Share

kabanata 3

Penulis: Bluemoon22
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-22 21:40:27

KABANATA 3 — ANG MALUPIT NA CEO: SEBASTIAN DELA VEGA

Tahimik ang buong Alarcon Mansion nang gabing iyon. Sa silid-aklatan kung saan laging pinapatawag ni Don Eduardo ang kanyang mga anak para sa mga importanteng usapan, doon nakatayo si Averill—tahimik, ngunit waring may unos sa dibdib.

Tatlong araw na mula nang makita niya sa balita ang engagement announcement nina Francis at Cherry. Tatlong araw na siyang binabagabag ng sama ng loob, ng matinding galit na tila apoy na ayaw mapawi. Hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang mga larawang ipinakita sa TV—si Francis, nakangiting parang wala siyang kasaysayan; si Cherry, nakasandal sa bisig nito, may hawak pang diamond ring na ikinampay sa camera.

“Sa wakas, ikakasal na rin si Francis Velasquez sa babaeng nagpatibok ng kanyang puso,” ani ng reporter. “Sa kabila ng mga usap-usapan, mukhang nakahanap na siya ng tunay na kaligayahan.”

Muntik na niyang ibato ang TV ng mga oras na iyon. Sa halip, naglakad siya patungo sa library ng mansion, dala ang isang desisyon pinag-isipan ngunit tinulak ng galit. Wala na siyang pakialam kung ang kalayaan niya ang kapalit—makaganti lamang sa mga taong sinaktan at niyurakan siya.

Pagpasok niya sa silid, bumungad sa kanya si Don Eduardo—nakatayo sa harap ng mahahabang shelves ng aklat, tangan ang isang baso ng brandy.

“May desisyon ka na?” malamig na tanong ng ama niya.

Hinugot ni Averill ang lakas ng loob mula sa kaibuturan ng kanyang galit. “Papa… pumapayag na akong pakasalan si Sebastian Dela Vega.”

Tumango si Don Eduardo, tila wala ni anumang bahid ng sorpresa. “Mabuti. Dahil ayokong palampasin mo ang pagkakataong ito.”

Nananatiling malamig ang simoy ng hangin habang nakatayo si Averill sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng study room ng Alarcon Mansion. Sa labas, bumubuhos ang ulan—tila sumasalamin sa mga matang pinipilit niyang gawing matatag sa kabila ng unos ng kanyang puso.

Nasa likuran niya si Don Eduardo, nakaupo sa leather armchair, hawak ang isang baso ng brandy. Tahimik itong nagmamasid, parang sinisukat ang anak niyang halos hindi niya na kilala matapos ang lahat ng nangyari.

“Averill,” malumanay na sabi ng ama. “Handa ka na ba?”

Tumango siya, bagama’t sa dibdib niya, may mga tanong pa ring naglalaban. “Handa na, Papa.”

At sa pagbukas ng pinto, doon niya unang nasilayan si Sebastian Dela Vega.

Walang kasamang bodyguard. Walang kasamang assistant. Siya lang—nakasuot ng dark navy suit, crisp white shirt, walang kurbata, pero halatang mamahalin ang lahat ng suot niya.

Ang aura nito? Isang lalaking hindi kailanman tinatanggihan.

Walang ekspresyon ang mukha ni Sebastian habang lumalapit ito. Halos hindi man lang ito kumurap.

“Sebastian, this is my daughter, Averill Alarcon,” maikling pakilala ni Don Eduardo.

Tila sinukat siya ni Sebastian mula ulo hanggang paa. Hindi ito ang tipong gentleman na nag-extend ng kamay o ngiti. Bagkus, marahan lamang itong tumango.

“You don’t look like someone who just lost everything.”

Halos natigilan si Averill sa tuwirang komento.

“Wala sa mukha ang pagkatalo, Mr. Dela Vega,” mariin niyang sagot. “Nasa puso.”

Napasinghap si Don Eduardo, tila natutuwa sa tapang ng anak.

Si Sebastian, bahagyang umangat ang gilid ng labi—hindi pa rin ngiti, kundi parang... pagkilatis.

“Good,” anito. “Ayoko ng mahihinang babae.”

Ilang sandali pa’y naganap na ang pag-uusap na parang business deal at hindi proposal.

“Marriage by contract,” malamig na sabi ni Sebastian habang magkausap sila sa mahaba at malamig na dining table. “Walang emosyon. Walang commitment. Ngunit may dalawang kasunduan.”

Nagtaas ng kilay si Averill. “At ano naman ‘yon?”

“Una, ikaw ang magiging mukha ng pag-atake natin kay Francis. Gagamitin mo ang pangalan ng Alarcon at ang koneksyon ng Dela Vega para lamunin siya sa sarili niyang laro.”

“Pangalawa?”

Diretso ang titig ni Sebastian. “ Hindi mo ako subukan paibigin.” dahil mabibigo ka lang,”

Napatigil si Averill, hindi niya alam kung maiinsulto siya o matatawa. “At sino’ng nagsabing may balak akong gawin ‘yan?”

Sa kauna-unahang pagkakataon, may bakas ng aliw sa malamig na mukha ni Sebastian. “Exactly.”

“Pwede ko bang malaman kung bakit ka nanatili sa kanya?” Ganon ginagago ka na pala at ito pinagtaksilan ka pa?” Walang emotion na saad ng lalaki.

Lumingon si Averill, diretso ang tingin kay Sebastian. “Dahil minahal ko siya.”

Tahimik si Sebastian. Isang matagal na katahimikan bago ito nagsalita.

“Pag-ibig… kahinaan ng mahihina.”

Ngumiti si Averill, mapait. “O baka… lakas ng matitibay.”

“Naisahan ka ni Francis… pero wag kang mag-alala. Dahil mula ngayon… hindi ka na magpapaiwan sa larong ito.”

“Miss Alarcon,” anito, malamig at walang emosyon.

Nanuyo ang lalamunan ni Averill, ngunit hindi siya umurong. “Mr. Dela Vega.”

Isang maikling tango ang ibinigay ni Sebastian bago lumingon kay Don Eduardo. “So, ito na ba ang napagkasunduan?”

“Gaya ng sinabi ko, Sebastian. Ang anak ko’y handa na,” sagot ni Don Eduardo.

“Pakasalan kita… hindi dahil kailangan ko ng asawa. Kundi dahil kailangan ko ng kakampi. At kailangan mo ng proteksyon,” malamig na sambit ng lalaki.

“Alam ko,” maikli at diretso niyang tugon.

“Pero may babala ako, Miss Alarcon.”

Nag-angat ito ng tingin—direktang tinitigan ang kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang bigat ng presensiya ng lalaki. Parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan nila.

“Huwag mo akong susubukang lokohin. Hindi ako si Francis. At siguradong hindi mo gugustuhing kalabanin ako,” mariin na sabi ni Sebastian, ang tinig nito’y mababa ngunit matalim na tila espada.

Nagkuyom ng kamao si Averill, pilit pinipigil ang pagbugso ng damdamin. “Hindi ko balak na lokohin ka, Mr. Dela Vega. Dahil ako mismo… hindi na muling magpapaloko sa kahit na sinong lalaki.”

Isang iglap lang, sumilay ang bahagyang ngiti sa labi ni Sebastian—isang ngiting hindi mo malaman kung pagsang-ayon o babala. “Good. Then we understand each other.”

Lumapit si Don Eduardo, nilapag ang baso ng brandy sa mesa. “Ayusin na natin ang kasal. May mga legalities na kailangang plantsahin.”

Tumango si Sebastian. “May legal team ako. Pwedeng tapusin ito sa loob ng tatlong araw.”

Napalingon si Averill. “Tatlong araw?”

Isang tango muli mula kay Sebastian. “The sooner, the better.”

Sa loob ng kanyang dibdib, ramdam niya ang pag-aalab ng galit—kay Francis, kay Cherry, sa sarili niya. Ngunit kasabay nito, naroon ang kakaibang kaba. Hindi dahil sa kasal, kundi sa pakikitungo niya sa lalaking ito. Isang lalaki na alam niyang hindi kailanman magiging kaibigan… ngunit kailangang maging kakampi.

Sa gabing iyon, habang nakatayo siya sa harap ng dalawang makapangyarihang lalaki sa buhay niya—ang kanyang ama at si Sebastian Dela Vega—alam niyang hindi na siya babalik sa dati niyang pagkatao.

Mula ngayong gabi… siya na ang Averill na babangon mula sa pagkabagsak.

At sa unang pagkakataon, hindi niya mararamdaman ang takot.

Hindi na siya magiging biktima.

Siya na ang gagawa ng kanyang kwento.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to Ruin you   kabanata 5

    KABANATA 5 — ANG GANTI AY NAGSISIMULAAlas otso ng gabi. Sa pribadong silid ng Dela Vega Mansion, tahimik na nakaupo si Averill Alarcon sa harap ng kanyang laptop, nakakunot ang noo habang nagbabasa ng confidential financial reports ng Apex Dynamics — ang kumpanyang itinayo niya kasama si Francis. Ngunit sa mga oras na ito, isa na lamang itong kumpanyang pinagkakakitaan ng lalaking minsan niyang minahal.Habang iniisa-isa niya ang mga files, kitang-kita niya ang mga hindi tugmang numero, ang mga account na tila hinuthot. Ang mga proyekto na hindi niya nalaman, at mga investors na pumasok nang hindi dumaan sa kanya.“Francis…” bulong niya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “Lahat ng sakripisyo ko, nilustay mo. Pinaglaruan mo ako… at akala mo basta-basta akong mawawala?”Nang biglang bumukas ang pinto, pumasok si Sebastian Dela Vega — ang lalaking pinakasalan niya hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil ito ang tanging armas niya sa laban niya kay Francis.“Kamusta ang gabi ng isa

  • Married to Ruin you   kabanata 4

    KABANATA 4 — ANG KASALANG WALANG PUSO, PERO MAY LIHIM NA PLANOMaulap ang langit ng umagang iyon. Waring kasama ng ulap ang bigat na bumabalot sa dibdib ni Averill habang nakatayo siya sa harap ng isang maliit na kapilya sa Tagaytay Highlands. Sa labas, hindi man umuulan, tila bumubuhos ang lamig sa paligid — lamig na mas mabagsik pa sa presensya ng mga panauhin na dumalo sa kasal.Wala sa kanyang mukha ang saya. Wala ring kaba. Sa halip, ang titig niya’y matalim, puno ng determinasyon. Nakasuot siya ng simpleng ivory gown — walang laylayan ng pagkukunwari, walang alahas na kumikinang. Para siyang reyna sa isang larong hindi kanya, pero handang harapin ang anumang kalaban.Sa altar, naghihintay si Sebastian Dela Vega — malamig, imposibleng basahin ang ekspresyon. Itim ang kanyang three-piece suit, perpektong nakaayos ang buhok, tila isang business meeting lang ang kanyang pinuntahan.“Handa ka na ba?” tanong ni Don Eduardo sa kanya, mahina ngunit mariin.“Matagal na, Papa,” sagot niya

  • Married to Ruin you   kabanata 3

    KABANATA 3 — ANG MALUPIT NA CEO: SEBASTIAN DELA VEGATahimik ang buong Alarcon Mansion nang gabing iyon. Sa silid-aklatan kung saan laging pinapatawag ni Don Eduardo ang kanyang mga anak para sa mga importanteng usapan, doon nakatayo si Averill—tahimik, ngunit waring may unos sa dibdib.Tatlong araw na mula nang makita niya sa balita ang engagement announcement nina Francis at Cherry. Tatlong araw na siyang binabagabag ng sama ng loob, ng matinding galit na tila apoy na ayaw mapawi. Hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang mga larawang ipinakita sa TV—si Francis, nakangiting parang wala siyang kasaysayan; si Cherry, nakasandal sa bisig nito, may hawak pang diamond ring na ikinampay sa camera.“Sa wakas, ikakasal na rin si Francis Velasquez sa babaeng nagpatibok ng kanyang puso,” ani ng reporter. “Sa kabila ng mga usap-usapan, mukhang nakahanap na siya ng tunay na kaligayahan.”Muntik na niyang ibato ang TV ng mga oras na iyon. Sa halip, naglakad siya patungo sa library ng mansion,

  • Married to Ruin you   kabanata 2

    KABANATA 2 — LAHAT NG SAKRIPISYO KO, WINALANGHIYA MO!Basang-basa pa ng ulan ang sapatos ni Averill habang naglalakad palabas ng Apex Dynamics. Sa bawat yapak, parang may humahagupit na latigo ng kahihiyan sa likod niya—hindi mula sa lamig ng ulan, kundi mula sa apoy ng galit na bumabalot sa kanya. Kaninang umaga, siya ang COO ng kumpanyang itinayo niya mula sa wala, katuwang si Francis. Ngayong gabi, isa na siyang babae na pinalayas, pinagbintangan ng pagnanakaw, at pinagtulungan ng mga taong minsang tinawag niyang pamilya sa negosyo.“Walang hiya ka, Averill! Sa kumpanyang ikaw pa ang humawak ng pera, ikaw pa ang unang magnanakaw!” sigaw ni Cherry kanina, bago siya pinalabas ng boardroom. Walang isa man ang kumampi sa kanya—pati si Francis, tahimik na nakatingin lamang sa kanya, habang si Cherry ang nangunguna sa pagpapahiya sa kanya. “Hindi ka na dapat bumalik dito. Huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa mundong hindi ka na kabilang.”Lahat ng mata, nakatuon sa kanya. Lahat ng

  • Married to Ruin you   kabanata 1

    Kabanata 1 — Sa Harap ng Lahat, Tinapakan Mo Ako“Averill Almonte dinivert mo ang company funds para sa personal mong account?”Ang tanong na iyon ay parang sumabog sa conference room na punong-puno ng board members, shareholders, at mga empleyado ng Apex Dynamics. Sa gitna ng mahigit tatlumpung pares ng matang nakatingin sa kanya, si Averill ay nakatayo—pula ang mukha, nanginginig ang dibdib, habang tangan ni Francis ang isang folder na puno ng mga dokumento.“Ano?” halos pabulong niyang sambit, pero narinig iyon ng lahat.“Don’t play innocent,” malamig ang boses ni Francis, ang dating lalaking minahal niya. “May ebidensya kami na ikaw mismo ang nag-authorize ng transfer ng sampung milyong piso sa offshore account.”Sumunod ang mga lagapak ng papel sa lamesa — mga printouts, bank slips, signatures na tila sa kanya.“At sa lahat ng kumpanya,” sabat ni Cherry, ang babaeng ipinagpalit sa kanya, “gagawin mo pa ‘yan sa kumpanya na tinulungan ka lang naman makilala?”Natahimik si Averill.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status