LOGINKate
Hindi ko pinansin ang tinging pinagkakaloob sa akin ng mga taong pumapasok sa Mall kung nasaan ako. Nasa kilalang Mall ako ng sandaling iyon at hinihintay ko ang pagdating ni Cheska. Matapos kasi akong matanggap sa Juarez Group of Companies ay agad kong tinawagan si Cheska para samahan niya akong bumili ng wardrobe ko na isusuot ko sa pagpasok araw-araw sa trabaho. Gusto kong palitan lahat ng wardrobe sa closet ko. And my reasons? I'll continue my disguise. Mukhang hindi kasi ako namukhaan ni Trey Juarez--ang magiging boss ko--ang lalaking estrangherong nakilala ko sa bar--ang lalaking nakahalikan ko--ang lalaking niyaya kong magpakasal. Na asawa ko na ngayon. Sa totoo lang ay balak ko talagang mag-back out kanina nang makita at makilala ko na siya pala ang may-ari ng Juarez Group of companies. Yes. Nag-search naman ako tungkol sa kompanya, pero mukhang kulang ang research ko dahil hindi ko na-reasearch ang mukha ng mag-ari. I'm still shocked from the fact that she's the one who owns the company I've been eyeing. Sa totoo nga lang din ay 50-50 kung ako ang matatanggap bilang secretary dahil sa ayos at hitsura ko. Hindi ba ang mga gusto ng mga CEO, lalo na ang kagaya ni Sir Trey na sobrang gwapo at hot ay iyong mga babaeng sexy at malaki ang boobs? Well, malaki naman ang boobs ko pero nakatago lang iyon sa suot kong long sleeved na medyo maluwag sa akin. Pero ang lalaki, ako pa ang pinili niya na maging secretary. Naisip ko na baka iba si Sir Trey, hindi siya tumitingin sa panlabas na hitsura. Tumitingin siya sa kakayahan ng isang tao. And I admired him for that. I just shook my head to get him out of my mind. Aware naman ako kung bakit pinagtitinginan nila ako o kung bakit ganoon sila makatingin sa akin. Because of the old-fashioned outfit that I'm wearing today. And I can see the disgust and insult written on their faces. But I shrug it off. Bakit ko sila pag-aaksayahan ng oras? Hindi naman nila ako pinapakain? "Kate!" Mayamaya ay napatingin ako sa gilid ng marinig ko ang boses ni Cheska. "Ang tagal mo naman," wika ko nang tuluyan siyang nakalapit sa akin. "Pasensiya naman," wika niya sa akin sabay paikot ng mga mata. "May nagyaya kasi sa akin ng biglaan," dagdag pa niya. Tumawa naman ako. Pagkatapos at um-abrisyete ako sa kanya. "Tara?" yakag ko. "Ano bang bibilhin mo?" tanong ni Chesca sa akin habang naglalakad na kami. "Office attire ko." "Pasok ka na sa trabaho?" "Yup," sagot ko sa kanya. "And you wouldn't believe it, Chesca." "What?" "It's him!" Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin. "What?" "My new boss and the man I'm married are the same person." "What?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin, tumigil nga din siya sa paglalakad at tuluyan akong hinarap. "Seriously, Kate?" "Yes, Cheska. Maliit talaga ang mundo." "So, you mean your husband is a billionaire?" I nodded in response. "That's why I'm asking you to accompany me to buy some office attire. I'll continue my disguise to hide my identity from him." Cheska brows furrowed. "What do you mean? Hindi ka niya nakilala?" "Do you think, makilala niya ako sa suot ko? At sa ayos ko? I don't think so, Cheska." "Are you sure na hindi ka niya kilala, Kate? What if he did?" "I am sure. Kasi kong nakilala niya ako, eh, 'di sana sinabi niya. And besides, we only met once, and he was drunk that night. Maybe he's already forgotten what I look like," dagdag ko pa. "What about your name?" "Maraming magkakapangalan sa buong mundo, Cheska," sagot ko pa. Siguradong-sigurado na hindi talaga siya namukhaan o nakilala ni Trey. "Fingers crossed that he doesn't remember me." "If that what you knew, Kate," wika na lang ni Cheska sa akin. Nagpatuloy naman na kaming dalawa na maglakad. Nagtungo kami ni Cheska sa department store. Papasok na kami ng mapatigil nang may makasalubong kaming hindi ko inaasahan na makita at hindi ko gustong makita. Si Marie at si Gio. And it looks like they saw us too because I noticed Marie and Gio stopped walking as well. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Gio. At si Marie naman ay napansin ko na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa tumigil iyon sa mukha ko. And I saw recognition in her face. "Kate? It's that you?" Tinaasan ko lang naman siya ng isang kilay. At mayamaya ay napansin ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya. "What happened to you?" tanong niya. "Ganyan ba ang nangyayari kapag broken hearted? Nagiging manang at pangit?" "Marie, stop it," suway ni Gio kay Marie. "What, Gio? I'm just stating the fact. Look at your ex-girlfriend, she looks different. She looks like my grandma," dagdag pa na wika nito. "It seems that Kate is really heartbroken because you chose me." "Choose you?" narinig kong sabat ni Chesca. "He chose you or you forced him to choose you?" Napansin ko ang pagtalim ng mga mata ni Marie ng tumingin siya kay Cheska. "I'm not talking you, bitch." "Harap ka sa salamin. Ikaw ang mas-bitch," wika din ni Chesca. "Your siding your ugly friend-- "Alangan naman na ikaw ang kampihan ko? Duh?" Cheska rolled her eyes. Nilingon ako ni Marie, bakas sa mata ang inis. "Pagsabihan mo iyang kaibigan mo, Kate na huwag makisawsaw sa usapan ng pamilya." Akmang sasabad si Cheska ng pigilan ko siya. "She's family than you, Marie," wika ko naman. "I'll tell this to, Dad. You-- "Go ahead. Magsumbong ka sa Daddy ko. Eh, diyan ka naman magaling," wika ko sa kanya. "At anong sinasabi mo na pangit ako?" tanong ko pa. "Even I am wearing this, I know I am not ugly," dagdag ko pa. Saglit ko ngang sinulyapan si Gio na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sa akin. "Even if you ask my ex, she's still staring at me, as if she's still mesmerized by me." At nang sabihin ko iyon ay tumingin ulit ako kay Marie. I couldn't help but smirk when I saw the annoyance in her eyes.Happy reading! Please support my story po. Salamat
Kate "I'm sorry," wika ni Trey sa akin sa masuyong boses habang yakap-yakap niya ako. Naramdaman ko nga ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin at ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. Hinayaan naman ako ni Trey na umiyak. Hinayaan ko din ang aking sarili na ilabas ang sakit na nararamdaman ko ng sandaling iyon. Hindi naman kasi ako nasasaktan dahil sa mga naririnig at nababasa kung masamang komento nila sa akin sa social media. Nasasaktan ako dahil nakapa-unfair ni Papa sa akin. Gaya ng sinabi ko sa kanya, ako ang tunay na anak, dugo't laman niya ako pero hindi man lang niya ako magawang paniwalaan, hindi man lang niya ako ma-protektahan. Dapat nga tinatanong niya ako kung okay lang ako, kung kailangan ko ba ng tulong para mawala iyong mga kumakalat na balita sa akin. Pero sa halip na iyon ang sabihin niya ay hinuhusgaan na niya agad ako na para bang totoo ang lahat ng naririnig niya. She's my father, dapat nga ay ito ang mas nakakalaaman sa akin, na hindi ko magagawa ang be
Kate Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng itigil ko ang minamaneho kung kotse sa garahe ng bahay namin. Tumawag kasi sa akin ang Papa ko at pinapapunta niya ako sa bahay dahil gusto niya akong makausap. At kahit na hindi ko siya tanungin kung ano ang sasabihin niya ay alam kung napabalitaan na niya ang balitang kumakalat sa social media dahil sa akin o baka sinabi na iyon ni Mae dito. Kilala ko ang stepsister ko, kapag may hindi magandang nangyayari sa akin ay agad niya iyong sinusumbong sa Papa ko. Hindi lang basta sinusumbong dahil dinadagdagan pa niya ng kwento para ako ang mapasama sa Papa ko. At ang Papa ko naman ay agad na naniniwala kay Mae. Minsan nga ay hindi na lang ako nagsasalita o pinagtatanggol ang sarili ko dahil wala namang nangyayari. Si Mae pa din ang pinaniniwalaan ni Papa. Akmang lalabas ako ng kotse ng mapatigil ako ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko. At nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Trey ang tunatawag sa akin. S
Kate Akala ko ay tapos na ang kumakalat na balita sa akin sa opisina dahil pina-announce ni Trey sa HR Manager asawa niya ako at walang agawan na nangyari sa pagitan ng kababata niya. Pero may mas malala pa pala dahil hindi lang sa kompanya niya iyon kumakalat kundi sa buong bansa pa. Kilalang personalidad kasi ang involve kaya naipabalita iyon sa social media--si Lea ang kababata niyang artista. Ako daw ang third party sa hiwalayan ng dalawa. Nagtataka nga ako paggising ko ng maaga ng makatanggap ako ng sunod-sunod na request sa social media ko, hindi lang iyon, sunod-sunod din akong nakatanggap ng message galing sa hindi ko kilalang tao. May nagta-tag din sa akin at nang tingnan ko iyon ay do'n ko nalaman ang kumakalat na balita tungkol sa akin. Kaya no choice ako kundi i-locked ang profile ko at i-private ang ilan sa mga social media account ko. Dahil kung hindi koniyon gagawin ay sigurado akong hindi ako titigilan. Baka kahit hindi ko ginagamit ang cellphone ko at ma-lowbat iy
Kate Akala ko ay graduate na ako sa tsismis nang ibalik ko sa dati ang paraan ng pananamit ko. Pero hindi pala dahil may panibago na namang tsimis na kumakalat sa buong kompanya. At tungkol na naman sa akin iyon. At sa pagkakataong iyon ay mas mabigat ang kumakalat na tsismis sa kompanya ni Trey. Hindi na ako ngayon isang mangkukulam. Isa na akong mang-aagaw. At inagaw ko daw si Trey sa girlfriend niyang artsita--si Lea. Nang malaman ko nga iyon ay hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Hindi ko nga din napigilan na question-in ang kribilidad ng empleyado ni Trey. Ganoon ba ang ilan sa mga empelyado niya? Kung hindi bully ay naniniwala sa mga fake news na ikinakalat ng taong walang magawa sa buhay? Simula kasi noong makita kami ng empelyado niya na sabay na pumasok at idagdag pa na magkahawak kamay ay nakarinig na ako ng bulungan. At iyon nga, inagaw ko daw si Trey kay Lea, inakit ko daw siya para hiwalayan ang girlfriend niya. Hindi ba alam ng empleyado ni Trey na wala n
Kate Napatingin ako sa gawi ni Trey nang makita ko ang pagbaba niya ng kotse ng ihinto ng driver ang minamaneho sa parking lot ng Juarez of Group of Companies ng makarating kami do'n. Sabay kaming pumasok na dalawa dahil sa condo niya ako natulog. Gusto nga ni Trey na magsama na kaming dalawa sa condo niya. Iyon naman talaga daw ang dapat dahil mag-asawa na kami. Sa totoo lang ay gusto ko din na mangyari iyon dahil gusto ko siyang makasama, gusto kung lagi siyang nakikita. Gusto ko bago ako matulog ay mukha ni Trey ang nakikita ko at kapag nagising naman ako ay siya pa din ang nakikita ko. Pero hindi ko naman maiwan-iwan ang condo ko. Kaya napag-desisyonan namin ni Trey na salitan na lang kami. Isang linggo ako sa condo niya at sa susunod na linggo ay sa condo ko naman. Wala namang problema iyon kay Trey dahil kung ano ang gusto ko ay susuportahan niya ako. Sa totoo lang ay ramdam ko na espesyal siya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal na sinasabi niya. At simula pa lang ay h
Kate "I'm sorry," paghingi ko ng paunmanhin kay Trey nang makasakay kami sa kotse niya nang umalis na kami sa bahay ng aking ama pagkatapos ng family dinner Napatigil naman si Trey sa akmang pagbuhay sa makina ng kotse nang marinig niya ang boses ko. Napasulyap nga din siya sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Why are you saying sorry to me, Kate?" tanong niya sa akin. "Sa nasaksihan mo sa pamilya ko," sagot ko sa kanya "Lalo na sa inasal ng ng stepmother at stepsister ko," dagdag ko pa. Sa totoo lang ay nahihiya ako kay Trey dahil unang beses niyang ma-meet ang pamilya ko ay nasaksihan na niya ang drama ng pamilya ko. Lalo na iyong inasal nina Tita Celine at Mae. Sinabi pa ni Mae kay Trey na binayaran ko siya para magpanggap na asawa ko dahil sa nangyari nga sa amin ng ex kong cheater. Pero nagbago naman ang ugali ng dalawa nang malaman nila kung sino ang asawa ko. Lalo na noong malaman nila na siya ang may-ari ng







