Share

Married to a Vampire
Married to a Vampire
Author: aironia

Kabanata 1.

Author: aironia
last update Huling Na-update: 2022-05-16 19:13:30

Eliha's POV:

Habang nagtatrabaho ako as virtual assistant ay bigla akong hinila ng taong kinaiinisan ko. Dinala niya ako sa aking kulungan.

Hindi ako bilanggo pero ganito ang aking buhay.

"Tumakas ka raw kahapon?! Ano ang karapatan mo?"

"Oo dahil gusto kong maging masaya at maging malaya pero pinagkait mo 'yun!"

Kaagad siyang pumasok sa kulungan ko sabay sinampal ako. Ang sakit ng sampal niya kaya naman dumugo ang bibig ko.

Nilagyan niya ng posas ang mga kamay ko. At nilagyan ng tali ang mga paa ko.

"Hanggang kailan mo ba ako ikukulong?" Nagwawala na tanong ko.

Tumawa siya nang tumawa, "Habambuhay! Dahil hindi ka makakatakas sa akin!"

"Hindi naman ako katulad ng taong iniwan ka! I already graduated and got a job pero ayaw mo pa rin akong palayain! Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng sariling buhay at sariling pamilya kasama ang taong mamahalin ko!"

"Mahal na mahal kita! Hindi p'wede na mawala ka sa akin." Sinabunutan niya ako sabay binuhusan niya ako ng yelo.

Tumitig ako nang masama sa kanya, "Anong klaseng pagmamahal mayroon ka? Ang sama mo!"

Ngumisi lang siya sabay nagsigarilyo.

Gusto kong umiyak pero hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako.

Umalis na siya. Kailan kong tumakas dito.

Kaagad kong itinaas ang aking dalawang paa sa bakal sabay itinaas baba ko ang aking mga paa para maputol ang tali. Nang maputol ay kaagad kong kinuha ang piece of wire sa likod ng bulsa ng jogger pants ko para ma-unlock ang posas.

Mayroon rin akong dala na martilyo na nasa bulsa ko kaya kaagad kong pinukpok ang kandado. Nagtagumpay naman ako pero pagkalabas ko ay sumalubong sa akin si Tita. Isa sa mga alagad niya.

"Ano 'tong narinig ko na isa ka raw leader ng isang gangster group noong high school? Tapos mayroon daw kayong binugbog na isang gangster group din! Totoo ba?!" galit na tanong ni Tita.

Yumuko ako dahil nalaman niya pa 'yun.

"Kaya pala madali 'yang makatakas dahil gangster," madiin na sabi ni Dad na kararating lang. Siya ang taong kinaiinisan ko na palagi akong kinukulong.

"Keysa naman sa 'yo, Dad, you're selfish. Hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ni Mama! Kahit ako ay nadamay ng dahil sa 'yo!"

Kaagad na lumapit si Dad sa akin sabay sinakal ako. "Wala kang alam, anak."

"Tama na 'yan, Kuya! Huwag mo namang saktan ang iyong anak!"

"Manahimik ka!"

"Eliha, kaya ganyan ang Papa mo ay dahil sa mayroon siyang disorder!" sigaw ni Tita.

Binitawan ni Dad ang leeg ko sabay si Tita naman ang sinakal niya.

Biglang naging blangko ang aking isipan. Kaya ba mali ang ikinikilos ni Dad dahil mayroon pala siyang sakit?

Binuhat ko ang bangko sabay pinalo ko 'yun sa likod ni Dad. Bigla siyang nahimatay kaya nabitawan niya si Tita.

"Aalis na ako sa bahay niyo! Oo mayaman ang iyong Dad pero never again! Eliha, tanggapin mo ang susi na 'to for lock access. Library room 'yan na ipinagawa ng iyong ina. Buksan mo ang library, doon ka magtago dahil nasa underground 'yun. Mayroong maliit na pinto sa kusina, doon ka pumasok. At sana ay matuklasan mo ang katotohanan." Inabot niya sa akin ang isang susi sabay tumakbo siya nang tumakbo papalayo.

Naawa ako kay Dad dahil wala siyang malay. Pero kailan ko siyang pagtaguan ngayon kaya pupunta ako sa library na sinasabi ni Tita.

Nakapasok na ako sa library. Nakakatakot at madilim kaya nagsindi ako ng kandila na nasa tabi ko.

Bumungad sa akin ang mga ibat-ibang klase ng libro. Ngunit may mga libro ang pumukaw sa aking atensiyon from 1775 bookshelf.

"Ang gusto ko lang naman ay maging malaya! Pero bakit pinagkakait ng aking ama?!" malakas na sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang aking luha na dumaloy.

Nagulat ako nang may biglang nalaglag na isang libro mula sa 1775 bookshelf. Paano naman malalaglag 'yun? Samantalang wala namang hangin na pumapasok. Pero siguro ay daga ang may gawa.

Bata pa lamang ako ay iniwan na kami ni Mama. At masakit din para sa akin ang nangyari. Kaya siguro may disorder si Dad dahil sa trauma na iniwan ni Mama sa kanya. Kahit ako ay may takot din na ma-inlove o magtiwala. Pero hindi ako natakot sa ibang tao dahil mas natakot ako sa sarili kong ama na akala ko ay gagawin akong prinsesa.

Kinuha ko ang isang libro na nalaglag kahit na natatakot ako. Nang tingnan ko ang title 'Dipsa Chupar Vampire World'. Na-curious ako kaya kaagad kong binuksan ang one page sabay binasa ko nang kaunti. Mayroon naman akong nakita na isang maliit na papel na ang nakasulat ay 'Iniwan ko kayo ng Papa mo dahil mayroon akong stage four cancer'. Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang libro.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi, Ma?!"

"Nandito pala ang anak ng ating amo sa library."

Nang lumingon ako ay mayroon akong nakita na dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga magnanakaw.

"Ano ang ginagawa niyo rito?! Mga magnanakaw ba kayo?"

"Huwag mo kaming isumbong! Kapag ginawa mo 'yon ay isusumbong ka rin namin na dito ka nagtatago!" sigaw ng kasama niya.

"Hoy! Kayong dalawang magnanakaw. Hindi niyo pa ako kilala kaya huwag niyo akong takutin."

"Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang mahinang babae na kinukulong ng iyong ama!"

"Ako? Isa lang naman akong gangster leader noon." Kaagad ko silang sinugod sabay sinipa ko sila nang sinapa. Tinangka nila akong suntukin sa tyan pero kaagad ko silang nasuntok sa mukha. Sinuntok ko sila nang sinuntok hanggang sa makatulog sila.

Itatali ko na lang sila rito sa gilid. Sa ngayon ay dito muna ako magtatago sa library.

Niyakap ko ang letter na iniwan ni Mama. Ang selfish naman ni Mama, hindi niya man lang hinayaan na alagaan namin siya. Kung bata pa lamang ako ay may stage four cancer na siya, ang ibig sabihin ba nito ay patay na siya ngayon?

Kailangan 'tong malaman ni Dad. Pero mukhang hindi siya maniniwala.

Binasa ko ulit ang libro. Pagkatapos ay ibinalik ko na sa 1775 bookshelf. Ngunit nahulog pa rin ito. At ang mas nakakatakot ay bigla itong umilaw.

Ano bang kababalaghan ang taglay ng librong ito?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Married to a Vampire   Kabanata 32. The End.

    Kasalukuyan akong nasa terrace."Hi."Napalingon ako kay Keegan. "Ikaw pala. Kumusta ka na? Alam kong hindi naging madali ang pagluluksa mo para kay Eliha."Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. 'Yung yakap na sobrang higpit. "Matagal kang naging mabuti sa akin, Keegan. Kaya nandito lang ako para makinig sa 'yo.""Walang katumbas na salita kapag ika'y yakap ko, Eliha." Hinimas niya ang buhok ko. "Maraming salamat."Huminga lamang ako ng malalim. Humiwalay ako kay Keegan. "Keegan, mayroon akong sasabihin. Alam kong hindi ka maniniwala at hindi mo maiintindihan pero... gusto ko pa ring sabihin sa 'yo."Hinawakan niya ang kanan kong pisnge. "Handa pa rin akong makinig. Habambuhay akong makikinig sa 'yo."Mariin ko siyang tinitigan, "Keegan, patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Mahirap man na sabihin 'to at paniwalaan, naging tao ka noon."Ikinuwento ko ang lahat kay Keegan. Simula sa pag-aabang nila sa amin ng members niya. At ang malala na naging laban namin."Hindi rin pala magan

  • Married to a Vampire   Kabanata 31. The End (1.)

    **"Keha! Anak!"Kanina ko pa hinahanap ang anak ko. "Mama!" masayang sigaw ng aking prinsesa mula sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko siya with Keegan. Dalaga na kaagad ang anak ko. Ang bilis niyang lumaki. Ganu'n talaga kapag bampira. Nahirapan ako sa panganganak sa kanya noon, pero masasabi kong worth it."Mama! Alam mo ba, nagpaunahan kami ni papa na tumakbo papunta sa lugar na may nyebe!""Talaga, anak? Sobrang saya mo 'no?""Yes mama! Sobra! Sa susunod, gusto ko na kasama ka na namin ni papa."Ngumiti lang ako sa kanya. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Keegan. Pero kapag kasama si Keha, kahit papaano ay nag-uusap kami. Biglang um-appear si Kein sa harapan naming tatlo. "Kein!" masayang tawag ni Keha kay Kein. Kumaway si Kein kay Keha at binigyan niya ng malaking ngiti ang aking anak."Eliha, ang aking am-" hindi natuloy ni Kein ang sasabihin niya.Sumulpot si king Keg sa harapan namin. Ngumisi siya sa amin. Tinitigan niya ng mabuti ang aking anak.Tumitig si Kein sa a

  • Married to a Vampire   Kabanata 30.

    Ang taong nakita ko na napatay ko dati na leader yata ng gangster group na inabangan kami ay walang iba kundi si Keegan.Kaya ba nakatadhana na magkita kami para makahingi rin ako ng tawad sa kanya sa kasalanan ko noon? Na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga sinasadya. Na na-provoke lang ako at ang mga kasamahan ko na lumaban. Pero kasalanan pa rin ang pumatay ng tao. Nasa kwarto ako ngayon, nagkukulong. Sumipa ang baby sa tyan ko, nararamdaman niya siguro na sobrang lungkot ko. Anak, pasensya na kung noong tao pa kami ng papa Keegan mo, aksidente ko siyang napatay. Sobra akong nakokonsensya dahil iniisip ko palagi na baka marami pang gustong gawin sa buhay niya 'yong napatay ko. Pero kasi, ang yayabang nila, ano ba naman ang laban naming mga babae. Hindi rin naman namin akalain na makakapatay talaga kami. Walang araw na hindi ako hinabol ng konsensya ko dahil kasalanan sa Diyos ang nagawa ko.So, si Keegan ay na-reborn bilang bampira. Hindi ko talaga inaasahan na magtatagpo p

  • Married to a Vampire   Kabanata 29.

    Iminulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong sumipa si baby. Umupo muna ako sa kama pero mayroon akong napansin sa bintana. May nilalang kaya roon na sumisilip sa akin?Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko dahil bumungad sa akin si Keegan na may dalang 'di ko alam na pangalan ng prutas. "A-ano bang ginagawa mo rito?!""P'wede ba na makasama kita kahit ngayong gabi lang?" pakiusap niya. "Ano bang sinasabi mo?! Gagawin mo ba akong kabit?""H-hindi sa gano'n-""Gano'n 'yun, Keegan! Sana naman ay isipin mo ang mararamdaman ng asawa mo at ang nararamdaman ko ngayon!""H-hindi ako aalis rito, gusto ko na makasama ka at ang ating magiging anak.""Ayaw ko.""Gusto ko.""Wala akong pakialam sa gusto mo.""Pero, Keegan! Hindi ikaw ang masusunod."Hindi siya sumagot. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit ako dahil 'yun ang gusto kong gawin niya pero hindi naman ako selfish.Itinulak ko siya. "Kung gusto mo akong makasama ay huwag kang tatabi sa kama ko. Matulog ka sa baba at

  • Married to a Vampire   Kabanata 28.

    Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala,""Ang sungit mo ha!""Naiirita lang ako!!!""At bakit?!""Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-""Keho?!" natatawang tanong niya.Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan.""Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!""Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg."Sino, ama?""Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko."Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?""Tinatamad akong kumilos, Kein.""'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no.""Sigur

  • Married to a Vampire   Kabanata 27.

    ELIHA"Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted. "Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya. Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako.Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon. Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog.Sana all, joke. Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?""Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan.""Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?""Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?""Ipinakita ko sa 'yo ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status