“Ahh! Ang sakit ng ulo ko, shit!”
Sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko magawa na maidilat ang mga mata ko. Nalasing yata ako ng sobra-sobra kagabi. Walanghiya talaga ang Stan na iyon, sinabi ko na ayaw ko na mag-inom at gusto ko lamang na makapag-isip kaya ako nagpunta rito sa Mindoro, pero sumunod pa ang loko at nilasing ako.
Mamaya na lamang ako babangon at itutulog ko na lamang muli ang hung-over ko. Kinapa ko ang unan sa tabi ko, pero iba ang nakapa ko. Braso? Bakit may braso? Argh! Buwiset na Stan at nakitulog pa rito. Kahit kailan talaga ay pang-asar ang lalaki na ito. Bakit ko ba ito naging kaibigan?
"Stan! Arghh." sigaw ko sa kan'ya sabay itinulak ko siya.
"Araaaay!" Nagulantang ang sistema ko sa kakaibang tili na narinig ko. Kanino ang boses na iyon? Hindi boses ni Stan iyon.
Agad ako na napabalikwas sa pagkakahiga at napasilip sa kabilang gilid ng kama kung saan ko inaakala na nahulog si Stan. Laking gulat ko nang pagsilip ko ay mukha ng isang babae na salubong na salubong ang kilay ang pupungas-pungas pa pero matatalim ang tingin na ipinupukol sa akin.
"Hoy! Sino ka? Bakit ka naririto? At bakit mo ako tinulak? Bastos na lalaki ka!" galit na galit na sigaw din niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa kaalaman na may kasama ako na babae sa kuwarto. Shit! Gaano ba ako kalasing kagabi at hindi ko na namalayan na nakipag one-night stand ako? Napatitig lang ako sa babae at unti-unti rin ang pagbilog ng mga mata niya.
“Hoy! Bastos ka!” Muli na sigaw niya sabay sinilip ang katawan sa loob ng nakabalot na kumot na kasama niya na nahulog nang maitulak ko siya.
"Teka nga, miss, huwag ka nga sigaw nang sigaw. Lalo nang sumasakit ang ulo ko sa’yo. Sino ka ba?"
"Hoy, lalaki ka, at paano na hindi ako sisigaw? Bastos ka! Tinulak mo ako. Wala kang respeto sa babae! Buwiset ka! Bakit ka ba nanunulak?"
Dahan-dahan siya na tumayo sa sahig at habang ang mga mata ay matalim na nakatitig pa rin sa akin ay umupo muli sa kabilang gilid ng kama kung saan siya nakahiga kanina lamang.
"Sino ka ba at ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka narito sa kuwarto ko?” Sunod-sunod na tanong ko, umayos pa ako nang pagkaka-upo upang makasandal sa ulunan ng kama. "At tsaka, may damit ka ba riyan sa loob ng kumot? Kumpleto ba ang damit na suot mo?" tanong ko sa kan'ya.
"Aba! Bastos! Manyak!" Isang unan ang diretso na tumama sa pagmumukha ko bilang sagot sa tanong na iyon.
What the fuck?! Agad na nabubuhay ang galit sa akin pagkatapos na batuhin ako ng unan ng babae. Napaka-war freak ng babae na ito!
"Ano ang bastos doon? Nagtatanong lang naman ako ng maayos sa’yo? At ano ang manyak do’n? Hindi nga ako nalapit sa’yo, manyak pa ako?" Inis na sagot ko sa kan'ya at saka ko inihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko.
Pilit ko na pinipigilan ang inis na nararamdaman ko. Sino ba itong babae na ito? Lalo na sumasakit ang ulo ko sa kakasigaw niya. At ano ba ang masama sa tanong ko? Gusto ko lang naman masiguro kung may nangyari ba sa amin o wala.
Naka-shorts naman ako pero wala ang t-shirt ko, kaya hindi ko alam kung ano ba ang rason at narito siya, at wala rin ako na matandaan sa mga nangyari kagabi.
"Manyak ka kay aga-aga gusto mo maka-isa sa akin? Ang kapal mo lang! Ano ang akala mo sa akin, bayaran na babae? Ayusin mo ang buhay mo at nanggigigil ako sa’yo talaga!"
"Hoy! Miss, ang layo na nang narating mo. Ang tanong ko lang sa’yo ay kung naka-damit ka ba riyan o n*******d ka dahil hindi ko alam kung sino ka at bakit ka narito sa kuwarto ko? At isa pa, hindi ako sigurado kung may nangyari sa atin o wala." Paliwanag ko sa ka’nya kahit naiirita na ako talaga sa pagkabungangera niya. Maganda pa naman sana, napakabungangera naman.
"Ano?! May nangyari sa atin? Halimaw ka! Buwiset ka!" Akma na naman niya ako na hahampasin ng unan nang hawakan ko ang mga kamay niya upang pigilan. “Bitiwan mo ako! Sisigaw ako! Sisigaw talaga ako kapag hindi mo ako binitiwan."
"Miss, sumisigaw ka na! Ano ang tawag mo sa ginagawa mo, bulong? Naririndi na ako sa boses mo, kaya puwede ba tumahimik ka?"
"Hoy, lalaki na guwapo sana, kaso masungit, bitiwan mo nga sinabi ako."
Ano raw? Guwapo pero masungit? Paano naman na hindi ako magsusungit? Batuhin ba naman niya ako ng unan sa mukha tapos sobrang ingay kay aga-aga, lalo tuloy na sumasakit ang ulo ko.
"Bibitiwan kita pero puwede kumalma ka naman? Ang sakit mo sa ulo at sa tainga. Ang sakit na nga ng ulo ko sa kalasingan ay dumadagdag ka pa na walang tigil sa pagbubunganga at kasisigaw."
Tumahimik siya at agad na napakagat sa kan’yang labi. Napatitig tuloy ako sa kan'ya sa mga ikinilos niya. She's cute. Maganda naman pala talaga lalo na sa malapitan, huwag lang bubuksan ang bibig na sobra ang ingay.
"Ngayon, kalma ha nang magkaliwanagan tayo. Para sabihin ko sa’yo, tanong iyon, tanong. Hindi ko sinasabi na mayroon nangyari sa atin. Kaya nga ako nagtatanong ay para masigurado ko dahil wala ako na maalala sa sobra na kalasingan."
Tumango-tango siya kaya binitawan ko ang mga kamay niya at muli na nagsalita. "Ano, nakadamit ka ba riyan sa loob? Hindi ka naman n*******d?"
Muli naman niya na sinilip ang katawan niya. "Wala ang palda ko. Hala! Nawawala ang palda ko! Nasaan ang palda ko!? Pero ang sando ko ay suot ko naman!"
Shit! Nagsisigaw na naman ang babaeng bungangera. Pero teka, ano raw? Nawawala ang palda niya? Naka-underwear lang siya sa ilalim ng kumot na iyon?
Hindi maiwasan na maglikot ng utak ko sa oras na iyon. May kung ano na nabubuhay sa katawan ko na pilit ko na muli na pinapatulog bago pa man na mapansin ng babae na histerikal.
"Na-nawawala ang palda mo?"
"Oo, pero naka-cycling shorts naman ako. Ano ang akala mo, naka-panty lang ako? Mukha mo ay sinusuwerte kung matutulog ako na naka-panty lang na katabi ka."
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lamang din at kumalma ang alaga ko nang muli siya na magsalita. Maganda lang talaga basta hindi nagsasalita. Saan ba nanggaling ang babae na ito?
"Sigurado na tayo na walang nangyari sa atin kasi parehas naman tayo na nakadamit."
"Ganoon ba iyon? Basta nakadamit ay sure na walang nangyari? Paano kung binihisan mo lamang ako, pero sa totoo ay inisahan mo pala ako?" muli ang makulit na tanong niya.
Saan ba talaga nanggaling ang babae na ito at lubha na pinapasakit ang ulo ko sa mga tanong niya.
"Bakit masakit ba ang katawan mo? Hindi ka ba makalakad?"
"Ayos naman, maliban sa masakit ang balakang ko dahil walanghiya ka tinulak mo ako sa kama."
"Puwes, sigurado ako na walang nangyari sa atin." matipid na sagot ko.
"Weh?! Sure ka? Wala talagang nangyari sa atin?"
"Oo, dahil kung may nangyari sa atin ay baka hindi ka na makalakad ngayon."
Nanlaki ang mata niya at bigla na itinutok ang tingin sa nakaumbok na harapan ko. Agad ko na kinuha ang unan at tinakpan iyon. "Hoy! Babae ka, bakit ka tumitingin, ha?"
"Bakit ba? Ikaw nga ay panay ang tingin mo sa labi ko kanina pa, may narinig ka ba sa akin?"
"Ang sakit mo talaga sa ulo. Puwede ba sagutin mo na lang ako, sino ka ba at ano ang ginagawa mo rito?"
"Nasaan ba kasi tayo? Paano kita masasagot kung hindi ko nga alam kung nasaan ako."
"Narito ka sa bahay ko."
"Bahay mo ito? Mayaman ka pala. Ano ang pangalan mo?"
"Ako ang nauna na nagtanong sa’yo. Sino ka?"
"Sungit. Tamara ang pangalan ko. Tamara Ilustre." sagot niya habang muli na nahiga sa kama. Pinagmasdan ko siya, simple lang ang lahat sa kan’ya, pero hindi maikakaila na maganda siya. "Ikaw, sungit, ano ang pangalan mo?"
"Mikel. Mikel Lucero." matipid na sagot ko.
"Wala rin ako na maalala sa kagabi, maliban sa umiinom ako ng alak sa tabing-dagat. Sa tingin mo, bakit kaya tayo magkasama?" Tanong niya sa akin habang nilalaro ang mga daliri, nang mapahinto siya at hawakan ang singsing na suot-suot.
"Hindi ko alam. Wala rin ako na matandaan kung saan tayo nagkita o nagkakilala. Basta masakit ang ulo ko dahil sa hung-over." Hinimas ko pa ang ulo ko at may kung ano ako na naramdaman sa mga daliri ko.
Tiningnan ko ang mga kamay ko at may singsing na nakasuot sa daliri ko. Kailan pa ako nagsingsing? Napatanong ako sa isip ko.
Lumingon ako sa babae na kausap ko na kanina lamang ay walang preno kung mag-ingay. Napansin ko ang bigla na pananahimik niya at nakatunghay lamang din siya sa singsing na suot-suot niya. Iniikot-ikot niya iyon sa kan’yang palasinsingan.
"Kanino kaya galing ang singsing na ito?" Mahina na salita niya habang patuloy na ine-eksamin ang singsing na suot-suot.
Muli ko siyang tinitigan nang marinig ang sinabi niya. Ano raw? Hindi niya alam kung kanino galing ang singsing na suot niya? Baliw talaga ang babae na ito. Teka, kung makasabi ka ng baliw eh ikaw rin naman, Mikel, hindi mo alam kung kanino ang suot mo na singsing.
Muli sana ako na magsasalita, ngunit mga katok sa pintuan ang aming narinig, kasunod nito ay ang malakas na pagsasalita ni Stan sa kabilang gilid ng pinto.
"Nakabihis naman kayo, diba? Papasok na ako." sigaw pa niya.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang matalik ko na kaibigan na si Stan na ngiting-ngiti na nakatunghay sa amin dalawa ng babae.
"Good morning, newlyweds!"
Napailing ako at natigilan ang babae. Nang rumehistro sa amin dalawa ang sinabi ni Stan ay sabay kami na napasigaw.
"Ano?!"
"What?!"
Flashback. Ang mga Pangyayari sa Nagdaang Gabi Tahimik na naglalakad sa tabing-dagat si Mikel. Pinagmamasdan ang mga naghuhurumentado na alon. Kagaya nang nararamdaman niya ngayon ay naghuhurumentado rin ang puso niya. Hindi niya alam kung paano muli na pupulutin ang sarili matapos ang katotohanan na sumambulat sa kan’ya. Isang linggo na. Isang linggo na ng walang pasabi na umalis siya ng Maynila at pumunta rito sa sikreto niya na bahay sa Mindoro. Tanging siya at si Stan, na matalik na kaibigan niya lamang ang nakakaalam ng tungkol sa pagbili ng bahay na ito. Isa sana ito sa ireregalo niya para kay Janine, ang babae na nakatakda niya na pakasalan. Mahilig ang babae na magpunta sa dagat kaya alam ni Mikel na magugustuhan ng nobya niya ang bahay na iyon. Ngunit hindi na niya ito makikita. Isang linggo na buhat nang magunaw ang mundo ni Mikel sa labis na sakit na nararamdaman niya dahil sa babae na inalayan niya ng buong puso na pagmamahal. "Mikel! Yoohoo, Mikel! Sinasabi ko na nga
Hanggang ngayon ay pareho kami na tulala ng babae na asawa ko na raw ngayon, na nagngangalang Tamara. Pagkatapos namin marinig ang mga paliwanag ni Stan sa mga nangyari kagabi ay pareho kami na walang maapuhap na salita. Habang ikinukuwento ni Stan ang bagay na iyon ay unti-unti ko rin naaalala nang pahapyaw ang ilan bahagi ng mga pinaggagagawa ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Kung bakit ko nagawa na magpakasal sa isang babae na hindi ko kilala at wala ako na kahit na ano na pagkakakilanlan ay hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mataas na pagpapahalaga ko sa salitang kasal ay nagawa ko na magpakasal sa isang babae na hindi ko mahal. Isa pa sa gumugulo sa akin ngayon ay ang pangako ko sa aking sarili na hindi kailanman makikipaghiwalay kapag ako ay nakasal na. Ang pangako ko na pipilitin ko na ayusin ano man ang problema kaysa sa humanap ng kaligayan sa iba. Ngunit sa estado ngayon, paano na hindi ako m
Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag si Tamara sa suhestiyon ko na kailangan namin na tapusin at itama ang nagawa namin na pagkakamali. Hindi na namin dapat pa na dagdagan ang mga problema sa pareho namin na magulong buhay. Nanatili si Tamara sa pagkakaupo sa kama at animo ay may sarili siya na mundo. Hindi na siya muli na nagsalita pa pagkatapos sa naging pagpayag niya kanina. Alam ko na may matindi na bumabagabag sa isipan niya ngayon. At sigurado ako na ito ang nabanggit niya na naging pagtakas niya sa kasal. May parte ko na nais malaman ang totoo na istorya ng buhay niya, lalo na at nakikita ko sa mga ekspresyon ng mukha niya ang kaguluhan at takot. Tiyak ako na mas mabigat ang kinakaharap niya na problema kaysa ang sa akin na naloko ng nobya. "Ayos ka lang ba, Tamara?" Nag-aalangan na tanong ko sa kan’ya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang babae na ito na paiba-iba ang emosyon bawat minuto. Hindi siya sumagot at sa halip ay pagtango lamang ng kan’yang
"Tamara, naka-jackpot ka na sa wakas! Ang guwapo ng asawa mo at ang ganda pa ng katawan. Parang modelo na, artistahin pa, kaso naman ubod ng sungit at nakakabuwisit ang pagkamanyak." Ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko simula nang bumalik ang alaala ko sa lahat ng kalokohan na pinaggagagawa ko kagabi. Mga kalokohan na naglagay sa akin sa sitwasyon ko na ito. Ano nga ba ang pumasok sa isipan ko at basta na lamang ako na nagpakasal sa isang tao na hindi ko kakilala? Tumakas ako sa isang kasal para lamang na mauwi rin sa pagiging kasal na. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng problema at kaguluhan. Kahit saan ako magpunta ay tiyak na may problema na nakabantay sa akin. At simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. Iniisip ko kung ano ang mas makakabuti na gawin ngayon sa aking sitwasyon. May ideya na tumatakbo sa aking isipan, pero sa hilatsa ng ugali ng lalaki na iyon ay hindi ako sigurado kung uubra ang nais ko. Ano ba ang matindi na pinagdaraanan ng mokong na iyon at muk
"Ano? Pumapayag ka sa suhestiyon ko? As in, sumasang-ayon ka na sa gusto ko? Mananatili tayo na kasal?" Sunod-sunod na tanong ko kay Mikel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon kadali ko lang siya na mapapapayag sa nais ko na mangyari. "Yeah, payag ako. Pero kailangan natin na magkaroon ng malinaw na kasunduan sa lahat ng bagay-bagay. I don't want any loop holes on this." "Sige, payag ako. Game na?!" Nakataas pa ang kilay niya sa akin habang patuloy na sumusubo ng pagkain. "Game na? Laro ba ito?" "Asus naman! Ang ibig ko sabihin ay tara na at pag-usapan na natin ang lahat." "Kumain ka muna." utos niya pa sa akin. "Puwede naman natin pagsabayin ang pagkain at pag-uusap. Kaya simulan na natin ang usapan tungkol sa kasunduan." "I don’t like talking while I am eating. Kaya puwede ba, keep your mouth shut at kumain ka na lang muna. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaingayan mo." Napasimangot na lamang ako sa mga sinabi niya. Nirolyohan ko pa siya ng aking mga mata bago ko
"Ay, teka bago mo pala sabihin ang mga kondisyon mo, puwede ba na magtanong muna ako?" Kita agad ang kan’yang iritasyon sa pagpuputol ko agad sa tangka niya na pagsisimula na magbahagi ng kan'yang mga kondisyones. Tumango lamang si Mikel sa akin ng pilit kaya ipinagpatuloy ko na ang itatanong ko. "Wala ka bang sabit?" Tumaas ang kilay niya sa akin at halata ang pigil na inis niya. "Sabit?" Nakaarko pa ang kilay niya sa akin nang magtanong siya. "Sabit. Like asawa, o kaya ay jowa? Gusto ko lang masiguro na hindi kabit ang labas ko sa lahat ng ito. Aba, wala akong balak na maging number two." "Sa tingin mo ba ikakasal tayo ng tiyuhin ni Stan kung may asawa na ako?" "May point ka naman do’n. Jowa. Baka mayro’n ka na naiwan sa Maynila?" "Wala. Wala na." Hindi ko sigurado, pero may bahid ng kalungkutan ang pagtugon niya ng wala na. Ano kaya ang nangyari sa love story niya? "Ngayon, puwede na ba tayo na magsimula?" Itinaas baba ko naman ang ulo ko bilang sagot sa kan’ya. "Simple lang
"Kamusta, newlyweds!?" Ito ang bati sa amin ng kaibigan ni Mikel na si Stan nang lumabas kami ng bahay niya at naisipan na mananghalian sa may resort na malapit dito. "Ang lakas talaga ng radar mo kapag kainan, ano" Paano mo naman nalaman na narito kami?" tanong ni Mikel sa makulit niya na kaibigan. "Bro, naman, alam mo naman ako, naaamoy kita kahit nasa malayo ka pa lang." Naiiling na lamang ako na nauna nang maglakad sa kanila. Kahit paano naman ay talaga na may natitira pa rin ako na hiya sa katawan ko at ayaw ko nang makigulo sa usapan nila na magkaibigan. Nagulat ako ng may mga braso na umakbay sa akin, kaya agad ko iyon na siniko ng malakas sa tagiliran. "Aww! Walanghiya! Amasona ka ba, asawa ni Mikel? Mapanakit ka rin eh." "Bakit ba kasi may pag-akbay ka pa?! Close ba tayo? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos kung makadikit ka na agad sa akin ay akala mo naman matagal na tayo na magkaibigan?" singhal ko naman. Nasulyapan ko pa ang pag-iling ni Mikel sa pagtatalo na naman
Pag-arte. Ang lahat ng ito ay isang palabas lamang. Tama si Mikel. Kailangan namin na umakting na parang mahal na mahal namin at gustong-gusto namin ang isa’t-isa upang mapapaniwala namin ang aming pamilya. Ngunit paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung palagi naman na pinapa-init ng lalaki na ito ang ulo ko? "Ano ito, Kel? Bukal sa loob mo nang tinatanggap ang naging kasalan ninyong dalawa?" Ang boses ni Stan ang kumuha ng atensyon ko kung kaya’t tahimik na lamang ako na nakikinig sa usapan nila. "Well, wala naman na kami na ibang magagawa pa. Kusang-loob kami na nagpakasal kagabi, kaya kailangan naming na panindigan iyon ngayon na kusang-loob din." "Masaya ako na hindi ka nagwawala ngayon. It seems like si Tamara ang susi para tuluyan mo na makalimutan si Janine." Janine? Sino si Janine? Iyon ba ang nobya niya na hiniwalayan niya? Ano kaya ang istorya ng buhay niya? Napaarko ang kilay ko nang tapunan ko siya ng tingin. Bago pa man ako makapagtanong ay muli siya na nagsalit