Share

Kabanata Ochenta y dos

PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.

“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.

Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.

Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.

“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”

Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.

“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”

“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”

“Siya ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status