KABANATA 5 — ANG GANTI AY NAGSISIMULA
Alas otso ng gabi. Sa pribadong silid ng Dela Vega Mansion, tahimik na nakaupo si Averill Alarcon sa harap ng kanyang laptop, nakakunot ang noo habang nagbabasa ng confidential financial reports ng Apex Dynamics — ang kumpanyang itinayo niya kasama si Francis. Ngunit sa mga oras na ito, isa na lamang itong kumpanyang pinagkakakitaan ng lalaking minsan niyang minahal. Habang iniisa-isa niya ang mga files, kitang-kita niya ang mga hindi tugmang numero, ang mga account na tila hinuthot. Ang mga proyekto na hindi niya nalaman, at mga investors na pumasok nang hindi dumaan sa kanya. “Francis…” bulong niya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “Lahat ng sakripisyo ko, nilustay mo. Pinaglaruan mo ako… at akala mo basta-basta akong mawawala?” Nang biglang bumukas ang pinto, pumasok si Sebastian Dela Vega — ang lalaking pinakasalan niya hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil ito ang tanging armas niya sa laban niya kay Francis. “Kamusta ang gabi ng isang babaeng niloko ng kanyang ex?” malamig na bati ng lalaki habang inilapag ang isang folder sa ibabaw ng mesa ni Averill. Tinapunan siya ni Averill ng matalim na tingin. “Bakit ka nandito?” Umupo si Sebastian sa kabilang sofa, inilatag ang folder. “Financial audit ng Apex Dynamics. Galing sa team ko. Nauna na akong gumalaw bago ka pa man makaisip. Kung gusto mong pabagsakin si Francis, huwag mong gawin nang mag-isa. Gamitin mo ako.” Bahagyang nagtaas ng kilay si Averill. “At bakit mo ako tutulungan?” Sumulyap si Sebastian, malamig ang titig. “Simple. I hate men like Francis. At gusto kong makita siyang lumuhod sa harap ng babae na sinaktan niya.” Sandaling katahimikan. Hanggang sa mapangiti si Averill, mapait, puno ng sarkasmo. “Mukhang may mas malalim ka pang galit kaysa sa akin.” “Business is business,” malamig na tugon ng lalaki. “At sa business, ang pinakamagandang ganti… ay yung sinasaktan mo sila gamit ang sarili nilang armas.” Inabot ni Averill ang folder. Binuksan niya ito, at sa bawat papel na nakita niya—offshore accounts, dummy companies, iligal na transaksyon—mas lalo siyang nag-alab. Ang dating galit, ngayo’y tila apoy na hindi na mapapatay. “Akala niya, wala na akong laban…” mahina niyang bulong. Sebastian leaned forward, ang malamig nitong presensiya ay tila unti-unting tumatagos sa kanya. “Simulan mo na. Hindi ka nag-iisa.” --- Kinabukasan, sa lobby ng isa sa mga five-star hotels sa Maynila, isang impormal na business gathering ang ginanap. Isa ito sa mga paboritong tambayan ng mga investors, tycoon, at mga bigating negosyante. Nasa kalagitnaan ng event si Averill, suot ang isang simpleng pero elegante’ng business suit, walang make-up na sobrang kapansin-pansin, ngunit ang presensiya niya’y umaalingasaw sa kumpiyansa. Lahat ng mata, napapalingon sa kanya. Wala pang ilang minuto, dumating si Francis. Kasama si Cherry. “Look who’s here,” mataray na saad ni Cherry, lumapit ito kay Averill habang magkasabay sila ni Francis. “Hindi ka pa rin pala nadadala? Lakas mo talagang umasa.” Tahimik si Averill, tinapunan lamang ng malamig na tingin ang babae. Francis, nakangisi. “Averill, hindi mo kailangang ilagay ang sarili mo sa kahihiyan. You’re not part of this world anymore.” Malamig ang ngiti ni Averill. “I’m not here to beg, Francis.” Nagulat ang dalawa nang may lumapit mula sa likuran ni Averill. “Hindi nga siya nandito para magmakaawa,” sabi ni Sebastian, dumating na hindi man lang napansin ng dalawa. “Nandito siya para ipakita kung gaano siya kalakas.” Nagkatinginan si Francis at Camille. Si Camille, nanlaki ang mata. Si Francis, agad na nanigas ang mukha. “Sebastian Dela Vega?” hindi makapaniwalang tanong ni Francis. “CEO ng Dela Vega Holdings,” pakilala ni Sebastian, lumapit at umakbay kay Averill. “At asawang legal ni Averill Alarcon-Dela Vega.” Parang tinamaan ng kidlat si Francis. “What?” Napangiti si Sebastian, malamig. “At kung iniisip mong laro-laro lang ito, huwag kang magkamali. I don’t play games… unless I intend to win.” --- Habang nanonood si Cherry sa eksena, hindi niya mapigilang kumuyom ng kamao. Habang si Francis, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit kita sa mga mata nito ang galit at pagkalito. “Anong gusto mo?” singhal ni Francis. Bahagyang sumandal si Averill sa tabi ni Sebastian. “Simple lang. I want everything you stole from me… back in my hands. At kung kailangan ko pang ipahiya ka sa harap ng lahat ng tao sa industriyang ito, gagawin ko.” “Hindi mo kaya,” madiing sabi ni Francis, ngunit bakas sa tinig ang kaba. Sebastian ngumiti, tila ba nag-eenjoy sa laro. “Watch her.” --- Pagkaraan ng dalawang araw, sumabog sa business news ang balitang ang Dela Vega Holdings ay nagsimula nang mag-takeover moves sa ilang assets ng Apex Dynamics. Hindi ito direct assault — kundi soft acquisition moves na pinangungunahan ni Averill mismo, gamit ang mga investors na dating under kay Francis. Nagalit si Francis nang makumpirma ito. “Averill!” galit na galit niyang sigaw sa cellphone habang kausap ang kanyang legal counsel. “Wala siyang karapatan! Wala siyang share!” “Sir… hindi mo na hawak ang lahat ng investors mo. Marami sa kanila, pumirma na kay Mrs. Dela Vega.” “Put—!” napamura si Francis. Nagbagsak ito ng telepono. Samantalang tahimik ang gabi sa Dela Vega Mansion. Sa lumang library ng pamilya—ang kuta ng mga sekreto at kasunduang walang nakasulat—nakaupo si Sebastian sa harap ng antigong mesa, hawak ang isang kristal na baso ng alak. Kumakapit ang lamig ng baso sa kanyang palad, ngunit higit pa roon ang lamig ng iniisip niya ngayon. Sa bawat pag-ikot niya ng brandy sa baso, tila rin umiikot ang mga alaala ng nakaraan at ng mga kasunduang binuo sa ilalim ng ngalan ng negosyo. Ngunit ngayong gabi… iba. Hindi ito basta usapang negosyo. Hindi ito basta transaksyon. Ngayon, ang pangalan ni Averill Alarcon ang bumabagabag sa kanyang isip. Hindi niya maiwasang maalala ang una nila pagkikita. “Pakasalan ko siya,” paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi nito ng gabi yun. Walang pag-aalinlangan. Walang takot. Isang babae na nakilala pa lamang niya, ngunit nagpamalas na ng tapang na bihira niyang makita. Bahagyang ngumiti si Sebastian, ang ngiting walang halong saya, kundi punong-puno ng pagsusuri at pagtatasa. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Hindi siya nagpapadala sa emosyon. Ngunit bakit tila may kakaibang kuryente sa mga salita ni Averill kanina? Parang hindi ito isa sa mga babaeng karaniwang humihingi ng pabor o nagsusumamo ng pansin. Malamig ang boses. Matapang ang titig. Pero may sugat sa likod ng bawat salitang binitiwan niya. At iyon ang gusto niyang tuklasin. “Hindi ka magiging mahina, Miss Alarcon. Hindi sa ilalim ng pangalan ko,” mahina niyang bulong habang pinagmamasdan ang umuusok na laman ng kanyang baso. Hindi siya nagpakasal upang magmahal. Hindi siya pumayag sa kasunduan upang iligtas si Averill. Ginawa niya ito dahil may layunin siya—layuning bumagsak si Francis Velasquez. Francis. Isang pangalan na matagal nang tinik sa lalamunan ng Dela Vega Group. Isang kalabang hindi basta kalaban. At ngayon, sa pagkakasangkot ni Averill sa kanya, may hawak na siyang alas na hindi kailanman pinangarap ni Francis na mapupunta sa kanyang kamay. “Ang babaeng iniwan mo, siya ang gagamitin ko para patumbahin ka,” malamig na pahayag ni Sebastian sa sarili. Walang bahid ng emosyon ang kanyang tinig, ngunit ang determinasyon ay parang apoy na naglalagablab sa kanyang dibdib. Inikot niya ang baso, saka marahang tinungga ang laman nito. Ang init ng alak, hindi sapat para tunawin ang lamig ng kanyang mga plano. Nang marinig niya ang mahihinang yabag sa labas ng library, hindi siya kumilos. Alam niyang si Averill iyon. At kahit hindi niya ito nakikita, dama niyang dala nito ang bigat ng desisyon na ginawa nila kanina. Narinig niya ang paghinga nito bago ito pumasok. Hindi siya lumingon, ngunit nang maramdaman niyang huminto ito sa likuran niya, saka lamang niya nilapag ang baso. “Panimula palang ito bakit tila, sumusuko kana?!” malamig niyang sambit, nanatiling nakatingin sa unahan. “Hindi ako sanay sa mga kasunduang may kalakip na pagbabanta,” tugon ni Averill, matatag ang tinig. Bahagyang lumingon si Sebastian, sapat para masulyapan ang seryosong mukha ng babae. “Pero pumayag ka pa rin.” “Dahil kailangan ko.” “Kailangan mo ako?” Tumayo siya, unti-unting humarap kay Averill. Hindi niya ito tinapunan ng init ng ngiti, kundi ng malamig na pagtatasa. “O kailangan mo ang pangalan ko para mas mapadali ang pagganti mo kay Francis?” Hindi sumagot si Averill. Hindi rin ito umatras. Sa halip, tiningnan siya nito ng diretso sa mata at saka mariing nagsalita, “Kailangan ko ang pagkakataong makaganti. At kung ikaw ang daan para makuha ko iyon… bakit hindi?” Bahagyang nag-angat ng kilay si Sebastian. Hindi niya alam kung matatawa siya o hahanga. Sa kabila ng sugat at galit sa puso ng babaeng ito, hindi ito yumuko. “Patas tayo, Miss Alarcon,” aniya. “Gagamitin mo ako. Gagamitin kita. Walang personalan.” “Walang personalan,” tugon nito, walang alinlangan. Tumango si Sebastian at muling itinaas ang baso. Ngunit bago niya ito tuluyang mainom, bahagya niyang itinaas ang baso na tila nakikipag-toast. “Sa isang kasunduang walang damdamin, pero may iisang layunin,” malamig na sambit niya. Tinitigan siya ni Averill, hindi umimik. Ngunit sa mga mata nito, nakita niya ang kaparehong apoy na kanina pa niya nararamdaman sa sarili. Hindi niya ito susubukan paibigin. Hindi niya ito kailanman mamahalin. Ngunit sa larong ito ng ganti, kailangan niya si Averill… higit pa sa inaakala niya. At iyon ang hindi pa niya kayang ipaalam kahit kanino—pati na rin sa sarili niya.KABANATA 8— ANG PANGALAWANG HAMON: AVERILL VS CHERRYMaaga pa lang ay gising na si Averill. Ang malamig na hangin mula sa bukás na bintana ng kanyang condo unit sa Makati ay humaplos sa kanyang pisngi habang tinititigan niya ang malawak na langit na unti-unting nilalamon ng liwanag ng araw. Iyon ang klase ng umaga na tila tahimik pero puno ng banta—tulad ng kanyang nararamdaman.Hindi siya nagmadali. Maingat niyang pinili ang susuotin: isang cream-colored na dress na simple pero may karisma, manipis na trench coat na bahagyang sumasayad sa tuhod, at isang pares ng dark sunglasses na mas higit pa sa proteksyon sa araw—isang pahayag na kahit nasaktan siya, hindi siya kailanman masisira. Ang bawat detalye ay sinadyang pag-isipan, dahil sa mundong ginagalawan niya, ang panlabas na anyo ay hindi lang kaanyuan, kundi armas.Sa gitna ng sunod-sunod na imbestigasyon tungkol sa panlilinlang ni Francis, naisipan niyang huminto sandali sa isang kilalang gourmet grocery store. Hindi niya inakalan
KABANATA 7 — Lihim ng Isang SelvaMaaga pa lang, nagising na si Averill kahit ilang oras pa lang ang itinulog niya.Hindi dahil naninibago siya sa bagong kwarto. Hindi dahil malamig ang silid na inilaan para sa kaniya sa loob ng engrandeng mansion ng mga Dela Selva.Kundi dahil hindi niya makalimutan ang mga salitang binitiwan ni Sebastian kagabi."Hindi lahat ng kasal ay tungkol sa pagmamahal, Averill. May mga kasal na kasunduan. May mga kasal na armas."Nakatitig siya sa kisame habang yakap ang unan, tahimik ang paligid pero maingay ang loob niya. Sa bawat segundo ng kanyang katahimikan, bumabalik sa isip niya ang paraan ng pagkakatingin sa kanya ng lalaking pinakasalan niya—hindi bilang asawa, kundi bilang kasabwat. Isang kasosyo. Isang gamit."Bakit ba ako pumayag sa ganito?" tanong niya sa sarili, pero agad niya ring sinagot ang tanong na iyon sa isipan.Dahil kay Francis.Dahil sa kasinungalingan.Dahil sa pagtalikod.Dahil sa pagtataksil.Muling sumilay sa alaala niya ang eksen
Kabanata 6 Luhang Hindi Niya MaaminTahimik ang buong mansyon. Tila ang katahimikan ay niyayakap ang bawat sulok, kasabay ng malamig na hanging humahaplos sa gabi—isang lamig na hindi kayang tabunan kahit ng mamahaling kumot o marangyang silid.Nakahiga si Averill Alarcon sa malambot na kama, ngunit ang kanyang puso’t isipan ay gising na gising—puno ng kaguluhan at lungkot na walang pangalan. Ang kwartong iyon ay ipinagkaloob sa kanya ng lalaking pinakasalan niya—Sebastian Dela Vega. Isang kwartong punô ng karangyaan, mamahaling kurtina, chandelier na kumikislap, at mga kasangkapang pangmayaman.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nananatiling malamig ang silid. Tahimik. Parang estrangherong ayaw siyang tanggapin.Hindi sila magkasama sa iisang kwarto ni Sebastian—isang kasunduan nilang parehong pinili. Dapat sana’y nakagaan iyon sa pakiramdam ni Averill. Pero bakit tila mas mabigat ang bawat gabi?Napatingin siya sa kisame, parang may hinahanap sa mga aninong gumagalaw sa liwanag ng
KABANATA 5 — ANG GANTI AY NAGSISIMULAAlas otso ng gabi. Sa pribadong silid ng Dela Vega Mansion, tahimik na nakaupo si Averill Alarcon sa harap ng kanyang laptop, nakakunot ang noo habang nagbabasa ng confidential financial reports ng Apex Dynamics — ang kumpanyang itinayo niya kasama si Francis. Ngunit sa mga oras na ito, isa na lamang itong kumpanyang pinagkakakitaan ng lalaking minsan niyang minahal.Habang iniisa-isa niya ang mga files, kitang-kita niya ang mga hindi tugmang numero, ang mga account na tila hinuthot. Ang mga proyekto na hindi niya nalaman, at mga investors na pumasok nang hindi dumaan sa kanya.“Francis…” bulong niya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “Lahat ng sakripisyo ko, nilustay mo. Pinaglaruan mo ako… at akala mo basta-basta akong mawawala?”Nang biglang bumukas ang pinto, pumasok si Sebastian Dela Vega — ang lalaking pinakasalan niya hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil ito ang tanging armas niya sa laban niya kay Francis.“Kamusta ang gabi ng isa
KABANATA 4 — ANG KASALANG WALANG PUSO, PERO MAY LIHIM NA PLANOMaulap ang langit ng umagang iyon. Waring kasama ng ulap ang bigat na bumabalot sa dibdib ni Averill habang nakatayo siya sa harap ng isang maliit na kapilya sa Tagaytay Highlands. Sa labas, hindi man umuulan, tila bumubuhos ang lamig sa paligid — lamig na mas mabagsik pa sa presensya ng mga panauhin na dumalo sa kasal.Wala sa kanyang mukha ang saya. Wala ring kaba. Sa halip, ang titig niya’y matalim, puno ng determinasyon. Nakasuot siya ng simpleng ivory gown — walang laylayan ng pagkukunwari, walang alahas na kumikinang. Para siyang reyna sa isang larong hindi kanya, pero handang harapin ang anumang kalaban.Sa altar, naghihintay si Sebastian Dela Vega — malamig, imposibleng basahin ang ekspresyon. Itim ang kanyang three-piece suit, perpektong nakaayos ang buhok, tila isang business meeting lang ang kanyang pinuntahan.“Handa ka na ba?” tanong ni Don Eduardo sa kanya, mahina ngunit mariin.“Matagal na, Papa,” sagot niya
KABANATA 3 — ANG MALUPIT NA CEO: SEBASTIAN DELA VEGATahimik ang buong Alarcon Mansion nang gabing iyon. Sa silid-aklatan kung saan laging pinapatawag ni Don Eduardo ang kanyang mga anak para sa mga importanteng usapan, doon nakatayo si Averill—tahimik, ngunit waring may unos sa dibdib.Tatlong araw na mula nang makita niya sa balita ang engagement announcement nina Francis at Cherry. Tatlong araw na siyang binabagabag ng sama ng loob, ng matinding galit na tila apoy na ayaw mapawi. Hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang mga larawang ipinakita sa TV—si Francis, nakangiting parang wala siyang kasaysayan; si Cherry, nakasandal sa bisig nito, may hawak pang diamond ring na ikinampay sa camera.“Sa wakas, ikakasal na rin si Francis Velasquez sa babaeng nagpatibok ng kanyang puso,” ani ng reporter. “Sa kabila ng mga usap-usapan, mukhang nakahanap na siya ng tunay na kaligayahan.”Muntik na niyang ibato ang TV ng mga oras na iyon. Sa halip, naglakad siya patungo sa library ng mansion,