Mag-log in“Magreresign ka na talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ng boss niya habang nakatingin sa iniaabot ni Natalia na envelop, na naglalaman ng resignation letter nito.
Isang buwan siyang nawala sa opisina, at ngayon lang siya muling nagpakita, bitbit ang isang pirasong papel na tuluyang magpuputol sa dalawang taong pinagsamahan sa companyang ‘to bilang isang empleyado.
Tahimik ang buong floor, pero ramdam ni Natalia Sofia Alvarado ang mabibigat na titig ng mga kasamahan niya. Dalawang taon din siyang naging bahagi ng kumpanyang ito.
Dalawang taon na dito umikot ang mundo niya.
Dalawang taon na kasabay ang lalaking muntik na niyang pakasalan.
Tumango si Natalia at tipid na ngumiti. “Opo, Ma’am. Salamat po sa dalawang taon,” mahinahong sambit niya, kahit ramdam niya ang bigat na tila nakadagan sa dibdib niya.
Napasinghap ang boss niya at ibinaba ang salamin sa mata.
“But are you really sure about this? Iha, you’re too good para pakawalan ko. Isa ka sa pinakamagaling naming architect.” Mahinahong sambit nito habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
“Pasensya na po, kailangan ko na talagang magpaalam sa trabaho,” mahinahon naman ding sambit ni Natalia. Tinitigan siya ng boss niya ng medyo matagal hanggang sa bumyntong hininga ito.
“Kamusta ka na? I heard hindi na matutuloy ang kasal mo. Pumupunta rito ang boyfriend mo at hinahanap ka. Pinagbibintangan pa nga kami na tinatago ka namin sa kanya.”
Napakagat si Natalia sa labi sa narinig niya. Kahit anong pilit niyang magpakatatag, hindi pa rin madali marinig ang tungkol kay Darius.
“Wala na po kami, Ma’am. Nakipaghiwalay na po ako sa kanya. Pasensya na rin po kung naaabala kayo dahil sa kanya.”
“Mas mabuti nga iyon,” mabilis na sagot ng boss niya. “Palagi na lang siyang umaasa sa’yo, lalo na sa pera. Hindi ko maintindihan kung bakit mo siya tiniis gayong halos ubusin na niya ang ipon mo.”
Bahagyang napangiti si Natalia…isang ngiting hindi umabot sa mga mata niya.
Tama sila. Tama ang boss niya.
Ngayon lang siya tuluyang nagising kung gaano siya katanga.
Tumayo ang boss niya at tinanggap ang resignation letter na kanina lang ay ayaw pa nitong kunin.
“Kung desidido ka na, hindi na kita pipigilan. Pero sana magpakalayo-layo ka muna. Baka mauto ka na naman ng lalaking ’yon at balikan mo siya, huwag ka ng bumalik sa kanya, ah. Tandaan mo, kapag kailangan mo ng trabaho, bukas ang pinto namin para sa’yo. Sayang ang talento mo, Iha.”
“Salamat po,” mahina niyang tugon.
Ngunit sa kaibuturan ng isip niya, alam niyang babalik siya.
Hindi bilang empleyado.
Kundi bilang business partner.
She was going to work as an architect in their own company, their family company, and she would eventually handle it. At dahil alam niyang maganda ang reputasyon ng kumpanyang ito, sisiguraduhin niyang sila ang unang kukunin niyang partner sa mga susunod na proyekto.
Magugulat sila kapag nagkita sila ulit.
Hindi na bilang Natalia na empleyado.
Kundi bilang Natalia Sofia Alvarado.
Paglabas niya ng building, pilit niyang inayos ang sarili.
She needed to look strong.
Fierce.
Untouchable.
Ngunit natigilan siya nang makita ang pamilyar na pigura sa labas.
Darius.
Nang makita siya nito, agad itong lumapit habang nakikitaan nanaman ng galit ang buong mukha.
“Saan ka ba nagpunta?! Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko!”
“Nakipag-break na ako sa’yo,” malamig niyang sagot. “So bakit pa ako sasagot sa tawag mo?”
She raised her eyebrow, her voice calm but sharp enough to cut.
Hindi makapaniwalang tumitig si Darius sa kanya, para bang hindi niya matanggap na siya ang iniwan.
“Ano bang nangyayari sa’yo?” Tanong pa nito.
“Huwag mo na akong lalapitan—”
“Dahil sa pera? Naghahanap na nga ako ng trabaho! Nag apply na ako sa isang company, sa kompanya ng mga Valderrama, wala pa silang tawag, pero alam kong matatanggap ako. Magiipon ako para sa kasal kaya umuwi ka na,” mabilis na sambit nito.
Natigilan pa saglit si Natalia nang marinig niya ang apelyedo ng mapapangasawa niya. Valderrama
“Nakipaghiwalay na ako sayo at seryoso ako,” mabilis na ani ni Natalia at sinubukang lagpasan na ito, pero bago pa siya makaalis ay hinarang na siya nito.
“Tingin mo kaya mo nang wala ako?!” galit na sigaw nito.
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Natalia, tila balak siyang kaladkarin palayo.
Pero hindi natuloy ang paghila.
May biglang humarang sa pagitan nila.
Bago pa makapag-react si Natalia, may isang malakas na kamay ang humila sa kanya palayo kay Darius. Sa lakas ng pagkakahila, halos sumubsob siya sa matigas na dibdib ng lalaking iyon.
Kumunot ang noo ni Natalia at tumingala para tignan ito.
At bahagyang umangat ang mga labi niya sa pagkabigla.
Matangos ang ilong nito. Matalim ang mga mata. At may bahid ng iritasyon ang seryosong ekspresyon.
“Sino ka ba?!” galit na tanong ni Darius.
Ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki. Sa halip, titig na titig lamang ito kay Natalia.
“You are the one who arranged the lunch,” malamig nitong saad. “But you’re also the one who’s late. You’re wasting my time. Do you even realize that?”
“H-Huh?” saglit siyang napatigil.
Tinitigan niya ulit ito. Nang tuluyang mag-sink in ang mga salita nito, napasinghap siya.
“Y-You’re Mr. Valderrama?”
Halos hindi makapaniwala si Natalia sa lalaking nasa harapan niya. Ito lang naman ang kikitain niya ngayon para pag-usapan ang kasal nila—ang lalaking nakatakdang maging asawa niya kahit hindi pa sila nagkakausap nang maayos. Natagalan lang talaga siya sa pagpapaalam sa mga kasamahan niya, at alam niyang late na siya sa usapan.
Pero hindi niya inasahan na ganito ang unang pagkikita nila.
The man smirked slightly, a slow, confident curve of his lips, bago siya marahang hinawakan sa braso at hinila palapit sa kanya para dalhin na sa kotse niya.
“Excuse me—” gulat na saad ni Natalia, ngunit hindi niya natapos ang sasabihin.
“Gago ka ba?! Saan mo siya dadalhin?!” sigaw ni Darius mula sa likuran nila, galit na galit at tila handang makipagsuntukan.
Napatigil si Natalia. Saglit siyang napalingon.
Ngunit dalawang security guard ang agad na humarang kay Darius bago pa ito makalapit. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya habang pilit siyang pinipigilan.
“Bitawan n’yo ako!” sigaw pa nito, ngunit walang epekto.
Sa loob lamang ng ilang segundo, nabuksan ang pinto ng isang itim na sasakyan—isang mamahaling modelo na halatang hindi basta-basta.
At bago pa man makapag-isip si Natalia, nasa loob na siya ng sasakyan.
The door shut with a solid thud.
Tahimik ang loob ng kotse habang umaandar ito palayo. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang maingat na pagliko nito sa kalsada ang maririnig.
Napasandal si Natalia sa upuan, pilit inaayos ang mabilis na tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa tensyon sa labas o sa lalaking kasalukuyang nagmamaneho.
She couldn’t help but stare at the person in the driver’s seat.
Maayos ang porma nito—simple ngunit elegante. A fitted black suit, sleeves slightly folded, revealing a firm wrist with an expensive watch. The sharp line of his jaw, the straight nose, and the intense focus in his eyes made him look intimidating.
He even looked so hot with that serious expression.
Kaya tumitig pa si Natalia nang mas mariin, tila ba gusto niyang hanapin ang anumang kapintasan.
Wakas“Emilio Alejandro Valderrama Jr.!”Malakas ang sigaw ni Natalia na halos umalingawngaw sa buong mansion. Pati ang babaeng umiiyak sa harap niya nila ay halos mapatalon sa gulat, pero sunod ay muli naman din nagpatuloy sa pag-iyak.Napapikit si Natalia habang mariing hinihimas ang sentido, pakiramdam niya'y anumang oras ay aatakihin na siya sa sobrang stress na dulot ng anak nilang lalaki.“Relax—”“How can I relax when your son keeps making this kind of trouble?!” halos mapasigaw na muli si Natalia habang nakaturo kay Emilio. “Susko! Kaka-twenty-one pa lang ng anak mo, pero ilang babae na ang pumupunta rito sa bahay para sabihing buntis sila! Hindi ko pinalaking ganyan ang anak mong 'yan, Emilio! Ikaw kasi! Masiyado mo siyang ini-spoil!”Sa halip na mataranta, napatawa lamang si Emilio. Mahina sa umpisa, ngunit tuluyang lumakas ang tawa niya dahilan upang mas lalong kumunot ang noo ni Natalia.“At natatawa ka pa talaga?” iritang tanong niya habang nakapamewang. Napailing si Emil
Chapter 186Muntik nang mabitawan ni Emilio ang hawak niyang sandok sa sobrang gulat nang bigla na lang niyang makita ang anak niya na nakatayo sa tabi niya at tahimik na nakatitig sa kanya.Halos tumalon ang puso niya dahil hindi man lang niya narinig ang pagpasok nito sa kusina at pagbaba nito sa hagdan."Uh?" All Emilio could say at napakamot pa sa ulo dahil sa hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Nakahalukipkip pa kasi ang anak niya habang seryosong-seryoso ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo at tila ba matagal na siyang pinagmamasdan. Napalunok si Emilio bago marahang ibinaba ang sandok sa kawali.Tulog pa si Natalia kaya naisipan niyang bumangon nang maaga para magluto.Gusto niyang paggising ng mag-ina niya ay may nakahanda nang mainit na almusal sa mesa, kahit simpleng pagkain lang. sa ngayon.Ni hindi niya mapigilang mapangiti habang nagluluto dahil pakiramdam niya ay napakagaan ng umaga niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niyang muli ang asawa niya at ngayo
Chapter 185Their suite had already been upgraded.Hindi alam ni Natalia kung paano nangyari iyon, pero hindi na niya kailangang magtanong pa. Alam niyang si Emilio ang may kagagawan noon. Knowing him, isang utos lang ay sapat na para maasikaso agad ang lahat.Nang makarating sila sa Presidential Suite, hindi niya napigilang mapalinga sa paligid.It was spacious.Mas mukha pa itong isang mamahaling bahay kaysa isang hotel room. Malawak ang living area na may eleganteng couch at glass center table. Ang mataas na kisame at floor-to-ceiling windows ay nagbibigay ng mas marangyang pakiramdam sa buong lugar. May mini dining area, maliit na kitchen, at dalawang magkahiwalay na kuwarto.Tahimik ang buong suite.Pagod na rin ang lahat matapos ang mahabang araw.Nang mahiga si Drake Jr. sa kama, hindi na ito kinailangang pilitin pang matulog. Ilang minuto lang ang lumipas ay mahimbing na ang tulog nito dahil na rin sa pagod din sa lahat ng nangyare.Napangiti si Natalia habang marahan niyang i
Chapter 184Everything was happening too fast, but Natalia couldn't stop smiling because of the happiness filling her heart. However, she also couldn't ignore the exhaustion slowly catching up to her. Wala pa siyang naging maayos na pahinga simula nang bumalik siya sa Manila, at ngayon pa lang niya unti-unting nararamdaman ang pagod na kanina pa niya binabalewala.Nang umalis siya sa room ni Emilio, agad niyang pinuntahan ang mga magulang niya.They all looked completely shocked the moment they saw her.Sino ba naman ang hindi magugulat? Lahat sila ay inakalang patay na siya, pero maliban sa pinsan niya na agad na umiyak at niyakap siya nang makita siya nito.Halos wala nang nakapagsalita sa sobrang gulat. Maya-maya pa ay sabay-sabay silang napaiyak. Mahigpit siyang niyakap ng mga magulang niya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.They kept saying sorry because they had tried to marry Emilio to someone else... because they truly believed that she was already dead.But for Natalia.
Chapter 183Halos buong biyahe ay walang imik si Emilio.Tahimik lamang siyang nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana.Sunod-sunod na dumaraan ang mga gusali, mga sasakyan, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay, ngunit ni isa ay wala siyang tunay na nakikita.Masyadong magulo ang isip niya.Masyadong mabigat ang dibdib niya.At habang papalapit nang papalapit ang sasakyan sa venue ay mas lalo lamang siyang nakararamdam ng pagod.Hindi pisikal na pagod.Napapikit siya sandali.At gaya ng nakagawian niya sa nakalipas na mga taon...Muli na namang sumagi sa isip niya ang mukha ni Natalia. Mabilis niya iyong itinulak palayo.Ngunit gaya ng dati… Bumabalik pa rin. Palagi itong bumabalik. Parang hindi na yata niya kayang mabuhay nang hindi ito naaalala. Ilang segundo pa ay huminto na ang sasakyan.Naputol ang iniisip niya. At bago pa man siya makapag-react ay bumukas na ang pinto sa kabilang bahagi."What the?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni David. Pa
Chapter 181 (Part 2)Tahimik na nagsara ang pinto sa likuran ni Natalia.Ngunit hindi niya agad magawang umalis.Nanatili siya roon nang ilang segundo habang nakahawak pa rin sa doorknob.Nakapikit.Pinipigilan ang sarili na muling bumalik sa loob.Napakabigat ng bawat hakbang na inilalayo siya mula kay Emilio.Pakiramdam niya ay muli na naman niyang iniiwan ang asawa niya.Ngunit alam niyang iba na ngayon.Hindi tulad noon. Hindi tulad ng mga taong nawala siya sa buhay nito nang walang paliwanag. Sa pagkakataong ito ay babalik siya. At babalik siya para manatili.Huminga siya nang malalim bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Habang papalayo siya sa silid ay hindi niya napansin ang mahinang paggalaw ni Emilio sa loob.Parang may naramdaman itong pagkawala.Parang may hinahanap ang puso nito kahit tulog pa ang katawan nito.Ngunit muli rin itong natahimik at nakatulog.At ilang oras pa ang lumipas bago tuluyan itong nagising.Mabigat ang pakiramdam ni Emilio nang magmulat siya ng
Nakasandal si Sandy sa kaniyang kotse, mukhang isang modelo sa gitna ng dilim, habang seryosong nakatingin sa kaniyang phone. Ang liwanag mula sa screen ay tumatama sa kaniyang magandang mukha, at bakas ang pagkabagot o malalim na iniisip. Mukhang kanina pa ito naghihintay doon at hindi man lang
Lalo na tuwing gabi na sinusubukan niya itong halikan, pero umaatras ito, na para bang kahit na limang taon na silang magkasama ay hindi pa rin sapat. Natawa nang mahina si Natalia at napailing sa lambing na ipinapakita ng Drake, ramdam ang init ng yakap nito, pero kahit na ganoon ay hindi pa rin
Bahagyang bumaba ang boses niya at sinubukang gawing mas mahinahon ang paraan ng pagsasalita para magmukhang totoo ang hiling niya. Alam niyang kakaiba ang hinihingi niya, kaya kailangan niyang magmukhang desperado para paniwalaan siya.Bahagyang nagulat si Natalia sa narinig. Hindi niya inaasahan
Sa sandaling iyon ay napakurap si Natalia at hindi agad nakapagsalita, dahil parang may kung anong bumigat sa dibdib niya nang marinig ang salitang iyon.Napalingon siya sa loob kung nasaan si Emilio bago sumama ang timpla ng mukha niya at halos hindi niya yun maitago.Nandoon sa loob ang lalaking a







