Share

Kabanata 29.

Iminulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong sumipa si baby. Umupo muna ako sa kama pero mayroon akong napansin sa bintana. May nilalang kaya roon na sumisilip sa akin?

Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko dahil bumungad sa akin si Keegan na may dalang 'di ko alam na pangalan ng prutas.

"A-ano bang ginagawa mo rito?!"

"P'wede ba na makasama kita kahit ngayong gabi lang?" pakiusap niya.

"Ano bang sinasabi mo?! Gagawin mo ba akong kabit?"

"H-hindi sa gano'n-"

"Gano'n 'yun, Keegan! Sana naman ay isipin mo ang mararamdaman ng asawa mo at ang nararamdaman ko ngayon!"

"H-hindi ako aalis rito, gusto ko na makasama ka at ang ating magiging anak."

"Ayaw ko."

"Gusto ko."

"Wala akong pakialam sa gusto mo."

"Pero, Keegan! Hindi ikaw ang masusunod."

Hindi siya sumagot. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit ako dahil 'yun ang gusto kong gawin niya pero hindi naman ako selfish.

Itinulak ko siya. "Kung gusto mo akong makasama ay huwag kang tatabi sa kama ko. Matulog ka sa baba at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status