Share

Chapter 7: Ring

Penulis: jhowrites12
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-04 21:39:10

Justine's Point of View

Nagtaka ako nang dalhin ako ni Sir Xander sa isang jewelry shop sa loob ng mall. Nang bumaba siya ay napasunod ako sa kanya.

"Pick a ring for you," bulong niya sa akin nang nasa may pinto na kami ng jewelry shop.

Napaismid ako at inikutan ko siya ng bola ng mga mata. Ako talaga? Hindi ba dapat siya?

"Maghulos dili ka, Tin! Huwag ipokrita!" Saway ko sa aking sarili. Bakit nga naman ipipilian niya ako ng singsing? Kunwari lang talaga ito.

"Good morning, Ma'am and Sir," bati sa amin ng isang saleslady na sumalubong sa amin. Pero hindi sa akin nakatingin, kay Sir Xander at halata pang nagpapa-cute siya.

Tinaasan ko ng kilay ang saleslady na napatingin sa akin. Sinimangutan pa ako.

"May bibilhan ka?" At tinarayan pa ako nang mawala na si Sir Xander sa tabi ko. Ang demonyo, ayun naupo sa lounge area sa jewelry shop.

"Singsing, bakit? May reklamo ka?" Hindi ako nagpakabog sa katarayan niya. Akala niya naman papaapi ako.

Inirapan niya ako bago pumunta sa loob at kinuha ang kinalalagyan ng mga singsing.

"Eto, mga mas mura kaysa sa iba..." ika niyang parang may patudyo pa. May ngisi sa mukha na parang kay baba ng tingin sa akin.

Mas tumaas ang kilay ko kasabay ng pagkulo ng dugo ko sa babaeng saleslady.

"Ayaw ko iyan. Iyong pinakamahal ang gusto ko," ika ko naman na nakipagmatigasan. Bibilhan na rin ako ni Sir Xander ng singsing, iyong mahal na at puwede ko pang isangla kung kakailanganin ko ng pera.

"Pinakamahal? Nananaginip ka ba?" At nagawa pa talagang makipag–argumento sa akin ng saleslady na ito?

Eh kung panaginip talaga ang nangyayari, bangungot ito.

"Sandali, tawagin ko muna—"

"Heto na!" Bigla niyang malakas na saad dahilan upang hindi ko maituloy ang sinasabi ko. Tatawagin ko na sana si Sir Xander para matigil ang babaeng nasa harapan ko.

Nginisian ko siya dahil tila natakot siyang magsumbong ako kay Sir Xander. Lalo at napatingin sa amin ang ilang mga kasama niyang naroon.

"Do you want any help, para mamili? Heto bagay siguro sa iyo..." pinulot niya ang isang singsing na sobrang laki ng bato. "Malaki at makapal ang bato..." ngumisi siya. "Kasing kapal at tigas ng pagmumukha mo," aniya pero nakangiti. Nagawa pa niyang mas lawakan ang ngiti sa mga labi niya.

Imbes na maapektuhan ay ngumiti rin ako. Inagaw ko ang hawak niyang singsing. Nilagay ko iyon sa palasingsingan ko. Sinipat. Tinantiya-tantiya. Itinaas ko pa ang kamay ko tapos ay inilahad iyon sa counter kung saan ang saleslady na epal.

"Ang ganda no. Bagay na bagay ang kapal sa akin. Sa tingin mo?"

Nawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi.

"Magkakaroon ka kaya ng chance na makapagsuot ng ganitong singsing?" ika ko. Mas nilawakan ang ngisi sa mga labi ko. "Pero...hmmmm, hindi pa sapat ang laki nito eh. Mas makapal at mas malaki dapat. Mas makapal pa kasi ang mukha ko kaysa dito..."

Naikiling ko ang ulo ko sa saleslady nang matalim siyang napatingin sa akin. Kung akala niya ay papatalo ako sa kanya, nagkakamali siya. Probinsiyana lang ako pero hindi ako bobo para hindi mahalata na minamaliit niya ang isang tulad ko.

Namili pa ako. Ilang beses akong nagturo ng susubukang singsing. Tapos ay ibabalik ko at pipili na naman. Kung nagmamaldita sa akin ang saleslady na ito, mas itotodo ko ang akin.

"Maluwang, paki-adjust," ika ko nang alisin ang isang singsing sa daliri ko. Mas nagustuhan ko iyon . Simple lang. May bato rin naman pero hindi halata.

Padarag niyang kinuha iyon sa akin. Sinukat niya ang daliri ko saka siya umalis na talagang hindi nasisiyahan.

Habang hinihintay siya ay naririnig ko ang ibang saleslady kung paano nila ipaliwanag anong klaseng jewelry ang mga napilili ng mga customers nila. Ang nakatoka sa akin ay walang ginawa kundi insultuhin ang pagkatao ko. Ni hindi nga niya ipinaliwanag kung anong klaseng bato ang nasa singsing.

Habang hinihintay siya ay napalingon ako kay Sir Xander. Ang demonyo, nagawa pa talagang makipagharutan sa mga babae. May tatlong babae na nasa harapan niya. Mukha naman kilala niya dahil halata kung paano siya ngumiti sa mga ito. May pahampas pa sa balikat niya ang isang babae.

Wala sa loob na lumapit ako sa kanila.

"Ano? Meet tayo sa bar? I'll be alone and lonely..."

Napangiwi ako nang maulinigan ang sinabi ng babaeng nakaangkla sa kamay ni Sir Xander. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nila.

Tumingin sila sa akin. Ang tatlong babae ay tinaasan ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Si Sir Xander naman ay parang wala lang. Hindi man lamang siya naapektuhan na naroon ako.

"Are you done?" nagawa pa niya akong tanungin.

Tumingin sa kanya ang babaeng nakaangkla pa rin sa kamay niya.

"You know her?" tanong nito saka muling bumalik ang tingin sa akin.

Kay Sir Xander ako tumingin. Nakatitig din siya sa akin nang sumagot.

"Yeah, my maid," aniya.

Medyo nasaktan ako. Kakakasal lamang namin. Kahit sabihin pang contract marriage iyon—asawa pa rin ako.

"Ow!" Natatawang ika ng mga babae. Napatutop pa sila sa kanilang mga bibig.

Hindi ako nakakilos nang biglang lumapit sa akin ang babae. Nakatingin pa rin ako kay Sir Xander. Medyo masama ang loob ko.

"Maid pala!" sabi ng babae. Bigla siyang naglabas ng pera sa kanyang maliit na bag. Tapos ay iniamba sa harapan ko. "Can you buy us coffee? Four, all ice americano. " utos niyang ipinagduldulan sa dibdib ko ang pera. Napaatras pa ako dahil malakas ang pagkakabigay niya sa pera.

"H-hindi ko alam kung saan ko bibilhin," sabi ko. Unang beses kong makarating sa malaking mall na iyon tapos ay uutusan ako.

Tinawanan nila ako. Maging si Sir Xander ay nangingiti. Kaya lalo akong nagngitngit sa galit.

"Ayun oh, nasa harapan mo lang, Miss Maid," aniya ng isang babae. Itinuro ang isang coffee shop. Na agad ko naman nilingon.

Wala akong nagawa kundi sundin ang utos nila. Maid nga naman ako. Kaya hindi ako puwedeng tumanggi. Hindi ako puwedeng magreklamo dahil katulong ako.

Madali lang naman mag-order. Wala din masyadong pila ng tao. Mabait ang kumuha ng order ko kaya mabilis lang akong natapos. Malapit na ako sa kanila nang maulinigan ko ang babae.

"Ano palang ginagawa mo dito, Xander? Getting a gift?"

Tumango lamang si Sir Xander na tila walang bibig. Hinayaan din niya ang babaeng hawak hawakan siya. Literal na nilalandi siya harap-harapan pero hinayaan niya.

"Bakit sinama mo pa ang Maid mo, Xan? Para ka tuloy may asong nakasunod sa iyo..."

Nagngitngit ang kalooban ko. Mabilis akong humakbang palapit sa kanila. Nang malapit na ako ay nagkunwari akong natapilok—sabay buhos ng kape sa babae.

"Ah!" sigaw niya. Napatalon pa palayo sa akin.

"Ay, sorry po, Ma'am. Nagkasabit sabit po ang paa ko," ika ko. Kunwaring lalapitan pa siya pero muli kong binuhos ang natitirang kape saka kunwaring mabubuwal ulit.

"Dàmn you!" Malakas na sigaw niya na kumuha sa atensiyon ng mga naroon. "You ruin my dress!" mangiyak-ngiyal niyang saad.

"Sorry po. Sorry—"

"Huwag mo akong lalapitan!" hiyaw niya nang akma ulit akong lalapitan siya. Parang natakot na sa akin. "You will pay for this!" banta niya bago umalis. Sumunod ang mga babaeng kasama niya.

Ngumisi ako. Pero nang muli kong harapin si Sir Xander ay napawi iyon. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya sa galit. Mabilis niya akong nilapitan saka marahas na hinila paalis sa shop.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Angelyne Millo
bakit Kasi maid pakilala mo Yan maid na sinasabi mo naiinlove ka din dyan .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 17: Honey, Please...

    Justine's Point of View Kinakabahan ako. Paano ay hindi ko alam kung paano babalikan ang mag-ama. Dahil sa pera, bumalik muli ako kahit handa na akong iwanan sila. 'Hòoker' yata talaga ako. Ha!ha! Pero siyempre, hindi literal na bayarang babae. Kailangan ko ng pera at kumapit ako sa kontrata.First contract—walang kahirap-hirap. Magpanggap na mag-asawa kami sa lahat ng makakaalam, lalo na sa pamilya ni Sir Xander. Ngayon na alam ni grandma Teresa ang totoo, hindi iyon mahirap sa akin. Iyong second contract ang inaalala ko. Makakaya ko kaya? Paiibigin ko ang demonyong amo ko. Bahala na. Sumilip na muli ako sa mag-ama. Kita ko ang taranta ni Sir Xander habang inaalo ang umiiyak na anak. Parang hindi niya alam ang gagawin niya. Natataranta ang kilos niya."Are you hungry, River? Or do you need a change? Hey bud, I..."Napalabi ako. Itong si Sir Xander, nag-anak-anak tapos hindi naman pala ready...Jusko! Kawawa lang si River sa kanya. Walang kaalam-alam sa gawain o kung paano alagaan

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 16: Deal and Sealed

    Justine's Point of View "Bayaran na babae..."Mabilis na umangat ang tingin ko sa kanya. Ang nanlilisik kong mga mata ay halos patayin na siya. Kung nakakamatay ang titig ay talagang bumulagta na siya roon.Dahil hapit pa rin niya ako sa beywang at magkalapit pa rin kami ay nagawa kong apakan ang paa niya. Napasigaw siya sa lakas ng ginawa kong pagtapak sa paa niya. Nakasuot na lang kami ng tsinelas na panloob. At talagang nilakasan ko ang pagtapak sa mga daliri niyang mas magaganda pa ang shape kaysa sa akin. At least, malakandila kanina, ngayon sigurado akong mangingitim iyon at mangangapal dahil nasaktan."What the fùck is wrong with you?" galit na singhal niya. Nabitiwan ako at hinawakan ang paang nasaktan. "What's wrong with me?" Nagpupuyos pa rin sa galit na binalikan ko si River na nakahiga sa kama. Tahimik itong naglalaro doon. "Ikaw, Sir Xander. Ikaw ang malaking problema ko! Akala mo naman hindi ikaw ang nangailangan ng tulong ko. Bayarang babae pala tingin mo sa akin? Puw

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 15: Hòoker

    Justine's Point of View "Narinig mo ba ako?"Dahan-dahan akong napatango. Pero ang totoo, hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ng Lola ni Sir Xander. Pakiramdam ko nabingi lang ako dahil sa kaba."Simula ngayon, dito na kayo titira." Pero inulit pa niya ang sinabi. Na para bang ipinapaintindi talaga sa akin iyon.Parang gusto kong tumakbo. Maglaho. Mukhang hindi lang kay Sir Xander ako mahihirapan kundi sa Lola nito. Wala na ngang sampong milyon ay mukhang pahihirapan pa talaga ako."Nasaan po si Si—Xander?" Muli akong sumilip sa likuran niya. Wala talaga si Sir Xander. Nasaan na ba siya ngayon kailangan ko ng magtatanggol sa amin ng anak niya. Dapat ay siya ang tumanggi sa kagustuhan ng Lola niya."Huwag kang maghanap ng saklolo dahil walang magagawa ang apo ko sa kagustuhan ko," pero muking nagsalita ang Lola ni Sir Xander.Napalunok ako. Gusto kong umapela pero wala akong magawa. Lalo at maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi niya. Hindi ako masasaklolohan ni Sir Xander

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 14: Protect

    Xander's Point of ViewNakuyom ko ang kamao ko habang sinusundan si Grandma Teresa. I cracked my neck as if it's became stiff. Sakit talaga sa ulo itong si Tin. Para akong kumuha ng batong ipinukpok ko sa ulo ko. Mas maigi yatang hindi na lang sana siya ang pinakasalan ko."Explain this to me, Xander?" agad na saad ni grandma. Hindi pa nga siya nakakaupo sa swivel chair niya. Kapapasok ko pa lamang din at hindi pa naisasara ang pinto sa opisina ay tinalakan na ako."Grandma, I told you already, may nabuntis ako. At para itama ang maling nagawa ko, pinakasalan ko. Now, we have a child together. Pumunta kami dito bilang respeto at ipakilala na rin siya sa iyo..."Bigla akong pinameywangan ni Grandma. Nanliit ang mga mata niya sa akin. "At paano kang nakasisiguro na sa iyo ang batang iyon, aber?"Alam kong kukuwestiyunin ni Grandma iyon kaya dala ko na rin ang DNA results. Nakinita ko na iyon and I am fully prepared. Maging ang marriage certificate namin na agad na naproseso ni Leandro

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 13: Meeting the Grandma

    Justine's Point of ViewWalang nagawa si Sir Xander kundi sundin ako dahil hawak ko si River. At sa unang pagkakataon ay wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Para ngang balisa pa siya. Siguro dahil ihaharap na niya kami sa kanyang Lola. Kabado din siguro siya. Wala akong ideya kung ano ang kahaharapin ko. Kung sino at ano ba ang ugali ng Lola ni Sir Xander. Mabait kaya? Matapobre? Pero batay sa kinikilos ni Sir Xander, mukhang iyong pangalawa iyon.Hindi ako nagsasalita pero lihim akong nagmamasid sa kanya. Kahit na ang atensiyon ko ay nasa sanggol na hawak ko, panaka-naka ko siyang nililingon. Medyo may kaba tuloy akong nararamdaman. Kung si Sir Xander ay kinakabahan, ako pa kaya na kunwaring asawa lang. Paano kung magkamali ako at mabuko kami sa pagkukunwari namin?Akala ko talaga ay handa na ako. Pero hindi pa pala. Nang dumating kami sa mansiyon ay nangatog ang tuhod ko at sinalakay ako ng matinding kaba. Lalo na noong sinalubong kami ng isang mayordoma."Aling Ising, gi

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 12:Makakaganti na rin

    Justine's Point of View Wala ako masyadong tulog. Halos kada dalawang oras ay umiingit ng iyak ang baby na katabi ko sa kama. At ang demònyo kong amo, ni hindi nakakatulong. Ang sarap pa ng hilik niya habang mahimbing na natutulog.Mukhang nanibago ang baby sa bagong lugar niya Ang sarap pa naman humiga sa kama ni Sir Xander. Malambot at mabango pa. Pero nakakainis dahil hindi man lamang siya magising kahit isang beses lang. Gumawa at kumuha ng responsibilidad pero hindi alam panindigan. Sa inis ko ay kinuha ko ang unan at ibinato iyon sa gawi niya. Sapul siya sa mukha kaya nagulat siya at napabalikwas ng bangon. "What?" At siya pa talaga ang galit! Ang sarap na talagang layasan ang amo kong ito. Isasama ko na lang ang baby para hindi na mahirapan pa sa iresponsable niyang ama. "Sir, wala na pong panggatas si Baby. Puwede po bang magpakulo ka ng tubig at dalhin dito..."Mula sa night lamp ay kitang kita ko ang paggalaw ng panga niya at ang matalim niyang titig. "Inuutusan mo b

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status