Share

CHAPTER 5: Varzens 2

SOL POV

DAHIL sa nakakatakot na pangyayari kanina ay hindi ko tuloy ma-enjoy ang magarang view ng mansyon ng mga Varzen. 

Nakarating na kami ng ligtas, salamat sa mga tumulong sa'min at sa tulong ng lalaking nagngangalang Clyden. Ngunit hindi siya sumama sa'min pag-uwi, sabi ni Ryo ay may pupuntahan daw itong importante. Likas daw na maraming gawain ang magkakapatid na Varzen.

Maraming mga maids, guards, at butlers ang sumalubong sa akin. Sabay-sabay pa silang yumuko nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Bakit pa kasi kailangan nilang magbigay galang? 'Di ako sanay.

"This way, my lady," ani Ryo at iginaya ako sa malawak na living room. Napanganga ako sa sobrang ganda ng lugar! Mala-palasyo ang design! Lahat ng mga bagay na nakikita ko ay kumikinang at mamahalin!

"Miss Solly Arien Santiago right?" pagtatanong bigla ng bagong dadating na babae, sa tantya ko nasa 40's pa lang ito, pero aakalain mong dalaga dahil fresh na fresh ang aurahan. Nasa likod naman niya ang apat na babaeng katulong.

Umayos naman ako ng tayo at nahihiyang ngumiti. 

"O-Opo," sagot ko.

"I'm Dorry, head of all maids of this mansion," wika pa nito at yumuko. Gano'n din ang ginawa ng mga katulong sa likod niya.

"A-Ahm, s-salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin," tanging nasabi ko na lang at mahina pang napakamot sa batok. Ba't mukha silang mababait? Mali ba talaga ang impression ko sa kanila? Sa totoo lang kasi ay naiilang talaga ako, kanina pa. Bakit ba kasi ang pormal nilang kumilos lahat? Para tuloy akong naliligaw na sisiw, hindi ako bagay rito.

"I'll assist the young lady to her room. Mav, Chad, and Ryo, you can leave her now," utos ni Ma'am Dorry na agad namang sinunod ng tatlo. 

Nginitian ko muna sila bago sumunod kay Ma'am Dorry, tango at saludo naman ang iginawad ng tatlo sa akin.

"Follow me," sabi ni Ma'am Dorry at naunang naglakad. 

Sinundan ko naman siya, nakasunod din sa likod ko ang apat na indoor guard, at dalawang babaeng katulong habang bitbit ang mga gamit ko. Ilang palapag pa ang aming inakyat hanggang sa huminto si Ma'am Dorry sa malawak na pasilyo na may apat na pintuan.

"You see, may apat kwarto rito," pagsisimula niya."The first door in the right is for the eldest son, Matthias Gil Varzen. He's a famous lawyer at Japan, kaya wala ito rito ngayon," pagpapaliwang pa nito.

Matthias Gil Varzen? Ang ganda naman ng pangalan. Tapos lawyer pa? Ibang klase!

"Ang katapat naman nito ay para sa pangalawang anak, Code Jaxon Varzen. He's an outstanding doctor surgeon at Starllon Hospital owned by the Varzen family," pagpapatuloy ni Ma'am Dorry.

Woah. Ang bigatin din ng isang 'to. Kakainin ako sigurado ng labis na hiya kapag makita ko ito sa personal!

"And the next room in the left is for the youngest son, Clyden Louigi Varzen. He's a pilot in profession. Kaso makulit ang batang iyon. Naku, sakit sa ulo talaga ang isang iyan."

Napatawa ako nang mahina. Makulit pala iyong Clyden na 'yon? Parang hindi naman halata. Ang matured niyang tingnan kanina e.

"At ang katapat na room ni young master Clyden ay sa'yo," wika ni Ma'am Dorry at itinuro pa ang magiging kwarto ko. "Temporary room for you. Because Lord Raddix might order you to sleep at his place. It all depends on him."

Sleep at his room? Sa lalaking iyon na hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita ang mukha? Ayoko! Nakakatakot! Feeling ko nga ang sungit- sungit iyang Lord Raddix na iyan! Baka magsuntukan lang kami!

"Young lady," pagtawag ni Ma'am Dorry sa atensyon ko. Napansin sigurong naglalakbay na naman isip ko.

"Po?"

"Hindi ka pwedeng pumasok sa mga kwartong iyon, syempre maliban sa kwarto mo," paalala nito sa'kin.

Tumango agad ako.

Natigilan ako ng may biglang naisip.

"Nasaan ang room ni Lord Raddix?" Hindi ako interesado ah, curious lang!

Tumikhim muna si Ma'am Dorry bago magsalita. "Hindi rito ang kwarto niya. Nasa sunod na palapag pa. Ang palapag na iyon ang hindi basta-bastang napapasok ng mga nandito. It is a restricted area, it was exclusively built for Lord Raddix. Hindi ka rin pwede do'n, depende kung pahihintulutan ka niya."

Tumango-tango lang ako.

"Halika na, kailangan munang magpahinga," ani pa nito at iginaya na ako sa kwarto. 

Napalunok ako ng laway ng madaanan ang mga kwarto ng tatlong kapatid ni Lord Raddix. P-Paano kung aksidente akong makapasok sa isa sa mga 'yan? Paparusahan ba nila ako?

Bubuksan na sana ni Ma'am Dorry ang pinto ng biglang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko. Nahihiya naman akong napatingin kay Ma'am Dorry. Nabulabog ko pa ata ang mga natutulog. Ang lakas naman kasi ng ringtone nitong cellphone ko!

"Answer that first," utos nito sa'kin.

Dali-dali ko namang sinagot ang tawag.

"H-Hello? Sino 'to?"

["Sol, si Luke 'to."]

Agad akong nakaramdam ng kaba ng marinig sa kabilang linya ang boses ni Luke. Ramdam ko ang panlalamig sa buo kong katawan.  B-Bakit kaya siya napatawag? Tumatawag lang kasi ang lalaking 'yon pag may importanteng sasabihin.

"L-Luke, h-hi!," kinakabahan kong bati.

["Nasaan ka ngayon?"]

Tiningnan ko si Dorry at iilang mga katulong na walang emosyong nakatingin sa'kin. Hindi ko pwedeng sabihin kay Luke ang tungkol rito!

"A-Ahm, nasa ano, nasa k-kaibigan ko."

["Kaibigan? Sino?"]

Daig pa nito ang imbestigador kung magtanong, argh!

"S-Si, si ano, si---ah basta! Hindi mo siya kilala. Bagong kaibigan ko lang haha," palusot ko. Sana umobra.

["Ok. Hindi naman siguro lalaki?"]

"Hindi 'no!" depensa ko. Baliw, anong lalaki?

["Sol."]

"O-Oh?" Hindi pa ba siya tapos magtanong?!

["Mag-iingat ka riyan, hindi mo pa naman ako kasama, si Rain, pati na rin ang kapatid mo. Baka kung anong gawin ng kaibigan mong 'yan sa'yo. Chat mo address sa akin, in case na may mangyaring hindi inaasahan."]

Napabuga na lamang ako ng hangin. Opo, ganito po ang ugali ni Luke. Akala mo boyfriend kung umasta 'no? Overprotective masyado. Bantay sarado siguro ang magiging girlfriend nito.

"H-Hindi na, malapit naman 'yong bahay ng kaibigan ko sa bahay namin," pagsisinungaling ko. 

Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang sabihin kay Luke maging kay Rain ang tungkol rito. Paniguradong pauulanan lang nila ako ng walang katapusang mga katanungan. Siguradong gaya ko ay mahihirapan din silang mag-adjust sa bagong set-up ng buhay ko. At kapag malaman ni Rain na napilitan lang akong gawin 'to para kay Sandy, siguradong kakalbuhin nito ang kapatid ko. 

["S-Sure ka? Wait, sunduin kita bukas diyan."]

Ang kulit talaga ng lalaking 'to!

"Huwag na, ihahatid naman niya ako nang maaga bukas."

["Pero---"]

"Sige na, matutulog na ako good night!"

["Kantahan kita para makatulog ka."]

Ito iyong laging ginagawa niya kapag malungkot ako. Kinakantahan niya ako. Maganda ang boses ni Luke. Nagtataka nga kung bakit hindi ito sumali sa band ng campus.

Gusto ko sanang marinig siyang kumanta kaso alam kong pagod din ito at kailangan na niyang matulog ng maaga. Stress kaya ang course niya.

"Next time na lang, alam kong 'di ka pa tapos sa thesis mo," natatawa kong sabi. Rinig ko rin ang pagtawa niya sa kabilang linya.

["Haha yeah. Sige, magpahinga ka na rin. Take care, good night, sleep well, mapanaginapan mo sana ako."]

"Hoy, anong mapanagini---"

Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ng pinatay na nito ang tawag. Wierdo rin minsan ang lalaking iyon. Nang matapos ang tawag ay binuksan na ni Ma'am Dorry ang kwarto ko. Pinasok na rin nila ang mga gamit ko. Agad din naman silang nagpaalam at umalis.

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa loob bago maglinis ng katawan. Nang matapos ay agad akong humiga sa kama.

"Ahh! Ang lambot naman ng higaan na 'to!" sabi ko at nagpagulong-gulong roon. Ngunit agad akong natigil ng makarinig nang malakas na kalabog sa labas.

Agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan ang isang lalaking pasuray-suray sa pasilyo. Ilang vase na rin ang nabasag nito dahil sa kalasingan.

"Didn't I told you to stop pestering me?! We're done! I'm done with you bitch!" sigaw nito sa hawak na cellphone. Maging ito ay inis na inihagis niya dahilan para magkapira-piraso iyon. 

Sino ba ang lalaking 'to?

"Hey you!"

Ilang ulit akong napalunok ng marinig ang pagtawag ng lalaki sa akin.

"A-Ahm, a-ano?"

"Solly right?"

Ba't alam nilang lahat ang pangalan ko?! Samantalang sila hindi ko kilala?!

"Do you need something?" tanong nito na bakas sa boses ang labis na kalasingan. 

"W-Wala ho, salamat."

"Ok, hmm wait---"

"Young master, Code!" pagtawag ng paparating na dalawang butler sa kaniya.

Wait, young master Code?! Isa siya sa mga Varzen? 

Tinulungan naman ng mga butler ang lalaki makapasok sa kwarto nito. Ngunit agad itong bumalik sa labas at kinindatan ako.

"Good night, baby."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status