Share

CHAPTER 6: With Clyden Varzen

MAAGA akong nagising, nakakahiya kasing magpagising pa sa mga katulong rito. Mabuti na nga lang at maaga ring naghanda ng pagkain ang mga katulong. Pagkatapos mag-agahan ay dali-dali akong nagpaalam kay Ma'am Dorry para pumasok na.

Hinatid naman ako ni Maverick at Chad. Wala raw si Ryo kasi naghahanda ito para sa pag-uwi ni Lord Raddix at Young Master Matthias galing Japan. Mamayang gabi ay aasahan daw na nandito na ang dalawa.

Kinakabahan nga ako sa totoo lang. Dalawang Varzen pa nga lang ang nakikilala ko kahapon halos mahimatay na ako sa kaba! Tapos may dadagdag pang dalawa?! Kamalasan!

Mabilis ang byahe kaya agad akong nakarating sa campus. Nagpasalamat muna ako kay Mav at Chad bago tuluyang pumasok sa loob.

"Sooolll!" salubong sa akin ni Rain. Mahigpit naman niya akong niyakap. "Waaahhh! Akala ko nakidnap ka na!"

Nakidnap?

"Ano bang pinagsasabi mo riyan?"

Napanguso naman si Rain. "Ito kasing si Luke sinabihan akong nakidnap ka raw! Taranta nga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status