Share

Kabanata Ochenta

UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.

Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.

Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.

“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.

Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.

Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.

Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status