Share

CHAPTER 1

Penulis: Zia.Lumina
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-12 19:22:11

BUHAGHAG ang buhok at umaalingasaw ang amoy ng alak habang mistulang mga takas na hayop silang nagkakasiyahang magkakaibigan sa loob ng private room ng Club Haven. Isang lagukan lamang niya na ininom ang isang shot ng tequila sa harap niya.

"Maggie, hinay-hinay lang. Halos ikaw na umubos ng alak natin dito. Baka wala pang quarter to ten, deds ka na," pigil sa kaniya ng bestfriend niyang si Hannah.

Namumungay ang matang dinuro niya ito. "H-Hayaan niyo na… ako. Kahit sa gabing ito man lang makalimot muna ako." Kinuha niya ang natitirang bote ng tequila at doon na mismo uminom. Huli na para pigilan siya ng mga kaibigan niya.

Bago sila lumipad papunta sa Vegas at mapadpad sa Club Haven para sa kaniyang bachelorette ay may ginawa siyang desisyon na talagang pagsisisihan niya at ngayon ay pinagluluksaan na niya. She has to give up her career as a fashion designer for her wedding with her long-time boyfriend, Charles Dickinson. He wanted her to focus on him and be a supportive wife to him. Walang-wala naman kasi ang career niya sa klase ng buhay na mayroon ang fiancé niya. Charles was the youngest son of the wealthiest family in the Philippines and was well-known for big companies that they own. While her, Margarette Sandoval, was only known and famous in the fashion industry. Kumbaga wala siya sa kalingkingan ng kayang gawin at marating ng fiancé at maswerte siya na siya ang pinili nitong pakasalan. 'Goodbye, my career!'

"Awww...ubos na siya." Maggie pouted her lips as she stared at the empty bottle of tequila. Akmang tatayo si Kat para siya na ang um-order ng drinks nang pigilan niya ito.

"Dito lang kayo. Ako na kukuha." Kahit halos matumba na siya sa kalasingan ay pinagpilitan niyang siya na ang o-order ng drinks nila. 

"Kami na ang kukuha. Hindi ka na nga makatayo nang maayos sa lagay mo na 'yan. Malilintikan kami nito kay Charles kung may mangyaring masama sa'yo, e!" sabi ni Hannah habang inalalayan siya ni Daphne na huwag matumba.

"Shhh..." She put her index fingers on her lips. "This is my Bachelorette. Gabi ko 'to kaya ako ang masusunod. Kung gusto ko magsaya tayo ngayon... magsasaya tayo! Walang magbabanggit ng pangalan ng kahit sino o ni Charles."

"Hayaan mo na nga siya, Hannah. Kung mawala man 'yan mamaya, tawag na lang tayo ng pulis bukas," suhestiyon ni Kat.

"Okay fine. Whatever."

"Great!" Tumayo siya at pagewang-gewang na lumabas ng room nila. 

Pagkalabas niya ay sumalubong sa kaniya ang ingay ng musika sa pinapatugtog ng DJ at ang tanawin ng mga taong nagwawala sa dancefloor. Nasa ikalawang palapag pa ng Club ang room nila kaya kailangan niya pang bumaba para pumunta sa bar counter. 

Mahigpit na nakakapit siya sa railings ng hagdan para hindi siya matumba. Napapahagikhik na lang siya sa tuwing natatalisod ang paa niya. Nang malapit na siya sa counter ay hindi niyang sinasadyang may mabunggo. Agad na humarap ito sa kanya at agad siyang dinaluhan.

"Are you okay?" A man asked in a low baritone.

Tumingala siya upang makita ang mukha ng lalaking sumalo sa kaniya pero nabigo lamang siya dahil tila nagtago ito dahil sa patay-sinding ilaw ng club at sa kalasingan niya. Tanging ang asul na mga mata nito ang nakikita niya. Parang hinihipnotismo nito ang kanyang kaluluwa sa klase ng titig na binibigay nito sa kanya.

"Y-yes. I'm fine. Thank you!" nauutal na sagot niya sa estranghero. 

His chuckle feels like music on her ears. Ngayon lang siya nakarinig ng nakakahalina na tawa. Dito lang ba sa Vegas maririnig ang ganyang tawa? Hindi siya magsasawang pakinggan iyon.

"You looked wasted. You shouldn't be walking around here. Where are your friends?" tanong nito sa kanya.

"They were... there!" sagot niya sabay turo sa sahig. 

He shook her head at her. "I think you're drunk. Would you mind if I bring you in my table?" 

All she can do is to nod her head. Dala na rin siguro ng kalasingan niya ay hindi na niya maalala kung nasaan ang doon nilang magkakaibigan. Basta't nagpaubaya na lang siya sa estranghero kung saan man siya nito dadalhin.

                                                                                                           ***** 

"AWWW..." Sapo ang ulo na dumaing siya. Kung pwede lang manisi dahil sa hangover na dinadaing niya ngayon ay ginawa na nya kaso kasalanan rin naman pala niya. Pilit niyang inaalala kung anong nangyari kaya mas lalo lang sumakit ang ulo niya.

Biglang napabalikwas siya sa kaniyang pagkakahiga sa malambot na kama nang makarinig siya ng umuungol sa tabi niya. Nang sulyapan niya ito ay bumungad sa kaniya ang matipunong likod ng isang lalaking hindi niya alam kung sino. Nanlalaki ang mga matang inilibot ang paningin niya sa buong paligid. Hindi niya makita ang mga kaibigan niya at mas lalong hindi niya maalala kung sino itong katabi niya. At kung bakit siya hubad ngayon!

"Wahhh!" she shouted her lungs out. She doesn't cared if the guy beside her will wake up. 

Napahilamos siya ng mukha at doon niya lang napansin ang singsing sa daliri niya. Umawang ang labi niya at sa isang iglap ay naalala niya ang nangyari no'ng gabing 'yon.

                                                                                                           *****

Maingat na iniupo siya nito sa couch. Hindi man lang siya nag-aalala na hindi niya kilala ang mga kasama niya. Prenteng inihilig niya ang kanyang katawan sa sandalan. Nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa ulo niya.

"Where have you been, man? And who the hell did you bring here? Prosti?" rinig niyang tanong ng kasama nito.

She can't understand what the stranger said because they're just murmurring beside her. She opened her eyes to see what they are doing. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil parehong nakatingin na ang mga ito sa kanya.

"Shino kayo? Bakit kayo nakatingin shaakin?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"I'm Drake and this guy beside me is Trevor," pakilala ng kasama ng lalaking tumulong sa kanya. Inilahad nito ang kamay at walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon.

"Oh? What a niceee... name! By the way, I'm Maggie! Twenty-five and I'm getting... married." Her voice immediately sounds sad when she said the word 'married' and they noticed it.

"Ikaw lang yata ang ikakasal na malungkot? Mind if you can tell us why it is?" tanong sa kaniya no'ng Drake.

"Let's just shay... because of that wedding... nawala 'yong trabaho ko," sagot niya.

Malungkot na nangalumbaba siya sa lamesa habang iniinom ang bote ng alak na nakalapag doon. Biglang tumahimik 'yong mga kasama niya kaya nagtatakang tiningnan niya ang mga ito kahit nanlalabo na ang paningin niya.

"Bakit kayo nata...himik?"

Drake coughed. "That's bad. You know what... If you marry my friend, you don't need to let go of your career," he said and then take a shot of his beer.

Parang nagising ang diwa ni Maggie sa narinig. Pakurap-kurap na napatitig siya nang matagal doon sa estrangherong kasama nitong si Drake. "Would you do that?" interesadong tanong niya. "Hey! Anshwer me!" pamimilit niya.

"Of course he can do that!" Drake answered for him.

"Pero imposhible naman 'yon. I can't marry him because I'm fucking engaged with shomeone." Inalis niya ang pagkakatitig niya sa estranghero at bumalik sa pangangalumbaba sa mesa.

"We can still do that," the strange guy said.

"How?"

"I'm single and you said that you wanted to marry someone that can let you do anything you want. What if... let's marry each other for... fun," he answered. 

She want to decline his offer but that husky-baritone voice and that tantalizing blue eyes of him just encouraging her to say yes. Slowly... she nodded her head.

                                                                                                             *****

'Oh shit! Ano ang ginawa ko?' Wala sa sariling naiyak siya at napasabunot siya sa kaniyang buhok. She can't believe she agreed to marry a stranger for fun. Kung fun lang 'yon... ano itong singsing na suot-suot niya. As far as she remembered, wala siyang suot na singsing pagkaalis nila ng hotel and definitely, hindi ito ang engagement ring na bigay sa kaniya ni Charles.

Ilang sandali lang ay nagising na rin ang lalaking kasama niya. "Hey! Good morning," he greeted her in his bedroom voice. He was about to hug her but she immediately move herself out of the bed. Agad niyang pinulupot sa sarili ang kumot para takpan ang hubad nitong katawan. Leaving that man exposing his naked body.

"Wahhh! S-sino ka?!" Natatarantang tinakpan niya ang mata para hindi makita ang kahubdan nito.

"You don't need to cover your eyes. Nakita mo naman ito kagabi—"

"Tumahimik ka!" Nanginginig na iniangat ang kaliwang kamay niya para ipakita dito ang singsing na suot-suot niya. "A-ano to?"

"Ahmm... That's a ring," obvious na sagot nito.

"Alam ko! What I mean is... t-totoo ba 'to? K-kinasal ba ako s-sayo?" utal-utal na tanong niya.

He shrugged. "I guessed so."

Gusto niyang magdabog dahil sa katangahang ginawa niya. Ito na ang pinakabobong ginawa niya kaysa sa pagbitiw niya ng pinakamamahal niyang career. Ano na lang ang sasabihin ni Charles sa kanya? Nai-imagine pa lang niya ay parang mababaliw na siya. Next week na ang kasal niya tapos kagabi naikasal pa siya.

She heard him moving so she expecting that he was clothing himself. Tinanggal niya ang pagkakatakip sa mga mata niya para makitang naka-boxer lang ito sa harap niya.

She cleared her throat. "I want us to forget this. What happened last night was a whole joke. Lasing lang tayo kagabi at hindi dapat 'yon nangyari. And this ring..." Tinanggal ang singsing at ipinatong sa kama. "... wala 'to. Hindi tayo kinasal at isipin na lang natin na naghiwalay tayo. Tama! Maghiwalay na tayo. Annulled na 'yong kasal natin!" she said while pointing her fingers to him like she said a very brillant idea. 

He immediately disagreed on what she said. "Ikaw lang ang lasing kagabi. What happened last night was very clear in my mind and that was the best night of my life. At hindi madaling ma-annul ang kasal natin dahil totoong nangyari 'yon and we already consummated our marriage." 

"What???" 

Her eyes widen while looking at him. An image of them signing a paper suddenly popped out in her mind. 'So I wasn't dreaming. It's real. That paper is the proof that I married him legally.' Nanghihinang napaupo siya sa sahig. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Suddenly she heard her phone's ringtone sound. Agad niyang hinanap 'yong damit niya, nagbabakasakaling nandoon iyon. 55 miscalls and 363 messages ang agad na bumungad sa kaniya pagkabukas niya sa cellphone niya. 

"Hoy! Gaga ka! Bakit ngayon ka lang sumagot sa tawag namin?! Gusto mo bang atakehin ako sa puso dahil sa pag-aalala sa'yo! Alam mo ba kung hindi mo pa sinagot ang tawag ko ay magre-report na ako sa pulis!" Ang malakas na boses agad ni Hannah ang bumungad sa kaniya pagkasagot niya ng tawag nito.

"Nasagot ko na. Kumalma ka nga!"

Sumama ang tingin niya nang marinig niyang pasimpleng umuubo ang lalaking kasama niya. Tinaasan niya ito ng kilay para sitahin. Pilyong ngumiti pa ito sa kanya at sinadyang lapitan siya para asarin siya lalo.

"Tumigil ka nga!"

"Titigil lang ako kung babalik ka na dito sa hotel! Mahuhuli na tayo sa flight natin!" inis na sabi ni Hannah sa kanya.

Napatingin siya sa orasan ng cellphone niya. 2:00 PM ang flight nila at 12:30 PM na ngayon. Pinatay na niya ang tawag at nagmamadaling pinulot ang mga damit para magbihis dahil mali-late na siya sa flight niya.

"Nasaan 'yong... panty ko?" bulong niya habang hinahanap ang panty niya.

Narinig niyang tumikhim ang kasama niya. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang hawak nito ang kanina niya pang hinahanap na panty. Halos liparin na niya ang distansiya papunta sa puwesto nito pero biglang lumayo ito sa kaniya.

"Ano ba! Akin na nga 'yang panty ko!" asik niya habang hinahabol ito para kuhanin ang hawak nitong panty niya.

Tumigil ito sa kakalayo sa kaniya at itinaas nito ang braso para hindi niya maabot. "Remembrance mo nalang kaya 'to sa'kin. Sabi mo 'di ba magkalimutan na tayo pagkatapos nito?" sabi niya pero pilyong nakangiti ito sa kaniya.

"Sira ulo ka ba? Sa tingin mo aalis akong walang panty dito?'

He shrugged but nodded his head in the end. Wala talagang balak na ibigay ito sa kanya. 'Ano ba gagawin niya sa panty ko? Ang daming panty sa mundo bakit ang panty ko pa napagdiskitahan ng gagong 'to? Adik ba siya?'

Hindi na lang siya nagpapumilit at lumabas ng kuwartong iyon na tanging ang maroon dress lang ang suot. Hindi niya naman makikita pa uli ang lalaking 'yon. What happened here in Vegas will stay in Vegas. Matutuloy ang kasal niya kay Charles kahit anong mangyari at walang ni sino mang makakaalam niyon. 

                                                                                                                  *****

"HINDI ako makapaniwalang ikakasal ka na ngayon, Maggie!" naiiyak na saad ng mama niya sa kaniya na pinagmamasdan siya habang suot niya ang magarbong wedding gown niya. 

Masuyong niyakap niya ang kaniyang ina para patahanin ito. "Huwag nga kayong umiyak. Dapat masaya kayo saakin dahil ikakasal na ako," sabi niya.

'Ewan ko lang kung 'di ka iiyak 'pag nalaman mong may naunang kasal na ako,' ani niya sa kaniyang isipan. Lihim na pumakla ang ngiti niya dahil hindi alam ng ina niya ang nangyaring kasal-kasalan niya sa Vegas.

Matapos ang nangyaring bachelorette niya sa Vegas, ni isa ay wala siyang pinagsabihan tungkol sa kasal niya doon sa estrangherong nakilala sa Club Haven. 

Pinanindigan niya ang sinabing kalilimutan na ang nangyaring kasal sa Vegas. Gabi-gabi ay pinagdadasal niya na sana ay hindi na makita pa ang lalaking iyon. Supposedly, hindi naman dapat nangyari ang kasal na iyo. Let's just say na matino ang utak nito nang alukin siyang magpakasal pero siya ay hindi. Lasing siya at naapektuhan na ng alak ang pag-iisip niya. She's just hoping that no one will know what happened there.

Today is her wedding with Charles. Matagal na niyang hinintay 'to and that mistake can't ruin this wedding. Hindi niya hahayaang masayang lang ang pagsakripisyo niya ng career nang dahil doon.  

As she stepped out on her bridal car, chills suddenly filled her. Nasa labas na siya ngayon ng simbahan at maraming tao ang naghihintay sa kanya sa loob nito. She never wished to have a grandiose wedding. Hindi naman kasi siya pinanganak sa isang mayamang pamilya. Sapat na sa kaniya na maikakasal siya sa lalaking alam niyang mamahalin siya. Maybe today is the day that her and her mother's wish will be granted.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa paningin niya ang libo-libong bisita kasama na doon ang mga kaibigan, pamilya at ang lalaking papakasalan niya na naghihintay na ngayon sa kanya sa altar. Nakapaskil sa kaniyang mukha ang ngiti para itago ang kabang nararamdaman habang unti-unti siyang hinahatid ng kanyang mga magulang sa altar. Bakas sa mga mukha ng mga tao roon ang saya at papuri habang pinagmamasdan siya. 

Nang makarating na siya sa harap ng altar ay gano'n na lang ang gulat niya nang makita sa likuran ng kaniyang groom ang taong ayaw na niyang makita. Nanunuyang nakatingin ang mga asul na mata nito sa kaniya habang siya ay hindi mawala ang gulat sa mukha niya.

"Are you okay, Mags?" untag sa kaniya ni Charles. Bumaling siya agad dito nang matauhan siya.

"Ahhh... Oo. Okay lang ako," sagot niya pero hindi niya mapigilang huwag bumaling sa lalaking nasa likuran nito.

Tinanggap niya ang kamay nito at parehong naupo sa harap ng pari. While the priest are talking, she grabbed the chance to asked Charles about it.

"If it wasn't bad to ask... sino 'yong lalaking nasa likuran mo kanina?" mahina ang boses na tanong niya dito. 

Kunot ang noong bumaling ito sa kaniya. "Why did you asked?"

"Ano kasi..." hindi siya makatingin ng deretso sa kaniya.

"That was my brother, Trevor. Hindi ko nasabi sa'yo but I asked him to be my best man," sagot nito.

Nervousness suddenly runs in her whole body. She's still digesting what he said. 'This can't be. So the guy that I accidentally married in Vegas was his... brother? Paano na 'to?'

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to the Wrong Dickinson    Chapter 21

    MAGGIE woke up from a long, deep sleep. She stretched her arms and turns her sight at Trevor whose eyes was busy on the road. “Malayo pa ba tayo?” inaantok pa ang boses na tanong niya. Bumaling lang saglit sa kaniya si Trevor saka ibinalik rin ang tingin sa daan. “Medyo malapit na,” sagot nito. “By the way, may pagkain akong binili kanina nang mapadaan tayo sa isang fastfood chain. You can get it at the backseat in case you feel hungry,” anito na ibinaling pa ang ulo sa backseat para ituro ang pagkain. Umayos sa pagkakaupo sa passenger seat si Maggie bago inabot ang pagkain na nasa backseat. “Thank you!” Agad niyang hinugot sa paper bag ang burger at drinks at sinimulang lantakin iyon. Hapon na nang magising siya kaya hindi na siya nahiya pang kumain sa harap ni Trevor. She offered a bite of her burger to him and he immediately took a bite. Basically, they shared her burger while talking with each other. Pagkatapos ng pag-uusap nila kanina ay hindi na sila nagdalawang-isip pa

  • Married to the Wrong Dickinson    CHAPTER 20

    "MA! GIGI! Nandito na po ako!"Pagkapasok niya ng hospital room ng mama niya ay agad niyang hinanap ang ina at ang kapatid. Pagkalapag niya ng mga gamit sa couch ay siyang pagkalabas ng mga ito sa banyo."Bitawan mo nga ako, Gigi. Sabi nang kaya ko na maglakad e!" reklamo ng mama niya sa kapatid habang pilit na kinukuha ang braso sa pagkakahawak nito."H'wag na matigas ang ulo, Ma. Paano kung madulas ka? E'di mababago—" Napatigil sa pagsasalita si Gigi nang bumaling ito sa kaniya.Namimilog ang mata at nakabukas ang bibig nito habang nakapaskil ang paningin nito sa kinalalagyan ng bouquet. Agad naman niyang nilapitan mga ito ng mapansin na parang mawawalan na ng balanse ang kanilang ina dahil biglang napabitaw 'yong kapatid niya sa braso nito."Ano ka ba, Gigi! Muntik nang matumba si Mama. Paano kung nabagok siya?""Umayos nga kayong dalawa. Nakakainis na 'tong pag-aalala niyo sa akin," reklamo ng ina sa kanilang dalawa. "Maggie. Kanino galing 'yon?" tanong nito, tinutukoy ang bouquet

  • Married to the Wrong Dickinson    CHAPTER 19

    "GRABE! Kailangan lang pala maospital ng mama mo para maging supportive lang. Kakaiba!" Hannah said on the other line.Tinulak niya ang pinto ng Daybreak Cafe at pumasok sa loob. "Sira! Parang hiniling mong maospital si mama a!" pabulong na singhal niya kay Hannah habang naglalakad papunta sa counter."Ayy! Sorry lord," usal nito. "Bilisan mo na lang na makabalik dito dahil marami kang dapat na ikwento sa akin." Awtomatikong umikot ang mata niya sa sinabi nito bago binaba ang tawag.Marami nga siyang dapat ikwento. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ma-absorb ang nangyari kagabi. Lahat nang iyon ay nangyari lang sa isang gabi lamang. She may consider it to be the worst and best night of her life. Considering she has now the support of her mother with her feelings with Trevor."Two order of Iced Americano and cheesecake, please," she said as she reach the counter.Agad na sinulat ng nasa cashier ang order niya. Pagkaabot sa kaniya ng receipt ay naghanap agad siya ng table para doon h

  • Married to the Wrong Dickinson    CHAPTER 18 (PART 2)

    THE DINNER started with a heavy atmosphere. Hindi ini-expect ni Maggie nag anito ang sasalubong sa kanilang dalawa ni Trevor dahil sa pagtanggap niya sa inalok na dinner ng mama niya. Nagi-guilty tuloy siya para kay Trevor. Akala niya ay magiging okay ang pagtanggap sa kanila. She felt a hand holding her hand that was resting on her legs. She suddenly looked at Trevor who was motioning her to touch her food. Tumango siya kaya binitawan rin agad nito ang kamay niya. “Kamusta na pala kayo dito, ma? Thank you pala sa pag-imbita sa amin dito para maghapunan. Na-miss ko po ‘yong luto niyo, ma,” aniya bago niya naisipan galawin ang pagkain sa harapan niya. “The food’s delicious. I’m not regretting to come here,” puri naman ni Trevor na mukhang ini-enjoy ang pagkain. “Lubusin niyo na dahil ito na rin naman ang last niyo na pagkain dito,” sabat naman ng mama ni Maggie dahilan para mas lalong tumahimik sa gitna ng hapunan. “Ma, naman,” Maggie yelped at her mother had said. Walang paki na

  • Married to the Wrong Dickinson    CHAPTER 18 (PART 1)

    "Why the hell I woke up in a sofa?" Trevor's voice suddenly roared in his house the moment he wakes up.Napahawak siya sa ulo niya ng biglang may sumakit ulit iyon. Mukhang nasubrahan sila kagabi ni Drake ng inom. 'That drink...I won't drink it again!'. Drake take advantage of his stress kaya nabudol siyang inumin iyon. Halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sumasakit lang ang ulo niya."May reklamo ka?" tanong sa kaniya ni Maggie na kakalabas lang galing sa kusina. Masama ang tingin nito sa kaniya habang nilalapag nito ang baso na may kape sa harapan niya. "Ayaw ko na may katabing lasing sa kama. Baka ano pa gawin mo sa akin," mataray na sabi nito at halos pabulong na 'yong huli nitong sinabi."Having sex without consent is not my thing," he muttered before taking a sip on the coffee."So ang nangyari sa atin sa Las Vegas ay may consent ko!"Nabuga niya agad ang kape na iniinom niya

  • Married to the Wrong Dickinson    CHAPTER 17

    “Wait…wait. Pakiulit nga sinabi mo. Walang nangyaring lunch? Sabihin mong mali ang dinig ko!” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Hannah nang tumawag ito sa kaniya.Nagpakawala siya ng buntong-hininga at hindi muna sumagot. Hindi niya rin alam kung bakit ‘yong lunch sana nilang dalawa ay napunta sa instant noodles na mag-isang kinakain niya ngayon dahil bigla na lang siya iniwan ni Trevor sa bahay nila.‘Ano ba problema no’n?’ Okay naman kasi sila kanina. Excited nga siya dahil after nang dinner nila ay masusundan pa ng lunch. Hindi niya maiwasang mainis kay Trevor dahil sobrang nag-expect siya. Kung hindi lang tumawag si Hannah baka umiiyak na siya ngayon.“Walang lunch na nangyari at parang wala ring dinner dahil maggagabi na ay hindi pa rin siya nakakauwi,” iritadong sagot niya. She can’t imagine that their supposed to be dinner will ended up with a bow

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status