Share

Kabanata 2

Author: Breaking Wave
Nablanko ang isipan ni Cordelia. Naramdaman niya ang mainit na dibdib ng lalaki na dumikit sa kanyang likod. Naririnig din niya ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ng lalaki. Hinawakan siyang maigi ng lalaking nasa ibabaw niya, at sinubukan niyang huminga ng malalim ngunit hindi pa rin niya maiunat ang naninigas niyang mga braso.

Biglang huminto ang lalaki.

"Alam mo ba kung sino ako?"

Napahinto si Cordelia.

Gustong sabihin ng lalaki na siya ang asawa niya at ito ang gabi ng kanilang kasal. Walang masama na gawin nila ito bilang mag-asawa.

Sa kabila nito, niliteral ni Cordelia ang kanyang tanong at nahihiyang sumagot, "Oo… Ikaw si Marcus Grist."

Naningkit ang mga mata ng lalaki at ngumisi siya. Marcus Grist… Hah, dapat ba siyang matuwa na alam niya ang pangalan na 'yun? Pasensya na lang sa kanya hindi siya si Marcus Grist—at hindi siya si Yelena Jenner.

Mula noong pumasok siya sa pinto na iyon, alam na niya agad na isa lang siyang substitute. Hindi niya alam kung bakit, ngunit hinding-hindi hahayaan ng tagapagmana ng mga Jenner na ikasal siya sa isang mahirap na probinsyano.

Pero ayos lang. Isa siyang stand-in bride, at pinakasalan niya siya habang nagpapanggap bilang ibang tao. Patas lang sila.

“Marcus…”

Nagising ang lalaki mula sa kanyang pag-iisip. Pagtingin niya sa baba, tumingin siya sa makikislap niyang mga mata. Ang mahinhin at nahihiyang ekspresyon ng babae ay parang isang kamay na nakakapit sa kung anong bagay sa kaloob-looban ng kanyang puso.

"Pasensya na, kinakabahan ako." Kinagat ni Cordelia ang kanyang labi at sinubukan niyang ilagay ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki.

"Ikaw ang asawa ko. Walang masama kung may gusto kang gawin sa'kin… M-Magsimula na tayo."

Pinagpawisan ng malamig ang tungki ng kanyang marikit na ilong. Lumapit siya sa kanya ngunit nanginginig siya sa sobrang kaba.

Kumabog ang puso ni Marcus. Noong hahalikan na ni Cordelia ang kanyang mga labi, kahit na hindi niya alam kung anong ginagawa niya, biglang hinawakan ni Marcus ang kanyang kamay at dumistansya siya sa kanya.

Nagulat si Cordelia. Namumula pa rin ang kanyang mga pisngi at napuno ng pagkalito ang kanyang mga mata.

"Kalimutan mo na 'yun." Ang sabi niya, habang nakatingin siya sa kanya. "Pagod ka din ngayong araw. Matulog na tayo."

"Marcus, ano—"

"Sa tingin ko kailangan mo ng oras para makapag-adjust. Hangga't hindi ka pa sanay sa pagkakaroon ng asawa, hindi kita pipilitin." Ang sabi niya bago siya tumalikod.

Natulala si Cordelia habang pinagmamasdan niya ang likod ng lalaki. Pagkatapos, noong nakatulog ang lalaki, pinagmasdan niya siyang maigi.

Gwapo siya kapag tulog siya. Makinis ang kanyang mukha, at lalaking-lalaki ang kanyang mga kilay. Nakaunan ang kanyang ulo sa maskulado niyang braso, at namula ang mga tainga ni Cordelia dahil sa maskulado niyang katawan.

Naramdaman ni Cordelia na kumabog ng malakas ang kanyang puso at agad siyang tumalikod. Di-nagtagal ay nakaramdam siya ng antok, at ang isip niya ay pinuno ng mga pang-iinsulto ng kanyang stepmother at ni Yelena bago ang kanyang kasal.

Sinabi nila sa kanya na ang mga Grist ay kaibigan ng kanilang pamilya at totoong mayroong kasunduan sa pagitan nila. Subalit, nagtago ang mga Grist sa isang nayon sa probinsya mula noong pagbagsak nila at hindi maganda ang lagay nila. Ang anak ng mga Grist ay isang walang kilalang kwentang sanggano, at sinasabi na madalas siya sa estasyon ng pulis…

"Bakit ako magpapakasal sa isang sanggano?" Suminghal si Yelena. "Mas bagay ka sa kanya. Ilang lalaki na rin naman ang nagkama sa nanay mo, at bastardo ang kapatid mong lalaki!

"Nararapat lang sa isang gaya mo ang isang sanggano!"

"Cordelia, pag-isipan mo ito," Ang malamig na sinabi ng ama ni Cordelia. "Bibigyan kita ng pera basta't papakasakan mo si Marcus Grist kapalit ni Yelena, at magagawa mong ipagamot ang iyong ina."

Ininsulto ng kanyang stepmother si Cordelia. "Isang karangalan para sa'yo ang maikasal bilang ikalawang tagapagmana ng mga Jenner, p*ta ka! Huwag ka nang magmataas!"

Biglang nagising si Cordelia, nalaman niya na umaga na at wala na ang lalaking katabi niya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pero ok lang yan cordellia hindi alam ng stepmother at stepsister mo na sobrang yaman ng napangasawa mo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1219

    Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1218

    Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1217

    ”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1216

    Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1215

    ”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1214

    [Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status