ログインAlex Pov
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng opisina ni Lolo. Ayoko na mahalata niya na hindi ako okay. Kaya naman pinasaya ko ang tono ko ng batiin ko siya.
"Goodafternoon, Lolo!" masiglang bati ko sa kanya. Agad naman siyang napalingon sa direksyon ko.
"Apo!" Agad namang nagliwanag ang mukha ni Lolo ng makita ako.
Yumakap ako sa kanya ng makalapit ako saka nagmano sa kanya. "Miss me? Para namang hindi tayo nagkita kahapon, Lolo." Pabirong sabi ko sa kanya.
"Kahit yata magkasama tayo sa bahay ay nami-miss pa rin kita palagi, apo," nakangiting turan ni Lolo. Napangiti rin ako. "Dapat pala hindi muna kita ipinakasal sa asawa mo para mas nakasama muna kita ng matagal." Nanghihinayang na dagdag pa ni Lolo.
"Ikaw kasi ipinakasal mo ako agad, eh," nakangusong biro 'ko rin sa kanya. Naupo ako sa upuang nasa tapat ng mesa ni Lolo. "Araw-araw naman tayong nagkikita rito sa opisina pero nami-miss mo pa rin ako?"
"Oo, apo. You look exactly like your dad. Kapag nakikita kita parang nakikita ko na rin siya. Kung nahanap ko lang sana agad kayo hindi na sana kayo naghirap. Baka kasama pa rin natin siya hanggang ngayon," nakangiting saad ni Lolo. Pero dama ko ang lungkot, pangungulila at panghihinayang niya."Kung hindi lang sana ako naging matigas noon at hinayaan ko na lang sana sila ng iyong ina na magsama. Ang ama mo na siguro ang namamahala sa kompanya ngayon. Hindi na sana kita kailangang ipakasal agad." Apologetic ang tingin na ipinukol sa akin ni Lolo.
Ginagap ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa niya. "Lolo... Hindi na po natin maibabalik ang mga nangyari na noon. Ang mahalaga po ay pinagsisihan niyo na ang nangyari noon. At magkasama na po tayo ngayon!" wika ko sa masayang tono. Sa totoo lang ako rin nanghihinayang at nalulungkot. Masaya naman kami nila Mama at Papa kahit simple lang ang buhay namin sa Surigao. Bata pa lang ako noong kasama pa namin si Papa pero alam ko na naging masaya siya sa piling ni Mama. Ayon nga lang huli na noong malaman daw noon ni Mama ang tungkol sa sakit ni Papa. Kaya hindi na naagapan pa. Nagkasakit sa Kidney si Papa. At dahil ayaw niyang mag-alala si Mama itinago niya ang kalagayan niya. Siguro kung hindi niya ginawa iyon, kasama pa sana namin siya hanggang ngayon. Mas masaya sana kung nandito rin siya ngayon. Pero hanggang sa huling sandali ng buhay niya ay itinago nila ni Mama ang tungkol sa katauhan ni Papa. Kaya nga Batungbakal ang ipinagamit nila sa aking apelyido, hindi ang apelyido ni papa.
"Kumusta naman kayong mag-asawa, Apo?" naputol ang pag-alala ko sa nakaraan sa tanong ni Lolo. "Mukhang busy masyado ang asawa mo. Hindi man lang kami nagkakausap." Pagpapatuloy pa ni Lolo. Bakas sa tono ng boses nito ang pagtatampo.
"A-Ayos lang naman po kami Lolo. Ahm... Masyado nga po siyang busy sa trabaho. Kaya pasensya na po kung hindi kami nakakadalaw sa'yo," hingi ko na lang ng paumanhin sa kanya. Pero sa totoo lang may oras pa ngang mag-golf at um-attend ng party ang isang iyon. Palagi rin siyang out of the country. Ayaw niya lang bumisita kay Lolo dahil sukang-suka siya na umarte kaming totoong mag-asawa sa harapan ni Lolo. "Ahm... Punta na po ako sa office ko, Lolo. May idi-discuss daw po sa akin si Tommy ngayon, eh." Paalam ko kay Lolo.
"Sige, Apo. Sabay tayong mag-lunch mamaya," nakangiting wika ni Lolo.
"Okay, Lolo. Pasensya ka na Lolo, ha. Sa edad mo ngayon dapat nagpapahinga ka na lang sa bahay. Pero dahil hindi pa sapat ang kaalaman ko sa negosyo, kailangan mo pa tuloy magtrabaho," apologetic na sabi ko.
"It's okay, Apo. Kapag na-finalize na ang merged ng company natin sa kompanya ng asawa mo, wala na tayong aalalahanin." Nakangiting ginagap ni Lolo ang mga kamay ko.
I try my best na 'wag niyang mahalata ang pilit na ngiti ko. "Opo, Lolo. I have to go na po. See you later." Paalam ko ulit kay Lolo. Umikot ako sa mesa niya para mahalikan siya sa pisngi.
"Sige, Apo. Don't be too harsh on yourself, Okay? Matutunan mo rin ang lahat ng dapat mong matutunan sa negosyo," pahabol na bilin pa ni Lolo.
Ngumiti naman ako sa kanya. This time its genuine smile, "Yes po, Lolo. Thank you." I said to him, lumabas na ako ng opisina ni Lolo at dumiretso sa opisina ko.
Wala pa ang assistant ni Lolo na si Tommy Sandico. Siya ang nagti-train sa akin sa pamamahala sa negosyo ng pamilya. Mabuti na lang nakasundo ko agad siya. Hindi ako masyadong mahihirapan na pag-aralan ang lahat ng dapat kong malaman.
Naupo ako sa swivel chair ko at napapaisip na nangalumbaba sa mesa ko.
Kung buhay pa si Papa siya sana ang papalit kay Lolo sa pamamahala sa kompanya at iba pang pag-aari ng pamilya nila. Pero dahil wala na siya, I have no choice but to take charge.
I have been called a jack of all trades when I'm in college. Sa dami ng trabaho na pinasok ko para lang makapag-aral at masuportahan ang mga pangangailangan namin ni Mama. I graduated, Bachelor of Science Major in Hospitality Management. I'm a fresh graduate and already working in a small company when Lolo found us. And it should be just a reunion for us. Tinanggap niya ako bilang apo. And He cried when he found out about Papa's death. Pero dahil matanda na si Lolo kailangan niya ng successor na mamamahala sa kompanya niya. At dahil babae ako at hindi sapat ang pinag-aralan ko para mamahala sa kompanya ay kinailangan kong magpakasal sa isang taong pagkakatiwalaan ni Lolo at ng board of directors.
And that's suits Ludwig Henderson. A young billionaire na minana ang negosyo ng pamilya nito. Ang Henderson Group of Companies na kilala sa naggagandahan at sikat na hotel, casino at resorts hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
Pero hindi pa rin ito kontento sa lahat ng meron siya. Dahil gusto niyang angkinin ang negosyo at isla na pag-aari ni Lolo. Iyon ang dahilan kaya pumayag siya na ikasal sa akin.
My Abuelo doesn't know about Ludwig's plan. It just happen na, I accidentally heard him talking to someone about his evil plan sa kompanya ni Lolo. At hindi ko hahayaan na makuha niya ang gusto niya. Kahit kapalit pa nito ang kalayaan at kaligayahan ko.
Alexa “Hay. . . Finally! Naamoy ko ulit ang simoy ng hangin dito sa isla,” nakangiting sabi ko, pagkatapos kong lumanghap ng sariwang hangin mula sa balkonahe ng bahay namin dito sa isla. “Maglakad-lakad ka sa tabing-dagat, anak. Makakabuti ’yon sa pagbubuntis mo, para hindi ka mahirapang manganak,” payo ni Mama sa ’kin. Lumabas siya mula sa kusina. “Sige po, Mama. Aayain ko po si Ludwig. Kapag po kasi si Lolo ang ayain ko baka rayumahin po sa kakalakad, eh.” Sabay bungisngis ko. “Aba’t ang batang ito, ah. Ano’ng akala mo sa ’kin? Uugod-ugod na?” alma ni Lolo na nagkakape doon sa balkonahe. Natatawang lumapit ako sa kaniya para yakapin siya. “Biro lang po, Lolo. Alam ko naman na malakas pa kayo at aabutin niyo pa ang mga apo niyo sa tuhod, eh.” “Oo naman, ano. Excited na nga akong makita ang mga magiging anak mo, apo.” Masuyo niyang pinisil ang mga braso ko nakayakap sa kaniya. Lalong lumawak ang mga ngiti ko. “Iyon po ang pangarap ko, Lolo. Wala
Alexa “Tommy. . . ” sambit ko pagkakita ko sa kaniya. Naka-posas siya at hawak ng dalawang pulis. “Alexa!” Tinangka niyang lumapit sa ’kin pero iniharang ni Ludwig ang kamay niya sa harapan ko. Pilit ding pinaupo ng mga pulis si Tommy. “Alexa, tulungan mo ako. Ilabas mo ako rito. Ayoko dito. Magpakalayo na tayo dito,” tila wala sa sarili na anito. “Seriously, Tommy? Sasabihin mo ’yan sa asawa ko, sa harapan ko talaga?” react ni Ludwig. Pasimple ko siyang siniko sa tagiliran. “Kumalma ka nga. Ako ang makikipag-usap sa kaniya, ’di ba?” bulong ko pa kay Ludwig. “Hindi ako papayag. Dito lang ako,” giit pa nito. Napabuntong-hininga na lang ako. “Hindi ka dapat nagtitiwala sa kaniya, Alexa. Niloloko ka lang niya. Kinukuha niya lang ang loob mo, para magawa niya ang masamang plano niya,” tukoy ni Tommy kay Ludwig. “Coming from someone who kidnapped my wife, huh.” “Ludwig. . . ” tawag ko sa pangalan niya, with warning tone. “Fine.
Alexa Dahil pinasabog na ni Tommy ang lugar na pinanggalingan namin, naghanap na lang si Ludwig ng ibang lugar na pwede naming daungan. Dumating na rin ang mga back up na ipinadala ni Lolo, kaya naaresto na ang mga tauhan ni Tommy, habang ito naman ay hinahanap pa ng mga pulis. “Are you okay? Wala ba’ng masakit sa ’yo?” tanong ni Ludwig sa 'kin na halos inspeksyunan na ang buong katawan ko. “Ayos lang ako. Natakot lang ako kanina. Akala ko napahamak na kayong dalawa,” tugon ko sa kaniya. “Ano ka ba? Hindi mangyayari ’yon. Hindi kami mahinang nilalang nitong si Ludwig, ano,” pagyayabang ni Lucas. Sakay kami ng ambulansya kahit na wala naman talagang injured sa aming tatlo. “Talaga lang, ha. Eh, bakit ganiyan ang mga itsura niyo?” Ibinalot ni Lucas ang sarili ng blanket na ibinigay ng rescue team, para takpan ang sarili. “Proof ito na flexible kami nitong asawa mo. Imagine? Kaya naming makipaglaban na sando at boxer short lang ang suot?
Alexa Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung paano mawasak ang lugar na kinaroroonan nina Ludwig at Lucas ng dahil sa malakas na pagsabog. “Boom! Wala na sila. Ewan ko na lang kung malaligtas pa sila sa pagsabog na ’yan.” Sabay halakhak ni Tommy. Lumuluha ang mga matang tiningnan ko siya ng matalim. Hindi na siya ang Tommy na nakilala ko at itinuring kong kaibigan. Ang nakikita ko sa harap ko ngayon ay ang Tommy na walang konsensya at kaluluwa. “N-Napakasama mo. . . L-Ludwig. . . Lucas. . . ” sa nanginginig na boses ay sambit ko. Tinanaw ko ang lugar na kinaroroonan ng dalawa. Sa lakas ng pagsabog ay imposibleng makaligtas sila. “They force me to do that, Alex. Kung umalis na lang kasi sila at hindi na tayo sinubukang pigilan, hindi na sana nangyari ’yan sa kanila. Ngayon, wala ng hadlang sa ating dalawa,” ngumisi siya habang patuloy ang pagpapaandar sa motorboat. “Sa akala mo ba mapapatawad kita sa ginawa mo? Kung hindi mo ako pakakawa
Alexa “Huh?” Nakarinig ako ng mga putok ng baril sa di kalayuan, kaya napabangon ako sa kinahihigaan ko. “Tommy? Ano’ng nangyayari? Tommy!” Kinalampag ko ang pinto. “Buksan mo itong pinto. Ano’ng nangyayari? Bakit may mga putok ng baril?” Nang wala akong makuhang sagot ay nagpunta ako sa may bintana. Imbes na matakot ay nakaramdam ako ng kaba. “Paano kung nandoon si Ludwig sa nagbabarilan?” Napahawak ako sa impis ko pang tiyan. “Wag naman sana. Wala sanang mapahamak at masaktan.” Dasal ko, kahit na alam ko na imposible ’yon. Nagulat ako at napalingon ng biglang bumukas ang pinto. “Kailangan nating umalis dito,” frantic na sabi ni Tommy. “Ano’ng nangyayari? Bakit may nagbabarilan?” tanong ko sa kaniya. “May mga masasamang taong nakalagpas sa patibong ko, pero siguradong hindi sila makakaligtas sa mga tauhan ko.” Ang kaninang nag-aalalang ekspresyon niya ay napalitan ng ngisi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Sila Ludwig ba
Ludwig “Saan ba tayo pupunta?” naiinip na tanong sa 'kin ni Lucas. Halos isang oras na kasi kaming nag-b-biyahe. “Mag-drive ka lang at sundin mo lang si waze, okay?” tukoy ko sa app na nagtuturo sa direksyon na pupuntahan namin. “Nakailang turn right at turn left na tayo, eh. Baka naman pinagloloko lang tayo ng waze na ’to.” “Ang reklamador mo namang driver. Paano kita babayaran ng isang milyon?” “Uy! Seryoso ba ’yong isang milyon? Nagbibiro lang naman ako, ano. Hindi ka pala pwedeng biruin.” “Another one million, kung kaya mong makipagsuntukan at barilan.” Nakangising sabi ko sa kaniya. “Woah! Mukhang mapapalaban tayo sa pupuntahan natin, ah.” “Baka nga makapatay pa ko, eh.” Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi na ako makapaghintay makaharap ang Tommy na ’yon. Mabuti na lang at magaling ang kaibigan kong si Miguel. Madali niyang na-locate ang location, kung saan tinatago ng lalaking ’yon si Alexa. “Relax! Isipin mo ang mag-ina mo.
Ludwig "Do everything to find Sydney, Mike. Pakilusin mo ang lahat ng tao natin pati sa ibang bansa. Kailangang maiharap niyo sa 'kin ang babae na 'yon," nagtatangis ang bagang at nakakuyom ang kamao na utos ko sa assistant ko. "Yes, sir. I will contact the private investigator and
Ludwig A smile forms on my lips when I walk up the next day with Alexa beside me. She is sleeping soundly on my chest. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya. At muli akong napangiti noong maalala ko ang namagitan sa aming dalawa kagabi. We finally did it.
Alexa's Pov I really hate him! "Nakakainis!" Nagpupuyos ang damdamin na lumangoy ako sa pool. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. "Bakit ka nag-response ako sa halik niya. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Ano na self? Hindi mo na ba kayang pigilan ang sarili mo, ha? Ano ang susunod? Aamin
Ludwig How can I make her admit that she has already fallen for me? Alexa is very feisty and hardheaded. I won't force her to admit her feelings for me. But I will do everything for my wife to admit that she loves me. You will never get away from me, my wife. It







