was hard. Nangyari lang naman iyon nang magkadaiti kami ni Tin nang muntikan siyang madulas. I think I need the cold water now. Nag-init kasi ang pakiramdam ko at mukhang mahihirapan akong paamuin muli itong kaibigan ko."Sir Xander, bilisan mo na riyan. Malamig, baka magkasakit ka!" Rinig kong ika ni Tin mula sa labas. Mukhang okay naman siya. Ako lang ang hindi.I took the cold water. Malamig nga pero kailangan ko iyon. Halos naubos ko ang laman ng drum. Nang lumabas ako ay bihis na rin ako at nakapagtoothbrush na rin. Buti na lang at dala ko na roon ang mga gamit ko. I saw Tin waiting for me outside. "Ang tagal mo yata sir Xander?" sita niya sa akin. Nagkibit balikat lang din ako. "What are you doing?" tanong ko nang makita siyang may hawak na parang lutuan ng tubig. We have it at home, pero ang kanila maitim. Napatingin si T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status