Share

Chapter 7

Penulis: Eckolohiya23
last update Tanggal publikasi: 2026-02-06 19:18:56

Alas-nuwebe na ng umaga nang makarating ang taxi ni Amara sa tapat ng dambuhalang gate ng Castillejo Mansion.

Huli na siya. Sobrang huli na.

Ang ibinigay na ultimatum ni Xerxes ay alas-otso. Isang oras na siyang late. Pero ano bang magagawa niya? Ang traffic sa Marcos Highway ay parang walang katapusang pila papuntang impyerno. Bawat minutong nakatigil ang sasakyan, pakiramdam ni Amara ay binabawasan ang oras ng buhay niya.

"Ma'am, 350 po," sabi ng driver.

Nanginginig ang kamay na dumukot si Amara sa wallet niya. Binigay niya ang huling 500 pesos niya. "Keep the change na po, Manong."

Mabilis siyang bumaba. Sinalubong siya ng init ng araw, pero nanlalamig ang buong katawan niya. Ang guard na nagbukas ng gate ay hindi makatingin sa kanya nang diretso. May awa sa mga mata nito, at takot.

"Ma'am Amara," bulong ng guard. "Kanina pa po nagwawala si Sir Xerxes sa loob. Ingat po kayo."

Napalunok si Amara. Kung ang mga guard sa labas ay takot, paano pa kaya ang mga tao sa loob?

Hinawakan niya nang mahigpit ang strap ng kanyang lumang bag. Nandoon sa loob ang resibo ng ospital—ang patunay na nagbayad siya para sa chemo ni Kiko. Pero hindi niya pwedeng ipakita 'yon. Hindi pwedeng malaman ni Xerxes ang tungkol sa kapatid niya. Dahil oras na malaman nito na si Kiko ang kahinaan niya, baka ito pa ang gamitin nito para lalo siyang saktan.

“Kaya mo ‘to, Amara. Para kay Kiko. Lunukin mo lahat,” bulong niya sa sarili.

Naglakad siya sa mahabang driveway. Ang mansyon ay nakatayo sa dulo, maganda, maputi, at mukhang payapa. Pero alam niyang sa loob niyan ay naghihintay ang isang bagyo.

Pagbukas niya ng main door, ang inaasahan niyang sigawan ay hindi nangyari.

Katahimikan.

Nakakatakot na katahimikan.

Ang malawak na sala ay walang tao. Walang mga katulong na naglilinis. Walang ingay ng TV. Parang ghost town. Pero ramdam niya ang presensya ng isang tao.

"So, marunong ka pa palang umuwi."

Napapitlag si Amara.

Sa dulo ng grand staircase, nakatayo si Xerxes.

Nakabihis na ito. Suot ang isang dark grey three-piece suit, mukhang preskong-presko at handa nang pumasok sa opisina. Ang buhok niya ay maayos na nakasuplay pahalikod, ipinapakita ang matalim niyang panga at ang mas matatalim niyang mata.

Tumingin si Xerxes sa kanyang Rolex. "9:15 AM. You are one hour and fifteen minutes late based on my instruction. At mukhang..."

Bumaba ang tingin ni Xerxes sa suot ni Amara. Naka-jeans at sweater siya. Iba sa suot niya kagabi bago siya tumakas.

"...nagbihis ka pa," pagpapatuloy ni Xerxes. Ang boses niya ay kalmado, pero 'yon ang nakakatakot. Ang kalmadong boses ng isang papatay. "Saan ka galing, Amara? At bakit mukhang pagod na pagod ka?"

"Sa... sa labas lang," nauutal na sagot ni Amara. "Namalengke."

Isang tangang palusot. Wala siyang dalang bayong o plastik.

Bumaba si Xerxes ng hagdan. Mabagal. Bawat hakbang ay parang countdown. Clack. Clack. Clack. Ang tunog ng mamahaling leather shoes nito sa marmol na sahig ay umaalingawngaw sa buong bahay.

Huminto siya sa harap ni Amara. Naamoy niya si Xerxes—amoy mint at expensive cologne. Wala na ang amoy ng alak kagabi.

"Namalengke?" ulit ni Xerxes, nakataas ang kilay. "Gamit ang jeans at sweater? At wala kang dalang pinamili? Amara, kung magsisinungaling ka, galingan mo naman. Nakakainsulto sa talino ko."

Lumapit pa lalo si Xerxes. Yumuko siya para amuyin si Amara.

Nanigas si Amara. Ang ilong ni Xerxes ay dumampi sa leeg niya, sa may buhok niya.

"Amoy... antiseptic," bulong ni Xerxes. "Amoy alcohol. Amoy ospital."

Biglang umatras si Xerxes at tinignan siya nang may pandidiri.

"Nagpa-abort ka ba?"

"Ano?!" Nanlaki ang mata ni Amara. "Xerxes, ang dumi ng utak mo!"

"Bakit ka amoy ospital?!" biglang sigaw ni Xerxes. Ang boses niya ay dumagundong sa walls. "Saan ka galing?! Sinong dinalaw mo?! O baka naman nagpalinis ka ng katawan pagkatapos mong magpagamit sa kung kani-kanino?!"

"Wala kang karapatang husgahan ako!" sagot ni Amara, nanginginig sa galit. "Wala akong ginagawang masama! At lalong wala akong lalaki!"

"Sinungaling!"

Hinablot ni Xerxes ang braso ni Amara. Mahigpit. Baon ang mga daliri. Hinila niya ito palapit sa mukha niya.

"Akala mo ba tanga ako?" bulong ni Xerxes, nanggigigil. "Tumawag ang bangko sa akin kanina. May winithdraw na malaking halaga mula sa checking account na binigay ni Dad sa'yo. One hundred fifty thousand pesos. Encashed at 8:00 AM sharp sa St. Luke's branch."

Namutla si Amara. Alam niya.

"Ngayon sabihin mo sa akin," dugtong ni Xerxes, ang mga mata ay nag-aapoy. "Saan napunta ang pera ng tatay ko? Isang daan at limampung libo sa isang umaga? Ang mahal naman yata ng booking f*e ng lalaki mo? O baka naman binabayaran mo ang utang niya? Sinong sinusustentuhan mo, Amara?!"

"Hindi para sa lalaki 'yon!" depensa ni Amara, nagpupumiglas. "May... may binayaran lang akong utang ng pamilya ko! Sa nanay ko!"

"Patay na ang nanay mo!" sigaw ni Xerxes.

Natigilan si Amara. Oo nga pala. Alam ni Xerxes ang history ng pamilya niya. Alam nitong ulila na siya sa magulang at ang Lola niya na lang ang nagpalaki sa kanya (na patay na rin). Ang hindi lang alam ni Xerxes ay ang tungkol kay Kiko—ang half-brother niya sa ama na itinago niya noon pa dahil sa shame ng pagiging anak sa labas.

"S-sa... sa malayong kamag-anak," palusot ulit ni Amara, pero humihina na ang boses niya.

Binitawan siya ni Xerxes nang padabog. Muntik na siyang matumba.

"You are pathetic," sabi ni Xerxes, inaayos ang suit niya na parang nadumihan siya sa paghawak kay Amara. "Hindi ka lang gold digger. Magnanakaw ka pa. At sinungaling."

Tumalikod si Xerxes at naglakad papunta sa sofa kung saan nandoon ang briefcase niya.

"Akala mo ba hahayaan kitang ubusin ang yaman ng pamilya ko habang nakahiga ang tatay ko sa ospital?" sabi ni Xerxes habang may kinukuha sa bag. "You signed a contract, Amara. Conjugal assets are managed by the appointed proxy. And since I am the CEO, and Dad is incapacitated... I have the power to freeze suspicious activities."

May inihagis si Xerxes sa sahig. Sa paanan ni Amara.

Mga piraso ng plastik.

Gunting-gunting na mga card.

Ang Black Card. Ang ATM cards. Ang Credit Cards. Lahat ng iniwan ni Don Alfonso para sa kanya.

"Blocked," simpleng sabi ni Xerxes. "I called the bank manager personally. Lahat ng accounts na nakapangalan sa'yo na konektado sa Castillejo Group—frozen. Wala kang makukuhang kahit singko simula ngayon."

Para binuhusan ng malamig na tubig si Amara.

Ang Cycle 2. Ang maintenance meds. Ang laboratory tests sa susunod na linggo. Saan siya kukuha ng pera?

"Xerxes... huwag," napaluhod si Amara. Hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot para kay Kiko. "Please... kailangan ko ng pera. Kahit allowance lang. Kahit kaunti. Huwag mo namang ipitin ang—"

"Para saan?" putol ni Xerxes. Lumapit ito at yumuko para magpantay ang mukha nila. "Para sa lalaki mo? Para sa luho mo? No, Amara. Tapos na ang maliligayang araw mo."

"Hindi para sa luho! May sakit ang—" Muntik na niyang sabihin. May sakit ang kapatid ko!

Pero naalala niya ang NDA. At naalala niya ang tingin ni Xerxes ngayon. Kung sasabihin niya, maniniwala ba ito? O iisipin lang nitong gumagawa siya ng kwento? At kung malaman nitong may kapatid siya, baka ipahanap ito ni Xerxes at ipatigil ang gamutan sa St. Luke's dahil hawak ng pamilya nila ang board ng ospital.

Mas delikado kung malalaman ni Xerxes.

Kinagat ni Amara ang dila niya. Tumulo ang luha niya sa sahig.

"Good," bulong ni Xerxes nang makitang umiiyak siya. "Umiyak ka. Sana maubos ang luha mo. Dahil wala kang makukuha sa akin."

Tumayo si Xerxes at tinignan siya mula sa taas.

"Simula ngayon, kung gusto mong kumain, kakain ka ng tira-tira sa kusina. Kung gusto mong bumili ng sabon o shampoo, hihingi ka sa akin. Bawat piso, Amara... bawat sentimo, ipapaprubahan mo sa akin. Gagawin kitang beggar sa sarili mong pamamahay."

Naglakad si Xerxes papunta sa pinto.

"Ah, one more thing," pahabol nito.

Huminto si Xerxes at lumingon.

"Yung suot mong alahas... yung wedding ring at engagement ring na binigay ni Dad."

Napahawak si Amara sa singsing sa daliri niya. Isang malaking diamante. Milyon ang halaga nito.

"Isanla mo kung gusto mo," sabi ni Xerxes nang may ngisi. "Pero binalaan ko na rin ang lahat ng pawnshop sa Manila na nakaw na item 'yan. Walang tatanggap niyan. Unless ibenta mo sa black market sa halagang barya."

Tumawa si Xerxes. Isang tawang walang saya.

"Welcome to poverty, Mrs. Castillejo. Back to where you belong."

Lumabas si Xerxes ng pinto. BLAG!

Naiwan si Amara na nakaluhod sa gitna ng nagkalat na piraso ng credit cards.

Ang mga pira-pirasong plastik na 'yon ay parang buhay ng kapatid niya na ginunting-gunting sa harap niya.

"Walang hiya ka, Xerxes," hagulgol ni Amara. Hinampas niya ang sahig. "Napakasama mo!"

Pero walang sumagot sa kanya kundi ang echo ng mansyon.

Ang Plano

Ilang oras na nakatulala si Amara sa kwarto niya. Tanghali na pero hindi siya kumakain.

Wala na siyang pera. Zero.

Ang naitabi niyang 150,000 kanina ay bayad na sa ospital. Wala na siyang cash on hand. Paano ang pambasahe niya pabalik sa ospital bukas? Paano ang pagkain ni Kiko?

Kailangan niyang gumawa ng paraan.

Tumayo siya at hinalughog ang bag niya. Hinanap niya ang passbook ng sarili niyang ipon noong nagtatrabaho pa siya bilang nurse.

Balance: Php 12,450.00

Labindalawang libo. Kulang na kulang. Isang vial lang ng gamot 'to. At ubos na ang ipon niya.

Napatingin siya sa wedding ring sa daliri niya.

Tama si Xerxes. Hindi niya ito pwedeng ibenta nang lantaran. Kilala ang mga Castillejo. Kapag may nakakita sa kanyang nagbebenta ng heirloom jewelry, makakarating agad ito kay Xerxes at baka kasuhan pa siya ng Qualified Theft.

Kailangan niyang magtrabaho. Pero paano? Bantay-sarado siya dito.

Biglang tumunog ang phone niya.

Text from Doc Ramos:

"Ms. Amara, we need to schedule the MRI for next week. Estimated cost is 25k. Please prepare."

Napapikit si Amara sa frustration. Pera. Pera. Pera.

Bumukas ang pinto ng kwarto niya. Pumasok si Manang Sol na may dalang tray ng pagkain.

"Señora," mahinang tawag ng matanda. "Kumain na po kayo. Kanina pa kayo hindi lumalabas."

Tumingin si Amara sa pagkain. Pritong isda at ginisang monggo. Simpleng pagkain.

"Manang," tawag ni Amara. "May... may alam ba kayong pwedeng pagkakitaan dito sa Antipolo? Yung... mabilis?"

Nagulat si Manang Sol. "Naku, Ma'am! Bakit po kayo magtatrabaho? Asawa kayo ng Don!"

"Basta, Manang. Please. Kailangan ko lang ng cash. Yung hindi malalaman ni Xerxes."

Nag-isip ang matanda. Alam nitong gipit ang bagong senyora dahil sa narinig na sigawan kanina. Naawa ito.

"Ma'am, huwag po kayong magagalit ah... pero yung pamangkin ko, nag-o-online selling ng mga... pre-loved na gamit. Sapatos, bag, damit. Mabilis daw po pera dun."

Napatingin si Amara sa walk-in closet na puno ng mga designer bags at shoes na regalo ni Don Alfonso.

Hermes. Louis Vuitton. Chanel. Prada.

Mga gamit na hindi naman niya gusto pero binili para sa image niya.

Kung ibebenta niya ang mga 'to nang patago?

"Manang," bulong ni Amara, may nabuong plano sa isip niya. "Tulungan mo ako. Ipuslit natin ang mga 'to. Ibebenta natin."

"Ma'am! Lagot po tayo kay Sir Xerxes!"

"Hindi niya malalaman," desididong sagot ni Amara. Ang takot niya ay napalitan ng survival instinct. "Maraming gamit dito. Hindi niya mapapansin kung mawala ang isa o dalawang bag. Kalahati ng kita, sa'yo. Pang-padala mo sa pamilya mo sa probinsya."

Natigilan si Manang Sol. Malaking tulong 'yon.

"Sige po, Ma'am," sagot ng matanda.

Ngumiti si Amara ng mapait. Kung gusto ni Xerxes na maging magnanakaw siya sa paningin nito, pwes, paninindigan na niya.

Magiging magnanakaw siya para mabuhay ang kapatid niya.

Game on, Xerxes.

Pero hindi alam ni Amara, sa bawat kilos niya, lalong humihigpit ang tali. Dahil sa mansyon ng mga Castillejo, pati ang mga pader ay may mata. At ang bawat "nakaw" na sandali ay may kapalit na mas matinding parusa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 34

    Isang Taon ang Nakalipas.Tahimik ang buong paligid sa loob ng Presidential Suite ng St. Luke’s Medical Center. Ngunit ang katahimikang ito ay hindi nagdadala ng takot o kaba, kundi purong pag-asa.Nakatayo si Amara sa gilid ng hospital bed, mahigpit na nakahawak sa kamay ng matipunong lalaking nasa likuran niya. Ang malalaking palad ni Xerxes ay nakabalot sa nanginginig niyang mga daliri, nagbibigay ng init at kasiguraduhin na anumang mangyari, hindi na siya muling mag-iisa.Sa harap nila ay nakaupo si Dr. Ong, hawak ang pinakabagong laboratory results at bone marrow biopsy ni Kiko.Si Kiko, na ngayon ay dalawampung taong gulang na, ay nakaupo sa dulo ng kama. Hindi na siya ang payat, kalbo, at maputlang pasyente na kinailangang itakas ni Amara papuntang Lopez, Quezon noon. Ngayon, makapal at bagsak ang itim nitong buhok. Matipuno na ang pangangatawan nito, puno ng kulay ang mga pisngi, at ang mga mata ay nag-uumapaw sa buhay. Suot nito ang isang simpleng t-shirt at maong, mukhang is

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 33

    Alas-nuwebe y medya ng umaga.Sa loob ng Master Bedroom ng penthouse, nakatayo si Amara sa harap ng full-length mirror. Nawala na ang kupas na denim overalls at simpleng t-shirt na naging uniporme niya sa Lopez. Pinalitan ito ng isang designer black power suit na eksaktong nakayakap sa kanyang mga kurba. Ang kanyang buhok ay tuwid na tuwid at nakalugay, at ang kanyang mga labi ay pinintahan ng matapang na kulay pulang lipstick.Hindi na siya ang natatakot na biktima. Ngayon, kaharap niya ang repleksyon ng isang reyna.Naramdaman niya ang maiinit na kamay ni Xerxes na gumapang sa kanyang baywang mula sa likuran. Nakasuot ang bilyonaryo ng charcoal gray three-piece suit, ang kanyang buhok ay perpektong naka-istilo, at ang pamilyar na malamig at makapangyarihang awra ay muling bumalot sa kanya."Perfect," malalim na bulong ni Xerxes, tinititigan ang repleksyon nilang dalawa sa salamin. Isinuot niya ang isang mamahaling diamond necklace sa leeg ni Amara. "Handa ka na bang bawiin ang atin,

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 32

    Alas-onse na ng gabi nang pumasok ang itim na Range Rover ni Xerxes sa VIP basement parking ng Castillejo Towers sa Makati.Matapos ang mahabang byahe mula Lopez, Quezon, sinalubong sila ng nakakabinging katahimikan ng siyudad. Walang ingay ng kuliglig o amoy ng dagat. Dito, ang hangin ay amoy aircon, mamahaling sasakyan, at kapangyarihan.Bumaba silang tatlo. Agad na sumalubong sa kanila si Rocco, ang head of security ni Xerxes, kasama ang dalawa pang tauhan na nakasuot ng itim na suit."Welcome back, Sir Xerxes," pormal na bati ni Rocco, bago bahagyang yumuko nang makita si Amara. "Ma'am Amara. Masaya po kaming nakabalik kayo nang ligtas."Hindi sanay si Amara sa ganitong pagtrato, pero pinilit niyang ngumiti at tumango. Kinuha ng mga tauhan ni Rocco ang mga duffel bags nila mula sa likod ng SUV.Si Kiko, na ngayon ay gising na gising na, ay palihim na nililibot ang paningin sa paligid. Bilang isang labinsiyam na taong gulang na binata na mahilig sa arkitektura, hindi niya maiwasang

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 31

    Mabigat ang katahimikan sa loob ng Majo Flower Shop. Ang hangin ay amoy nadurog na rosas, sampaguita, at ang musks ng dalawang taong katatapos lamang magsalu-salo sa isang marahas at mapusok na pag-angkin. Tahimik na pinulot ni Amara ang kanyang denim overalls at t-shirt mula sa sahig. Nanginginig pa rin ang kanyang mga binti, ramdam na ramdam ang pamamaga at init sa kanyang pagkababae matapos ang walang-awang pagbaon ni Xerxes. Sa kabilang banda, nakatayo si Xerxes habang isinusuot ang kanyang itim na t-shirt. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo, at ang kanyang mga mata—na kanina ay nanlilisik sa galit—ay ngayon ay may bahid na ng kakaibang kapayapaan. Nakuha na niya ang kanyang reyna. Nang matapos magbihis si Amara, sinubukan niyang ayusin ang ilang plorera na nabasag nila kanina. "Hayaan mo na 'yan," malamig ngunit kalmadong utos ni Xerxes. Lumapit siya kay Amara at hinuli ang kamay ng dalaga. Mahigpit ang kanyang hawak, isang pisikal na paalala na hindi na ito makakawala pa. "Wala

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 30

    Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang pinitpit ang roll-up door ng kanyang tindahan. Ang tunog ng bakal na bumababa ay tila hudyat ng kanyang tuluyang pagkabilanggo. Sa loob, ang tanging liwanag ay ang iilang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng bubong, na nagbibigay ng madilim at mainit na atmospera na amoy lanta at sariwang bulaklak. Lumingon si Amara, at doon, sa gitna ng mga balde ng rosas at daisies, nakatayo si Xerxes—isang madilim na anino na puno ng banta. "Xerxes, please... 'wag dito..." pagmamakaawa ni Amara, pero ang boses niya ay walang lakas. Hindi sumagot si Xerxes. Humakbang siya palapit, bawat yabag ng kanyang boots sa sementong sahig ay tila pintig ng puso ni Amara. Nang maabot niya ang dalaga, hindi siya nag-atubili. Hinablot niya ang bewang ni Amara at isinandal ito nang marahas sa mahabang mesa kung saan nag-aayos ang dalaga ng mga bulaklak. Nalaglag ang mga gunting, ribbons, at plorera. Crash! Pero walang pakialam si Xerxes. "Anim na buwan, Amara," un

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 29

    Apat na oras.Apat na oras na walang patid na pagmamaneho sa ilalim ng malakas na ulan. Mahigpit ang hawak ni Xerxes sa manibela ng kanyang itim na Range Rover, ang mga mata ay nakatutok sa basang kalsada. Nang makapasok siya sa boundary ng probinsya, unti-unting tumila ang ulan, nag-iiwan ng amoy ng basang aspalto at sariwang lupa.Nilampasan niya ang isang malaking kulay berdeng bus na may nakasulat na MARY ANN sa tagiliran nito. Pamilyar na sa kanya ang mga kalsadang ito base sa report ng investigator niya. Malapit na siya.Pagdating sa mismong sentro ng bayan ng Lopez, Quezon, bumagal ang takbo ng SUV niya. Ang malaki at mamahaling sasakyan ni Xerxes ay agaw-pansin sa gitna ng mga naglipanang tricycle at jeepney, pero wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya.Huminto siya sa gilid ng kalsada, malapit sa isang establisyimento na may karatula na D.E SHOE SALOON. Pinatay niya ang makina.Bumaba si Xerxes. Nakasuot siya ng isang simpleng itim na v-neck t-shirt, itim na m

  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 27

    St. Luke's Medical Center - Intensive Care UnitTunog lang ng heart monitor at ng ventilator ang bumabasag sa nakakabinging katahimikan ng kwarto.Beep... beep... beep...Nakatayo si Xerxes sa paanan ng hospital bed. Ang mga mata niya ay nakapako sa matandang lalaking nakaratay roon. Si Don Alfonso

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-29
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 23

    Buong araw na iniiwasan ni Amara si Xerxes.Hindi niya sinagot ang mga tawag nito. Hindi siya nag-reply sa mga text. Kailangan niyang maging manhid. Kailangan niyang maging bitch na stepmother ulit para kapag umalis siya bukas dala ang Limampung Milyon ni Miranda, hindi na ito masyadong masasaktan.

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 22

    Lumipas ang tatlong araw mula nang dumating si Dr. Ong.Para kay Amara, ang tatlong araw na iyon ang pinakamapayapa sa loob ng mahabang panahon. Naging maayos ang pagtanggap ng katawan ni Kiko sa bagong chemotherapy protocol. Nawala ang madalas nitong lagnat, at bumalik ang kaunting kulay sa mga pi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-24
  • Married to His Father, Claimed by the Son   Chapter 21

    Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Amara.Ang kama sa Guest Room ay malambot at mabango, pero halos hindi siya nakatulog. Magdamag niyang inisip ang mga huling salita ni Xerxes sa labas ng pinto niya kagabi. Ang pagmamakaawa nito. Ang pag-iyak nito.“Alam ko na ang totoo. Alam ko na ang t

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-23
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status