LOGIN“Yan na nga ba ang sinasabi ko! You are not listening to us! Masyadong matigas ang ulo mo! Lahat na lang ng gusto mo, gusto mong gawin! Ni hindi mo na kami inisip! We just want the best for you, then suddenly you run away just because of that guy?! Ano bang nakita mo sa lalaking ’yun?! Ni wala nga siyang trabaho at ikaw pa ang pinagtatrabaho!”
Galit na galit na turan ng kanyang ina habang paulit-ulit itong naglalakad pabalik-balik sa malawak na sala.
Halos hindi na ito mapirmi sa kinatatayuan, tila ba ang bawat hakbang ay may kasamang sama ng loob na ilang taon ding kinimkim. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakapamaywang, at ang boses ay halos pumiyok sa pagitan ng galit at pag-aalala.
Si Natalia naman ay tahimik lang na umiiyak habang nakaupo sa sofa. Hindi na rin siya nagulat nang marinig mula sa ina niya na alam nitong walang trabaho si Darius at siya lang ang nagtatrabaho sa kanilang dalawa.
Hindi na niya maitaas ang ulo niya. Pakiramdam niya ay mas mabigat pa sa katawan niya ang bawat salitang ibinabato ng ina. Nakapulupot ang mga daliri niya sa laylayan ng damit niya, pilit pinipigilan ang sarili na tuluyang bumigay.
Ang ama niya ang nasa tabi niya at marahang hinahaplos ang likod niya, paulit-ulit—parang batang kailangang patahanin. Ang ama niyang si Rafael… isang lalaking kilala sa pagiging istrikto at halos walang kinatatakutan sa mundo ng negosyo… ngayon ay tila isang simpleng ama lamang na nag-aalala sa anak.
“Isabella, your daughter is not okay. Can’t you see that? Maupo ka na lang at maging masaya tayo na bumalik na ang anak natin dito at iniwan na ang lalaking ’yun,” malumanay na sambit ni Rafael sa asawang hindi pa rin mapakali.
Bagamat isang kilalang malupit sa trabaho, pagdating sa pamilya ay masyado itong malambot. Sa kanilang dalawa bilang magulang ni Natalia, ang ama ang palaging pumapayag sa lahat ng gusto ng anak.
Siya ang unang kakampi, unang nagtatanggol, at unang handang magbigay ng pangalawang pagkakataon.
“Yan! Yan ang problema sa’yo!” mabilis na sagot ni Isabella, agad na itinuro si Rafael. “Kung hindi mo sana hinayaan ang anak mo na magdesisyon, hindi sana hahantong sa ganito! Ilang taon ang nasayang sa buhay niya? Dalawang taon? That was too fvcking long to waste her time with that guy!”
Halos hindi na nito makontrol ang emosyon. Para bang sa bawat salitang binibitawan niya ay may kasamang takot…takot na muling masaktan ang anak, takot na maulit ang pagkakamali.
Sumasakit na ang batok nito kaya napahawak siya roon sandali, pero hindi pa rin tuluyang kumalma.
“Isabella—” babala ni Rafael, bahagyang tumataas ang boses.
“You shut up, Rafael! You’re the one who should be blamed here—”
“I’ll accept the arranged marriage that Lolo arranged when he was still alive. Are you happy now?”
Biglang pumutol ang boses ni Natalia sa gitna ng kanilang pagtatalo.
Hindi na niya iyon napigilan. Habang humihikbi, halos pabulong ngunit malinaw ang bawat salita, sinabi niya iyon na parang hinugot mula sa pinakamasakit na bahagi ng puso niya.
Natigilan ang ina niya. Parang biglang nawala ang lahat ng galit sa mukha nito at napalitan ng gulat. Samantalang ang ama niya ay nanlalaki ang matang tumingin sa anak, hindi makapaniwala sa narinig.
“Natalia Sofia, you don’t need to rush things. Kasunduan ’yun ng Papa at ni Don Alfonso noon. You have the right to say no,” mahinahon at nag-aalalang sambit ni Rafael. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng anak at pinilit itong tingnan sa mata, naghahanap ng alinlangan, kahit katiting na pag-aatubili.
Samantala, natahimik si Isabella at tila napako sa kinatatayuan.
Oo, galit siya. Pero parte iyon ng pagiging ina niya dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa pamilya para sa isang lalaki. She felt betrayed. Nasaktan siya hindi lang bilang ina, kundi bilang taong piniling iwanan ng sariling anak para sa isang lalaking hindi naman pala kayang panindigan si Natalie.
But then… she was genuinely shocked to hear that. Hindi niya inasahan na ganoon kadali para sa anak niya na tanggapin ang isang desisyong matagal na nilang ipinipilit noon.
“Bumalik ako rito at alam kong sa pagbabalik ko, I need to face what I’m bound to do. I’ll marry the grandson of Don Alfonso,” humihikbing sambit ni Natalia saka bahagyang yumuko. Para bang sa bawat salitang binibigkas niya ay may unti-unting nawawala sa kanya.
“I-I’m sorry, Mom. Naiintindihan ko kung bakit ka galit. But I also want to thank you… that I am still welcome here after what I did,” she said without even looking at them. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng mga magulang niya. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatang humingi pa ng higit.
“You are my only daughter. Of course, you are welcome here,” mabilis na tugon ng ama. Tipid na ngumiti si Natalia, ngunit nanatili pa rin ang bigat sa kanyang dibdib.
“Galit ako, pero hindi mo kailangang magdesisyon agad—” mas mahina na ngayon ang boses ni Isabella. Hindi na ito puno ng galit, kundi ng pagkalito at pag-aalala, pero muli nang nagsalita ang ina niya.
“My decision is final. I’ll marry that Valderrama,” she said, forcing herself to stand up kahit nanginginig ang mga tuhod niya.
Pinilit niyang ngumiti sa kanila, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. It was a broken smile, one that hid exhaustion, heartbreak, and quiet surrender.
“I’ll go to my room na, Mom, Dad. I’m tired,” she said softly.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho silang napabuntong-hininga, parang pinipigilan ang sarili na magsalita pa dahil alam nilang anumang sabihin nila ngayon ay maaaring hindi na magbago ang desisyon ng anak nila.
Hindi na hinintay ni Natalia ang kung ano pang sasabihin nila at agad nang umalis doon upang pumunta sa kanyang kwarto.
Nilibot niya ang tingin sa buong lugar at saka kinagat ang labi niya dahil hindi siya makapaniwala na bumalik na siya, na magbabalik pa siya dahil ang buong akala niya ay magpapakasal na siya, na maikakasal na siya kay Darius.
Naalala nanaman niya ang nasa letrato at sa mga katagang tinuran ni Darius sa kanya, mahal niya ito, pero masyado na siyang napuno. Palagi na lang siyang ganoon at para na siyang nauntog sa katotohanan na hindi naman siya mahalaga kay Darius.
At mas lalo iyong nagpakaba sa kanya.Dahil ngayon, wala na siyang maibibintang na galit dahil purong kaba at kakaibang hindi niya mapangalanan ang nararamdaman niya.At sa unang pagkakataon simula nang pumasok sila sa kwartong iyon, hindi na lang galit ang nararamdaman niya.Kundi kaba.Isang klase ng kaba na hindi niya maipaliwanag, halo ng takot, pagkalito, at kung anong init na unti-unting gumagapang sa balat niya."Hindi kita pipilitin at kahit kailan hinding hindi ko ’yon gagawin," he whispered again, this time mas malinaw, mas buo ang bawat salita. Wala ang pang-aasar sa boses niya. Wala ang yabang. May bigat. May paninindigan."At kung plano kong pilitin ka, sana ay kanina pa punit ang damit mo at inu-vngol ang pangalan ko," he said and then smirk.Napatitig si Natalia sa kanya, hinahanap kung may bahid ba ng biro sa mga mata nito. Pero ang nakita niya ay seryoso. Diretso. Parang gusto nitong maintindihan niya na hindi ito laro.Dumulas ang kamay ni Emilio sa likod niya, marah
Muling umirap si Natalia, mas exaggerated pa kaysa kanina. “Matulog ka sa sofa. Ako matutulog sa kama,” mariin niyang sabi bago tumalikod para tanggalin ang hikaw niya isa-isa, inilalapag iyon sa side table na parang bawat laglag ay kasabay ng inis na gusto niyang pakawalan.Pero hindi niya inaasahan ang sumunod.Bigla siyang hinila ni Emilio sa kamay nang wala man lang pasabi. Isang mabilis na galaw, parang matagal na nitong pinag-iisipan at talagang balak na nitong gawin yun kanina pa.“Emilio—!” Ngunit huli na.Nawalan siya ng balanse at pareho silang napahiga sa kama. Bahagyang umalon ang kutson sa bigat ng katawan nila, at saglit na tila huminto ang mundo sa bilis ng pangyayari.Nanlaki ang mata ni Natalia nang mapagtanto niyang siya ang nasa ibabaw nito. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa dibdib ni Emilio habang ang tuhod niya ay bahagyang nakasandal sa gilid ng kama para hindi tuluyang bumagsak.At ang gago? Natawa pa.Isang mababang tawa na parang may sariling aliw sa sitwas
Chapter 9“Bakit ka ba kasi nag inom ng marami!” iritang sambit ni Natalia habang nakatitig kay Emilio na ngayon ay padarag na naupo sa kama, halos hindi na maayos ang balanse.Napahawak pa ito sandali sa gilid ng kama na parang umiikot ang paningin, ngunit pilit pa ring itinataas ang baba na tila ayaw magpatalo at ipakita na talagang lasing na.Halata sa paraan ng pag-upo nito na pilit nitong pinipigilan ang hilo, pero mas nangingibabaw ang yabang kaysa sa kahinaan kaya mas naiinis si Natalia.Sa halip na amining sumobra siya, mas inuuna pa nitong magmukhang matatag, at iyon ang lalo niyang kinaiirita dahil para sa kanya ay kayabangan yun.“I’m not drunk—” Pero bago pa matapos ni Emilio yun ay agad nang sumabat si Natalia, walang pake kung magmukhang masungit o anu pa man.Hindi na siya interesado sa kahit anong paliwanag nito.“Shut up!” putol niya agad, sabay lapit para tanggalin ang sapatos nito bago pa ito tuluyang humiga at madumihan ang kumot at kama.Bahagya pa niyang hinila a
No pictures on the invitation. Tanging malalapit na pamilya at piling kaibigan lamang ang inimbita. Walang engrandeng reception, walang publicity. Tahimik. Pribado. Parang isang kasunduan lamang na kailangang tapusin.Parang business deal.At sa bawat araw na lumilipas papalapit sa kasal, mas lalong nagiging totoo ang katotohanang hindi ito isang fairy tale o kaya panaginip.Ikakasal na siya. Hindi sa lalakeng kasama niya ng dalawang taon... kundi sa lalakeng kakakilala pa lang niya at mula pa noong bata ay pinagsundo na sila ng mga lolo nila.And then the day came.The wedding.The wedding that had no love at all... at least not from Natalia’s side.Tahimik ang bridal room habang inaayusan siya. Naririnig niya ang mahihinang usapan ng mga stylist, ang tunog ng hairspray, ang marahang paggalaw ng tela ng gown niya sa bawat kilos niya.Nakasuot siya ng simpleng puting gown...elegant ngunit hindi marangya. Walang sobrang burda, walang sobrang kinang. Just clean lines and quiet grace.Sh
Bahagyang binasa ni Emilio ang kanyang labi at pinanood ang pagsara ng pinto. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin niya, nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.Nawala ang amusement.Nawala ang panunukso.Ang natira ay malamig na determinasyon.Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tumawag.Isang ring pa lang ay sinagot na.“Yes, Sir?” mabilis na tugon ni Jordan, ang kanyang secretary.“Can you find out if Darius Valdez really applied to the company?” kalmadong tanong ni Emilio, pero may bahid ng babala ang tono. “If he did, hire him.”Saglit na natahimik si Jordan sa kabilang linya. “Sir?”“Hire him,” ulit ni Emilio, mas malinaw. “Then assign him to the most difficult department. I want his workload doubled. No special treatment. No adjustment period. I want his work to be unbearable.”Mas lalong tumahimik ang kabilang linya, pero bilang sanay na sa ugali ng amo, mabilis ding nakabawi si Jordan.“Copy, Sir.”“I want him to feel hell after what he did to Sofia,” dagdag pa ni Em
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang biglang lamig na gumapang sa kanyang gulugod nang marinig niya ang sinabi nitong ‘yun.Possessiveness.Hindi pa man sila kasal.Hindi pa man sila nagsisimula.Pero ramdam na niya kung gaano ito mapag angkin.Hindi iyon simpleng biro. Hindi iyon simpleng kayabangan. It was like… pinapakita na niya agad kung gaano na ito may karapatan sa kanya kapag kinasal na silang dalawa.May kung anong seryosong intensyon sa likod ng bawat salita ni Emilio, at iyon ang mas lalong nagpapagulo sa isipan ni Natalia.Nakagat ni Natalia ulit ang labi niya at agad na sanang aalis ulit, but this time… hindi pa man siya nakakahakbang ay napasinghap siya nang biglang hawakan ni Emilio ang kamay niya at marahang hilahin pabalik sa pagkakaharap sa kanya.Hindi iyon marahas.Hindi rin sobrang lakas.Pero sapat para ipaalala sa kanya kung gaano kalaki ang kamay nito kumpara sa kanya. Sapat para ipadama ang init ng balat nito na tila dumiretso sa sistema niya.“I’m serio







