Share

Kabanata 2.

Eliha's POV:

Nagulat ako dahil may biglang humila sa mga paa ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko siya.

"Bitawan mo ako, Dad!"

"Manahimik ka! Akala mo ba ay hindi kita mahahanap dito?"

Hindi na lang ako sumagot. Habang hinihila niya ang mga paa ko ay natatamaan ang likod ko kaya sobrang sakit. Gusto kong umiyak pero never niyang makikita na may tumutulong luha sa mga mata ko.

Iintindihin ko siya dahil mayroon siyang disorder.

Nakarating kami sa sala. Kinuha ako ng mga tauhan ng aking ama sabay itinali ako sa upuan.

"D'yan ka lang, Eliha. Mayroon lang akong aasikasuhin sa aking business." Naglakad si Dad papalayo kasama ang kanyang mga tauhan.

Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan. Mas nakaka-heart-broken pala kapag ang mismong tatay ang nanakit sa anak . I never forget you, Dad. Pero medyo nabawasan ang galit ko sa 'yo dahil sa mayroon kang sakit.

Nagulat ako nang makita ko si Tita na dahan-dahan na lumalapit sa akin.

"Akala ko ba ay umalis ka na, Tita?!"

"Bumalik ako dahil mayroon kang kailangang malaman," seryosong sabi ni Tita na ikinagulat ko. Minsan lang kasi siya maging seryoso.

"Ano 'yun?!"

"Patay na ang Mama mo."

Hindi ako kaagad nakasagot. Alam ko na 'yon Tita dahil sa mayroong cancer si Mama.

"Pero hindi siya namatay dahil sa cancer ayon sa maid niya na naiwan sa bahay niya. Ang iyong ina ay namatay dahil she was tortured."

"Ano ang sabi ng maid? Mayroon na bang nakasuhan? Sino ang nang-tortured sa kanya?"

"Sabi ng maid, 'yon daw ang gawin mong mission. Ang hanapin ang totoong pumatay sa Mama mo. Narito ang address ng maid." Iniharap niya sa akin ang isang maliit na papel.

"Oh ito kutsilyo, pakawalan mo ang iyong sarili dahil kaya mo naman." Kaagad siyang tumakbo papalayo.

Ngumisi ako dahil pilya ang aking Tita.

Mas nabigyan ako ng layunin para mas tumakas sa bahay na 'ito. Ang kailangan kong gawin ay hanapin ang pumatay sa aking ina.

Kaagad kong hiniwa ang tali. Ngunit kaagad akong nakita ng mga tauhan ni Dad.

Nang lumapit sila sa akin ay binato ko sa kanila ang upuan sabay tumakbo ako. Pagkalabas ko ay marami pang tauhan si Dad sa gate kaya naman no choice ako kung hindi ang umakyat sa mataas naming pader para makatakas.

Habang umaakyat ako sa pader ay naririnig kong tumatawa ang mga tauhan ni Dad.

"Akala mo ba ay makakatakas ka, aking mahal na anak?!" madiin na sigaw ni Dad.

Nanginginig ang aking katawan ngunit kailangan kong makatakas para kay Mama.

Nasa pinakatuktok na ako ng pader nang bigla akong manghina. Nang tingnan ko ang braso ko ay mayroon akong nakita na bullet ng arrowhead.

"Ang sinabi ko ay sundan mo ang anak ko hindi panain!"

Hindi ko alam pero parang namanhid ang katawan ko. Ang naramdaman ko lang ay bumagsak ako sa malambot na bagay.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagising ako sa kulungan ko.

"Pakawalan niyo ako rito! Kailan kong malaman kung sino ang pumatay sa Mama ko!"

"Huwag kang maingay, Eliha. Oh ito, basahin mo." Binato sa akin ng tauhan ni Dad ang isang libro. Nang tingnan ko ay 'yun ang libro na from 1775 line na ang title ay Dipsa Chupar.

Umiyak ako nang umiyak dahil hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang pumatay kay Mama dahil hindi ako makatakas sa aking ama.

"Mama, kung buhay ka man o hindi. Alam ko na ang pangarap mo sa akin ay ang magkaroon ng magandang buhay," bulong ko sa aking sarili. Humiga ako, binuksan ko ang libro at ginawa kong unan.

Gagawa pa rin ako nang paraan para makatakas dito. At gagawa rin ako ng paraan para ipagamot si Dad. Sa ngayon ay matutulog muna ako dahil pagod na pagod na ang aking puso, isip at katawan.

**

Pagkagising ko ay bigla akong napatalon sa upuan dahil sa parang kakaiba ang aking suot. Mas lalo akong napatalon dahil nang tingnan ko ang aking mukha sa salamin ay nakasuot ako ng wedding gown.

"Ano ba ang nangyayari?" malakas na sigaw ko.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Pagkatingin ko sa pumasok ay isang magandang babae na sobrang puti na parang wala ng dugo tapos sobrang pula ng labi. Ano ba talaga ang nangyayari? Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming kasama sa bahay na kasing ganda niya.

"Handa na po ba kayong ikasal kay Ginoong Keegan?"

"Sino si Keegan? At sino ka rin?"

Tumawa ang babae sabay lumapit sa akin. "Ako si Selsy. Ako ang mag-aasikaso sa 'yo at maghahatid sa mansion ng mga Vampyres."

Nang tumingin ako sa salamin ay wala akong nakikitang reflection ng babae... tanging sa akin lang. A-ano b-bang n-nangyayari?

"Seryoso ka ba? Ako ba talaga ay ikakasal? Pero bawal dahil ayaw ng aking ama!"

"Eliha, wala ka pong ama."

Kilala ako ng babaeng 'to. Pero nakakapagtaka naman dahil hindi niya alam na mayroon akong ama. Nakakakilabot na talaga.

Pinagmasdan ko ang paligid... tanging kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa maganda at malaking kwarto kung nasaan ako ngayon. Mas old pa ang design ng kwarto na 'to keysa sa library ko. Teka, bakit parang nabasa ko na 'to?

"Tara na po." Hinawakan ako sa kamay ni Selsy. Ang lamig ng kamay niya tsaka kakaiba ang amoy niya.

Nagulat ako dahil nasa labas na kami ng malaking bahay. "Bakit ganoon kabilis tayo nakalabas, Selsy?"

Hindi siya sumagot. Hinawakan niya ulit ako sa aking kamay. Pumikit na lang ako dahil baka panaginip lang ito.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa harap na ako ng isang guwapong lalaki na mas maputi pa kay Selsy. Napaatras ako dahil kahit na guwapo siya ay natatakot ako sa kanya.

"Siya si Keegan," bulong ni Selsy sabay nawala siya na parang bula.

Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ng nilalang na nakikita ko ay sobrang puti.

"Handa ka na bang maging asawa ko, aking Eliha?" bulong ng isang lalaki.

Pagkalingon ko ay si Keegan. Sobrang lapit ng labi niya sa labi ko. Nanginginig ako sa takot. Sino ba talaga siya? Aswang ba ang nasa harap ko? Pero hindi naman siya mukhang aswang dahil guwapo siya.

Mas lalo akong nagulat nang bigla niyang hilahin ang bewang ko sabay hinalikan niya ako sa pisnge.

"Kayo ngayong dalawa ay kasal na!" sigaw ng lalaki na nakaitim. Lahat naman ng nasa paligid ay nagpalakpakan.

Umulan ng maraming bulaklak. Nang tingnan ko si Keegan ay masaya siyang nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung paano ito nangyari. Pero ayaw kong sirain ang araw na 'to dahil masaya ang mga mata ng lalaking nasa harapan ko.

Pero bakit naman hindi ko kilala ang lalaking pinakasalan ko? Kahit na guwapo ay mukha namang bangkay.

Hanggang sa madiin na hinalikan ni Keegan ang labi ko. Pumikit na lang ako. Ang lambot ng labi niya. Grabe, first kiss ko ito.

Hinarap niya ako sa mukha niya. "Sa tuwing nakikita ka'y kumakalma, ngiti mong nakakaakit, at tawa mong abot hanggang langit ay nakakawala ng hinanakit. Mahal kita, aking Eliha." Niyakap niya ako nang mahigpit.

Tumutula pala ang nilalang na katulad niya.

Pangarap ko ang ikasal, ngunit kakaibang nilalang ang tumupad ng pangarap ko.

"K-Keegan, hahanapin ko pa ang pumatay-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla kaming naglaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status