Share

Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me
Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me
Author: Midnight Ghost

Simula

last update publish date: 2026-02-02 11:19:31

Napatitig si Natalia sa screen ng phone niya, halos hindi makapaniwala sa nakikita. Para bang tumigil ang oras sa paligid niya, at bawat segundo ay mabigat sa dibdib.

Ang bank account niya, na dating puno ng savings para sa kanilang kasal, ay wala na. Kakatapos lang niya sa trabaho, at bigla siyang nakatanggap ng mensahe mula sa bangko.

Lahat ng pera ay nailabas na, at parang biglang lumipad sa ere ang bawat pawis, bawat sakripisyo at bawat pangarap na itinabi niya para sa kanilang kasal.

“I’m sorry po, Miss Natalia. Winithdraw lahat ni Mr. Darius Valdez, and it was a joint account kaya wala na po kaming magagawa.” Malumanay pero malinaw ang tono ng empleyado sa bangko, na parang binigyan siya ng katotohanan na sobrang sakit tanggapin.

Tumigil ang tawag pagkatapos ng ilang segundo, naiwan siyang nakatitig sa phone, hindi makagalaw at parang walang malay sa paligid.

Nanginig ang kamay ni Natalia, halos mahulog ang phone sa pagkatakot at pagkabigla.

Halos hindi niya matanggap na ganon lang kabilis mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya, ang pera na itinabi niya para sa kanilang kasal at sa maliit nilang pangarap bilang magkasintahan.

May hinala siya kung sino ang may gawa nito, kahit hindi niya natawagan ang bangko, alam niya sa puso niya kung sino ang kumuha ng perang inipon niya, ang nobyo niya, si Darius, ang kumuha ng pera.

Hindi rin naman ito ang unang beses na nilabas lahat ni Darius ang laman ng savings niya, pero hindi niya matanggap na inulit pa nito.

Pareho nilang alam na ang perang iyon ay para sa kasal nila, sa pangarap nilang dalawa.

Tumigil siya sa paghinga sandali, pinipilit na ayusin ang sarili, ngunit bawat alaala ng sakripisyong ginawa niya para kay Darius ay bumabalik, masakit, at tila nagpapahiwatig na lahat ng iyon ay naging walang halaga.

Nang makakuha ng lakas ng loob, agad na niyang tinawagan ang nobyo, hoping for an explanation. Ngunit halos mapapikit siya nang marinig ang boses ni Darius, galit na galit, sabay irritable na parang si Natalia pa ang may kasalanan at dapat sisihin.

“Pvtang ina, Natalia?!” Bulyaw ng nobyo niya.

“Hindi mo naman ako kailangang murahin. Gusto ko lang na malaman kung bakit mo kinuha nanaman lahat at kung saan mo giinamit—”

“Bakit? Bawal ko na bang pakealam ang pera na nasa bangko? Dahil ba sa ating dalawa, ikaw lang tong may trabaho? Sinabi ko naman sayo, diba?! Babawi ako kapag nakapaghanap na ng trabaho! Saka kailangan ko yung pera kaya bakit kung makapagtanong ka ay para bang masama ang ginawa ko?!”

Nanginginig ang balikat ni Natalia dahil sa subrang pagpipigil ng iyak. Ginawa niya lahat para sa relasyon nilang dalawa, iniwan ang pamilya, isinugal ang pangarap at oras niya, para sa taong ito. At ngayon, parang wala nang halaga ang lahat.

“Pero kailangan natin yun para sa kasal natin—”

“Edi kung walang gagamitin para sa kasal, huwag na muna tayong magpakasal! Bakit ba atat na atat kang magpakasal?!”

Tila huminto ang mundo ni Natalia. Halos mapahikbi siya, hawak ang dibdib sa sobrang sakit.

“B-Bakit ka ba parang hindi kaseryoso sa kasal na mangyayare sa atin—” Hindi niya natuloy ang sinasabi nang marinig ang isang boses sa kabilang linya. Hindi lang basta boses, kundi boses ng babaeng pinagseselosan niya, matamis at mapang-akit.

“Ang tagal mo naman,” sabay halakhak ng boses ng babaeng yun sa kabilang linya na nagpahigpit ng hawak ni Natalia sa cellphone niya.

“B-Bakit kayo magkasama?!” Halos tumayo si Natalia sa gulat at galit, ngunit agad na pinatay ng nobyo ang tawag.

Ilang segundo lang, may dumating na letrato sa phone niya mula sa kakilala. Tila binuo ang puso ni Natalia sa pitik lang, si Darius at ang babaeng iyon, magkatabi sa upuan sa bar, nagtatawanan, parang may sariling mundo.

Hindi niya alam kung ngayon lang iyon nangyari, pero para sa kanya, parang nahihimatay na siya sa lungkot at pagkadismaya.

Sa galit at pagod, napadala na lang ni Natalia ang mensahe para sa nobyo.

Natalia:

Ayoko na! Maghiwalay na tayo!

Pagkapadala ng mensahe, bumuhos ang luha niya na pilit niyang pinipigilan kanina. Halos hindi niya na kaya ang pagod sa relasyon nilang dalawa.

Samantala, si Darius, tahimik lang habang tinitignan ang mensahe.

Napailing, hindi dahil sa guilt, kundi sa overconfidence niya at hindi man lang makaramdam ng kahit anong pagkabahala, dahil ang alam niya sa sarili, na kahit makipaghiwalay si Natalia, babalik pa rin ito sa kanya.

“Hindi niya kayang mawala ako,” bulong niya sa sarili at saka ngumisi pa.

Dahil nasa tabi na ni Darius si Elara, ang babaeng nasa letrato ay nabasa niya ang mensaheng ipinadala ng nobya ni Darius kaya naman napangiti si Elara at nang-aakit na bumulong kay Darius.

“Hiwalayan mo na kasi,” mahinang sambit niya, habang unti-unting naglalakbay ang kamay niya sa katawan ni Darius.

Natawa si Darius at uminom ng alak, mula sa perang kinuha niya kay Natalia.

“Nakikipaghiwalay na nga, pero kahit hiwalay siya, babalik din siya sa akin. Hindi niya kaya,” sabi niya, puno ng kumpiyansa. “Ayoko rin namang hiwalayan dahil sa maganda ang trabaho niya, malaki ang sweldo niya. Sayang kung hindi ako makakatikim pa ng sahod niya,” sambit ni Darius at natawa pa, lumapit pa kay Elara para halikan ang leeg nito, and Elara just laugh a bit.

“Yung bagong bag ko, ah. Huwag mong kalimutan,” humahagikgik na sambit ni Elara at ang bag na tinutukoy nito ay ang rason kaya nilabas ni Darius lahat ng nasa savings ni Natalia.

Pero mali siya. Mali ang ginawa niyang pagsasawalang bahala.

Without him knowing, Natalia was serious this time. Too serious. Napagod na siya sa lahat ng drama, sa lahat ng pagkakanulo at kasinungalingan at hirap na nararanasan niya. Nakapagdesisyon na siya na iwan na si Darius at balikan ang tunay niyang buhay.

Habang humihikbi, tumawag siya sa personal driver niya.

“Ma’am Sofia? Totoo ba ‘to? Totoo bang tumatawag kayo?” halatang hindi makapaniwala ang driver sa tono ni Natalia dahil sa tagal ng panahon na hindi tumawag si Natalia.

Mapait na ngumiti si Natalia sa gitna ng luha. “Can you pick me up, Manong? I want to go home na,” she said, voice breaking.

Napasinghab ang driver, halatang nag-aalala na lalo na sa boses ni Natalia.

“Papunta na po ako,” sabi naman din agad ng driver, at kahit pa man lang nagtatanong, alam na kung nasaan si Natalia.

Kahit saan siya, may nagbabantay pa rin sa kanya.

Pinagmasdan ni Natalia ang kanyang ID, Natalia Del Rosario. Pangalan na ginamit niya para mabuhay ng tahimik at normal sa ilang taon.

Natalia Sofia Del Rosario - Alvarado ang tunay na pagkakakilanlan niya. At handa na siyang bumalik sa buhay niya.

Tinitignan niya ang phone, lahat ng alaala at mensahe nila ni Darius, mga letrato at iba pa.

Hindi niya pinag-isipan pa, binato niya ang phone at hinayaang mabasag yun.

“I’m not Natalia anymore, I’m Sofia,” she said seriously and wiped her tears.

Punong puno na siya. Pùnong puno na siya sa buhay na pinili niya.

Gusto na niyang bumalik sa lugar kung saan siya nararapat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Asle Bonita Azalrob
miss a, sana yong isang story mo ina update mo din kasi madami na naghihintay ng update mo dun. kung dmo na din yon itutuloy tulad ng isang story mo noon na hinayaan mo na lng at d tinapos, sabihin mo na lng dun para wala ng aasa na mag uupdate ka pa dun
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 187 - Family

    Wakas“Emilio Alejandro Valderrama Jr.!”Malakas ang sigaw ni Natalia na halos umalingawngaw sa buong mansion. Pati ang babaeng umiiyak sa harap niya nila ay halos mapatalon sa gulat, pero sunod ay muli naman din nagpatuloy sa pag-iyak.Napapikit si Natalia habang mariing hinihimas ang sentido, pakiramdam niya'y anumang oras ay aatakihin na siya sa sobrang stress na dulot ng anak nilang lalaki.“Relax—”“How can I relax when your son keeps making this kind of trouble?!” halos mapasigaw na muli si Natalia habang nakaturo kay Emilio. “Susko! Kaka-twenty-one pa lang ng anak mo, pero ilang babae na ang pumupunta rito sa bahay para sabihing buntis sila! Hindi ko pinalaking ganyan ang anak mong 'yan, Emilio! Ikaw kasi! Masiyado mo siyang ini-spoil!”Sa halip na mataranta, napatawa lamang si Emilio. Mahina sa umpisa, ngunit tuluyang lumakas ang tawa niya dahilan upang mas lalong kumunot ang noo ni Natalia.“At natatawa ka pa talaga?” iritang tanong niya habang nakapamewang. Napailing si Emil

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 186 - Sumbong

    Chapter 186Muntik nang mabitawan ni Emilio ang hawak niyang sandok sa sobrang gulat nang bigla na lang niyang makita ang anak niya na nakatayo sa tabi niya at tahimik na nakatitig sa kanya.Halos tumalon ang puso niya dahil hindi man lang niya narinig ang pagpasok nito sa kusina at pagbaba nito sa hagdan."Uh?" All Emilio could say at napakamot pa sa ulo dahil sa hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Nakahalukipkip pa kasi ang anak niya habang seryosong-seryoso ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo at tila ba matagal na siyang pinagmamasdan. Napalunok si Emilio bago marahang ibinaba ang sandok sa kawali.Tulog pa si Natalia kaya naisipan niyang bumangon nang maaga para magluto.Gusto niyang paggising ng mag-ina niya ay may nakahanda nang mainit na almusal sa mesa, kahit simpleng pagkain lang. sa ngayon.Ni hindi niya mapigilang mapangiti habang nagluluto dahil pakiramdam niya ay napakagaan ng umaga niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niyang muli ang asawa niya at ngayo

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 185 - Miss you

    Chapter 185Their suite had already been upgraded.Hindi alam ni Natalia kung paano nangyari iyon, pero hindi na niya kailangang magtanong pa. Alam niyang si Emilio ang may kagagawan noon. Knowing him, isang utos lang ay sapat na para maasikaso agad ang lahat.Nang makarating sila sa Presidential Suite, hindi niya napigilang mapalinga sa paligid.It was spacious.Mas mukha pa itong isang mamahaling bahay kaysa isang hotel room. Malawak ang living area na may eleganteng couch at glass center table. Ang mataas na kisame at floor-to-ceiling windows ay nagbibigay ng mas marangyang pakiramdam sa buong lugar. May mini dining area, maliit na kitchen, at dalawang magkahiwalay na kuwarto.Tahimik ang buong suite.Pagod na rin ang lahat matapos ang mahabang araw.Nang mahiga si Drake Jr. sa kama, hindi na ito kinailangang pilitin pang matulog. Ilang minuto lang ang lumipas ay mahimbing na ang tulog nito dahil na rin sa pagod din sa lahat ng nangyare.Napangiti si Natalia habang marahan niyang i

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 184 - Pangalan

    Chapter 184Everything was happening too fast, but Natalia couldn't stop smiling because of the happiness filling her heart. However, she also couldn't ignore the exhaustion slowly catching up to her. Wala pa siyang naging maayos na pahinga simula nang bumalik siya sa Manila, at ngayon pa lang niya unti-unting nararamdaman ang pagod na kanina pa niya binabalewala.Nang umalis siya sa room ni Emilio, agad niyang pinuntahan ang mga magulang niya.They all looked completely shocked the moment they saw her.Sino ba naman ang hindi magugulat? Lahat sila ay inakalang patay na siya, pero maliban sa pinsan niya na agad na umiyak at niyakap siya nang makita siya nito.Halos wala nang nakapagsalita sa sobrang gulat. Maya-maya pa ay sabay-sabay silang napaiyak. Mahigpit siyang niyakap ng mga magulang niya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.They kept saying sorry because they had tried to marry Emilio to someone else... because they truly believed that she was already dead.But for Natalia.

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 183 - Bride

    Chapter 183Halos buong biyahe ay walang imik si Emilio.Tahimik lamang siyang nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana.Sunod-sunod na dumaraan ang mga gusali, mga sasakyan, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay, ngunit ni isa ay wala siyang tunay na nakikita.Masyadong magulo ang isip niya.Masyadong mabigat ang dibdib niya.At habang papalapit nang papalapit ang sasakyan sa venue ay mas lalo lamang siyang nakararamdam ng pagod.Hindi pisikal na pagod.Napapikit siya sandali.At gaya ng nakagawian niya sa nakalipas na mga taon...Muli na namang sumagi sa isip niya ang mukha ni Natalia. Mabilis niya iyong itinulak palayo.Ngunit gaya ng dati… Bumabalik pa rin. Palagi itong bumabalik. Parang hindi na yata niya kayang mabuhay nang hindi ito naaalala. Ilang segundo pa ay huminto na ang sasakyan.Naputol ang iniisip niya. At bago pa man siya makapag-react ay bumukas na ang pinto sa kabilang bahagi."What the?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni David. Pa

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 182 - Kasal

    Chapter 181 (Part 2)Tahimik na nagsara ang pinto sa likuran ni Natalia.Ngunit hindi niya agad magawang umalis.Nanatili siya roon nang ilang segundo habang nakahawak pa rin sa doorknob.Nakapikit.Pinipigilan ang sarili na muling bumalik sa loob.Napakabigat ng bawat hakbang na inilalayo siya mula kay Emilio.Pakiramdam niya ay muli na naman niyang iniiwan ang asawa niya.Ngunit alam niyang iba na ngayon.Hindi tulad noon. Hindi tulad ng mga taong nawala siya sa buhay nito nang walang paliwanag. Sa pagkakataong ito ay babalik siya. At babalik siya para manatili.Huminga siya nang malalim bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Habang papalayo siya sa silid ay hindi niya napansin ang mahinang paggalaw ni Emilio sa loob.Parang may naramdaman itong pagkawala.Parang may hinahanap ang puso nito kahit tulog pa ang katawan nito.Ngunit muli rin itong natahimik at nakatulog.At ilang oras pa ang lumipas bago tuluyan itong nagising.Mabigat ang pakiramdam ni Emilio nang magmulat siya ng

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 160 - Walang lilimot

    “May kukuha ba nito o ipapadeliver?” Tanong niya muli, ang boses ay nangangatog na sa halong takot at inis, habang pilit pa ring hindi tumitingin sa dalawa. Natigilan naman si Fiona, ang kanyang kasamahan sa pwesto, nang mapansin ang kakaibang tono ng boses ni Natalia. Agad itong lumapit para tig

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 152 - Control

    ​“Y-You can just leave,” Sinubukan ni Emilio na magsalita nang maayos, kahit na pakiramdam niya ay nag-aapoy na ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Bawat hininga niya ay tila may kasamang baga, and the friction of his clothes against his skin was becoming unbearable.​Alam niya ang panganib na

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 151 - Tinals!kan

    Muntik pa niyang matapon ang hawak na tray dahil sa biglaang pagkawala ng balanse, buti na lang at nahawakan niya ito nang maayos bago pa man bumagsak ang lahat sa sahig. Napatayo siya nang tuwid, trying to regain her dignity, while her heart continued to hammer inside her chest. The door clicked

  • Married to the Billionaire Who Secretly Obsessed Over Me   Chapter 150 - Patibong

    Chapter 150: Ang Patibong Dahan-dahan na nilagyan ni Sandy ng Robvst ang dalawang basong hinanda niya. Ang kanyang mga kamay ay hindi nanginginig...sa halip, may determinasyon sa bawat galaw niya. There was no room for hesitation now. Kinagat niya ang labi at tinitigan ang dalawang inumin. Ang b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status