Justine's Point of View
"You may kiss the bride..." Tumaas ang kilay ko nang natatawang ika ni Sir Leandro pagkatapos naming pirmahan ni Sir Lucas ang dokumento na kakailanganin namin sa aming kasal. Siya na daw ang bahalang magproseso ng lahat at pipirma lamang ang gagawin namin. "I want it right away, Leandro. As soon as possible," utos ni Sir Xander na lalong ikinataas ng kilay ko. "Kay. Got it—huwag sirang plaka, Xander," saway naman ni Sir Leandro kay Sir Xander na napatitig na lang ng masama sa kaibigan. "Pinapaalala ko lang, Leandro. Alam mo ang dahilan!" "Fine! Ano pa ba magagawa ko? Si Alexander 'the great' na ang nag-utos!" Ngumuso ako. Hanep ang dalawang ito ah. Parang wala ako sa harapan nila kung makapag-usap. Wala akong maintindihan kung bakit sila masyadong rush. Anong sabi kanina ni Sir Xander? Nababggit ba niya ang Lola niya? Nagmukhang pera yata ako masyado dahil nakalimutan ko na ang mga dahilan ni Sir. Basta pumayag na lang ako talaga dahil nasilaw sa limpak na salapi. "Next contract..." sabing muli ni Sir Leandro at may inilabas na papel. "Your actual contract..." muli niyang ika na tumingin sa akin. Kumindat pa na hindi nakaligtas kay Sir Xander. "Stop flirting with my wife, Leandro!" "Uy possessive..." Halos sabay naming tudyo kay Sir Xander ni Sir Leandro. Mukhang magkakasundo talaga kami ni Sir Leandro dahil pagkatapos niyon ay nagkatawanan kami. "Mukhang iisang utak ang meron kayo ah! Utak talangka!" Singhal sa amin ni Sir Xander. Nakasimangot na kinuha ang papel sa kamay ni sir Leandro at pinirmahan. "Here, sign it, and let's go!" biglang utos niya. Ipinagduldulan pa ang papel sa dibdib ko. Buti na lang at hindi ganoong kalakihan ang pagmamay-ari kong bundok. Kung hindi baka tumalbog na ang kamay niya. Padarag ko rin na kinuha iyon. Walang basa-basang pinirmahan. Nakita ko lamang doon ang halagang isang milyon—go na ako agad. Nakuha ko na ang kalahati. Hindi na puwedeng pakiyeme-kiyeme. "Let's go," untag sa akin ni Sir Xander. "Wala man lang thank you?" sabi naman ni Sir Leandro. "Hindi ba tayo magpi-picture?" sabi ko naman. Sayang ang outfit namin kung walang patunay na ikinasal kami. Ako pa talaga ang may ganang mag-aya. "Tama nga naman. Xander, stand next to her, kunan ko kayo ng picture," utos ni Sir Leandro. Hindi pa agad kumilos si Sir Xander kaya ako na ang nagkusang lumapit sa kanya. Kumapit na talaga ako sa braso niya at ngumiti sa camera. Isang click—nakangiting post. Next click—with peace sign. Pangatlo—nakakiss position—kunwari lang. Pang-apat—nakasimangot na akong nakatingin kay Sir Xander. Bakit? Paano, sa lahat ng pictures iisang hilatsa ng mukha niya. Nakasimangot. Naglakas loob akong abutin ang mukha niya. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. "Ngumiti ka Sir Xander! Ngiti!" utos kong hinimas ang magkasalubong niyang kilay. Pagkatapos ay sa may labi niyang pilit kong pinipintahan ng ngiti. "Sabing ngiti! Sundin mo asawa mo!" sabi ko pa. Sarap yatang umarteng asawa talaga. Buwahahahahaha! Parang gusto kong humalakhak ng nakakaloko pero nagpigil ako. Hinawakan ni Sir Xander ang kamay ko saka niya ako seryosong tinitigan. Padarag din na binitiwan ang kamay ko. "I'm not going to be under de saya, Tin!" Napaismid ako sa tinuran niya. "And by the way, huwag mong kalimutan na nauna kang maging katulong ko bago maging asawa! Make sure to know your place. It's not a real marriage, so place yourself where you belong!" Sumimangot ako at napapadyak. Inirapan ko siya. "Para sa picture lang, ang damot pa!" sabi ko. Inis na tinalikuran siya. Halos sabay-sabay kaming lumabas sa silid na iyon. Biglang busy ni Sir Leandro. Nasa telepono siya agad habang naglalakad. Ni hindi na nga nagawang magpaalam sa amin. Kami naman ng demonyo kong amo ay naglalakad papunta sa elevator. Nakasunod ako sa kanya gaya kanina. Ayaw kong sabayan siya dahil naiinis ako. Isang siyang malaking red flag! Nakakainis. Papasok na kami sa elevator nang may matandang papasakay rin. Tumaas ang kilay ko nang hindi man lamang pinauna ni Sir Xander ang matanda na kay raming dala. Puno ang basket ng matanda nang kung ano-ano. Si Sir Xander talaga ang unang pumasok agad. Hindi naman maikakailang nakita niya ang kasabay namin. Kaya ang ginawa ko, ako ang nagpahuli para makasakay. Pero hindi pa man ako nakasakay ay biglang dumami ang tao na nag-abang sa elevator. Nauna pa silang magsipasok. Nang papasok na ako ay wala na akong puwesto. Punong puno na sila. "Miss, wala ng espasyo..." sabi pa ng isang nasa harapan. Napatingin ako kay Sir Xander. Dahil matangkad siya ay madali ko siyang nakita. Nakataas ang kilay niya sa akin na para bang sinasabing, 'ano? Ginusto mo yan eh!' Bago sumara ang elevator ay nagsalita siya. "Meet me at the car right away. Used the stairs if you need to. Kung wala ka roon pagdating ko, iiwanan kita!" Nanlaki ang mga mata ko at hindi na nakasagot dahil sumara na ang pinto ng elevator. Naiinis na natataranta ako dahil nag-umpisa nang bumaba ang elevator na sinasakyan nila. Napatakbo ako sa kabilang elevator. Papataas iyon. Ang isa rin. Napapadyak na ako. No choice, kailangan ko talagang bumaba na gamit ang hagdan. Ayaw kong iwanan ako ni Sir Xander lalo at wala akong kaalam-alam pa sa ilang lugar sa Maynila. Patakbo akong pumunta sa exit at ginamit nga ang hagdan para makababa at makahabol kay Sir Xander. Habang pababa ay talagang minumura ko na siya sa galit. Paano ba naman, nasa twentieth floor pala kami. Mahaba-habang babaan ito. Nakakalimang hagdan pa lamang ako ay ramdam ko na ang hingal. Naitukod ko ang mga palad ko sa aking tuhod ng nasa tenth floor na ako. Hinihingal akong suminghap ng hangin. Pagod na ako. Muli akong suminghap ng hangin at tumayo ng tuwid. "Kaya ko ito. Atapang a tao, hindi susuko! Kamag-anak ko yata si Andres Bonifacio!" Muli akong bumaba. Lakad-takbo ang ginawa ko. Hanggang sa patakbo akong pumunta sa parking lot kung nasaan ang kanyang sasakyan. Kahit halos kinakapos na ng hininga ay laking ginhawa at pasasalamat ko dahil naroon pa siya. Hinintay niya ako. Nang makalapit ay nagsalubong naman ang kilay ko dahil wala pa pala siya roon. "Good job! Marunong ka din pa lang sumunod sa utos ko na hindi ka nakikipag-argumento sa akin..." Napairap ako sa hangin nang marinig si Sir Xander mula sa aking likod. Gusto ko siyang batuhin ng linyahang... 'Ganito mo ba tratuhin ang asawa mo? I want divorce, Xander! I want it now!' Pero kailangan ko pala ng pera kaya pagtitiisan ko muna ang kademonyohan ng amo ko/aswang, este asawa ko. Nilagyan ko ng ngiti ang mga labi ko bago siya harapin. Gumalaw ang kilay ko nang makitang may hawak siyang bungkos ng tila gulay. Nang makalapit siya ay napagtanto kong kangkong iyon. "Masarap sa tilapia mo," aniyang tila nagbibiro na. Parang walang ginawang kasamaan. "Binigay ni Lola noong tinulungan kong buhatin ang basket niya," sabi pa bago buksan ang pinto ng kanyang sasakyan. "Tara na, may pupuntahan pa tayo." Sumakay siya—as usual, gentle dog ang atake niya. Umikot ako at sumakay na rin. Binigyan ko siya ng silent treatment dahil naiinis ako. 'Makakaganti din ako. Humanda ka!' inis na banta ko. Sa sarili lamang. Pero gaganti talaga ako. Walang aapi sa anak ng nanay ko. Kahit pa guwapo!Justine's Point of View Wala akong naiintindihan sa nangyayari ngayon. Basta ang alam ko, kailangan ako ni Sir Xander gaya ng sabi ni Grandma Teresa kagabi. Kinausap niya ako at iyon nga ang sabi niya, huwag kong pabayaan si Sir Xander. Ibinilin niyang manatili ako sa tabi niya kahit anong mangyari. Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng matandang ngayon ay nakatalikod na at paalis sa harapan namin. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Sir Xander. So ibig sabihin, hindi siya tunay na apo ni Grandma? Hindi daw siya tunay na Dela Vega eh. Kaya ba gusto siyang patalsikin bilang boss sa kompanya na pinamamahalaan niya?Ang gulo nila. Pero kung malilito ako ay hindi ko magagawa ang misyon kong ibinigay ni Grandma kagabi. Kaya dapat ay mag-focus ako doon."Okay ka lang Sir Xander?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong. Mahirap nang marinig ako sa tawag ko sa kanya. Hinila niya ang kamay niyang hawak ko pero hindi ko binitiwan. Ramdam ko pa rin ang panlalamig ng mga palad
Xander's Point of View A rare view. Biglang nawala ang kayabangan ng kamag-anak ni Grandma nang malaman na may asawa na ako. Para silang mga maamong tupa na natakot sa Leon na maaaring lumapa sa kanila. Sa tingin kasi nila ay hindi lalai ang kuting na minamaliit nila noon. I knew it! Ikinakatakot nila ang pagkakaroon ko ng asawa. Paano pa kaya kung nalaman nilang may anak na ako? Lalo silang pinagbagsakan ng langit at lupa kung nagkataon. Hindi ko na mahintay makita iyon. It is because I have an heir to pass the throne. Mas lalo silang mawawalan ng pag-asang makuha ang kompanya sa amin dahil may anak na akong susunod sa akin. As long as Grandma Teresa have me as her family, us I should say. Wala silang magagawa kundi ang umasa lamang na makuha ang kompanya. "Ate, is this a joke? If you want to make us laugh? Wow! You did it!" aniya ni Lolo Zaldy na tumawa pa pero halata naman na napipilitan lamang. Ang ilan sa mga kamag-anak na sa kanila kampi ay tumawa rin. Nakitawa si
Justine's Point of View Mas istrikto. Mas nakakainis. At lalong hindi ako makareklamo kay Sir Xander. Talagang kailangan kong matanggal ang halos kinagawian ko na habang kumakain. Kung si Grandma ay mahinang pinapalo lamang ang tuhod ko kapag umaangat iyon, siya pinipitik pa talaga iyon. Kulang na lang ay balian niya ako ng buto para makuha ang gustong postura ko. At sa ilang araw nilang pagtuturo sa akin. Nagawa kong isaulo at kahit nahihirapan ay natanggal ko iyon habang nasa hapag kami. Ngayon nga ay ang oras na ng family gathering nila at sa tingin ko naman ay ready na ako.May kaba akong nararamdaman pero hindi ko iyon ipinapahalata. Ang sabi ni Grandma, kung makikitaan nila ako ng takot ay lalo nila akong lalamunin ng buhay. Kaya lalaban ako. Bilang asawa ni Sir Xander at apo ni Grandma. Para na rin sa milyones na makukuha ko siyempre. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. Paano ay halos lahat kami ay nakaputing damit. Hindi ayon sa motifs na sinabi mula sa invitati
Xander's Point of ViewI told them to give her the simplest gown they have. Pero bakit lahat ng iyon ay umaangat sa tuwing suot ni Tin? Napakaganda niya sa lahat ng gown at kailangan ko pang pilitin ang sarili ko na sabihing hindi maganda ang mga iyon para lang palitan niya. And yet every gown, mas nagiging angat ang ganda niya.I was looking at my phone when she went out of the fitting room again. Parang ayaw ko na ngang tumingala."Last na ito Sir Xander. Bahala ka na sa buhay mo kapag hindi mo pa ito nagustuhan. Magsusuot na lang ako ng pamunas ng sahig para mas matuwa ka!" Natawa ako habang inaangat ang aking paningin mula sa cellphone. Naisip kong mas maigi na nga yatang basahan ang ipasuot ko para hindi siya mapan—..."Ano na? Ayaw mo pa rin ito? Ito na ang huling simpleng damit!" ika niyang nawawalan na ng pasensiya sa akin.Kumibot ang mga labi kong nakanganga nang bahagya. Kung hindi ko lang naramdaman na tila tutulo ang laway ko ay hindi ko pa iyon ititiklop. I was...Am
JUSTINE'S POINT OF VIEW "Sinasabi ko na nga ba!" Marahas na binitiwan ni Sir Xander ang kamay kong hawak niya. Kahit na ganoon ay hindi naalis ang ngisi sa labi ko. Mukhang pagkatapos ng tatlong taong kunwaring kasal namin ay baka mas mayaman na ako kay Sir Xander. "Wala bang ibang nasa utak mo kundi ang pera?" May yamot sa tinig na ika niya. "Pera ang bumubuhay sa tao, Sir Xander. Kung walang pera, baka namatay na ang nanay ko. Kung walang pera, baka hanggang ngayon, lubog pa rin kami sa putikan. Aminin mo man o hindi, Pera ang nagpapatakbo sa lahat..." ika ko. Sa nakikita ko sa mundo simula noong namulat ako sa hirap ng buhay ay napantanto kong pera ang mas importante. Lalo na sa katulad kong hindi naman ipinanganak na mayaman. Mahirap lang kami at kay hirap kitain ang pera. Pera na halos ipagkait sa amin dahil mahirap lang kami. "Money is the root of evil. Tingnan mo ang mga politiko dito sa Pinas, they become more evil because of their hunger for money. Kayamanan at kapangya
Xander's Point of View"Tin, can you make me a coffee..."Agad siyang tumayo at humarap sa akin nang mag-request ako ng kape. "Hot or cold Sir Xander?" aniyang parang waitress na nagtatanong ng order. "Hot..." sagot kong iniiwas ang tingin sa kanya dahil may importante akong binabasa ngayon. Kontrata iyon sa magiging boutique na ipapatayo namin."How hot, Sir Xander, high, medium or low?""Medium..." sagot ko kahit ang weird ng tanong niya. Parang steak lang na kailangan may nga level pa ng pagkakatimpla. "Black, with cream and sugar or just..."Tumaas ang tingin ko sa kanya na salubong ang mga kilay. What's with her today? Bakit parang kakaiba ngayon ang kinikilos niya?"You know what I prefer, right? Bakit kailangan mo pang tanungin?" medyo may inis na sa boses ko pero nagpigil pa rin ako. "Ah...sorry sir Xander, nakalimutan ko na. Medyo alam mo, makakalimutin na ako, tumatanda na eh..."Tinaasan ko siya ng kilay. Iniinis ba niya ako? Parang sinasadya niyang inisin ako sa araw