NAPANSIN ni Artemio kung saan ito nakatingin at nagtanong, "Kasama mo ba sila, Boss?""Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka huwag mo na akong tawaging boss, wala ka na sa kulungan."Nangiti si Artemio at umiling-iling. "Naku, mukhang mahihirapan ako riyan, dahil nasanay na akong tawaging boss.""Ayos lang kung hindi ka sanay," sagot ni Marcus at sumulyap sa driver na kanina pa niya napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror."Magandang araw, Boss," magalang na bati ng driver."Siya nga pala ang driver ko. Mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa akin," pakilala ni Artemio."Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir noong makabalik siya. Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa kanya," sabi ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus, wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at mga kaibigan.Isa siyang dating bilanggo sa Heaven na tinulungan noon ni Marcus na makalaya. Simula pa noon, matapos mapunta sa pangang
Terakhir Diperbarui : 2022-11-03 Baca selengkapnya