Share

Kabanata Cuarenta y ocho

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2023-04-13 22:46:34

MATAPOS NA MAIHATID si Luna sa mansiyon ay ipinagkatiwala muna ni Marcus ang asawa sa pangangalaga ng Mayordomang si Myrna. Ibinilin niya pang huwang itong iiwan at palalabasin ng mansiyon habang wala siya't may aasikasuhing importante.

Sa may daan habang nagmamaneho ay tinawagan niya si Scarlette, “Si Alberto?”

“Ini-escort na sa van para mailipat na sa kulungan. May gusto ka bang ipasabi?”

“Kumuha ka ng samples, hibla ng buhok, laway o kahit ano na pwedeng gamitin sa DNA test.” Pagkatapos ay napasulyap sa passenger seat kung sa'n niya hinagis ang envelope na kanina'y nilamukos.

Walang maraming tanong ay um-oo si Scarlette. “Ako nang bahala,” aniya dahil maging siya ay hindi natutuwa sa ginawa ni Roces. Dapat mabigyan ng kalinawan ang lahat at matigil ang kalukuhang ginawa nito.

“Salamat,” ani Marcus saka tinapos ang tawag. Patungo siya ngayon sa ospital para makausap si Liliane.

Kung totoo man na si Alberto ang biological father ni Luna ay kailangan nitong managot sa nagawa nito kay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y tres

    KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y dos

    PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y uno

    MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta

    UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y nueve

    NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y ocho

    NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status