Share

Ika Limang Pahina

Author: BlueFlower
last update Last Updated: 2025-10-31 19:01:38

Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.

Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhan

na si Drake.

“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nito

Agad na kumunot ang noo ni Trina.

"Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.

“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.

“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.

“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.

“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”

“Sabihin mo.”

“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamilyang Montenegro. Ayon sa mga sabi-sabi, siya raw ay marahas at malamig ang dugo, kaya ipinadala siya sa ibang bansa noong bata pa. Akala ng lahat, ang panganay na anak, ama ni Xander Montenegro, ang magmamana ng mga ari-Arian ng pamilya nila. Pero hindi inaasahan ng sinuman na babalik si Luke Montenegro sa dito noong nakaraang linggo at, sa pamamagitan ng ilang matitinding paraan, pinilit niyang magbitiw ang matandang Montenegro at siya ang pumalit bilang chairman ng Montenegro Group.”

“Maiba ako boss, hindi ba dapat isang madaling kontroling tao lang ang napili mong pakasalan para sa huwad na kasal na ’yan? Bakit bigla namang naging malamig at nakakatakot ang groom? Boss, kung magkagulo dahil sa status mo, maaapektuhan ang IPO ng kumpanya!” pagtatanong ni Drake na may halong pagtataka at pag-aalala.

Napabuntong-hininga na lamang si Trina.

“Kunin mo ang contact information at schedule niya,” utos niya.

 “Ako na ang makikipag-usap sa kanya.”

Tinanggap niya noon ang katawa-tawang alok ni Sandra na magpakasal agad dahil mas madali ang proseso ng IPO kung ang legal representative ay kasal na.

Pero ngayon, tila bigla siyang napasok sa kasal na hindi niya maintindihan, at hindi malinaw kung anong

pakana ang nasa likod nito.

Dahil komplikado ang pagkatao ni Luke Montenegro, ang pinakamainam na solusyon ay ang makipaghiwalay agad upang maiwasan ang anumang hindi kailangang gulo.

Pagkababa ng tawag, pinisil ni Trina ang kanyang sentido, tila inaalis ang pagod at inis na bumalot sa kanya.

Medyo kumplikado ang sitwasyon sa isip niya. Kaya dapat ay iwasan na mga problemang maaaring mangyari sa hinahanap.

Ang isang taong tulad ni Luke Montenegro, na palaging may kasamang mga bodyguard, ay hindi basta-bastang malalapitan.

Hindi na sana niya tinawag na “asawa” ito kanina — dahil sa ginawa niyang iyon, nainis ito at umalis agad.

Napabuntong-hininga siya at pinaandar ang kumikiriring niyang lumang sasakyan at nagsimulang baybayin ang daan pauwi.

Pagkalabas sa maingay na sentro ng lungsod, nakarating siya sa isang baryo sa labas ng siyudad.

Naalala niya noong lumayas siya mula sa pamilya Lopez noong siya’y high school pa lang, kakaunti lang ang pera niya, kaya nagrenta siya ng lumang bahay sa lugar na iyon. At makalipas ang ilang taong pananatili ay nasanay na siya roon at hindi na muling lumipat.

Ngunit bago siya lumiko sa kanto, isang matandang babae, na tinatayang nasa otsenta o nobenta anyos, ang biglang lumitaw sa gilid ng kalsada!

Mabilis namang inapakan ni Trina ang preno, at muntik na niyang mabangga ang matanda!

Tinitigan ni tiningnan ang matandang babae — sa una’y inakala niyang isa lang itong scammer, pero agad niyang napansing may kakaiba.

Bagaman payat at pandak, ang matanda ay maayos ang pananamit ay halatang galing sa isang may-kayang pamilya.

Sa leeg nito ay may nakasabit na karatula na may contact number at nakasulat sa dulo na

“Kung sakaling mawala ang matanda, pakitawagan ang numerong nasa baba. Magbibigay ng malaking pabuya.”

Mukhang may Alzheimer’s nga sa isip-isip niya.

Hindi niya alam kung kaninong kamag-anak ang nawawalang matanda. Kaya agad na niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang numerong nakasulat sa karatula.

Ngunit bago pa man niya marinig ang tugon sa kabilang linya, ang tulala at malabong matang matanda ay biglang kumilos.

Hinawakan nito ang pulsuhan ni Trina, at kumikinang sa saya ang dating malabong mga mata.

 “Asawa ng apo ko! Ikaw ang asawa ng apo ko!” sigaw ng matanda, puno ng tuwa.

Napangiwi si Trina, bahagyang napailing.

Dalawampu’t dalawang taon na siyang walang asawa, maski boyfriend nga ay wala tapos ngayon, bigla na lang ulit siyang may mister? Ano na ba itong nangyayari sa buhay niya.

Ano ’to, naka-wholesale na ba ang Local Civil Registry Office ngayon?

Napatawa siya sa sarili, saka mahinahong nag tanong sa matanda.

“Lola, sino po ba ’yung apo ninyong tinutukoy? Ano po pangalan ng apo niyo?”

Nakunot ang noo ng matanda, halatang pilit naalala ang pangalan.

Sandaling katahimikan, pagkaraan ng ilang minuto ay bigla siyang ngumiti

at buong saya na sinabi,

“Ah, oo! Si Luke!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married into His Billion-Dollar Life   Palaban

    Continuation...Ngumisi ang dalaga. Napa singhap naman kaagad ang mga tao sa paligid, para silang tumitingin ng isang impromptu na palabas sa mga teleserye."Misis Lopez!" hindi maipinta ang mukha ni Ma'am Castro at kaagad itong tumakbo upang pigilan ang ang Ina niya."Bitiwan mo ako, Ma'am Castro! Suwail kang anak!""Misis Lopez, huminahon kayo, nasa publiko kayo." parang natauhan naman ang Ina ni Trina at kaagad napa tingin sa bukana ng pintuan kung nasaan ang mga nagkukumpulang mga trabahador.Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato."Bumalik na kayo sa mga lamesa niyo ngayon din!" uto ni Ma'am Castro at parang isang bula nawala kaagad ang mga ito.Napa mura naman sa hangin ang dalaga ng mapansin niyang may dugo ang kaniyang kamay. Kumurba pa malaking guhit ng kuko ng kaniyang Ina doon hindi alintana ang sakit sa kanyang pisngi."Ma'am Castro, ako na ang nagsasabi sa iyo na ang batang iyan." sabay turo niya sa dalaga. "Isa siyang walang modong anak. Kami

  • Married into His Billion-Dollar Life   Argumento

    Maagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento.“Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?”“Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon.Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga.“Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya.Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya.“Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put lima

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-anim na Pahina

    "Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo, “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.Napabuntong hininga nalang si Trina.Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon."Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!”

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika Limang Pahina

    Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhanna si Drake.“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nitoAgad na kumunot ang noo ni Trina."Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”“Sabihin mo.”“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamily

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-apat na Pahina

    Bahagyang kumunot ang noo ni Luke Montenegro at bahagyang itinaas ng isang kilay. Nagtataka kung bakit siya tinawag na asawa ng babaeng nakaharang sa dadaanan niya.“Umalis ka sa daan,” malamig ngunit mahinahong sabi niya.Napatulala na lamang si Trina ng marinig ang tinig nito dahil sa mababa at kaaya-ayang pakinggan, may halong marangal na himig na nakakaakit na nanaisin mong marinig muli.Dahil sa parang nawala sa sarili ang babaeng nasa harapan ay pinitik ni Luke ang kanyang daliri sa harapan nito na naging dahilan para bumalik ang ulirat ni Trina.“Hindi… mo ako kilala?” tanong niya nang may pag-aalinlangan.Tumingin si Luke pababa sa kanya.“Dapat ba kitang kilalanin?” wika nito sa kanya.Mula pa nang pumasok siya sa bahay ng pamilyang Lopez dama na niya ang kakaibang titig na tila sumusunod sa bawat galaw niya. Mga titig na hinuhusgahan ang kanyang buong pagkatao.Ngunit ang titig ng lalaki ay direkta at totoo — hindi gaya ng mga mapanghusga at nakakasuklam na tingin ng iba.Ti

  • Married into His Billion-Dollar Life   Pangatlo Pahina

    "Sino ba yang Luke Montenegro? Makapangyarihan ba siya?" tanong ni Gabriela sa ama na halatang nalilito at hindi pa rin alam ang nangyayari.Habang si Trina naman ay tahimik lang na nakikinig dahil gusto niya din malaman kung sino ba talaga si Luke Montenegro. May mga connections at alam siya tungkol sa mga Montenegro pero hindi pa niya kahit minsan narinig ang pangalang Luke Montenegro."Normal na hindi mo siya kilala. Siya ay napakamisteryosong tao. Kahit ako ay hindi ko pa siya nakikita. Si Luke Montenegro ay dalawampu't walong gulang palang at siya ang bagong chairman sa pamilyang Montenegro.""Kung ganon pala ay mas nababagay na siya ang pakasalan ni Gabriela kesa kay Xander!" masayang wika ng kanyang ina."Tumingil ka nga!" galit na suway ng kanyang ama."Si Luke Montenegro ay kasal na!" dagdag pa nito.Nanliit ang mata ni Trina sa narinig. Kung kasal na ang sinasabi nilang Luke Montenegro na nasa marriage certificate na hawak niya. Dapat malaman niya ang nangyayari.Sa kabilang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status