LOGINMaagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.
Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento. “Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?” “Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon. Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga. “Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya. Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya. “Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put limang minuto.” “Pero--" napa taas kilay na lamang ang dalaga ng pinatay na nito ang tawag kaya wala na siyang nagawa at sumunod na lang. *** Kumunot ang noo ng dalaga nang mapansin ang pamilyar na kotse sa labas ng kompanya. Pagpasok palang niya sa opisina ay kaagad bumungad ang naka taas kilay na si Gabriella. “Anong ginagawa mo dito Gabriella?” “Iyon nga ang gusto kong sabihin sa iyo Trina, kailangan naming magbawas ng empleyado sa Technology Department. Masiyado na tayong marami," Si Ma’am Castro ang sumagot sa kanya, habang si Gabriella naman ay naka upo lang sa isang upuan habang may naka plakadang pilyong ngiti sa labi. Nakaramdam naman kaagad ng iritasyon ang dalaga. “Hindi ko kayo maintindihan Ma’am, may nagawa po ba akong mali? At anong sobra tayo sa papulasyon? Wala namang nadagdag na tao hindi ba?” kaagad na umiling ang ulo nito. “Kahilingan iyon ng inyong Ina Trina,” Nagsalubong naman ang makapal na kilay ng dalaga at tumingin sa gawi ni Gabriella na kasalukyang naka cross ang kamay sa dibdib. “Si Mama? Ano naman ang kinalaman niya sa trabaho ko?” Awtomatikong napa tayo kaagad si Gabriella. “Aba… kung makapagsalita ka ay parang hindi mo kilala ang pamilya Lopez ah? Ipapaalala lang namin sa iyo Trina, kung hindi dahil sa Lopez mong apelyedo ay hindi ka matatanggap sa kumpanya na ito.” Taas kilay na saad ni Gabriella. “Anong pamilya Lopez? Pinaghirapan ko kung ano man ang posisyon ko ngayon, Gabriella!” bawat salita na binitawan ng bibig ni Trina ay may diin. “Wala akong pakialam," tumingin ito sa sarili niyang kuko na parang nanunuya, "Si Mama at Papa na ang nag desisyon na umalis kana dito. At kahit anumang rason mo, wala na akong pakialam pa don. Heto, passport at ticket mo.” Sabay tapon ni Gabriella nito sa lamesa ni Ma’am Castro. Kaagad namang kinuha iyon ni Trina. Nalukot ang maamong mukha ng dalaga. “A-Anong ibigsabihin nito?” “Bobo kaba? Oh sadyang tanga ka lang? Syempre pinapaalis ka na nila Papa sa Pilipinas dahil ginalit mo ang isang Montenegro." Sigurado si Trina na wala siyang ginawang masama sa lalaki na iyon kahapon, kaya bakit ganito? "United States? Nahihibang naba kayo? Wala akong ginawang masama sa kanya!" walang pakialam si Trina kung dinig na dinig ang kaniyang boses sa labas ng opisina. "Ibalik mo ito sa kanila," itinapon pabalik ni Trina ang pasaporte a ticket sa gawi ni Gabriella. "Aba't!" "Wala silang karapatan na diktahan ang buhay ko, Gabriella." "Trina--" "Pwede po bang hayaan niyo muna kami dito Ma'am Castro?" napa buntong hininga ito at saka tumango. "Sige, mag-aantay lang ako sa labas." pagka sirado ni Ma'am Castro sa pintuan ay kaagad na ngumisi si Gabriella. "Bakit? Takot ka bang malaman ng lahat na isa ka ngang Lopez, ngunit sampid ka lang naman." Napa tawa nang mapakla si Trina. "Sabihin mo nga Gabriella, ganon ba kayo katakot sa pagbabalik ko, huh?" alam ni Trina sa sarili niya na ginagawa ito ng pamilya niya upang makaiwas ito sa gulo. Takot ang mga ito na maging kalaban ang pamilya Montenegro at takot din ang mga ito sa presensya niya. Nakita niya kung paano nalukot ang mukha ni Gabriella sa inis. "Umalis kana kasi! Pag sinabi ng pamilya Lopez na umalis ka na, umalis ka na!" Mas lalong gumuhit ang mapanuyang ngiti sa mga labi ni Trina. "Galit na galit gustong manakit?" "Ano ba, Trina! Na proseso ko na lahat lahat. Wala ka ng problema sa pag-alis dito sa trabaho mo dahil resigned ka na. Naka impake narin ang mga gamit mo sa bahay, kukunin mo nalang at mamayang gabi ang iyong alis." Doon nawala ang mapa nuyang ngiti sa mga labi ng dalaga at napalitan iyon ng nag-aapoy na mga mata. "Sino kayo para mag desisyon para sa akin? Tinanong niyo man lang ba ako? Ang opinyon ko?" Gumuhit ang ugat sa kaniyang sentido. Umalingawngaw sa kabuuan ng hallway ang tinig na iyon ni Trina. Pumasok kaagad sa eksena si Ma'am Castro at ang Ina ni Trina. "Anong ibigsabihin nito?" boses iyon ng Ina ni Trina. Napa lingon kaagad ang dalawang dalaga sa pintuan. Nakita nila ang mga nagkukumpulang trabahador sa labas ng opisina. Nakiki osyoso kung anong nangyayari sa loob. "Mommy, finally you're here!" maarteng tumakbo si Gabriella patungo sa Ina nito. Napa tirik sa ere ang mata ni Trina dahil sa inis. "Anong ginagawa mo dito Mama?" mahinahong tanong ni Trina sa Ina. "Trina, sana maintindihan mo ang gusto naming mangyari ng Papa mo. Gusto lang naming mas mapabuti ang lagay mo." malumanay na sambit nito na para bang hindi ito makakabasag ng pinggan. Taliwas sa ipinapakita nito kapag sila lang dalawa ang nag-uusap. "Lagay?" napa tawa ng mapakla ang dalaga, "Naririnig mo ba sarili mo, Ma? Masaya ako kung nasaan ako ngayon. Umpisa palang, hindi ako tumanggap ng tulong mula sa inyo." lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kaniyang kamay. Napa ngiwi nalang siya ng biglaan itong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Pakiramdam niya bumaon ang dulo ng ekstensyon na kuko nito sa palad ni Trina. "Pumayag ka na kung ayaw mong itakwil kita bilang anak." nangagalaiti nitong bulong sa tainga ng dalaga at may ngiting hinawi pa nito ang nakaharang na buhok sa kaniyang mukha at isinukbit iyon sa likod ng tainga niya. Napa ngisi naman si Trina at bumulong din aa tainga ng Ina. "Ayoko. Simple at klaro Ma, siguro naman maiintindihan niyo na hindi ba?" ang naka ngiting mukha ng kaniyang Ina ay kaagad napalitan ng isang masalimoot na mukha. "Wala ka talagang galang!" lumagapak ang sariwang sampal sa mukha ni Trina. Ngumisi ang dalaga."Who the fvck let you in here Ms. Lopez?" napa sigaw nalang si Trina ng wala sa oras nang marinig niya ang baritonong boses na iyon. Narinig naman kaagad iyon ng sekretarya ni Luke at binuksan ang pintuan ng opisina."Anong problema Mr. Montenegro?" nabaling ang tingin ng sekretarya kay Trina. Nasa gilid lamang siya ng pintuan, naka tayo at tulala sa lalaking kasalukuyang naka upo sa isang swivel chair malapit sa glass na dingding. Napa lunok ng sariling laway ang dalaga at siya na mismo ang umiwas ng tingin. Hindi niya maitatangi na may itsura talaga ang lalaki mula ulo hanggang paa, walang tapon!Ulam lahat!"Paano ka nakapasok dito, Miss?" taas kilay na tanong sa kanya ng sekretarya siguro ni Luke Montenegro base sa hitsura at suot nito.May kasama itong tatlong lalaki sa likuran nito na naka suot ng full black tuxedo at may mga wires sa gilid ng tainga nila.Inayos ni Trina ang tindig niya at taas noong tumingin sa lalaking kasalukuyang abala sa laptop nito sa kaniyang lamesa."N
"Huwag ka na ngang magpasikot sikot, sabihin mo na." naiinip na si Trina. Huminto muna siya saglit sa paglalakad sa hallway.Napa kamot naman sa sariling ulo ang kausap niya sa kabilang linya."Ang ipinapa imbistiga mo sa akin na si Luke Montenegro ay isa palang bunsong anak. Ayon sa aking pagsisiyasat, ang kanilang pamilya ay masiyadong ginagalang dahil sa katayuan narin ng kanilang yaman. Ngunit kahit masiyado mang perkpektong tingnan sa publiko ang pamilya Montenegro, may isyu parin sa loob ng kanilang pamilya."Napa tirik naman sa ere ang mata ni Trina sa inis."So ano nga si Luke Montenegro?""Iyon na nga Ma'am, ang lola ng Luke Montenegro na ito ay basta nalang pumili ng kung sinong babae galing sa isang simpleng pamilya para lamang ipakasal sa kanya. Ngunit nagkaroon ng gulo, walang mga imbitasyon at kasalang naganap at basta na lang inanunsyo sa publiko na siya ay kasal na." Napa tango tango naman si Trina habang nagpapatuloy sa paglalakad."At patungkol naman sa kaniyang asa
Continuation...Ngumisi ang dalaga. Napa singhap naman kaagad ang mga tao sa paligid, para silang tumitingin ng isang impromptu na palabas sa mga teleserye."Misis Lopez!" hindi maipinta ang mukha ni Ma'am Castro at kaagad itong tumakbo upang pigilan ang ang Ina niya."Bitiwan mo ako, Ma'am Castro! Suwail kang anak!""Misis Lopez, huminahon kayo, nasa publiko kayo." parang natauhan naman ang Ina ni Trina at kaagad napa tingin sa bukana ng pintuan kung nasaan ang mga nagkukumpulang mga trabahador.Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato."Bumalik na kayo sa mga lamesa niyo ngayon din!" uto ni Ma'am Castro at parang isang bula nawala kaagad ang mga ito.Napa mura naman sa hangin ang dalaga ng mapansin niyang may dugo ang kaniyang kamay. Kumurba pa malaking guhit ng kuko ng kaniyang Ina doon hindi alintana ang sakit sa kanyang pisngi."Ma'am Castro, ako na ang nagsasabi sa iyo na ang batang iyan." sabay turo niya sa dalaga. "Isa siyang walang modong anak. Kami
Maagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento.“Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?”“Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon.Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga.“Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya.Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya.“Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put lima
"Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo, “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.Napabuntong hininga nalang si Trina.Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon."Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!”
Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhanna si Drake.“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nitoAgad na kumunot ang noo ni Trina."Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”“Sabihin mo.”“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamily







