로그인Halos hindi nakatulog si Alina buong gabi.
Kahit ilang beses siyang pumikit, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kalsada kagabi—ang malakas na preno ng kotse, ang liwanag ng headlights na tumama sa kanya, at ang malamig na boses ng estrangherong lalaking parang walang emosyon habang kinakausap siya sa gitna ng ulan.
At higit sa lahat…
Ang business card na ngayon ay nakahiga sa maliit na mesa ng inuupahan niyang apartment.
Alexander Vale.
CEO – Vale Group.Sa tuwing napapatingin siya sa card, parang hindi pa rin siya makapaniwala na totoong nangyari ang lahat.
Billionaire.
CEO.
Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa.
At siya?
Isang babae na kagabi lang ay nawalan ng boyfriend, nawalan ng trabaho, at halos nawalan na rin ng direksyon sa buhay.
Napabuntong-hininga siya habang nakaupo sa gilid ng kama. Tahimik ang maliit niyang apartment. Tanging tunog ng patak ng ulan sa labas ng bintana ang maririnig sa paligid.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang tiyan niya. Hindi pa ito halata. Wala pang makakapansin na may buhay na nabubuo sa loob niya. Pero para kay Alina, ramdam na ramdam niya ang bigat ng responsibilidad.
“Anak…” mahina niyang bulong. Parang may biglang kumurot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lahat ng ito. Kailangan niyang magpacheck-up. Kailangan niyang siguraduhin na okay ang baby.
Pero paano?
Wala na siyang trabaho.
Wala siyang ipon na sapat para sa hospital bills.
At hindi pa doon nagtatapos ang problema.
Nang buksan niya ang cellphone niya, agad niyang nakita ang message mula sa landlord niya.
Reminder: Due na po ang rent ninyo bukas. If not paid, kailangan na po naming iparent ang unit sa iba.
Parang lalo pang bumigat ang dibdib niya. Hindi lang pala trabaho ang nawala sa kanya. Pati tirahan niya, malapit na ring mawala. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nagpunta sa maliit na mesa sa tabi ng bintana.
Nandoon pa rin ang business card.
Simple.
Malinis.
Pero parang napakabigat sa kamay niya nang pulutin niya ito. Parang may dala itong desisyon na maaaring magbago sa takbo ng buhay niya. Biglang bumalik sa isip niya ang sinabi ng lalaki kagabi.
Desperate people are useful.
Napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay may ibig sabihin iyon. Hindi iyon simpleng pangungusap. Para bang may alok na nakatago sa likod ng mga salitang iyon. At sa sitwasyon niya ngayon… Ayaw man niyang aminin—
Desperate na siya.
Huminga siya nang malalim.
“Hindi naman siguro masama kung kakausapin ko lang siya,” bulong niya sa sarili.
Parang sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niya na wala naman mawawala. Kung tutuusin… halos wala na nga siyang natitira.
Makalipas ang isang oras, nakatayo na si Alina sa harap ng isang napakalaking gusali sa business district.
Napatingala siya. Glass walls. Modern architecture. At sa pinakataas ng building, malinaw na nakasulat ang pangalan ng kumpanya.
VALE GROUP
Napabuntong-hininga siya. Mas lalo niyang naramdaman kung gaano kalaki ang pagitan ng mundo niya at ng mundo ng lalaking iyon. Parang langgam siya sa harap ng higanteng gusali. Habang tinitingnan niya ang napakataas na building, hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan.
Tama ba ang ginagawa niya? Pero naalala niya ang message ng landlord. Naalala niya ang baby sa loob ng tiyan niya. Kaya pinilit niyang lumakad papasok.
Pagpasok pa lang niya sa lobby, agad siyang nakaramdam ng kaba.
Malawak ang lugar.
Makintab ang sahig na halos makikita mo ang repleksyon ng ilaw sa kisame.
Ang mga empleyado ay abala sa kani-kanilang trabaho. Lahat sila ay mukhang propesyonal—nakasuot ng maayos na suit, hawak ang mga tablet o laptop, mabilis ang mga hakbang.
Habang siya?
Simple lang ang suot niyang dress. Hindi pa rin tuluyang natutuyo ang sapatos niyang nabasa sa ulan kagabi. Pakiramdam niya ay para siyang hindi kabilang sa lugar na iyon. Pero lumapit pa rin siya sa reception desk.
“Good morning po,” mahina niyang sabi.
Ngumiti ang receptionist.
“Yes, miss? How may I help you?”
Napahigpit ang hawak niya sa business card.
“Nandito po ako para makita si… Mr. Alexander Vale.” Saglit na natigilan ang receptionist.
Napatingin ito sa kanya, parang sinusuri kung seryoso ba siya.
“Do you have an appointment?”
“Wala po,” sagot niya. “Pero sinabi niyang puwede akong pumunta.” Iniabot niya ang business card.
Pagkakita ng receptionist sa card, agad nagbago ang ekspresyon nito. Nawala ang bahagyang pagdududa sa mukha nito.
“Please wait for a moment, miss.”
May tinawagan ito sa telepono. Hindi marinig ni Alina ang buong usapan, pero malinaw niyang narinig ang pangalang Mr. Vale. Makalipas ang ilang segundo, ibinaba ng receptionist ang telepono at ngumiti muli.
“Ma’am, you may go up now. The CEO will see you.” Nanlaki ang mga mata ni Alina.
Ganun lang kadali?
“Sa top floor po. Someone will guide you.”
Hindi na siya nakapagsalita. Tahimik siyang sumunod sa isang assistant papunta sa elevator. Habang umaakyat ang elevator, mas lalo siyang kinabahan.
Top floor.
CEO.
Hindi pa siya kailanman nakapasok sa opisina ng isang billionaire. Pakiramdam niya ay bawat segundo ay mas lalong bumibigat ang desisyon na ginawa niya. Pagbukas ng elevator, sinalubong siya ng isang malawak at tahimik na hallway. Makapal ang carpet sa sahig kaya halos walang tunog ang mga hakbang nila. Dinala siya ng assistant sa isang malaking pinto.
Kumatok ito.
“Sir, she’s here.”
Mula sa loob, narinig niya ang pamilyar na boses.
“Send her in.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Alina. Dahan-dahang bumukas ang pinto. At doon niya muling nakita ang lalaking nakilala niya kagabi.
Si Alexander Vale.
Nakatayo ito sa harap ng malaking glass window na tanaw ang buong lungsod. Ang skyline ng lungsod ay parang miniature mula sa taas ng building. Naka-suit na naman ito—perfectly tailored. Mukhang kalmado. Mukhang kontrolado ang lahat. Pagpasok niya, bahagya itong lumingon.
Nagtagpo ang mga mata nila. Malamig pa rin ang titig nito.
“Miss… rain girl,” sabi nito. Bahagyang uminit ang pisngi ni Alina.
“Alina,” sagot niya. “Alina Reyes.”
“Right,” sabi ni Alexander habang naglalakad papunta sa desk.
“Sit.” Parang utos iyon.
Tahimik siyang umupo sa upuan sa harap ng desk. Saglit siyang tinitigan ng lalaki. Parang sinusukat ang bawat reaksyon niya.
Malamig ang hangin sa loob ng opisina, kasing-lamig ng ekspresyon ng lalaking nasa harap ni Alina. Binasag ni Alexander ang katahimikan sa isang boses na walang bahid ng pag-aalinlangan.
“Hindi ako nagulat na pumunta ka.”
Napakunot ang noo ni Alina, pilit na binabasa ang iniisip ng kausap. “Hindi po?”
“Desperate people make practical decisions,” diretsong saad nito.
Parang sinampal si Alina sa narinig. Napabuntong-hininga siya habang pilit na nilulunok ang bara sa kanyang lalamunan. Hindi niya nagustuhan ang salitang desperada, pero alam niyang wala siyang bala para kontrahin ito.
“Hindi ako nandito para magpaawa,” matigas niyang panimula, pilit na pinapanatili ang natitirang dignidad.
“Alam ko.” Tumayo si Alexander, ang bawat galaw ay bakas ang awtoridad. Lumakad ito patungo sa malawak na mesa at may pinindot sa kanyang tablet. Isang dokumento ang biglang kuminang sa screen bago ito tumingin muli sa kanya nang diretso. “I’ll skip the small talk.”
“Excuse me?”
“Marry me.”
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Alina. Ang hangin sa paligid ay biglang naglaho, dahilan para manlaki ang kanyang mga mata sa gulat.
“Ano?!” Halos hindi siya makapaniwala. Sigurado siyang hindi siya nagbibingi-bingihan, pero ang konsepto ay masyadong absurd para tanggapin ng utak niya.
“Hindi ako nagbibiro,” kalmadong sabi ni Alexander. Marahan itong naupo sa swivel chair, parang ang katatapos lang na proposal ay kasing-normal lang ng pag-order ng kape.
“Bakit ko naman gagawin ’yon?!”
“Temporary marriage,” paliwanag nito habang pinaglalaruan ang mamahaling ballpen.
“Fake marriage?”
“Contract marriage,” pagtatama ng lalaki.
Hindi pa rin makapagsalita si Alina. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. “Bakit ako?”
Sandaling natahimik si Alexander. Sa ilang segundong katahimikan, tanging ang ugong ng aircon ang naririnig. “Dahil buntis ka.”
Napatigil si Alina. Parang nanigas ang kanyang mga paa sa kinatatayuan.
“Kailangan mo ng proteksyon,” dagdag pa nito.
Napahigpit ang hawak ni Alina sa strap ng kanyang bag hanggang sa mamuti ang kanyang mga buku-buko. Hindi siya bata para maniwala sa fairy tale.
“Anong kapalit? Anong kailangan mo sa akin?” Halos sigurado siyang may nakatagong interes ito. Walang bilyonaryo ang nag-aalok ng tulong nang walang hinihinging kabayaran.
Sumandal si Alexander, tila sinusukat ang bawat reaksyon niya. “Sasagutin ko ang lahat ng hospital bills mo. Ang mga gastusin mo sa araw-araw. At ang anak mo…” tumitig ito nang malalim sa kanya, “...ang anak mo ay magkakaroon ng proteksyong hindi kayang ibigay ng kahit sino.”
Bumigat ang atmosphere sa loob ng silid. Ramdam ni Alina ang bigat ng desisyong nasa harap niya. “Bakit kailangan mo ng asawa?” mahina niyang tanong.
“Gusto ng pamilya ko na magpakasal na ako. Ang mga business partners ko ay naghahanap ng stability. Kailangan ko ng imaheng maayos at matatag.”
Napailing si Alina, isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “So… kailangan mo lang pala ng asawa sa papel?”
“Oo.”
Isang mahinang tawa ang kumawala sa mga labi ni Alina—hindi dahil sa tuwa, kundi dahil sa labis na pagkamangha sa kabaliwan ng lahat. “Hindi ka ba natatakot?”
Napaangat ang isang kilay ni Alexander. “Sa ano?”
“Na baka… ma-in love ako sa iyo?”
Sa unang pagkakataon, may dumaang kakaibang kislap sa mga mata ni Alexander. Isang bahagyang pagbabago sa emosyon na agad ding naglaho sa likod ng kanyang malamig na maskara.
“I doubt that.”
Napangiwi si Alina. “Ang yabang mo.”
“I’m realistic.”
Tumayo si Alexander at lumapit sa kanya, bitbit ang isang pisikal na kopya ng kontrata. Inilapag niya ito sa harap ni Alina na parang isang hatol.
“May mga kondisyon,” mariing sabi nito.
“Ano?”
“No love. No emotions.” Tumingin ito nang diretso, kasing-talim ng patalim ang titig. “This is just a deal.”
Tahimik na ibinaba ni Alina ang kanyang tingin sa mga nakasulat sa papel. Sa bawat salita, sa bawat pirma na kailangan, alam niyang hindi na siya ang dating Alina. Maaaring magbago ang lahat.... ang kanyang pangalan, ang kanyang kinabukasan.
Hindi lang para sa sarili niya. Kundi para sa maliit na buhay na dinadala niya.
Limang taon.Para sa nakararami, ang limang taon ay sapat na panahon upang makalimot, upang maghilom ang mga sugat, at upang magsimulang muli. Ngunit para kay Alina, ang bawat araw na lumilipas ay tila isang pahina lamang sa isang makapal na aklat ng pagtitiis. Ang kaniyang buhay sa maliit na bayan sa Cagayan ay naging payak ngunit puno ng sakripisyo. Ang kaniyang mga kamay na dati ay sanay sa kalyo ng paglalaba at pagluluto ng kakanin ay unti-unti ring nakahanap ng ginhawa nang makakuha siya ng trabaho bilang isang klerk sa munisipyo, salamat sa kaniyang sipag at pagiging matalino.Sa kabila ng hirap na kaniyang dinanas, tila hindi nagawang nakawin ng panahon ang kaniyang kagandahan. Sa katunayan, ang pagiging isang ina ay tila nagdagdag pa ng ningning sa kaniyang mga mata at kapanatagan sa kaniyang tindig. Sa edad na dapat ay nasa rurok ng kaniyang kabataan, si Alina ay nananatiling mukhang dalaga—may makinis na balat na tila hinalikan ng araw at isang aura na mahinhin ngunit matata
Third person POVAng madaling-araw sa probinsya ay may dalang kakaibang ginaw—isang uri ng lamig na nanunuot sa buto ngunit nagbibigay ng hudyat na kailangan nang bumangon. Habang ang buong baryo ay natutulog pa at ang mga manok ay nagsisimula pa lamang sa kanilang unang tilaok, gising na si Alina. Sa loob ng maliit at lumang kusina ni Lola Hering, tanging ang mahinang liwanag ng bumbilya at ang usok mula sa kumukulong malagkit ang nagsisilbing kasama niya.Ito na ang kanyang bagong realidad. Wala na ang mga silk sheets ng penthouse, wala na ang mga katulong na nag-aayos ng kanyang pagkain, at wala na ang boses ni Alexander na nag-uutos sa bawat sulok ng silid. Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang mahinang hilik ng kanyang anak na si Nathan mula sa silid at ang tunog ng sandok na humahalo sa malapot na gata.Anim na buwan na ang lumipas simula nang isilang niya si Nathan. Sa loob ng anim na buwang iyon, mabilis na natutunan ni Alina kung paano maging isang kuta. Ang pagiging singl
Third Person POVAng simoy ng hangin sa probinsya ay malayo sa malansang amoy ng usok at aspalto ng Maynila. Dito, ang hangin ay may kasamang amoy ng basang lupa, tuyong dayami, at ang alat na nagmumula sa hindi kalayuang baybayin. Ngunit sa kabila ng kapayapaan ng kalikasan, ang loob ni Alina ay nananatiling isang magulong digmaan.Lumipas ang mga buwan na tila mga dahan-dahang patak ng ulan sa bubungang nipa. Namalagi si Alina sa lumang bahay ng kanyang Lola hering, isang matatag na istrakturang yari sa narra at kawayan na nakatayo sa gitna ng isang malawak na niyugan. Ito ang kanyang naging kuta, ang kanyang taguan mula sa mundong pilit siyang winasak.Hindi naging madali ang mga unang linggo. Sa isang maliit na baryo kung saan ang lahat ay magkakakilala, ang pagdating ng isang dalagang buntis na galing sa Maynila at walang kasamang asawa ay tila isang mitsa ng malaking sunog. Bawat lakad niya patungo sa poso o sa maliit na tindahan sa kanto, nararamdaman niya ang mga matang nakasu
Third Person POVAng mga buwan ay lumipas na parang isang mahabang panaginip na walang gisingan—isang malabo at madilim na siklo ng pagsikat at paglubog ng araw na hindi na binibilang ni Alexander Vale. Para sa ibang tao, ang panahon ay isang manggagamot, isang elementong dahan-dahang nagpapahilom sa mga sugat ng kahapon. Ngunit para kay Alexander, ang bawat segundo ay hindi nagdadala ng kagalingan. Sa halip, bawat patak ng buhangin sa oras ay tila isang matulis na pait na lalong nagpapalalim sa ukit ng pangungulila sa kanyang puso.Sa loob ng kanyang marangyang opisina sa itaas na palapag ng Vale Group headquarters, ang hangin ay amoy kape, lumang papel, at ang bigat ng hindi masabing pagsisisi. Nakaupo si Alexander sa likod ng kanyang dambuhalang desk na gawa sa mahogany. Nakatambak sa harap niya ang mga dokumentong nangangailangan ng kanyang pansin—mga kontratang nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, mga ulat ng kumpanya mula sa iba't ibang panig ng mundo, at mga disenyong arkitektura. N
Third Person POVIlang buwan na ang lumipas. Para sa mundo, ang pagkawala ni Alina ay isa na lamang lumang tsismis na unti-unting natatabunan ng mga bagong iskandalo sa alta sosyedad, mga pabagu-bagong takbo ng stock market, at mga walang kabuluhang party. Ang balitang "ang asawa ng bilyonaryong si Alexander Vale ay naglaho" ay naging isang malamig na kwento na lamang sa mga tabloid.Pero para kay Alexander Vale, ang bawat segundo ay tila isang sariwang sugat na pilit binububuksan ng bawat hininga niya. Ang oras ay hindi naging gamot; sa halip, ito ay naging lason na unti-unting nagpapadilim sa kanyang mundo. Hindi siya tumitigil. Sa katunayan, ang paghahanap sa asawa ay naging sentro na ng kanyang buong pagkatao—isang mapanganib na obsesyon na unti-unting lumalamon sa kanyang katinuan, katarungan, at maging sa kanyang pisikal na pangangatawan.Sa loob ng kanyang malawak na opisina sa tuktok ng Vale Group headquarters, nakatayo si Alexander sa harap ng floor-to-ceiling window. Ang nag
Third Person POVDalawang linggo.Labing-apat na araw na ang lumipas mula nang maglaho si Alina na parang usok sa gitna ng gabi. Labing-apat na araw na ring tila gumuho ang pundasyon ng mundo ni Alexander Vale.Ang penthouse, na dati ay nababalot ng init dahil sa presensya ni Alina, ay tila naging isang dambuhalang nitso—malamig, bakante, at amoy pangungulila. Wala na ang halimuyak ng tsaa sa umaga. Wala na ang marahang yabag ng mga paa nito sa hallway. Higit sa lahat, wala na ang mahinang boses na narinig niyang kumakausap sa kanilang anak habang hinahaplos ang nakaumbok nitong tiyan.Ngayon, tanging ang ugong ng aircon at ang sarili niyang hininga ang naririnig ni Alexander.Nakasandal ang bilyonaryo sa sofa, ang kanyang tingin ay nakapako sa kawalan. Sa harap niya, sa ibabaw ng glass table, may isang tray ng pagkain na dinala ng maid dalawang oras na ang nakalilipas. Ang sabaw ay namuo na ang sebo; ang kanin ay tuyot na. Hindi niya ito ginalaw. Sa katunayan, halos wala na siyang ma







