Share

Kabanata Ochenta y uno

MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.

“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”

“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.

“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.

Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.

“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.

Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”

Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status