Share

Kabanata 3

Author: Breaking Wave
Nagtapis si Cordelia at lumabas siya sa harap ng bahay, kung saan nageehersisyo si Marcus.

Walang suot na pang-itaas si Marcus habang hawak niya ang dalawang dumbbell sa magkabila niyang kamay. Nang masikatan ng araw ang kanyang mga muscle, nagmistula siyang si Helios, na bumaba mula sa kalangitan.

Bahagyang namula ang mga pisngi ni Cordelia habang binabati niya siya. "Ang aga mong nagising!"

Lumingon si Marcus sa kanya.

Pinagmasdan ni Cordelia ang kanyang paligid. Hindi gaanong malawak ang harap ng bahay. Sa halip ay magulo ito, at may mga sandbag, boxing gloves, baseball bats, weights, at iba pang mga bagay na nagkalat sa paligid. Sumikip ang kanyang dibdib. Hindi siya nangahas na sabihin na totoo ang mga balita, ngunit marahil ay madalas mapaaway si Marcus.

Napaisip siya tungkol sa pasensya ng lalaki. Narinig niya na ang mga tao sa lugar na ito ay mga masokista at karaniwan na para sa mga nalalasing na lalaki na bugbugin ang kanilang mga asawa.

Kinagat ni Cordelia ang kanyang labi at lumapit siya, halos makapigil hininga niyang tinanong ang lalaki, “Um… Nag-almusal ka na ba?”

“Hindi.” Pabalang at malamig ang sagot ng lalaki.

“Magluto ka.”

Tumango si Cordelia at nagtungo siya sa kusina.

Mabilis siyang kumilos at di-nagtagal ay nakapagluto siya ng sopas, pancake, at inabot din niya ang isang plato ng bacon kay Marcus.

Tumingin si Marcus sa taas, at sumalubong sa kanya ang maningning na mga mata ni Cordelia. Nabigla siya, at nilagyan niya ng bacon ang plato ni Cordelia.

Tatanggi sana si Cordelia pagkatapos niyang magulat, ngunit narinig niya na sinabi ng lalaki sa malalim niyang boses na, “Kumain ka ng marami. Napakapayat mo!”

“Oh…”

Tinikom niya ang kanyang mga labi. Marami siyang gustong sabihin kay Marcus—gaya ng paghingi ng tawad sa nangyari kagabi. Normal lang para sa mga bagong kasal na gawin iyon, ngunit sa huli ay nagmukhang pinipilit niya siya.

Gusto rin niyang tanungin siya tungkol sa mga plano nila para sa hinaharap. Mag-asawa na sila ngayon, kaya dapat may plano sila kahit paano.

Dagdag pa dito, hindi pa rin niya alam kung ano ang trabaho ni Marcus at paano niya bubuhayin ang kanilang pamilya…

Kailangan nilang kilalanin ng mas mabuti ang isa’t isa.

Gayunpaman, noong nakita ni Cordelia na kumakain si Marcus at napansin niya ang mga kalyo sa kanyang mga daliri habang inaangat niya ang kanyang mga kamay, alam ni Cordelia na mula ito sa pagsuntok at pagtira sa mga sandbag. Muli niyang nilunok ang anumang salita na balak niyang sabihin.

Mahaba at tahimik ang unang almusal na pinagsaluhan nila bilang mag-asawa. Masama ang loob ni Cordelia tungkol dito, ngunit wala siyang ibang lugar na matatakbuhan.

“Oo nga pala, may gagawin ka ba ngayong araw?” Ang tanong ni Cordelia.

Huminto si Marcus. “Anong problema?”

“Pupunta ako sa bayan para ibalik yung wedding dress.” Sumagot siya ng nakangiti.

Nanigas si Marcus. Hindi niya pinag-isipan ang kasal at hindi niya alam na nirentahan lang ni Cordelia ang kanyang wedding dress. Ito ang pinakamagandang damit na susuotin ng isang babae sa buong buhay niya, at masayang bumili ng mga wedding dress nila ang ibang mga babae. Nailang siya sa sitwasyon.

"Hindi ko hinihiling na samahan mo ako!" Nagpaliwanag si Cordelia nang mapansin niya na tahimik si Marcus. "Ako na ang magbabalik ng damit. Gawin mo kung anong kailangan mong gawin. Huwag mo na akong intindihin."

"Mm," Ang sagot ng lalaki.

Magalang silang dalawa sa isa't isa, na para bang magroommate lang sila.

Nilinisan ni Cordelia ang wedding dress at nilagay niya ito sa plastic, gaya ng itsura nito noong nakuha niya ito. Ilang bus ang sinakyan niya at nakarating lamang siya sa bridal boutique noong tanghali na.

Walang ibang hinanda ang mga Jenner para sa kanya maliban sa pinangako nilang pera noong ikinasal siya. Hinalughog niya lang ng mag-isa ang bayan at sa wakas ay nahanap niya ang boutique na ito na may mga style ng damit at mga presyo na kontento siya. Hindi malaki ang boutique, at sanay na ang mga staff na maging arogante. Ang mga customer na gaya ni Cordelia, na kinasal suot ang isang damit na nirentahan niya, ay minamaliit nila.

"Miss, sigurado ka ba na mapaparentahan pa namin ang damit na 'to sa hinaharap?" Nagtaas ng boses ang sales assistant sa inis niya.

"Tingnan mo 'to. Tingan mo nga kung anong ginawa mo dito!"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mhaaay 🤍
Maganda ba Tlga to?
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku mukhang ang sungit pa ng assistant
goodnovel comment avatar
Nan
Ganda Ang kwentong ito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1219

    Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1218

    Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1217

    ”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1216

    Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1215

    ”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1214

    [Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status