LOGINSa Loob ng Kulungan
Mabigat ang amoy ng bakal at kahalumigmigan sa loob ng selda.
Ang malamig na pader ay tila sumisipsip ng init mula sa katawan ng sinumang naroon. Ang mahinang ilaw mula sa kisame ay kumikislap, na para bang kahit ang liwanag ay pagod na manatili sa lugar na iyon.
Nakaupo si Eduardo Asuncion sa matigas na b
“Simulan na natin,” utos niya.Tumango si Mario. “Anong unang hakbang, boss?” masusing tanong ni Mario sa kanyang bossNgumisi si Eduardo. “Lapitan siya.” Hindi siya nagmadali sa pagsasalita.Parang sinisigurado ang bawat salita. “Hindi bilang kalaban, kundi bilang isang pagkakataon.”Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “At kapag nahulog siya sa bitag…”Huminto siya sandali. “Hindi lang si Rafael ang babagsak.” masaya nyang sabi habang nakangiti abot tenga, “pati si Marco.”“Pati siya.”Saglit siyang natahimik. At s
Muli niyang kinuha ang folder at marahang ipinasok iyon sa kanyang bag—isang simpleng kilos, ngunit malinaw ang kahulugan.
Nakalaya na si Eduardo Asuncion makalipas ang pitong araw.Pitong araw—maikli para sa isang ordinaryong tao. Ngunit para sa isang lalaking tulad niya, bawat segundo sa loob ng malamig at masikip na selda ay parang isang siglo ng pagkakakulong sa sariling galit at paghihiganti.Paglabas pa lamang niya ng kulungan, sinalubong agad siya ng nakahilerang mga tauhan. Ngunit sa kanilang lahat, iisang tao ang diretsong lumapit—si Mario, ang kanyang kanang kamay. Tahimik ang lalaki, ngunit ang presensya nito ay sapat na para ipaalam na kontrolado pa rin nila ang sitwasyon.“Boss,” bahagyang yumuko si Mario. “Handa na ang sasakyan.”Hindi sumagot si Eduardo. Ang kanyang mga mata ay malamig, tila ba walang anumang emosyon. Ngunit sa ilalim nito,
Hindi na nag-isip pa si Marco. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng kahit isang sandali ng pagdadalawang-isip. Sa gitna ng nagliliyab na apoy at kumakapal na usok na halos sumakal sa buong silid, iisa lamang ang malinaw sa kanyang isip—iligtas si Isabela.Wala nang iba.Hindi mahalaga kung masunog ang kanyang balat. Hindi mahalaga kung gumuho ang kisame sa ibabaw nila. Hindi mahalaga kung hindi siya makalabas nang buhay. Ang mahalaga lamang ay mailabas niya si Isabela mula sa impiyernong iyon. Mabilis niyang hinila ang babae palayo sa gitna ng studio.Mahigpit niyang niyakap ang katawan nito at binuhat sa kanyang mga bisig. Magaan lamang si Isabela noong mga panahong iyon—isang batang halos mawalan na ng lakas dahil sa usok na nalalanghap.Ngunit sa sandaling iyon, pakiramdam ni Marco ay parang pasan niya
Tahimik ang silid ng ospital.Ang liwanag ng araw ay pumapasok sa bintana, nagbibigay ng banayad na init sa puting kurtina.Nakahiga si Isabela sa kama.Ang kanyang mukha ay mas maayos na kaysa noong nakaraang araw, ngunit halata pa rin ang pagod sa kanyang mga mata.Sa tabi niya—Nakaupo si Rafael.May hawak siyang mangkok ng sopas. “Sabi ng doktor kailangan mong kumain,” sabi niya.Bahagyang napangiwi si Isabela. “Hindi pa ako gutom.”Umangat ang isang kilay ni Rafael. “Hindi
“Ahem…”“Para sa engraving ng singsing, puwede mong ilagay ‘Beloved,’ ‘Only,’ o ‘Dear’—something short, simple, pero super passionate. Something na swak sa inyo ni dad, bilang newlyweds,” panghihikayat ni Rita, parang m
Nabuhayan ng loob si Isabela nang mahigpit na hinawakan ni Rita ang kanyang braso.“Come on, pumili na tayo ng dress! Hindi tayo puwedeng magpatalo!” Giit ni Rita, puno ng energy at excitement, parang ready na sa fashio
Mahigpit na hinawakan ni Marco ang pulsuhan ni Isabela at halos pilit siyang hinila papunta sa lounge. Mabilis ang lakad niya, walang pakialam kung may makakita o kung nasasaktan ba siya.“Bitawan mo ako!” b
Nararamdaman ni Isabela ang init ng galit na gusto nang sumabog sa loob niya, pero pinigilan niya iyon. Sa halip, inayos niya ang expression ng mukha at ngumiti nang perpekto—yung tipong walang bakas ng sama ng loob, parang sanay na sanay na isuot ang maskara







