Mag-log inGoodmorningggg
Parang gusto niyang malaman kung may kapalit ba ang lahat ng pagbibigay nito sa kanya, kahit na alam niyang wala naman at talagang ganito lang ang asawa niya pagdating sa kanya.Natawa lang si Emilio ng mahina nang marinig niya ang sinabi ni Natalia at pagsusungit nito.Yung tipong tawang hindi pilit...yung natural, malalim, at parang may halong aliw.Parang gustong-gusto niya ang ganitong side ni Natalia, ang pagsusungit nito.Binasa pa nito ang labi niya gamit ang dila bago bahagyang napailing, tila natutuwa sa iniisip ng asawa.Bahagya pa itong napayuko, parang pinipigilan ang sarili na mas mapangiti.“Ganun ba yun, huh, Emilio?” pabirong tanong pa ni Natalia, bahagyang nakangisi, halatang inaasar na ito.Hindi niya rin maiwasang mapangiti...parang nasanay na siya sa ganitong usapan nila."Oh... Come on, baby," he just whispered while still laughing sexily at hindi na alam ni Natalia kung bakit pakiramdam niya ay inaakit siya ng asawa sa simpleng pagtawa pa lang nito.Parang kahit
Chapter 89Everything was too smooth.Parang ang bilis ng lahat, sunod-sunod ang magandang nangyayari kaya hindi na alam ni Natalia kung paano niya itatago ang sayang nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang mapangiti minsan kahit wala namang dahilan, kahit simpleng pagtingin niya sa paligid, kahit wala namang kausap, kusa na lang siyang napapangiti.May mga pagkakataon pa nga na napapahinto siya sa ginagawa niya, mapapatingin sa kawalan, at saka mapapaisip kung totoo ba talaga ang lahat ng ito. Kung hindi ba siya nananaginip lang.Maganda na ang daloy ng kompanya, halos wala na silang kailangang habulin. Everything was in place. Organisado na ang sistema, maayos na ang mga tao, at hindi na siya kinakabahan sa bawat desisyon na ginagawa niya.Ang mga project niya ay successful, sunod-sunod ang approvals at magandang feedback mula sa clients. Halos lahat ng proposal na ipinapasa niya ay tinatanggap, at kung hindi man, mabilis nilang naaayos.She could even close a deal with some higher
Napangiti si Natalia at inangat na ang sarili para halikan ang pisngi nito. Isang simpleng halik, pero puno ng lambing at pag-aamo.“Relax. That was before. Sorry na, hindi na kita ikukumpara sa kanya,” malambing na sambit ni Natalia at hinawakan pa ang baba ni Emilio para iharap sa kanya.Dahan-dahan pa niyang hinaplos ang pisngi nito, marahan at maingat, na para bang gusto niyang burahin ang kahit anong inis na natira sa mukha nito. Hinagod pa ng hinlalaki niya ang balat nito, pilit pinapalambot ang ekspresyon ng asawa habang titig na titig sa mga mata nito.Again, mas inangat niya ang sarili para mahalikan pa lalo ang asawa niya. Bahagyang nagtagal ang halik niya, tila sinisiguradong mararamdaman nito ang sincerity niya at punong puno ng lambing.Saglit na natigilan si Emilio sa ginawa niya. Parang nawala ang inis sa mukha nito at napalitan ng bahagyang lambing. Napabuntong-hininga pa ito nang mahina, na para bang unti-unting natutunaw ang galit na kanina lang ay ramdam na ramdam.
Chapter 87After the contract signing, kumain sila sa labas. Napuno ng kwentuhan ang lahat at hindi na alam ni Natalia kung saan ilalagay ang sayang nararamdaman niya. They asked many question at nasagot naman niya ang lahat ng iyon.Para bang sumasabog sa dibdib niya ang halo-halong emosyon…tuwa, excitement, at konting nostalgia na hindi niya inaasahan na mararamdaman niya ulit.Halos hindi na sila natigil sa pag-uusap. Isa-isa silang nagbalikan ng mga alaala noong magkakasama pa sila sa iisang kumpanya…mga overtime na halos hindi na nila namamalayan ang oras, mga deadlines na sabay-sabay nilang hinahabol, mga project na halos hindi nila natulugan, at pati na rin ang mga kalokohan nilang ginagawa kapag break time na nagiging dahilan para kahit pagod na pagod sila ay nakakahanap pa rin sila ng lakas para tumawa.May mga pagkakataon pang sabay-sabay silang nagtatawanan dahil sa mga lumang kwento na ngayon lang ulit nabuhay. May ilan pa ngang napapahampas sa mesa sa sobrang tawa, haban
Hindi niya tuloy maiwasang mapailing nang bahagya habang nakatingin dito, dahil para bang kabisadong kabisado na ni Emilio ang iniisip niya. Kahit hindi niya sabihin, parang alam na agad nito kung ano ang gusto niyang mangyari.At sa totoo lang, gusto rin naman talaga niyang makausap ng maayos ang mga dating katrabaho niya. Marami siyang gustong itanong sa kanila, at sigurado siyang marami rin silang gustong itanong sa kanya.“I’m sorry, but come again, Mr. Villarrama? Contract signing? We are just here to present first,” nag-aalangan ulit na sambit ni Mrs. Saldova na parang natataranta na sa lahat ng nasasaksihan, lalo na sa sinabi ni Emilio na contract signing.Halos hindi pa rin nito mapaniwalaan ang narinig.Napahawak pa ito sa mesa habang nakatingin kay Emilio, na para bang hinihintay na sabihin nitong nagbibiro lamang ito dahil alam ni Mrs. Saldova na hindi ganon kadali ang makakuha ng Project sa ganitong companya.“Usually… we present first, then you decide if our proposal is
Chapter 85“Mrs Valderrama, they are already in the conference room. Ikaw na lang po ang hinihintay. Even Mr. Valderrama is already there waiting for your arrival.”Nang marinig ni Natalia yun ay agad siyang napatayo. Halos mapahigpit pa ang hawak niya sa folder na nasa harapan niya dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.This meeting was too important for Natalia, dahil ang Boss niya at ang iba nitong nasa team kung saan siya nagtatrabaho noon ang ka meeting niya.And she was too excited to see them again after how many months of leaving in their company.Marami na ang nagbago mula nang umalis siya roon, at kahit siya mismo ay minsan ay hindi makapaniwala kung gaano kalaki ang naging pagbabago sa buhay niya. From being one of the employees in that company… ngayon ay siya na ang nakaupo bilang President ng sarili niyang kumpanya.Well.. hindi naman yun talaga matatawag na pagbabago… Tinakalasan lang niya talaga lahat ng ito ngayon at bumalik lang.They are bidding the contrac







