Share

Ika-anim na Pahina

Author: BlueFlower
last update Last Updated: 2025-10-31 19:02:14

"Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.

Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo,

 “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.

Napabuntong hininga nalang si Trina.

Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.

Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon.

"Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.

Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.

Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.

“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!” saad nito habang nakayuko at nanginginig ang mga kamay.

Hindi nagsalita ang lalaki, ngunit ang malamig na aura na nagmumula sa kanyang katawan ay nagpatindig ng mga balahibo sa buong katawan ni JV sa takot.

Ang matandang babae ay madalas na tuliro, ngunit sino ang mag-aakalang bigla siyang makakaalala at magkaroon ng maayos na isipan ngayon at nautakan pa lahat ng kanyang mga bantay sa pamamagitan ng pagpapaalis sa lahat at palihim na paglabas.

Pagkatapos kasi nilang suriin ang mga kuha sa CCTV, natuklasan nilang sumakay pala ang matanda ng bus papunta sa labas ng lungsod mag-isa.

Medyo liblib ang lugar na iyon, at maraming kalsada ang walang mga kamera, kaya’t napilitan silang magsagawa ng malawakang paghahanap para siya’y mahanap.

Ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay biglang tumunog ang telepono ni Luke.

Agad itong sinagot ni Luke ngunit siya ay nanatiling tahimik at naghihintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

Pagkaraan ng ilang segundo ay may nagsalita na mula sa kabilang linya, narinig ang mahinang tinig ng isang babae:

“Hello, hinahanap niyo ba ang isang matanda? Kung oo, nasa pangangalaga ko ngayon.” wika ng nasa kabilang linya.

Bumigat agad ang atmosphere sa loob ng sasakyan, at tila biglang bumaba ang temperatura ng ilang antas.

Dahil sa pangyayari ay agad kumilos ang lahat. May ilan nang handang tumawag sa pulis, habang si JV naman ay sinusubaybayan ang pinagmulan ng tawag.

Matatalim ang mga mata ni Luke.

“Magkano ang gusto mo?” kalmado pero may authority na saad ni Luke.

"Nagbibiro lang ako.” sagot ng boses ng babae.

“Gusto ko lang sabihin na sana alagaan n’yo nang mabuti ang matanda sa Susunod. Hindi porket matanda na siya ay pababayaan niyo nalang, alam niyo nang may sakit hindi niyo pa mabanatayan ng maayos, hayst!”dagdag pa nito at mababakas sa tinig nito ang kunting inis.

Pagkatapos noon, ibinigay niya ang kanyang address at ibinaba ang tawag.

Nakahinga nang malalim si JV at hinaplos ang kanyang dibdib.

Sa kabilang banda, bahagyang itinaas ni Luke ang kanyang mga mata. At inalala ang tinig ng babaeng kausap niya kanki-kanina lang.

Bigla niyang naramdaman na ang tamad na tinig ng babae sa telepono ay parang… pamilyar?

"Saan nga ba niya narining ang ganong klaseng tinig" tanong niya sa sarili.

Pero dahil hindi niya maalala kaya hinayaan nalang muna niya. Ang importante ngayon ay mapuntahan ang kanyang Lola kung nasaan man ito.

Makalipas ang limang minuto, dumating sila sa lugar kung saan naroon ang matanda, ngunit ang babaeng tumawag ay wala na roon. Tanging isang pulis lamang ang naghihintay kasama ng matanda.

Agad na lumapit si Luke sa pulis at nagpasalamat, pagkatapos ay lumuhod sa harap ng matanda para kausapin.

“Lola, ano po ang ginagawa ninyo rito?” tanong niya rito na may halong pag-aalala. Dahil ngayon lang ito nangyari simula ng madiagnosed ito ng alzheimer's.

Sumagot ang matanda nang may misteryosong ngiti,

“Hinahanap ko ang asawa ng apo ko. Dito lang siya nakatira malapit!”

Napahinto si Luke at napabuntong-hininga, “Lola, wala po akong asawa…”

“Imposible! Nakita ko siya!” reklamo ng matanda

 “Ang sama nga ng loob ko sa kanya! Iniwan ba naman ako sa mga pulis at umalis agad. Hindi man lang hinintay na dumating ka. Nagkita sana kayo, sayang!"Wika nito habang nakasimangot ang mukha.

" Ah, at pahiramin mo nga ako ng cellphone mo.”saad nito na parang may naisip na kalokohan na naman.

Ibinigay naman agad ni Luke ang kanyang telepono. Nang matanggap ang cellphone ay agad niyang hinanap ang contact number ng granddau-in-law at isinulat ng sa kanyang address book ang numero ng huling tumawag.

Sa wakas, nakuha na ng matanda ang contact number ng asawa ng kanyang apo! Mas madali niya na itong mahahanap.

Samantala, si Trina naman ay patuloy na nina baybay ang daan pauwi sapagkat ayaw niyang magpang-abot pa sila ng pamilya ng matangdang nakita niya. Umiiwas lang siya sa pwedeng mangyari kapag nagkita sila, baka magpasalamat ng sobra sobra. At dahil hindi siya sanay humarap sa ganoong mga sitwasyon ay minabuti niyang umalis habang maaga pa.

Kaya nang makita niyang may mga pulis na nagpapatrolya, agad niya itong ipinagkatiwala dahil alam naman niyang hindi nila pababayaan ang matanda.

Ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang sinabi kanina ng matanda kahit na siya'y nakauwi na.

"Bakit kaya niya ko tinawag na granddaughter-in-law gayong hindi ko naman siya kilala, maski nga yung apo niya."

"Ewan ko!" problemadong usal ni Trina.

"Makatulog

na nga lang." sabay higa sa kanyang kama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married into His Billion-Dollar Life   Palaban

    Continuation...Ngumisi ang dalaga. Napa singhap naman kaagad ang mga tao sa paligid, para silang tumitingin ng isang impromptu na palabas sa mga teleserye."Misis Lopez!" hindi maipinta ang mukha ni Ma'am Castro at kaagad itong tumakbo upang pigilan ang ang Ina niya."Bitiwan mo ako, Ma'am Castro! Suwail kang anak!""Misis Lopez, huminahon kayo, nasa publiko kayo." parang natauhan naman ang Ina ni Trina at kaagad napa tingin sa bukana ng pintuan kung nasaan ang mga nagkukumpulang mga trabahador.Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato."Bumalik na kayo sa mga lamesa niyo ngayon din!" uto ni Ma'am Castro at parang isang bula nawala kaagad ang mga ito.Napa mura naman sa hangin ang dalaga ng mapansin niyang may dugo ang kaniyang kamay. Kumurba pa malaking guhit ng kuko ng kaniyang Ina doon hindi alintana ang sakit sa kanyang pisngi."Ma'am Castro, ako na ang nagsasabi sa iyo na ang batang iyan." sabay turo niya sa dalaga. "Isa siyang walang modong anak. Kami

  • Married into His Billion-Dollar Life   Argumento

    Maagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento.“Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?”“Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon.Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga.“Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya.Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya.“Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put lima

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-anim na Pahina

    "Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo, “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.Napabuntong hininga nalang si Trina.Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon."Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!”

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika Limang Pahina

    Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhanna si Drake.“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nitoAgad na kumunot ang noo ni Trina."Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”“Sabihin mo.”“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamily

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-apat na Pahina

    Bahagyang kumunot ang noo ni Luke Montenegro at bahagyang itinaas ng isang kilay. Nagtataka kung bakit siya tinawag na asawa ng babaeng nakaharang sa dadaanan niya.“Umalis ka sa daan,” malamig ngunit mahinahong sabi niya.Napatulala na lamang si Trina ng marinig ang tinig nito dahil sa mababa at kaaya-ayang pakinggan, may halong marangal na himig na nakakaakit na nanaisin mong marinig muli.Dahil sa parang nawala sa sarili ang babaeng nasa harapan ay pinitik ni Luke ang kanyang daliri sa harapan nito na naging dahilan para bumalik ang ulirat ni Trina.“Hindi… mo ako kilala?” tanong niya nang may pag-aalinlangan.Tumingin si Luke pababa sa kanya.“Dapat ba kitang kilalanin?” wika nito sa kanya.Mula pa nang pumasok siya sa bahay ng pamilyang Lopez dama na niya ang kakaibang titig na tila sumusunod sa bawat galaw niya. Mga titig na hinuhusgahan ang kanyang buong pagkatao.Ngunit ang titig ng lalaki ay direkta at totoo — hindi gaya ng mga mapanghusga at nakakasuklam na tingin ng iba.Ti

  • Married into His Billion-Dollar Life   Pangatlo Pahina

    "Sino ba yang Luke Montenegro? Makapangyarihan ba siya?" tanong ni Gabriela sa ama na halatang nalilito at hindi pa rin alam ang nangyayari.Habang si Trina naman ay tahimik lang na nakikinig dahil gusto niya din malaman kung sino ba talaga si Luke Montenegro. May mga connections at alam siya tungkol sa mga Montenegro pero hindi pa niya kahit minsan narinig ang pangalang Luke Montenegro."Normal na hindi mo siya kilala. Siya ay napakamisteryosong tao. Kahit ako ay hindi ko pa siya nakikita. Si Luke Montenegro ay dalawampu't walong gulang palang at siya ang bagong chairman sa pamilyang Montenegro.""Kung ganon pala ay mas nababagay na siya ang pakasalan ni Gabriela kesa kay Xander!" masayang wika ng kanyang ina."Tumingil ka nga!" galit na suway ng kanyang ama."Si Luke Montenegro ay kasal na!" dagdag pa nito.Nanliit ang mata ni Trina sa narinig. Kung kasal na ang sinasabi nilang Luke Montenegro na nasa marriage certificate na hawak niya. Dapat malaman niya ang nangyayari.Sa kabilang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status