LOGINIsang Taon ang Nakalipas.Tahimik ang buong paligid sa loob ng Presidential Suite ng St. Luke’s Medical Center. Ngunit ang katahimikang ito ay hindi nagdadala ng takot o kaba, kundi purong pag-asa.Nakatayo si Amara sa gilid ng hospital bed, mahigpit na nakahawak sa kamay ng matipunong lalaking nasa likuran niya. Ang malalaking palad ni Xerxes ay nakabalot sa nanginginig niyang mga daliri, nagbibigay ng init at kasiguraduhin na anumang mangyari, hindi na siya muling mag-iisa.Sa harap nila ay nakaupo si Dr. Ong, hawak ang pinakabagong laboratory results at bone marrow biopsy ni Kiko.Si Kiko, na ngayon ay dalawampung taong gulang na, ay nakaupo sa dulo ng kama. Hindi na siya ang payat, kalbo, at maputlang pasyente na kinailangang itakas ni Amara papuntang Lopez, Quezon noon. Ngayon, makapal at bagsak ang itim nitong buhok. Matipuno na ang pangangatawan nito, puno ng kulay ang mga pisngi, at ang mga mata ay nag-uumapaw sa buhay. Suot nito ang isang simpleng t-shirt at maong, mukhang is
Alas-nuwebe y medya ng umaga.Sa loob ng Master Bedroom ng penthouse, nakatayo si Amara sa harap ng full-length mirror. Nawala na ang kupas na denim overalls at simpleng t-shirt na naging uniporme niya sa Lopez. Pinalitan ito ng isang designer black power suit na eksaktong nakayakap sa kanyang mga kurba. Ang kanyang buhok ay tuwid na tuwid at nakalugay, at ang kanyang mga labi ay pinintahan ng matapang na kulay pulang lipstick.Hindi na siya ang natatakot na biktima. Ngayon, kaharap niya ang repleksyon ng isang reyna.Naramdaman niya ang maiinit na kamay ni Xerxes na gumapang sa kanyang baywang mula sa likuran. Nakasuot ang bilyonaryo ng charcoal gray three-piece suit, ang kanyang buhok ay perpektong naka-istilo, at ang pamilyar na malamig at makapangyarihang awra ay muling bumalot sa kanya."Perfect," malalim na bulong ni Xerxes, tinititigan ang repleksyon nilang dalawa sa salamin. Isinuot niya ang isang mamahaling diamond necklace sa leeg ni Amara. "Handa ka na bang bawiin ang atin,
Alas-onse na ng gabi nang pumasok ang itim na Range Rover ni Xerxes sa VIP basement parking ng Castillejo Towers sa Makati.Matapos ang mahabang byahe mula Lopez, Quezon, sinalubong sila ng nakakabinging katahimikan ng siyudad. Walang ingay ng kuliglig o amoy ng dagat. Dito, ang hangin ay amoy aircon, mamahaling sasakyan, at kapangyarihan.Bumaba silang tatlo. Agad na sumalubong sa kanila si Rocco, ang head of security ni Xerxes, kasama ang dalawa pang tauhan na nakasuot ng itim na suit."Welcome back, Sir Xerxes," pormal na bati ni Rocco, bago bahagyang yumuko nang makita si Amara. "Ma'am Amara. Masaya po kaming nakabalik kayo nang ligtas."Hindi sanay si Amara sa ganitong pagtrato, pero pinilit niyang ngumiti at tumango. Kinuha ng mga tauhan ni Rocco ang mga duffel bags nila mula sa likod ng SUV.Si Kiko, na ngayon ay gising na gising na, ay palihim na nililibot ang paningin sa paligid. Bilang isang labinsiyam na taong gulang na binata na mahilig sa arkitektura, hindi niya maiwasang
Mabigat ang katahimikan sa loob ng Majo Flower Shop. Ang hangin ay amoy nadurog na rosas, sampaguita, at ang musks ng dalawang taong katatapos lamang magsalu-salo sa isang marahas at mapusok na pag-angkin. Tahimik na pinulot ni Amara ang kanyang denim overalls at t-shirt mula sa sahig. Nanginginig pa rin ang kanyang mga binti, ramdam na ramdam ang pamamaga at init sa kanyang pagkababae matapos ang walang-awang pagbaon ni Xerxes. Sa kabilang banda, nakatayo si Xerxes habang isinusuot ang kanyang itim na t-shirt. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo, at ang kanyang mga mata—na kanina ay nanlilisik sa galit—ay ngayon ay may bahid na ng kakaibang kapayapaan. Nakuha na niya ang kanyang reyna. Nang matapos magbihis si Amara, sinubukan niyang ayusin ang ilang plorera na nabasag nila kanina. "Hayaan mo na 'yan," malamig ngunit kalmadong utos ni Xerxes. Lumapit siya kay Amara at hinuli ang kamay ng dalaga. Mahigpit ang kanyang hawak, isang pisikal na paalala na hindi na ito makakawala pa. "Wala
Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang pinitpit ang roll-up door ng kanyang tindahan. Ang tunog ng bakal na bumababa ay tila hudyat ng kanyang tuluyang pagkabilanggo. Sa loob, ang tanging liwanag ay ang iilang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng bubong, na nagbibigay ng madilim at mainit na atmospera na amoy lanta at sariwang bulaklak. Lumingon si Amara, at doon, sa gitna ng mga balde ng rosas at daisies, nakatayo si Xerxes—isang madilim na anino na puno ng banta. "Xerxes, please... 'wag dito..." pagmamakaawa ni Amara, pero ang boses niya ay walang lakas. Hindi sumagot si Xerxes. Humakbang siya palapit, bawat yabag ng kanyang boots sa sementong sahig ay tila pintig ng puso ni Amara. Nang maabot niya ang dalaga, hindi siya nag-atubili. Hinablot niya ang bewang ni Amara at isinandal ito nang marahas sa mahabang mesa kung saan nag-aayos ang dalaga ng mga bulaklak. Nalaglag ang mga gunting, ribbons, at plorera. Crash! Pero walang pakialam si Xerxes. "Anim na buwan, Amara," un
Apat na oras.Apat na oras na walang patid na pagmamaneho sa ilalim ng malakas na ulan. Mahigpit ang hawak ni Xerxes sa manibela ng kanyang itim na Range Rover, ang mga mata ay nakatutok sa basang kalsada. Nang makapasok siya sa boundary ng probinsya, unti-unting tumila ang ulan, nag-iiwan ng amoy ng basang aspalto at sariwang lupa.Nilampasan niya ang isang malaking kulay berdeng bus na may nakasulat na MARY ANN sa tagiliran nito. Pamilyar na sa kanya ang mga kalsadang ito base sa report ng investigator niya. Malapit na siya.Pagdating sa mismong sentro ng bayan ng Lopez, Quezon, bumagal ang takbo ng SUV niya. Ang malaki at mamahaling sasakyan ni Xerxes ay agaw-pansin sa gitna ng mga naglipanang tricycle at jeepney, pero wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya.Huminto siya sa gilid ng kalsada, malapit sa isang establisyimento na may karatula na D.E SHOE SALOON. Pinatay niya ang makina.Bumaba si Xerxes. Nakasuot siya ng isang simpleng itim na v-neck t-shirt, itim na m
Mabigat ang bawat hakbang ni Xerxes habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center. Ang amoy ng ospital—isang pinaghalong antiseptic, rubbing alcohol, at takot—ay sumusundot sa ilong niya. Dati, ang amoy na ito ay nagpapaalala sa kanya ng sakit ng ama niya. Pero ngayon, ito
Alas-onse na ng gabi nang makauwi si Amara sa Castillejo Mansion.Tahimik ang buong bahay. Wala na ang mga katulong na naglilinis, tulog na rin si Manang Sol. Ang tanging liwanag ay nanggagaling sa grand chandelier sa foyer na naka-dim light, at sa bukas na ilaw mula sa kusina.Pagpasok ni Amara, a
Alas-sais ng umaga.Nagising si Amara sa malawak na kama ni Xerxes. Masakit ang buong katawan niya. Mahapdi ang kanyang pagkababae, namamaga ang kanyang mga labi, at may mga pasa siya sa pulso at leeg—mga ebidensya ng bayad na ibinigay niya kagabi.Karaniwan, iiyak siya. Magtataklob siya ng kumot a
Ang hangin sa loob ng Master Suite ay naging kumukulong asido.Nakahiga si Amara sa malambot na kama, pero ang pakiramdam niya ay nakapako siya sa krus. Sa ibabaw niya ay si Xerxes—mabigat, mainit, at amoy alak. Ang mga mata nito ay nilalamon ng dilim, galit, at isang uri ng gutom na matagal nang i







