Share

CHAPTER 9 (PART 2)

PAGKATAPOS niyang maghapunan ay agad siyang dumeretso sa kwarto bitbit ang mga maleta niya na hindi naman niya alam kung bakit nandodoon. Sa pag-aakalang sa kaniya lamang ang silid na tinulungan ay plano niyang ilagay ang lahat ng gamit niya sa closet na naroroon. Gano'n na lang ang gulat niya ng bumungad sa harapan niya ang mga damit ni Trevor. Hindi na niya kailangan pang mag-isip dahil alam na niya agad na wala siya sa guest room ng bahay na 'to. 

Salubong ang kilay na lumabas siya ng kwarto at agad na pinuntahan si Trevor na nasa kusina. Naabutan niya itong nasa harap ng lababo at abala sa paghuhugas ng pinagkainan nila. Tumigil siya at hindi muna kinuha ang pansin nito. Matagal niyang pinakatitigan ang tindig nito at parang nanghuhusga ang mga mata na sinuri ito. 

Hindi niya aakalaing ang anak ng isang bilyanaryo at CEO ng isang tanyag na kompanya ay marunong sa mga gawaing bahay. Hindi niya nakikitaan na nahihirapan ito sa gi

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status