LOGINJustine Point of view
"TIN, are you done?" "Ho?" Mabilis akong napabalik sa kasalukuyan. Paano, malakas na boses ni Sir Xander ang bumungad na naman sa pandinig ko. Halatang iritado at nagmamadali na siya. Sumilip pa siya sa may pinto. "Malapit na po," sigaw ko pabalik. Sumimangot siya pabalik bago ako talikuran. Nagmadali na talaga ako. Ang sabi niya ay kailangan ko ng bilisan at magmadali dahil kinakailangan na kaming umalis. Binilin pa niyang magbihis daw ako ng puting bestida. Buti na lang at meron akong mga bestida na dala galing sa probinsiya. Luma na pero maayos-ayos pang tingnan. Binili namin iyon ni Nanay sa palengke—noong graduation ko ng higschool. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang maalala ko si Nanay at kung ano na kaya ang kalagayan niya. Huling nakausap ko siya ay noong bago ako pumunta sa bahay ni Sir Xander. Wala na akong tiyansa na makausap sila dahil nga nasira ang cellphone ko dahil kay Sir Xander. Muli kong sinipat ang sarili. Nang sa tingin ko ay maayos naman ng tingnan ang itsura ko ay mabilis akong lumabas at pinuntahan si Sir Xander na naghihintay sa sala. Nakabihis na rin siya at ipinagtaka kong nakaputi rin siya ngayon. Parang naging matchy-matchy pa kami ngayon. "Are you ready?" tanong niyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Na para bang sinisipat mabuti ang itsura ko. Pinag-aralan niya akong mabuti. Tapos ay bumuga siya ng hangin. "If only I don't need to do this!" asik niya sa sarili na para bang pinapagalitan ito. Tumaas ang kilay ko at hindi siya maintindihan. Wala naman pumipilit sa kanyang isama ako. Inaya niya ako. Nagmamadali pa nga. Hindi ko talaga siya ma-gets anong kailangan niya sa akin. "Saan po ba tayo pupunta?" tanong ko nang nakasunod na sa kanya papunta sa sasakyan. Bigla siyang tumigil at humarap sa akin kaya nabangga ako sa matipuno niyang dibdib. Nasinghot ko ang kay bango niyang amoy. Gustong gusto ko ang amoy ng kaniyang pabango. Hindi masangsang sa ilong. Amoy vanilla scent iyon. Parang pambabae. "Learn when to stop, Tin. Even in asking questions na hindi mo na kailangan pang alamin ang kasagutan..." aniyang may bahid ng inis ang tono. Tiningala ko si Sir Xander. Nakayuko din siya at nakatingin sa akin. Mataas si Sir Xander sa height na 6 feet. Ako naman ay Nass 5'4" lamang. Tinaasan niya ako ng kilay habang hindi ko naman mapigilang mapanguso. "Are you wearing lipstick?" biglang tanong niya. Dinilaan ko muna ang mga labi ko bago sumagot, "Huwag mo ng tanungin Sir Xander. Alam mong wala akong pambili!" ika kong inirapan siya. Hindi dahil sa katulong niya ako ay magpapadaig ako sa pagiging amo niya. Ako ang kailangan niya at bigla na lang hinihila sa kung saan tapos ay siya pa itong may ganang mag-inarte ng ganito. Kumunot ang noo niya sa akin. Siguro iniisip niyang kakaiba ako sa mga naging katulong niya. Kung noon kinakaya niya ang mga nagdaan na katulong, aba! Ibahin niya ako. Laking probinsiya ako na palaban. Hindi ako pinalaki ng nanay ko para magpaapi kahit na mahirap lang kami. Wala kaming sapat na salapi pero meron kaming dignidad para lumaban. Ilaban ang tama sa mali. Ilaban ang sarili. Saglit kaming nagkasukatan ng tingin at nanahimik. Kapagdaka ay bumuga siya ng hangin bago muli akong talikuran. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at pumasok agad sa loob. Ngumuso ako. Sa mga napapanood ko at nababasa, pinagbubuksan ng mga lalake ang mga babae bilang tanda ng respeto. Pero siya? Hindi. Kahit katulong ako, dapat itrato niya akong babae! Pero parang malabo iyong mangyari. Napapaisip tuloy ako kung... Lalake ba si Sir Xander? I mean, lalake siya tingnan. How about kaya sa pakiramdam niya? Baka kasi pusong babae siya. Para kasi siyang nangdidiri sa kagandahan ko lalo na kanina. "Ano pang hinihintay mo!" bulyaw niya nang ibaba ang salamin ng bintana kung nasaan siya. "Sumakay ka na!" "Napakagentle dog talaga ng amo kong ito!" mahina kong anas bago pumasok sa loob. Sa likod ng drivers area ako pumuwesto. "Tin!" Bigla niyang sigaw. Nagulat ako. Narinig ba niya ang sinabi ko? Nataranta akong napatingin sa kanya. "Ho?" Napatanong pa akong nalilito. "God! Saan ka ba talaga lupalop ng mundo nanggaling? Gagawin mo pa akong driver mo? Ano kita amo ko?" Napairap ako sa hangin. Iyon lang ba ang problema niya? Makasigaw parang babasagin niya ang eardrums ko. Jusko! "Puwede naman, Sir!" sabi kong ngumisi. Iniinis na talaga siya.Hindi kasi maliwanag ang mga utos niya. Paano ko malalaman anong gusto niya. Hindi naman ako manghuhula. "Tin! You'll gonna make me kill you, alam mo ba iyon!" Ika niyang napasabunot na sa kanyang buhok dahil sa iritasyon sa akin. Natakot ako sa sinabi ni Sir Xander. Napatingin ako sa sarili ko. Kaya ba niya ako pinagbihis ng puti dahil balak niya akong patayin. Pinagputi niya ako para maging whitelady kalaunan lalo na kapag hindi natagpuan ang bangkay ko! Naku ayaw ko ng sumama kung ganoon. May balak pala siyang patayin ako. "Sir, alis—" "Come in front! We really need to go. Wala na akong sapat na oras para patulan ang mga nasa isipan mo! For God sake, Tin, you are making me crazy!" Dahil sa bulyaw niya ay aligaga akong pumunta sa harapan. Hindi ako bumaba. Dumaan ako sa loob sa may gitna ng drivers area at sa katabi nitong upuan. Nasagi pa yata ng puwetan ko ang kung ano dahil hindi ko maihanap ang sarili kung paano makakapuwesto. Laking ginhawa ko nang sa wakas ay makaupo na ako ng maayos. "Seatbelt," utos niyang mukhang pikang pika na sa akin. Nakanguso akong naglagay ng seatbelt. Hindi pa man naikakabit ay bigla na niyang pinaandar ang sasakyan dahilan upang mapamura ako. "Tang—" Masamang tumingin siya sa akin nang marinig ako. "Tang in a cup orange flavor..." kakong ngumisi pagkatapos ay nag-peace sign sa kanya. Itong si Sir Xander, mas matindi pa ang mood sa babaeng may regla. Kung hindi lang talaga ako nakabali sa agency at nangangailangan ng pera, baka sa umpisa pa lang ay nilayasan ko na siya. Hindi ko yata matatagalan ang paiba-ibang mood niya. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mamangha sa malalaking gusali na nakikita ko. Doon ko ibinaling ang atensiyon ko dahil ayaw kong kausapin si Sir Xander. Halos mabali na ang leeg ko kakalingon. Siyempre kakaibang pakiramdam sa akin kasi laging bundok at palayan lang ang nakikita ko noon sa probinsiya. First time ko sa siyudad kaya naman para pa akong ignorante. Iba pa rin ang nakikita ng personal sa nababasa at nakikita lamang sa libro o television. Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa sadyang lugar ni Sir Xander. Napatingala ako sa may bintana dahil nasa harapan kami ng malaking gusali. Malaking malaki. "Get out. Sumunod ka sa akin," aniyang wala man lamang kangiti-ngiti. Bumaba siya agad na hindi ako nilingon. I'm so hurt! Pagkatapos niya akong pamadaliin! Ni hindi ko nakain ang hotdog niyang kulubot tapos heto siya, hindi ako tinatrato ng tama. Muli na lang akong napairap sa hangin. Itong si Sir Xander masarap bigyan ng palo sa puwet. Siya na itong may kailangan sa akin, siya pa itong parang galit. Bumaba na ako dahil heto na naman siya, hindi makapaghintay sa isang prinsesang gaya ko. Kinatok ba naman ako at pinandilatan ng mga mata dahil hindi agad sumunod sa kanya. Inaayos ko pa ang sarili ko dahil nagulo ang buhok ko kakalingon. Nang makababa ay nauna na naman siyang naglakad. As usual, nakasunod na naman ako. Ewan ko na kung sino sa amin ang aso. Siya na gentle dog o ako na sunod lang ng sunod? Nakasunod lang talaga ako. Mula sa pagpasok sa gusali hanggang sa elevator ay sa likuran niya ako pumuwesto. Pero natigil na ako nang parang papasok kami sa isang silid. "Sir Xander, anong gagawin natin diyan?" Hindi ko na mapigilang tanungin siya. Nagawa ko pa ngang hawakan ang kamay niya para pigilan. Napatingin siya sa kamay ko bago hilain ang sariling kamay. Pagkatapos ay bigla niyang pinitik ang noo ko. "I told you, don't ask..." Sinimangutan ko siya. Makakalimutin na ba si Sir Xander? Sabi niya kanina ipapaliwanag niya kung saan niya ako dadalhin at bakit. Bakit ngayon nakalimutan na niya? Siya pa may ganang magalit. Tinalikuran niya ako. Kumatok siya sa pinto. Ako naman ay dahan-dahan at hindi nagpahalatang tumatakas na. Pasimple akong humahakbang paatras. Hanggang sa lumaki ang hakbang ko. Patakbo na sana ako nang bigla niya akong hinawakan at hinila. Napasigaw pa ako kasabay ng pagbukas naman ng pinto sa kuwartong kinatok niya. "Nay, papatayin yata talaga ako!" bulalas kong napapikit habang hinihila ni Sir Xander sa loob ng silid na iyon. "Sir, maawa po kayo sa akin. May nanay pa po akong umaasa sa akin. Ipapagamot ko pa ang nanay ko..." pakiusap ko. Pinagsalikop ang aking mga kamay na tila nagmamakaawa. "Tumigil ka nga, Tin! Sinong papatayin? I will not dirty my hands kung ikaw din lang!" Singhal niya nang bitiwan na ako at marinig kong muling sumara ang pinto. Ang itsura kong nag-aalala kanina ay biglang umasim. Nagmulat ako ng mga mata ko at masamang tinitigan si Sir Xander. Halos patayin ko na siya sa titig ko. Ako na lang ang papatay sa kanya! Kung nakamamatay talaga ang masamang tingin—bumulagta na siya ngayon din! "Hmmmm." Nagulat ako nang biglang may tumikhim. Napabaling ako kung saan nanggaling iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang guwapong lalake. Nakangiti siya nang tumingin rin sa akin. "Wow, what a beautiful lady," aniya. Mas lumawak ang ngiti niya sa mga labi nang magtama ang mga mata namin. "Ako?" tanong kong kinilig yata maging kuko ng mga paa ko. Tinuro ko ang sarili ko habang parang kiti-kiting kinikilig. Ako lang naman ang babae doon kaya paniguradong ako ang sinabihan niya ng maganda. Ngumiti ako at nagpa-cute. Pero agad na muling napawi ang ngiti sa mga labi ko nang biglang may pumitik sa noo ko. Masama kong tinitigan si Sir Xander na siyang gumawa niyon habang hinihimas ang noo kong namula na yata dahil sa kapipitik niya. "Ano? Gising ka na ba? Nananaginip ka kaya kailangan kang gisingin!" patuyang ika niya. Biglang gumitna sa pagitan namin nang guwapong lalake. "Hey Xander, that is not nice, bro. Hindi ganyan tratuhin ang future wife mo," aniya ng lalake. Nakangiti na naman ako nang ipinagtanggol ako ng guwapong lalake. Pero habang nagsasalita siya ay unti-unting napapawi iyon. Anong sabi niya? Future wife? Nino? Biglang humarap sa akin si Sir Xander. Hinuli niya ang mga mata ko at matamang tinitigan. "Tin, let's get married. Now!"Justine's Point of View Pagkatapos namin kumain ni Sir Xander ay nasa sala lang kami. Gusto kong manood ng TV para kahit papaano ay may ingay pero naalala ko na antenna lang ang meron kami at wala ng palabas sa oras na iyon. Hindi katulad sa TV sa bahay nila Sir Xander na may netflip na mapapanooran kahit anong oras ko gustuhin. Nasa dulo na side ni Sir Xander samantalang sa isa din akong dulo ng mahabang ratan na upuan namin. Parehong nagpapapiramdaman.Ang tahimik. Nakakabingi. Hanggang sa may kumagat sa akin na lamok kaya ang ingay ng hampas ko sa balat ko ang tunog na pumaibabaw sa katahimikan namin. Napakalakas ng hampas ko pero hindi naman natamaan ang lamok. Pumula tuloy ang balat ko. "Come here, lalamukin ka talaga riyan wala kang kumot eh," aniya. Nakabalabal pa rin kasi siya ng kumot na gamit namin kanina lang. Ngumuso ako. Kukuha na lang ako ng akin. Pero pagkatayo ko ay tumayo din siya. Agad akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kaniya. Niyakap niya ako pabala
Justine's Point of View Tumabi ako kay Sir Xander. Dahil hindi kalakihan ang foam sa kuwarto ni Junjun ay talagang magkalapit kami sa isa't isa. Naglagay na lang ako ng unan sa gitna namin. Pero tila pareho naman kaming hindi makatulog."Ganito ba talaga sa probinsiya?" biglang tanong niya. Nakapikit na ako pero sinagot ko pa rin siya. "Anong ganito sa probinsiya?""Ang ingay..."Napamulagat talaga ako dahil sa sinabi niya. "Huh? Maingay?"Ewan ko kung nabibingi ba ako o ano. Anong maingay ang sinasabi ni Sir Xander? Eh sobrang tahimik naman. Kuliglig nga lamang ang maririnig at ilang mga palaka. Hindi katulad sa siyudad na walang humpay na busina at tunog ng sasakyan ang maririnig. Kakaiba ang ingay doon. Anong naririnig niya na hindi ko naririnig?"Yeah, those frogs and crickets, maingay sila..."Bigla akong humagalpak ng tawa. Medyo nahampas ko pa siya. "Jusko Sir Xander, ingay na sa iyo iyon? Normal lang sa probinsiya iyan. Pero masasabi pa ring—"Bigla akong natigilan. Medyo
Xander's Point of View What the heck? Ano itong naririnig kong usapan? Ano bang sawa ang pinag-uusapan nila? Is it mine?Napatingin ako sa aking baba. I was hard. Nangyari lang naman iyon nang magkadaiti kami ni Tin nang muntikan siyang madulas. I think I need the cold water now. Nag-init kasi ang pakiramdam ko at mukhang mahihirapan akong paamuin muli itong kaibigan ko."Sir Xander, bilisan mo na riyan. Malamig, baka magkasakit ka!" Rinig kong ika ni Tin mula sa labas. Mukhang okay naman siya. Ako lang ang hindi.I took the cold water. Malamig nga pero kailangan ko iyon. Halos naubos ko ang laman ng drum. Nang lumabas ako ay bihis na rin ako at nakapagtoothbrush na rin. Buti na lang at dala ko na roon ang mga gamit ko. I saw Tin waiting for me outside. "Ang tagal mo yata sir Xander?" sita niya sa akin. Nagkibit balikat lang din ako. "What are you doing?" tanong ko nang makita siyang may hawak na parang lutuan ng tubig. We have it at home, pero ang kanila maitim. Napatingin si T
Justine's Point of View Pagkatapos namin ihatid si Nanay ay umuwi din kami agad. Napakaraming bilin ni Nanay sa amin. Na para bang may mangyayaring hindi niya inaasahan. "Sir Xander gusto mo ba talagang matulog sa amin?" tanong ko habang hindi pa kami nakalalayo sa bayan. "Manipis lang ang foam sa tulugan ni Junjun. Walang aircon..." Lumingon siya sa akin. "Sinasabi mo ba iyan para idiscourage akong matulog sa inyo?"Inirapan ko siya. Siyempre! Ayaw ko siyang matulog sa bahay kasama ko. Lalong uugong ang mga tsismis lalo at dalawa lang kami doon. Pero hindi nga, sa katulad niyang mayaman, hindi siya sanay panigurado sa papagna tulugan. Tapos may mosquito net pa. Sanay siya sa aircon at malambot na kama."May mga hotel dito sa bayan. Iniisip ko lang ang comfort mo sa pagtulog..."Tinaasan niya ako ng kilay. "I'm okay, Tin. Wala sa akin ang matulog sa manipis na foam or something. Isa pa, hahayaan ba kitang matulog doon mag-isa? What if someone is trying to get inside at gawan ka n
Justine's Point of View At ganoon na lamang, parang apoy na kumalat sa buong barangay namin ang pagdating ni Sir Xander. Nanliliit ang pakiramdam ko kaysa maging proud. Paano naman kasi, kontrata lang naman ang meron kami at nakakahiya na natsi-tsismis siya ng ganoon sa amin.Sa bilihan ng mga appliances, buti na lang din at hindi na ako masyadong kilala sa bayan. Nakapamili kami agad. Binayaran ni Sir Xander na walang salita. "Ano pang kailangan nila Nanay doon?"Nanay? Nanay talaga ang tawag niya.Tumaas ang kilay ko dahil doon. At kailan pa niya naging nanay ang nanay ko? Kadarating lamang niya doon ganoon na siya ka-feeling close sa ina ko."If there's no more, let's go..." yakag niya sa akin. Ipinadeliver na niya iyon dahil hindi naman kaya ng sasakyan niya lara iuwi iyon. Baka magasgasan pa ang kotse niya. "Salamat sa regalo mo..." ika ko nang makasakay na kami. "Regalo? Who said that it's a gift?" ika niyang ikinasingkit ng mga mata ko sa kaniya. Parang naririnig ko na a
Justine's Point of View Tatlong araw na ako sa lugar namin. At kung hindi sa hospital ay nasa loob lang ako ng bahay. Depende lang kung kailangan kong mamalengke gaya ngayon. Hindi ko din sinabi sa mga kaibigan na naroon ako. "Oh narito pala ang balik bayan," ika ni Aling Juaneta na siyang binibilhan ko ng fresh na karne nang makita niya ako. Ipapaluto ko ang pinakamasarap na adobo sa buong mundo. Ang luto ni inay. "Si Aling Juaneta talaga oh! Sensiya po, walang pasalubong galing ibang planeta..." sabi ko naman habang pumipili ng parte na gusto ko."Okay na kahit wala basta dito ka parin bumibili, Tin..." ika niya. Nginitian ko siya. "Dalawang kilo nito aling Juaneta..."Agad siyang tumalima. "Kumusta na ang nanay mo, Tin?" tanong niya habang ikinikilo ang order ko. "Okay na siya Aling Juaneta...""Buti naman. Puwede na sigurong magtinda-tinda ulit ng ulam. Masarap talagang magluto ang iyong ina eh..." ika niya. Suki ni Nanay si Aling Juaneta.Ngumiti lang ako. Noon, sa pagtiti







