Share

kabanata 7

Author: Bluemoon22
last update Last Updated: 2025-08-01 18:53:28

KABANATA 7 — Lihim ng Isang Selva

Maaga pa lang, nagising na si Averill kahit ilang oras pa lang ang itinulog niya.

Hindi dahil naninibago siya sa bagong kwarto. Hindi dahil malamig ang silid na inilaan para sa kaniya sa loob ng engrandeng mansion ng mga Dela Selva.

Kundi dahil hindi niya makalimutan ang mga salitang binitiwan ni Sebastian kagabi.

"Hindi lahat ng kasal ay tungkol sa pagmamahal, Averill. May mga kasal na kasunduan. May mga kasal na armas."

Nakatitig siya sa kisame habang yakap ang unan, tahimik ang paligid pero maingay ang loob niya. Sa bawat segundo ng kanyang katahimikan, bumabalik sa isip niya ang paraan ng pagkakatingin sa kanya ng lalaking pinakasalan niya—hindi bilang asawa, kundi bilang kasabwat. Isang kasosyo. Isang gamit.

"Bakit ba ako pumayag sa ganito?" tanong niya sa sarili, pero agad niya ring sinagot ang tanong na iyon sa isipan.

Dahil kay Francis.

Dahil sa kasinungalingan.

Dahil sa pagtalikod.

Dahil sa pagtataksil.

Muling sumilay sa alaala niya ang eksena sa opisina kung saan nahuli niya si Francis at si Cherry na magkahawak-kamay. Hindi niya malilimutan ang paraan ng pagkakaangat ni Cherry ng mukha nito—mayabang, hamak, mapanukso.

“Sorry, Ysabella. Mukhang ‘di mo alam… ikaw lang pala ang panakip-butas.”

Isang kirot ang muling dumaan sa dibdib ni Averill, pero pinilit niyang huminga nang malalim.

Hindi na siya si Averill Alarcon na umiiyak sa banyo.

Ngayon, asawa na siya ng pinakamakapangyarihang lalaki sa buong Luzon—si Sebastian Dela Selva. Isang negosyante na ginagalang, kinatatakutan, at pinagdududahan ng marami.

At bagama’t wala silang emosyonal na koneksyon, alam niyang hawak niya ang isang bagong alas.

Tumayo siya mula sa kama. Hindi siya makakatiyak sa bawat hakbang ng buhay na pinasok niya, pero alam niya ang direksyon—paghihiganti.

---

Sa kabilang bahagi ng mansyon, tahimik ang silid-aklatan. Nasa gitna nito si Sebastian—nakatayo sa harap ng glass wall habang nakatanaw sa ulan sa labas. Sa kamay niya’y may hawak siyang baso ng mamahaling alak.

Hindi dahil sa panlasa.

Kundi para mapakalma ang sarili.

Tahimik siyang umupo sa leather armchair. Hindi niya kailangan ng marami pang salita. Ang buong mundo ay isang laro para sa kaniya, at si Averill? Isa sa mga piyesang kailangan niyang igalaw.

Pero hindi siya handa sa isang bagay—ang mga mata nito. May apoy. May tapang.

Hindi ito ang inaasahan niyang babae.

Hindi ito ang Averill na sinasabing iniwan ni Francis na parang basahan.

“She’s not broken,” bulong niya sa sarili. “She’s... dangerous.”

Isang misteryosong ngiti ang sumilay sa labi ni Sebastian. Nilagok niya ang natitirang alak, at muling tumayo.

Kailangan niyang malaman kung gaano katatag ang kababaihang pinakasalan niya. Kailangan niyang malaman kung saan ito mapipinsala.

Dahil sa larong ito, hindi sapat na magtulungan sila.

Kailangan niyang malaman kung kailan ito tatalikod—at kung kaya ba niyang pagkatiwalaan ito nang higit sa kung ano mang kontrata.

---

Pagbaba ni Averill mula sa silid, hindi niya akalaing sasalubungin siya ni Amenda, ang pinakamatagal na mayordoma ng pamilya Dela Selva.

"Ma’am Averill, hinihintay po kayo ni Mr. Dela Selva sa dining hall," ani Amenda, may magalang na tinig.

Nagkibit-balikat si Averill at pinilit ang mahinhing ngiti. "Salamat, Po nay Amenda."

Pagpasok niya sa dining area, nakita niya agad si Sebastian—nakaupo sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na tablet sa isang kamay at kape sa kabila. Walang bakas ng emosyon sa mukha nito.

“Umupo ka,” maikling utos.

Umupo siya. Tahimik. Hindi niya alam kung anong sasabihin o kung may aasahan ba siyang kahit anong karaniwang lambing ng isang bagong asawa. Pero wala.

Walang tanong kung nakatulog siya.

Walang bati ng magandang umaga.

Wala.

“Ano'ng plano mo ngayon?” tanong ng lalaki, hindi man lang tiningnan siya sa mata.

“Gusto kong makita ang financial reports ni Francis. Lalo na ang bahagi ng Apex Dynamics,” matatag niyang sagot.

Bahagyang umangat ang kilay ni Sebastian. “Mukhang hindi mo lang ako ginamit sa kasal. May sarili kang plano.”

“Ginamit mo rin naman ako, hindi ba?” bawi niya. “At hindi tayo nagpakasal para lang umarte na mag-asawa. May misyon tayo pareho.”

Tahimik ang lalaki saglit, pero pagkatapos ay tumango. “Magsisimula ka na. Good. May ibibigay akong tao para tulungan ka sa background checking. Legal pero agresibo.”

“Ayokong basta informant. Gusto ko ng access.”

Ngumiti si Sebastian—isang ngiting hindi mo malaman kung may paghanga o babala.

“You’re learning fast,” anito. “Pero tandaan mo, Averill... the higher you climb, the more people will want to see you fall.”

---

Pagkatapos ng umagang iyon, nagtungo si Averill sa isang branch ng Montenegro Group sa Makati para mag-umpisang mag-imbestiga. Walang nakakaalam kung ano ang tunay niyang pakay, pero sa likod ng kanyang power suit, nakatago ang naglalagablab na paghihiganti.

Habang pinagmamasdan niya ang digital portfolio ni Francis, kitang-kita niya kung paanong unti-unti nitong inilipat ang assets na dapat ay hawak pa rin niya. Isa-isang detalyeng hinimay niya, bawat linya ng graph, bawat report.

At sa gitna ng katahimikan ng kanyang tanggapan, marahan siyang ngumiti—ngiting hindi kayang sukatin ng dami ng ipinagkanulo sa kanya.

“Hindi mo na ako maloloko, Francis,” bulong niya sa sarili. “Dahil simula ngayon... ako na ang kalaban mo.” sabi niya sa kaniyang sarili

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to Ruin you   kabanata 8

    KABANATA 8— ANG PANGALAWANG HAMON: AVERILL VS CHERRYMaaga pa lang ay gising na si Averill. Ang malamig na hangin mula sa bukás na bintana ng kanyang condo unit sa Makati ay humaplos sa kanyang pisngi habang tinititigan niya ang malawak na langit na unti-unting nilalamon ng liwanag ng araw. Iyon ang klase ng umaga na tila tahimik pero puno ng banta—tulad ng kanyang nararamdaman.Hindi siya nagmadali. Maingat niyang pinili ang susuotin: isang cream-colored na dress na simple pero may karisma, manipis na trench coat na bahagyang sumasayad sa tuhod, at isang pares ng dark sunglasses na mas higit pa sa proteksyon sa araw—isang pahayag na kahit nasaktan siya, hindi siya kailanman masisira. Ang bawat detalye ay sinadyang pag-isipan, dahil sa mundong ginagalawan niya, ang panlabas na anyo ay hindi lang kaanyuan, kundi armas.Sa gitna ng sunod-sunod na imbestigasyon tungkol sa panlilinlang ni Francis, naisipan niyang huminto sandali sa isang kilalang gourmet grocery store. Hindi niya inakalan

  • Married to Ruin you   kabanata 7

    KABANATA 7 — Lihim ng Isang SelvaMaaga pa lang, nagising na si Averill kahit ilang oras pa lang ang itinulog niya.Hindi dahil naninibago siya sa bagong kwarto. Hindi dahil malamig ang silid na inilaan para sa kaniya sa loob ng engrandeng mansion ng mga Dela Selva.Kundi dahil hindi niya makalimutan ang mga salitang binitiwan ni Sebastian kagabi."Hindi lahat ng kasal ay tungkol sa pagmamahal, Averill. May mga kasal na kasunduan. May mga kasal na armas."Nakatitig siya sa kisame habang yakap ang unan, tahimik ang paligid pero maingay ang loob niya. Sa bawat segundo ng kanyang katahimikan, bumabalik sa isip niya ang paraan ng pagkakatingin sa kanya ng lalaking pinakasalan niya—hindi bilang asawa, kundi bilang kasabwat. Isang kasosyo. Isang gamit."Bakit ba ako pumayag sa ganito?" tanong niya sa sarili, pero agad niya ring sinagot ang tanong na iyon sa isipan.Dahil kay Francis.Dahil sa kasinungalingan.Dahil sa pagtalikod.Dahil sa pagtataksil.Muling sumilay sa alaala niya ang eksen

  • Married to Ruin you   kabanata 6

    Kabanata 6 Luhang Hindi Niya MaaminTahimik ang buong mansyon. Tila ang katahimikan ay niyayakap ang bawat sulok, kasabay ng malamig na hanging humahaplos sa gabi—isang lamig na hindi kayang tabunan kahit ng mamahaling kumot o marangyang silid.Nakahiga si Averill Alarcon sa malambot na kama, ngunit ang kanyang puso’t isipan ay gising na gising—puno ng kaguluhan at lungkot na walang pangalan. Ang kwartong iyon ay ipinagkaloob sa kanya ng lalaking pinakasalan niya—Sebastian Dela Vega. Isang kwartong punô ng karangyaan, mamahaling kurtina, chandelier na kumikislap, at mga kasangkapang pangmayaman.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nananatiling malamig ang silid. Tahimik. Parang estrangherong ayaw siyang tanggapin.Hindi sila magkasama sa iisang kwarto ni Sebastian—isang kasunduan nilang parehong pinili. Dapat sana’y nakagaan iyon sa pakiramdam ni Averill. Pero bakit tila mas mabigat ang bawat gabi?Napatingin siya sa kisame, parang may hinahanap sa mga aninong gumagalaw sa liwanag ng

  • Married to Ruin you   kabanata 5

    KABANATA 5 — ANG GANTI AY NAGSISIMULAAlas otso ng gabi. Sa pribadong silid ng Dela Vega Mansion, tahimik na nakaupo si Averill Alarcon sa harap ng kanyang laptop, nakakunot ang noo habang nagbabasa ng confidential financial reports ng Apex Dynamics — ang kumpanyang itinayo niya kasama si Francis. Ngunit sa mga oras na ito, isa na lamang itong kumpanyang pinagkakakitaan ng lalaking minsan niyang minahal.Habang iniisa-isa niya ang mga files, kitang-kita niya ang mga hindi tugmang numero, ang mga account na tila hinuthot. Ang mga proyekto na hindi niya nalaman, at mga investors na pumasok nang hindi dumaan sa kanya.“Francis…” bulong niya, mariin ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. “Lahat ng sakripisyo ko, nilustay mo. Pinaglaruan mo ako… at akala mo basta-basta akong mawawala?”Nang biglang bumukas ang pinto, pumasok si Sebastian Dela Vega — ang lalaking pinakasalan niya hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil ito ang tanging armas niya sa laban niya kay Francis.“Kamusta ang gabi ng isa

  • Married to Ruin you   kabanata 4

    KABANATA 4 — ANG KASALANG WALANG PUSO, PERO MAY LIHIM NA PLANOMaulap ang langit ng umagang iyon. Waring kasama ng ulap ang bigat na bumabalot sa dibdib ni Averill habang nakatayo siya sa harap ng isang maliit na kapilya sa Tagaytay Highlands. Sa labas, hindi man umuulan, tila bumubuhos ang lamig sa paligid — lamig na mas mabagsik pa sa presensya ng mga panauhin na dumalo sa kasal.Wala sa kanyang mukha ang saya. Wala ring kaba. Sa halip, ang titig niya’y matalim, puno ng determinasyon. Nakasuot siya ng simpleng ivory gown — walang laylayan ng pagkukunwari, walang alahas na kumikinang. Para siyang reyna sa isang larong hindi kanya, pero handang harapin ang anumang kalaban.Sa altar, naghihintay si Sebastian Dela Vega — malamig, imposibleng basahin ang ekspresyon. Itim ang kanyang three-piece suit, perpektong nakaayos ang buhok, tila isang business meeting lang ang kanyang pinuntahan.“Handa ka na ba?” tanong ni Don Eduardo sa kanya, mahina ngunit mariin.“Matagal na, Papa,” sagot niya

  • Married to Ruin you   kabanata 3

    KABANATA 3 — ANG MALUPIT NA CEO: SEBASTIAN DELA VEGATahimik ang buong Alarcon Mansion nang gabing iyon. Sa silid-aklatan kung saan laging pinapatawag ni Don Eduardo ang kanyang mga anak para sa mga importanteng usapan, doon nakatayo si Averill—tahimik, ngunit waring may unos sa dibdib.Tatlong araw na mula nang makita niya sa balita ang engagement announcement nina Francis at Cherry. Tatlong araw na siyang binabagabag ng sama ng loob, ng matinding galit na tila apoy na ayaw mapawi. Hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang mga larawang ipinakita sa TV—si Francis, nakangiting parang wala siyang kasaysayan; si Cherry, nakasandal sa bisig nito, may hawak pang diamond ring na ikinampay sa camera.“Sa wakas, ikakasal na rin si Francis Velasquez sa babaeng nagpatibok ng kanyang puso,” ani ng reporter. “Sa kabila ng mga usap-usapan, mukhang nakahanap na siya ng tunay na kaligayahan.”Muntik na niyang ibato ang TV ng mga oras na iyon. Sa halip, naglakad siya patungo sa library ng mansion,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status