Kate
Sapo-sapo ko ang dibdib ng tuluyan ng inalis ng lalaki ang tingin sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa loob ng opisina niya. I can feel my heart racing. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Namukhaan ba niya ako? Pero mukhang hindi naman. Ibang-iba kasi ang ayos at hitsura ko noon sa ngayon. Sigurado ako na hindi niya ako namukhaan o nakilala. Dahil kung nakilala nga niya ako bilang babae na nakilala niya sa bar ay sigurado ako na kinompronta na niya ako. Pero wala siyang sinabi dahil walang salitang tinalikuran niya ako. Mukhang tagumpay ang disguised...ko? "Miss, mukhang galit sa 'yo si Sir Trey," wika ng isang aplikanteng babae. "Baka alam niyang ikaw ang gumamit ng elevator," wika naman ng isa. Hindi ko naman pinansin ang mga sinasabi nila. Sa halip ay tinanong ko sila. "Si Sir Trey ba iyon?" tanong ko, still not sure kung ang lalaki bang iyon ay si Sir Trey nga. Napapantistikuhan naman nila akong tiningnan. "Apply-apply ka dito pero hindi mo kilala ang may-ari ng kompanya?" wika ng isa sa masungit na boses. My eyes widened. "He is Trey Juarez!" I blurted out. "One and only." Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ko sa nalaman. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking tinataguan ko ay ang may-ari ng kompanyang pinag-a-applyan ko. Tama nga ako sa sinabi ko kay Cheska na maliit lang ang mundo. Dahil dito pa talaga nag-krus ang landas namin na dalawa. At ako pa mismo ang nagdala sa sarili ko sa kanya. Change of plan. I need to back out! Tumalikod na ako. Akmang aalis na nang mapatigil ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. "Miss Kate Navarro." "Y-yes?" "Sir Trey want to interview you." Napalunok ako. Hindi ako makakilos, hindi din ako makagalaw. "Pumasok ka na. Kung gusto mong matanggap sa trabaho ay kailangan mong kumilos. Ayaw ni Sir Trey na pinaghihintay." Kahit na nagdadalawang isip ay wala na akong nagawa kundi i-abante ang mga paa ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako kumatok sa pinto para ipaalam ang presensiya ko. "Come in." I heard the deep and baritone voice coming from him. Pumasok ako sa loob ng opisina. Wala na akong oras para igala ang tingin dahil tumuon na agad ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa akin habang nakaupo sa swivel chair niya. "G-good morning, Sir," bati ko, lihim ko ngang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses ko. Humarap naman siya sa akin. At hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko ng tumuon ang matiim niyang mga mata sa akin. Pakiramdam ko ay nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa paraan ng paninitig niya. "Taka a seat," wika niya sa malamig na boses. Inayos ko muna ang salamin ko sa mga mata bago humakbang palapit. Naramdaman ko ang panginginig ng binti ko dahil sa titig niya. Bakit ganyan siya makatitig? Namukhaan ba niya ako? Tahimik akong umupo sa harap ng executive table niya. Saglit niya akong tinitigan bago niya dinampot ang folder na naglalaman ng resume ko. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay kong magsalikop na nasa ibabaw ng hita ko. "So, your Kate Navarro," wika niya sa pangalan ko. "Y-yes, Sir," sagot ko habang nakatitig pa din sa kamay ko. "Are you talking to your hands or me?" he asked me in a cold voice. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagsalubong na naman ang tingin namin. His brows furrowed again. "S-sorry, Sir," paghingi ko ng paunmanhin. Muli niyang ibinalik ang tingin sa resume ko. "You're a Latin honors graduate and a topnotcher. Why are you applying for a secretary position?" "I... think I over qualified for the position, S-sir. Kaya magbaback-out-- "And....your single?" Hindi ko na natapos ang ibang sasabihin ko dahil sa muling tinanong niya. Napansin ko na mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "S-sir?" "Are you still single....Miss Kate?" I licked my lower lips. "Y-yes, Sir." I answered. Napaawang ang labi ko nang mapansin ko na mag-isang linya ang mga kilay niya. Hindi siya nagsalita sa sumunod na sandali pero napansin ko ang pag-igting ng panga niya habang nakatitig siya sa akin. "Sir, just like I said. I think I am not qualified for the position-- "You're hired." He cut me off. "S-sir?" Hindi pa din nagbabago ekspresyon ng mukha niya ng ibaba niya sa mesa ang resume ko. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok nang makita ko ang paninitig niya sa akin. Wala naman akong mabasang kahit na emosyon sa mga mata niya. "You're hired, Miss Kate," binigyan diin niya ang salitang 'Miss Kate' sa akin. "You can start tomorrow." Napakurap-kurap na lang naman ako ng mga mata. Shit! I am hired.Kate Pagkatapos naming magpunta ng Mall ay niyaya ko si Cheska na kumain sa paborito naming restaurant na madalas naming puntahan na dalawa. Gusto ko siyang i-treat dahil sa pagsama niya sa akin sa Mall. Lalo pa at halos libutin namin ang buong Mall para makahanap ng kailangan ko sa pagpasok sa trabaho. Nahirapan kasi kami dahil out of fashion na ang hinahanap namin. "Did you see her face, Kate?" natatawang wika ni Cheska sa akin, tinutukoy si Marie. "Kung nakakamatay ang titig niya ay baka kanina ka pa bumulagta dahil sa sobrang inis niya sa 'yo," dagdag pa niya. "You nailed it just to annoy her." "Lagi namang inis iyon sa akin," sagot ko na lang. Hindi ko nga maintindihan si Marie kung bakit naiinis siya sa akin. As if I was threat to her. "But you said, she was pregnant? Pero bakit hindi lumalaki ang tiyan niya? Hindi ba dapat malaki na ang tiyan niya?" nagtatakang tanong ni Cheska sa akin To be honest, I noticed that too earlier. I noticed her stomach is still flat. A
Kate Hindi ko pinansin ang tinging pinagkakaloob sa akin ng mga taong pumapasok sa Mall kung nasaan ako. Nasa kilalang Mall ako ng sandaling iyon at hinihintay ko ang pagdating ni Cheska. Matapos kasi akong matanggap sa Juarez Group of Companies ay agad kong tinawagan si Cheska para samahan niya akong bumili ng wardrobe ko na isusuot ko sa pagpasok araw-araw sa trabaho. Gusto kong palitan lahat ng wardrobe sa closet ko. And my reasons? I'll continue my disguise. Mukhang hindi kasi ako namukhaan ni Trey Juarez--ang magiging boss ko--ang lalaking estrangherong nakilala ko sa bar--ang lalaking nakahalikan ko--ang lalaking niyaya kong magpakasal. Na asawa ko na ngayon. Sa totoo lang ay balak ko talagang mag-back out kanina nang makita at makilala ko na siya pala ang may-ari ng Juarez Group of companies. Yes. Nag-search naman ako tungkol sa kompanya, pero mukhang kulang ang research ko dahil hindi ko na-reasearch ang mukha ng mag-ari. I'm still shocked from the fact that she's the
KateSapo-sapo ko ang dibdib ng tuluyan ng inalis ng lalaki ang tingin sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa loob ng opisina niya. I can feel my heart racing. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Namukhaan ba niya ako? Pero mukhang hindi naman. Ibang-iba kasi ang ayos at hitsura ko noon sa ngayon. Sigurado ako na hindi niya ako namukhaan o nakilala. Dahil kung nakilala nga niya ako bilang babae na nakilala niya sa bar ay sigurado ako na kinompronta na niya ako. Pero wala siyang sinabi dahil walang salitang tinalikuran niya ako.Mukhang tagumpay ang disguised...ko? "Miss, mukhang galit sa 'yo si Sir Trey," wika ng isang aplikanteng babae. "Baka alam niyang ikaw ang gumamit ng elevator," wika naman ng isa. Hindi ko naman pinansin ang mga sinasabi nila. Sa halip ay tinanong ko sila. "Si Sir Trey ba iyon?" tanong ko, still not sure kung ang lalaki bang iyon ay si Sir Trey nga. Napapantistikuhan naman nila akong tiningnan. "
KateHindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko nang makapasa ako sa initial screening. At ngayon ay nasa final screening na ako.Wala nga akong pakialam kahit na maraming akong nariring sa mga kasabayan ko na aplikante. Lalo na iyong mga hindi nakapasa at pinauwi na.Bakit nakapasa daw ako? Bakit isa daw ako sa nakapasa sa initial screening? Kesyo baka kinulam ko daw ang HR Manager kaya pinasa ako. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang sinasabi nila sa akin. Alam ko naman ang kakayahan ko. Hindi naman sa pagmamayabang, pero para sa akin ay over-qualified ako sa posisyon na in-apply-an ko. I am an architectural graduate, and I also graduated with Latin honors. Not only that, I even topped the bar exam. Marami ngang kumukuha sa akin na malalaking kompanya and offered me higher positions, but I declined them all.Gusto ko kasing mag-umpisa sa mababa, gusto kong pumasok sa isang kompanya na walang nag-o-offer, iyong paghihirapan ko. At napili ko nga ang Juarez Group of Companies na pa
Kate One month later. "What are you wearing, Kate?" Tinaasan ko ng isang kilay ang kaibigan kong si Cheska nang marinig ko ang tanong niya. Napansin ko nga din ang pagpasada niya ng tingin sa suot ko ng sandaling iyon. "My interview uniform," I simply answered. Napansin ko naman ang panlalaki ng mata niya sa sagot ko, mukhang hindi makapaniwala sa narinig. "Ang alam ko mag-a-apply ka ng trababo, hindi ka magsi-seminarista," wika niya sa akin. "And why is thay thick glasses you are wearing?" dagdag pa na tanong niya. Inayos ko naman ang suot ko na makapal na salamin. "Fashion," sagot ko naman na sinabayan ng pagkibit-balikat. "Fashion?" She mumbled. "Or old-fashioned?" I didn't answered her. Sa halip ay pinasadahan ko ng kamay ang mahabang palda na suot ko. Umabot yata iyon sa bukong-bukong ko. "Kakabalik mo lang galing ibang bansa, nag-transform ka na parang Maria Clara. Hindi pa dapat, liberated ang suot mo since galing ka ng US? Bakit tinatago mo ang ganda at ka-
KateNapatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa ibabaw ng mesa ng tumunog iyon. At parang may kumurot sa puso ko nang makita at mabasa na si Gio ang tumatawag sa akin. Instead of answering, I rejected his call. Ayaw ko siyang makausap. Simula noong malaman ko ang ginawang panloloko niya sa akin ay ilang beses niyang sinubukan na kausapin ako. Ilang beses nga din niya akong pinuntahan sa condo. But I never give him a chance. Gio wants to explain his side to me. Pero sarado ang utak ko dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin. Anong ipapaliwanag niya, eh, eh, malinaw pa sa tubig ang ginawa niyang panloloko. Akala ko mahal niya ako, akala ko ay ako lang ang babaeng mahal niya. But I was wrong all along. Dalawa pala kami. At ang masakit ay ang stepsister ko pa ang babae niya. Binuntis pa niya. At ang gusto pa ng ama ko na hiwalayan ko si Gio. And my father wants Gio to take responsibility for Marie. Gusto ni Papa na pakasalan niya si Marie habang hindi pa lumalaki ang tiyan ng