Share

Kabanata 6

Author: blazers990
Andrea’s POV

Humarap ako kay Maria, bahagyang nakakunot ang noo.

“Ano ‘yon, Maria?” tanong ko.

Magalang siyang tumango. “Miss Villamor, nandito po si Mr. Anderson. Kasama po niya si Miss Sandoval.”

Parang biglang nanigas ang buong katawan ko. Ramdam ko agad ang paninikip ng dibdib ko.

“Sabihin mo hindi ako available.”

Umupo nang tuwid si Lira, biglang naging alerto. “Kasama si Margaret? Oh wow. This, I want to see.” Lumingon siya kay Maria. “Papasukin mo sila.”

“Lira—” protesta ko, pero inaayos na niya ang damit niya na parang may inaabangang palabas.

“Trust me, Andrea,” sabi niya, may kakaibang ningning sa mata. “Gusto kong marinig kung anong sasabihin ng dalawang ‘yon.”

Makalipas ang ilang minuto, pumasok sa sala sina Edward at Margaret. Halatang hindi komportable si Edward, samantalang si Margaret ay suot na naman ang paborito niyang itsura—mahina, marupok, nakasabit ang kamay sa braso ni Edward na parang babagsak siya kapag binitiwan.

“Andrea,” panimula ni Edward, pilit ang boses. “Nandito ako para mag-sorry ulit sa nangyari. Alam kong nasaktan kita—”

Pinutol siya ni Lira ng isang tuyong tawa. “Wow. Understatement of the century.”

Lumaki ang mga mata ni Margaret, kunwari inosente. “We never meant for things to turn out this way. Sobrang guilty ako sa lahat ng nangyari.”

Nagsimula na naman umarte si Margaret na nanghihina.

“I know you‘re upset on Andrea‘s behalf,” mahinahon niyang dagdag, umiiyak na ang mga mata, “pero hindi mo alam kung gaano ka-complicated ang lahat. I was in a very dark place because of my depression—”

“Save that performance,” singhal ni Lira. “Gamitin mo ‘yang sakit mo sa ibang taong nauuto. Using mental illness para takpan ang manipulation mo? That‘s disgusting.”

Tumigas ang mukha ni Edward. “Tama na. Totoo ang kondisyon ni Margaret, at wala kang karapatang kausapin siya nang ganyan.”

“At wala ka ring karapatang ipahiya si Andrea sa ginawa mo,” balik ni Lira. “Una, siya ang fiancée mo pero pinrotektahan mo ‘yang babae sa shooting incident . Tapos sa araw na dapat pinakamasaya sa buhay ni Andrea, iniwan mo siya sa altar!”

“I made mistakes,” amin ni Edward, “pero vulnerable si Margaret—”

“At si Andrea hindi?” halos pasigaw na si Lira. “She was shot, Edward! Habang ikaw busy ka sa pagiging hero ng kabit mo!”

Tuloy-tuloy na ang luha ni Margaret. “Please, stop,” hikbi niya. “Ito mismo ang dahilan kung bakit ayokong pumunta. Alam kong sa akin mapupunta lahat ng sisi.”

Hinigpitan ni Edward ang yakap sa kaniya. “Hindi kasalanan ni Margaret ‘to. Kung may dapat sisihin, ako ‘yon.” Pagkatapos, tumingin siya sa akin, tumigas ang tingin. “Besides, grabe ang trato mo kay Margaret. Hindi mo alam na totoong may pinagdadaanan siya—”

“May pinagdadaanan?” singit ko, sa wakas nahanap ang boses ko. “Ano, Edward? Hirap siyang kumuha ng lalaking kaniya talaga? O sanay lang siyang mang-agaw ng sa iba?”

Napuno ng luha ang mga mata ni Margaret. “Andrea, please. Alam kong nasasaktan ka, pero hindi ako nagpapanggap. That‘s… that‘s cruel.”

“Mas cruel ang pumunta sa bahay ko after ng lahat ng ginawa n‘yo!” balik ko.

“Andrea,” mariing sabi ni Edward, mas lalo pang naging protektado ang postura niya kay Margaret, “alam kong nasaktan kita, pero tigilan mo na ang pag-atake kay Margaret. Hindi siya okay, at hindi mabuti sa kondisyon niya ang stress na ‘to.”

“Attacking?” Tumawa ako nang malamig. “Sa tingin mo, attack na ‘to?”

Tiningnan ko si Edward, saka walang pag-aalinlangan, humarap ako kay Margaret at malakas siyang sinampal.

“Lumabas kayo. Pareho. Kayong dalawang pathetic at cheater.”

Agad umitim ang mukha ni Edward. “Why did you hit Margaret? She‘s having an episode! Hindi niya ‘yon kontrolado! Andrea, you‘re really disappointing me.”

Hinila ni Margaret ang manggas niya, kunwaring umiiyak. “Huwag mo siyang sisihin, Edward. Kasalanan ko ‘to. Dahil sa akin hindi natuloy ang kasal n‘yo. Lahat kasalanan ko.”

Dumura si Lira sa sahig, halatang diring-diri. “Oo nga, wala kang kasalanan. May depression ka, so dapat lumuhod ang buong mundo sa ‘yo.”

Hindi ko na pinanood pa ang drama niya.

Humarap ako sa guwardiya. “Ilabas niyo sila. Ngayon.”

***

Margaret’s POV

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak habang inaalalayan ako ni Edward palabas ng bahay ni Andrea. Masakit pa rin ang pisngi ko dahil sa sampal niya, at sinigurado kong makita ni Edward ang panginginig ko.

“Okay ka lang ba?” malambing niyang tanong habang tinutulungan akong sumakay sa kotse. “Hindi ko akalain na gagawin niya ‘yon sa ‘yo.”

Sumandal ako sa kanya, naglabas ng mahinang hikbi. “Gusto ko lang naman ayusin ang lahat. Hindi ko sinasadya na may masaktan.”

Humigpit ang panga niya sa galit. “Wala kang ginawang mali. Halika, ilalabas kita. Let’s go somewhere nice.”

Dinala niya ako sa pinaka-exclusive na mall sa lungsod. Binilhan niya ako ng alahas, designer clothes—lahat para raw kumalma ang “fragile nerves” ko.

Pag-uwi ko ng gabing iyon, alam kong hindi pa tapos ang laban ko kay Andrea. Tinawagan ko siya, alam na alam ko kung paano siya tatamaan.

“Andrea?” kunwari ay nagulat ako nang sagutin niya. “Gusto ko lang ipaalala na bukas sana ang fourth love anniversary niyo ni Edward. Kung natuloy lang.” Ngumisi ako. “At bukas din dapat kayo kukuha ng marriage certificate, ‘di ba?” dagdag ko. “May plano akong espesyal.”

Inaasahan kong iiyak o magagalit siya, pero alo ang nagulat nang bigla siyang tumawa siya.

“Akala mo masasaktan ako riyan, Margaret?” malamig at matatag ang boses niya. “Mag-celebrate kayo. Niligtas mo ako sa habang-buhay kasama ang lalaking hindi man lang ako kayang protektahan.”

Natigilan ako. “Sinasabi mo lang ‘yan. Alam kong mahal mo pa rin siya.”

“Wala kang alam tungkol sa akin,” kalmadong sagot niya. “Enjoy your life with a man na hindi kayang maging honest sa babaeng pakakasalan niya. Tanong ko lang, kailan niya gagawin sa ‘yo ‘yan?”

Biglang naputol ang linya.

Hindi ‘yon ang reaksiyon na inaasahan ko. Kumulo ang inis sa dibdib ko.

Parang muling umapoy ang pisngi ko sa sakit—hindi dahil sa sampal, kundi dahil sa mga sinabi niya.

“Ah!” sigaw ko, ibinato ang phone sa kama, saka muling dinampot para tawagan si Edward.

Malalaman ko kung hanggang kailan niya kayang panindigan ang tapang na ‘yon.

Because sooner or later—babagsak din siya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 63

    Dylan’s POV“I’m thinking about how to seduce you.”Parang may tumama sa akin nang diretso ang mga salita niya. Biglang lumiit ang loob ng sasakyan, parang masyadong mainit, masyadong sikip. Nakatitig lang ako sa kaniya, pinapanood ang hiya at pagkabigla na dahan-dahang kumalat sa mukha niya nang ma

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 62

    Andrea’s POVMalalim ang naging buntong-hininga ko nang makaalis na ang lahat mula sa private dining room. Sa wakas, kaming dalawa na lang ni Dylan.Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang lipstick stain sa kwelyo niya. Paulit-ulit nitong hinihila ang atensyon ko, parang neon sign na kumikislap. Nan

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 61

    Binigyan siya ng manager ng warning glare, pero kinuha pa rin nito ang ilang tablets at ipinapasa kay Andrea.Si Andrea, na nagdesisyong yakapin na lang ang kahihiyan, ay tinanggap iyon nang maayos. “Thank you.”Biglang dumilim ang ekspresyon ni Dylan.Ang ideya na si Cris ang nagbibigay ng kahit an

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 60

    Third Person’s POVSumikip ang mga mata ni Cris nang mapansin niya ang lipstick stain sa collar ni Dylan. Ang matingkad na pulang marka ay halos sumisigaw kung ano ang nangyari sa pagitan ng mag-asawang Romero papunta rito.Alam niyang sinasadya iyon ni Dylan, isang tahimik pero malinaw na deklarasy

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 59

    Andrea’s POVParang may butterflies sa tiyan ko habang iniisip ang dinner ngayong gabi. Ito ang unang pagkakataon na lilitaw ako sa publiko katabi si Dylan bilang Mrs. Romero. Business dinner pa at isang setting kung saan bawat tingin ay sinusukat, bawat salita ay maingat na pinipili.Kaya, siyempre

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 58

    Pero kahit gano’n… may something sa tono niya na parang personal. Parang may pag-aangkin. Possessive, even.Kinagat ko ang labi ko, kabado, at binuksan ang Twittèr. Tuluyan nang nawala ang trending hashtag na #AndreaAndCris. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa habang napasandal sa upuan. Ginawa niya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status