Home / Romance / Married to the Ruthless Billionaire / CHAPTER 5 – The Contract Marriage

Share

CHAPTER 5 – The Contract Marriage

Author: MSDELILAH
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-26 03:10:05

Hindi agad nakagalaw si Alina sa kanyang kinauupuan. Sa harap niya, ang makapal na dokumentong ibinigay ni Alexander Vale ay tila naging isang nagbabagang bakal—mabigat, nakapapaso, at imposibleng hawakan nang matagal.

Ang katahimikan sa loob ng marangyang opisina ay nakabibingi. Ang tanging naririnig niya ay ang monotonous na ugong ng air conditioner at ang marahas na kabog ng sarili niyang puso.

Contract marriage.

Hanggang ngayon, tila tumatalbog lang ang mga salitang iyon sa kanyang isipan, ayaw mag-sink in.

Tumingin siya sa bilyonaryong nasa harap niya. Alexander sat there, perfectly composed. Walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha, na tila ba ang pag-aalok ng kasal sa isang estranghera ay kasing-karaniwan lang ng pagpirma sa isang business delivery receipt.

“Hindi ko maintindihan,” pag-amin ni Alina, ang kanyang boses ay bahagyang nanginginig.

“Bakit ako?”

Sumandal si Alexander sa kanyang leather chair, ang mga daliri ay magkakasalikop. “Because you’re convenient.”

Napakunot ang noo ni Alina. “Convenient?”

“Oo.” Diretsong tumitig sa kanya ang mga malamig na mata nito. “Wala kang pamilyang makikialam sa mga desisyon ko. Wala kang mataas na status na kailangang protektahan o idedepensa. At higit sa lahat… kailangan mo ng tulong ngayon.”

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alina. Hindi niya magawang itanggi ang katotohanan. Isa siyang bukas na libro ng kamalasan. “Pero kasal pa rin ’yan,” giit niya. “Hindi ’yan basta simpleng deal lang sa negosyo.”

“Legally, it is,” maikling sagot ni Alexander.

Muling ibinaling ni Alina ang tingin sa kontrata. Nakasaad doon ang lahat: Temporary marriage. Financial support. Total protection. At ang pinakamalinaw na kondisyon na tila nakasulat sa dugo—No love. No emotions. Pakiramdam niya ay may mali. Hindi siya nabibilang sa mundong ito—sa mundo kung saan ang pagkatao at relasyon ay may katumbas na presyo at pinapatunayan ng mga pirma. Huminga siya nang malalim at tumayo, bitbit ang kanyang bag.

“Pasensya na,” sabi niya, pilit na pinatatag ang boses.

Bahagyang napaangat ang kilay ni Alexander, isang senyales ng interes. “Hindi mo kaya?”

“I can’t do this.

Sandaling natahimik ang lalaki, pero hindi ito bakas ng pagkagulat. Parang kalkulado na nito ang bawat hakbang niya. “Take the contract,” utos nito nang makitang papalayo na siya.

“Bakit pa?”

“In case you change your mind.”

Napabuntong-hininga si Alina. “Hindi ako magbabago ng isip.” Pero sa kabila ng kanyang matigas na pananalita, kinuha pa rin niya ang dokumento. Siguro dahil sa sulok ng kanyang isipan, may maliit na bahagi ng kanyang sarili na natatakot sa dilim na naghihintay sa kanya sa labas ng gusaling ito.

Paglabas niya ng Vale Group Building, sinalubong siya ng malagkit na init ng hapon. Umupo si Alina sa isang bench sa tapat ng kalsada, pakiramdam niya ay hinigop ang lahat ng lakas niya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone. Limang missed calls mula sa kanyang landlord. Tatlo mula sa isang unknown number. Hindi na niya binalak pang basahin ang mga text. Sa halip, binuksan niya ang kanyang social media.

At doon, tuluyan nang gumuho ang kanyang mundo.

Isang video ang nasa tuktok ng kanyang feed. Isang press conference. Sa gitna ng kislap ng mga camera ay si Marco—ang lalaking nangako sa kanya ng kailanman. Nakasuot ito ng mamahaling suit, mukhang matagumpay at masaya. Sa tabi nito ay si Clara Davenport, ang tagapagmana ng isang dambuhalang korporasyon, ang babaeng ipinalit sa kanya.

“Mr. Dela Cruz, totoo bang engaged na kayo ni Miss Davenport?” tanong ng isang reporter.

Ngumiti si Marco, ang ngiting dati ay nagpapakalma kay Alina, pero ngayon ay tila lason sa kanyang paningin. “Yes. I’m very lucky to have Clara in my life.”

Parang may sumaksak sa dibdib ni Alina. Pero hindi pa doon natapos ang lahat.

“May balitang kumakalat na may ex-girlfriend kayong nag-aangking buntis siya sa inyo?” tanong pa ng isa.

Tumawa si Marco. isang maikli at mapang-uyam na tawa. “Oh, that? That’s just my ex being obsessive. Some people just can’t accept rejection.”

Narinig ni Alina ang tawanan ng mga tao sa video. Ang bawat halakhak ay parang sampal sa kanyang pagkatao. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binabasa ang mga comments:

“Gold digger siguro ’yan.”

“Buntis daw? Baka naman kanino lang nakuha, tapos isinisisi kay Marco.”

“Desperate woman. Poor Clara, nadadamay sa baliw na ex.”

Unti-unting lumabo ang paningin ni Alina. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha sa screen ng cellphone. Pinahiya siya sa harap ng buong bansa. Hindi lang siya iniwan; dinurog din ang kanyang dangal.

Napahawak siya sa kanyang tiyan. “Anak…” bulong niya sa gitna ng hikbi.

Wala siyang trabaho. Palayas na siya sa kanyang tinitirhan. At ngayon, ginawa siyang katawa-tawa ng lalaking minahal niya. Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, muling naglaro sa kanyang isipan ang boses ni Alexander:

Your child will be protected.

Mahigpit niyang niyakap ang kontrata sa kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon, ang takot sa kanyang mga mata ay napalitan ng isang mapanganib na determinasyon.

Pagkalipas ng isang oras, muling bumukas ang pinto ng opisina ni Alexander. Nagulat ang assistant nito nang makita ang pawis at mugtong mga mata ni Alina.

“Miss Reyes?”

“Nandito ako para kay Mr. Vale.”

Pagpasok niya sa loob, nandoon pa rin si Alexander, nakatayo sa harap ng malawak na bintana habang nakatanaw sa city lights. Hindi man lang ito lumingon nang marinig ang kanyang mga yapak.

“I thought you said no,” malamig na saad nito.

Lumapit si Alina sa mesa at marahas na inilapag ang kontrata. Huminga siya nang malalim, pilit na itinatago ang galit at sakit na nag-uumapaw sa kanyang sistema. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ng bilyonaryo.

“Fine. I’ll marry you.”

Katahimikan. Isang segundo. Dalawa.

Isang tipid at misteryosong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alexander. Hindi ito ngiti ng tagumpay, kundi ngiti ng isang taong nakuha ang huling piraso ng kanyang puzzle.

“Good decision,” sabi nito habang nauupo at kinukuha ang ballpen.

“Welcome to the deal, Mrs… soon-to-be Vale.” Napangiwi si Alina sa apelyidong iyon, pero hindi na siya umimik. Pinirmahan niya ang dokumento nang mabilis, bago pa siya mawalan muli ng lakas ng loob.

Habang abala si Alina sa pagpirma, tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Alexander. Ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig, pero sa loob ng kanyang isipan, may ibang planong naglalaro.

Perfect.

Bahagya siyang sumandal at tumingin sa tiyan ni Alina. Dahil ang batang dinadala nito… ang batang iyon ang eksaktong susi sa kailangan niya. Hindi pa alam ni Alina na ang kasal na pinasok niya para sa kaligtasan ay bahagi lamang ng isang mas malaki at mas mapanganib na plano ng isang lalakeng hindi kailanman nagpapatalo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Ruthless Billionaire   CHAPTER 37 - Years Later

    Limang taon.Para sa nakararami, ang limang taon ay sapat na panahon upang makalimot, upang maghilom ang mga sugat, at upang magsimulang muli. Ngunit para kay Alina, ang bawat araw na lumilipas ay tila isang pahina lamang sa isang makapal na aklat ng pagtitiis. Ang kaniyang buhay sa maliit na bayan sa Cagayan ay naging payak ngunit puno ng sakripisyo. Ang kaniyang mga kamay na dati ay sanay sa kalyo ng paglalaba at pagluluto ng kakanin ay unti-unti ring nakahanap ng ginhawa nang makakuha siya ng trabaho bilang isang klerk sa munisipyo, salamat sa kaniyang sipag at pagiging matalino.Sa kabila ng hirap na kaniyang dinanas, tila hindi nagawang nakawin ng panahon ang kaniyang kagandahan. Sa katunayan, ang pagiging isang ina ay tila nagdagdag pa ng ningning sa kaniyang mga mata at kapanatagan sa kaniyang tindig. Sa edad na dapat ay nasa rurok ng kaniyang kabataan, si Alina ay nananatiling mukhang dalaga—may makinis na balat na tila hinalikan ng araw at isang aura na mahinhin ngunit matata

  • Married to the Ruthless Billionaire   CHAPTER 36 - In the Midst of Toil and Tenderness

    Third person POVAng madaling-araw sa probinsya ay may dalang kakaibang ginaw—isang uri ng lamig na nanunuot sa buto ngunit nagbibigay ng hudyat na kailangan nang bumangon. Habang ang buong baryo ay natutulog pa at ang mga manok ay nagsisimula pa lamang sa kanilang unang tilaok, gising na si Alina. Sa loob ng maliit at lumang kusina ni Lola Hering, tanging ang mahinang liwanag ng bumbilya at ang usok mula sa kumukulong malagkit ang nagsisilbing kasama niya.Ito na ang kanyang bagong realidad. Wala na ang mga silk sheets ng penthouse, wala na ang mga katulong na nag-aayos ng kanyang pagkain, at wala na ang boses ni Alexander na nag-uutos sa bawat sulok ng silid. Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang mahinang hilik ng kanyang anak na si Nathan mula sa silid at ang tunog ng sandok na humahalo sa malapot na gata.Anim na buwan na ang lumipas simula nang isilang niya si Nathan. Sa loob ng anim na buwang iyon, mabilis na natutunan ni Alina kung paano maging isang kuta. Ang pagiging singl

  • Married to the Ruthless Billionaire   CHAPTER 35 - A New Life

    Third Person POVAng simoy ng hangin sa probinsya ay malayo sa malansang amoy ng usok at aspalto ng Maynila. Dito, ang hangin ay may kasamang amoy ng basang lupa, tuyong dayami, at ang alat na nagmumula sa hindi kalayuang baybayin. Ngunit sa kabila ng kapayapaan ng kalikasan, ang loob ni Alina ay nananatiling isang magulong digmaan.Lumipas ang mga buwan na tila mga dahan-dahang patak ng ulan sa bubungang nipa. Namalagi si Alina sa lumang bahay ng kanyang Lola hering, isang matatag na istrakturang yari sa narra at kawayan na nakatayo sa gitna ng isang malawak na niyugan. Ito ang kanyang naging kuta, ang kanyang taguan mula sa mundong pilit siyang winasak.Hindi naging madali ang mga unang linggo. Sa isang maliit na baryo kung saan ang lahat ay magkakakilala, ang pagdating ng isang dalagang buntis na galing sa Maynila at walang kasamang asawa ay tila isang mitsa ng malaking sunog. Bawat lakad niya patungo sa poso o sa maliit na tindahan sa kanto, nararamdaman niya ang mga matang nakasu

  • Married to the Ruthless Billionaire   CHAPTER 34: The Only One

    Third Person POVAng mga buwan ay lumipas na parang isang mahabang panaginip na walang gisingan—isang malabo at madilim na siklo ng pagsikat at paglubog ng araw na hindi na binibilang ni Alexander Vale. Para sa ibang tao, ang panahon ay isang manggagamot, isang elementong dahan-dahang nagpapahilom sa mga sugat ng kahapon. Ngunit para kay Alexander, ang bawat segundo ay hindi nagdadala ng kagalingan. Sa halip, bawat patak ng buhangin sa oras ay tila isang matulis na pait na lalong nagpapalalim sa ukit ng pangungulila sa kanyang puso.Sa loob ng kanyang marangyang opisina sa itaas na palapag ng Vale Group headquarters, ang hangin ay amoy kape, lumang papel, at ang bigat ng hindi masabing pagsisisi. Nakaupo si Alexander sa likod ng kanyang dambuhalang desk na gawa sa mahogany. Nakatambak sa harap niya ang mga dokumentong nangangailangan ng kanyang pansin—mga kontratang nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, mga ulat ng kumpanya mula sa iba't ibang panig ng mundo, at mga disenyong arkitektura. N

  • Married to the Ruthless Billionaire   CHAPTER 33 – The Edge of Obsession

    Third Person POVIlang buwan na ang lumipas. Para sa mundo, ang pagkawala ni Alina ay isa na lamang lumang tsismis na unti-unting natatabunan ng mga bagong iskandalo sa alta sosyedad, mga pabagu-bagong takbo ng stock market, at mga walang kabuluhang party. Ang balitang "ang asawa ng bilyonaryong si Alexander Vale ay naglaho" ay naging isang malamig na kwento na lamang sa mga tabloid.Pero para kay Alexander Vale, ang bawat segundo ay tila isang sariwang sugat na pilit binububuksan ng bawat hininga niya. Ang oras ay hindi naging gamot; sa halip, ito ay naging lason na unti-unting nagpapadilim sa kanyang mundo. Hindi siya tumitigil. Sa katunayan, ang paghahanap sa asawa ay naging sentro na ng kanyang buong pagkatao—isang mapanganib na obsesyon na unti-unting lumalamon sa kanyang katinuan, katarungan, at maging sa kanyang pisikal na pangangatawan.Sa loob ng kanyang malawak na opisina sa tuktok ng Vale Group headquarters, nakatayo si Alexander sa harap ng floor-to-ceiling window. Ang nag

  • Married to the Ruthless Billionaire   CHAPTER 32 - Unraveling

    Third Person POVDalawang linggo.Labing-apat na araw na ang lumipas mula nang maglaho si Alina na parang usok sa gitna ng gabi. Labing-apat na araw na ring tila gumuho ang pundasyon ng mundo ni Alexander Vale.Ang penthouse, na dati ay nababalot ng init dahil sa presensya ni Alina, ay tila naging isang dambuhalang nitso—malamig, bakante, at amoy pangungulila. Wala na ang halimuyak ng tsaa sa umaga. Wala na ang marahang yabag ng mga paa nito sa hallway. Higit sa lahat, wala na ang mahinang boses na narinig niyang kumakausap sa kanilang anak habang hinahaplos ang nakaumbok nitong tiyan.Ngayon, tanging ang ugong ng aircon at ang sarili niyang hininga ang naririnig ni Alexander.Nakasandal ang bilyonaryo sa sofa, ang kanyang tingin ay nakapako sa kawalan. Sa harap niya, sa ibabaw ng glass table, may isang tray ng pagkain na dinala ng maid dalawang oras na ang nakalilipas. Ang sabaw ay namuo na ang sebo; ang kanin ay tuyot na. Hindi niya ito ginalaw. Sa katunayan, halos wala na siyang ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status