LIMANG MINUTO. Limang minuto na silang nakamasid sa abandonadong building ng walang ginagawa. Matapos maibigay ni General Rodriguez ang lokasiyon kung saan naroro’n si Scarlette at Olga ay agad nilang pinuntahan ang lugar... para lang tumunganga sa labas?! Panay ang sulyap ni Kurt kay Marcus na nakatitig lang sa building. Nag-uumpisa na siyang mainip. "Wala ba tayong gagawin? Tumatakbo ang oras.” Narito sila sa isang abandonadong bahay na nasa tapat ng building, nagtatago at nagmamasid. “Hindi tayo pwedeng sumugod ng basta-basta. Siguradong pauulanan tayo ng bala sa oras na makita tayo.” “Alam ko ‘yun, pero kasi….” Sumuko si Kurt. Walang maidahilan dahil tama si Marcus. “Kanina pa walang nagbabantay sa labas ng building,” ang sambit ni Marcus. Maaaring nakatago at inaabangan na ang pagdating ng inaasahan ng mga ito, si General Allan. “Pansin ko rin, sa tingin mo’y makakalapit tayo?” ani Kurt. Dahil walang kahit na anong makikitang drums o kahit ano man lang na maaaring mapagtagu
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Olga sa dalawa. Naguguluhan kung anong nangyari sa mga ito. “Captain!” Lumapit si Kurt para ilayo ito kay Marcus sa takot na baka ulitin nito ang ginawa. Dahan-dahan namang tumingin si Marcus kay Scarlette. Walang mababakasang ekspresiyon kaya hindi matukoy ni Olga kung galit ba ito o hindi. Pero umiling lang si Marcus saka sila iniwan na litong-lito pa rin. “Ano ba talaga ang nangyari sa inyo, Captain?” tanong ni Olga habang nakasunod ang tingin kay Marcus na nakalayo na. “May ginawa bang masama si Warden Lopelion sa ‘yo?” si Kurt, saka tiningnan ang braso't balikat nito. “Wala—!" Muntik nang mabuwal si Scarlette sa biglaang kilos. Mabuti na lamang at agad na umalalay si Kurt. Saktong napatingin si Olga sa hita ni Scarlette. “Nagdudugo ka, Captain!” Agad siyang lumapit dito at sinuri ang sugat. Umurong si Scarlette at mangiwi-ngiwing kinagat ang ibabang labi. “Tinamaan ako ng bala kanina. Pero mukha namang mababaw lang—!” Walang ano-ano’y binuha
SAKAY NG HELICOPTER ay nilisan ni Marcus ang lugar. Tapos na ang kanyang misyong iligtas si Scarlette at Olga kaya babalik na siya.At habang nasa himpapawid ay mag-isa niyang nilinis ang sugat sa braso. Hindi gano’n ka lalim ang daplis ng bala kaya sigurado siyang makakaya niya ang kirot hanggang sa trabaho.“Sir, ayos lang kayo? Gusto niyo bang tumawag ako ng medic pagbaba natin?” tanong ng piloto.“Hindi na kailangan.” Sabay punas sa pinagpapawisang noo.Hindi na rin nagkomento ang piloto sa pagtanggi niya’t nag-focus na sa pagmamaneho.Mabilis silang nakabalik at agad rin siyang umalis matapos makapagpasalamat sa piloto.Sumakay siya sa kotse at mabagal na pinatakbo ito. Dahil na
MABILIS ANG LAKAD na sumunod si Luna sa staff’s personnel na tumulong sa kanyang maihatid si Marcus sa emergency room.May lumapit agad na doctor upang tingnan si Marcus. “Sinong guardian—”“Ako po! I'm the w-wife.” At lumapit si Luna.“Sa'n niya nakuha ‘tong sugat?”“I-I don’t know. Umuwi siya ng bahay na may sugat na.”“Halatang na-infection ‘to dahilan kung bakit ganto kataas ang lagnat niya. Dumaan ka na ba sa counter?”Umiling si Luna.“Ibigay mo muna ang information mo sa staff na naka-assign.” Tapos ay muling tiningnan si Marcus. “And I think, tama ‘to ng baril. May mga galos din siya at kaunting bugbog sa ibang parte ng katawan. We need to call a police and report this.”“No need—” agap ni Luna. “He's a warden. B-baka nakuha niya ang sugat sa trabaho.”Tumango ang doctor at hindi na nagtanong pa.Kinapa ni Luna ang bulsa at naalalang naiwan niya ang cellphone sa kotse. Kailangan niya ‘tong balikan para matawagan ang magulang.Hindi na pwedeng ilihim ang sitwasyon ngayon ni Mar
KALAHATING TAON na ang nakakalipas, nang makilala ni Luna ang Ginang na lumapit sa kanya habang nasa business trip siya no'n sa Singapore.Sa may mall kung saan siya namimili ng bagong bag sa isang well-known brand store. Ina-assist siya that time ng sales lady nang may isang babaeng lumapit at nagtanong sa sales lady’ng kausap niya.Sa damit pa lang at suot na alahas ay alam na ni Luna na mayaman ang babae o tamang sabihin na Ginang.Ramdam niyang hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang Ina.Saglit na umalis ang sales lady upang magtawag ng ibang staff na siyang mag-a-assist sa Ginang.At habang naghihintay ay inabala ni Luna ang sarili sa pagtingin sa mga bag na naka-display. Hanggang sa kinausap siya ng Ginang. Doon ay nalaman niyang Pinay rin itong tulad niya.Magkagano'n man ay isa pa rin itong estranghera kaya’y ngumingiti at tumatango lang siya kapag kinakausap nito hanggang sa makabalik ang sales lady.Matapos mabili ang kailangan ay umalis din siya agad. Ilang minutong pag-ii
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Lucas sa dalawa matapos ‘yung tanungin ni Corazon.“Baka sa mga social-politics gatherings?” tugon ni Allan. “Siya kasi ang uma-attend kapag hindi ko magawang pumunta dahil sa trabaho.”“Yes, Tita,” sang-ayon ni Lucas. “And very sociable pa kaya madalas na siya ang gusto ng iba na uma-attend, no offense meant, General.”Natawa naman si Allan sa pahayag ni Lucas. “Totoo ‘yan, kaya nga ayoko na talagang nagpupunta sa mga party na ‘yan dahil ang asawa ko ang laging hinahanap.” At muling natawa.Kahit si Amelia at Lucas ay natawa rin sa komento ni Allan.Kaya nakisabay na rin si Corazon kahit pa malakas ang kutob niyang hindi pa niya nakita ni minsan noon si Amelia.Hindi rin naman nagtagal ang usapan dahil kailangan ng umalis nila Allan. At habang nasa sasakyan ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Amelia.Pansin ‘yun ni Allan. “May problema ba?”Umiling siya. “Napagod lang siguro ako sa biyahe. Medyo kulang ako sa tulog ngayon.”Umusog palapit si Allan. “G
TININGNAN ni Andrew si Mr. Roces, mula ulo hanggang paa. Sa suit at relo na suot, hanggang sa mamahaling sapatos. Lahat ay sumisigaw ng karangyaan kaya nagduda si Andrew kung bakit gusto nitong tulungan sila? Sila na pinaghahahanap ng alagad ng batas. “Gusto mo kaming tulungan? Anong kapalit?” diretsahan niyang tanong. Matalim ang tingin ni Alberto at saka tiningnan ang kasamang lawyer. Ito ang magpapaliwanag ng dapat na gawin ng grupo. Inumpisahang ipaliwanag ng lawyer ang plano at kondisyon. Ngunit hindi nagustuhan ni Andrew ang sinabi nito. “Ano?! Hindi ko binuong muli ang grupo para lang maging alipin ng kung sino lang.” Nagkatinginan si Alberto at Mr. O. “Masiyadong hambog ang pinakilala mo sa ‘min. Ayokong mag-aksaya ng oras kaya aalis na lang kami.” Tumalikod si Alberto upang umalis. Tumango naman si Mr. O at hindi ito pinigilan. “Pasensiya sa istorbo, ihahatid ko na kayo sa labas.” “S-sandali lang!” pigil ni Andrew. “P-pa’no kami Mr. O.?” “Tulad ng sinabi ko. Hindi ko
SA MAY KAKAHUYAN ay tinungo nila Scarlette ang lugar kung sa'n sinasabing natagpuan ang patay na katawan ng isang lalake. At kahit paakyat ang daang tinatahak ay hindi niya iyon alintana, makita lang sa malapitan ang sinasabing bangkay ni Andrew. May ilang sibilyan ang nais makiisyoso sa nangyayari na pinapauwi ng ilang pulis na nakaharang. Pinapasok naman sila agad matapos magpakilala. Nakaalalay sa magkabilang bahagi ni Scarlette ang dalawa dahil malubak at matalahib ang daan. Napalingon ang kasamahan nilang pulis. “O, anong ginagawa niyo rito?” Ito ang kausap kanina ni Scarlette na nagsabing magtutungo sa kabilang bayan. “Anong sabi? Si Andrew ba talaga ang bangkay?” balik tanong niya. “Inaalam pa ng SOCO. Masiyadong wasak ang pagmumukha kaya baka matagalan ang pagkumpirma. Siya ba ‘yung na-encounter niyo?” Tumango si Scarlette pero ang tingin ay nasa nakataob na katawan ‘di umano ni Andrew. Nakapaling ang mukha sa kabilang direksyon pero makikitang dumanas ito nang paghihira