Elijah's POV
Narinig niya ang boses ni Christian, pero nahihilo pa siya sa dami ng alak niyang nainom kagabi. Hindi rin niya alam kung saan siya natulog o pumasok na kwarto. Bahagyang nawindang ang katawan niya nang may humila sa kanya patayo. Nang dumilat ang mata niya ay si Christian iyon na may mukhang galit na galit, hindi pa siya nakaka-recover sa pagkakatayo nito sa kanya, kaya hindi niya mawari kung bakit."Tell me, what were you thinking when you did that to Charlotte?!"Habang nakapikit ay hindi niya alam ang sinasabi ni Christian sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Natutulog ako tapos gigisingin mo ako at tatanungin kung ano ang ginawa ko sa kapatid mo."Isang suntok sa mukha ang nakuha niyang sagot kay Christian. Napaling ang ulo niya, at habang nakahawak sa panga ang kamay niya ay natigilan siya sa ayos ng kapatid ni Christian. Umiiyak ito habang ang katawan ay nakabalot ng kumot. Doon nagising ang diwa niya at tiningnan ang sarili, wala siyang saplot sa katawan hanggang ibaba. Naguguluhan pa rin siyang tumingin kay Christian na nanlilisik na ang mata."You have been my best friend since elementary. Pero bakit nagawa mo ito sa sarili kong kapatid, Elijah?!"Napaupo siya at inaalala ang nangyari kagabi, pero wala siyang matandaan kung hindi ang nasa sofa lang siya at doon na inabutan ng antok kaya doon na natulog, pero ang pagpasok niya sa kwarto ni Charlotte ay wala siyang matandaan."Wala akong matandaan.""Don't even try to fool me, Elijah!"Napakunot ang noo niya. "Sasabihin ko kung meron man akong matandaan, pero wala, Christian!""Fix yourself, mag-uusap tayo kasama si Charlotte sa sala. Sa ginawa mong ito, mapuputol ang kalayaan mo."Tinayo nito ang kapatid at inalalayan na ito paalis ng kwarto. Kitang-kita niya kung paano ito maghabol ng hininga sa pag-iyak ng sobra. Nang tuluyan na silang nakalabas ay tumayo siya para kuhanin ang damit niya at sinuot muli ang damit niya. Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto. Makakasalubong niya si Christian na matigas pa rin ang mukha na nilagpasan lang siya at nagpatuloy na pumasok ng kwarto ni Charlotte, mukhang kukuha ito ng damit ng kapatid.Nagpatuloy siyang lumakad papunta sa sala, pero nagtaka siya ng wala na ang ibang kaibigan niya doon. Anong oras pa lang naman at lahat ay lango sa alak. Paano pa makaka-uwi ang mga ito?"Kung nagtataka ka kung bakit wala sila diyan. Ginising ko para lumipat sa mga kwarto rito, para magkaroon tayo ng lugar para mag-usap. Umupo ka na diyan, babalikan ko lang saglit si Charlotte sa kwarto ko."Umalis muli si Christian at naiwan siya sa sala. Naupo siya sa mahabang sofa at hinintay na bumalik ang dalawang magkapatid, pero ang isip niya ay gulong-gulo pa rin sa nangyayari. Nagkamali ba siya dahil sa kalasingan na ngayon lang nangyari o sadyang nawala siya sa sarili ng nagising siya kanina?Napatingin siya sa magkapatid na huminto sa tabi ng pang-isahan na upuan. Nakayuko si Charlotte pero hindi na ito umiiyak. Pinaupo ni Christian si Charlotte sa sofa kung saan siya nakaupo, pero bahagyang malayo nga lang sa kanya, maging si Christian ay umupo rin sa pang-isahang upuan, bago ito nagsalita."Kailangan nating pag-usapan ang nangyari sa inyong dalawa pag nandito na ang magulang namin ni Charlotte. Surprise sana ang pag-uwi nila ngayong gabi, pero mukhang sila ang masosorpresa dahil sa ginawa mo Elijah."Napayuko siya at naisip kung ano ang magiging reaction ng magulang ng mga ito sa nangyari. Parang magulang na rin niya sila Tito Ted at Tita Mia, sa tuwing narito siya bahay nila Christian at nagsasaya o nag-iinom. Binubundol siya ng matinding kaba sa reaction pa lang ng mga ito. Napalingon siya kay Charlotte, nakatulala lang ito at kitang-kita niya ang basa pang mga pilik-mata nito. Sa hinala niya ay nabigla ito at may ginawa siya kaya mukhang na trauma si Charlotte.Nakarinig siya ng ugong ng kotse sa labas ng bahay. Kumuyom na ang mga kamay niya dahil bahagyang nanginig iyon at pilit na hinahanda ang sarili sa sasabihin ng mga ito.Bumukas ang pinto at ang unang pumasok ay si Tita Mia habang nakangiti ito. Hindi niya kayang tingnan ang pagngiti nito dahil paniguradong mawawala rin iyon."We're back mga anak!"Walang sumalubong sa anak nito na si Charlotte at Christian, kaya nagtaka na ang ina ng mga ito."Char and Chris, hindi niyo man lang ba ako bibigyan ng halik? Ang tagal rin naming nawala ng daddy niyo."Napatingin siya kay Christian, pero nakatingin na pala ito sa kanya. Napaiwas siya ng tingin ,pero ang mata ni Tita Mia ang nakasalubong naman ng mata niya ngayon.Ngumiti ito sa kanya. "Nandito ka pala, Elijah, iho. Sorry hindi kita napansin agad, pero nice seeing you again."Hindi niya alam kung kailangan ba niyang ngumiti, ngunit bahagya siyang tumango at maliit na ngumiti. Lumipat na naman ang atensyon nito sa mga anak habang palapit."May problema ba kayong dalawa? Ang tahimik niyo.""Yes, we have a problem, Ma," ani Christian."What is it?""It's better, kung nandito na rin si dad sa loob para mapag-usapan ang problema."Tumingin ito sa anak na si Charlotte. "Anak, ikaw. Are you okay?'Hindi ito sumagot at nanatiling nakatulala lang si Charlotte.Pumasok si Titto Ted na may hawak na mga bags na pasalubong kay Charlotte. Yes, alam niya na kay Charlotte iyon dahil sa tagal niyang napupunta dito ay nakabisado na niya ang lahat maging ang gusto ng dalaga."Baby nandito na si daddy! May pasalubong kami sayo." Nakangiti ito habang masayang-masaya na lumalakad palapit sa kanila, pero napahinto rin ng hindi ito sinalubong ni Charlotte. Napatingin ito sa asawa. "May sakit ba, kaya hindi niya ako sinalubong?""Maupo muna kayo, Ma." Ani Christian.Umupo si Tita Mia sa pagitan nilang dalawa ni Charlotte, si Tito Ted naman ay sa pang-isahan din na sofa umupo katapat ni Christian."May malaki tayong problema, Ma and Dad.""Ano?" Nakakunot ang noong tanong ni Tito Ted.Bumuntong-hininga si Christian. "Ilang oras lang ang pagitan bago nangyari ang problema bago pa kayo dumating, and..." Tumingin ito sa kanya. "I don't know kung ano ang magiging reaction niyo sa nangyari sa unica ija niyo.""What's that?""I know kasalanan ko rin pero wala rin naman akong alam na ganun ang mangyayari. " Tumigil saglit si Christian. "Mauuna pang magpapakasal ang unica hija niyo kaysa sa panganay niyong anak.""What do you mean. Christian? May boyfriend ba si Charlotte? Bakit hindi namin alam ng daddy mo?""Elijah did a sin to Charlotte.""Ano 'yon?"Nagtiim bagang si Christian. "Elijah... raped, Charlotte.""What?! Ano?!" Sabay na sigaw na saad ng mag-asawa.Napalingon sa kanya si Tito Ted, pero hindi makikitaan ng anumang emosyon ito. Iyon ang mas nakapagpakaba ng husto sa kanya."Totoo ba ang sinabi ni Christian, Elija?""Tito... I'll explain...""No! Ang tanong ko ang sagutin mo. Totoo ba ang sinabi ni Christian?"Kinuyom niya ang kamao niya, pero nagtubig ang mata niya. "I'm sorry... Tito."Napayuko ito at kumuyom ang kamao, pero nakatanggap siya ng galit na galit na suntok mula sa kamao ng daddy nila Christian. Npangiwi siya ng napuruhan nito ang gilid ng labi niya, pero hindi pa rin ito tumitigil at wala rin siyang balak dahil kasalanan naman niya."Ted, that's enough!!"Pero patuloy pa rin ito sa pagsuntok sa kanya, pero sa isang suntok talaga siya nanghina, sa mata mismo niya kaya hindi niya madilaat."I said enough!!" May panginginig na ang boses na awat ni Tita Mia.Napaupo siya sa sahig habang pilit na dinidilat ang isang mata niya."Kulang pa 'yan, Elijah! Tinuring kitang anak at pinatuloy sa bahay namin, pero ganito ang gagawin mo sa nag-iisa naming anak na babae!!"Lumuhod siya at haharapin niya kung ano ang ipapataw nitong parusa. "I don't know what happen, but I will face more consequences for my sin.""Marry my daughter."Hindi siya nakasagot agad dahil sagrado ang pagpapakasal at wala ng kawala pag pinasok niya iyon."Ano, Elijah? Pakakasalanan mo si Charlotte o ipakukulong kita at doon ka na mamamatay sa selda.""Dad... ayoko."Napakunot ang noo niya ng marinig ang boses ni Charlotte.Tumingin si Tito Ted kay Charlotte. "Anak, this is the best way we can do. Ayoko na pagtawanan ka at maging tampulan ng masasakit na salita dahil sa nangyaring ito.""Yung... pag-aaral ko, dad," muling tumulo ang luha nito sa mata.Makikita rin sa mata ni tito na naaawa ito sa anak pero ayaw lang nitong ipakita kay Charlotte."Magpapatuloy ka pa rin namansa pag-aaral mo. Hindi ka naman hihinto."Umiling si Charlotte. "Dad please... ayokong magpakasal.""That's the right thing to do, Charlotte. After one week, ang kasal niyong dalawa ay magaganap, whether you like it or not," matigas na pagkaka-sad ni Christian."But kuya...""That's our final decision, but if you want. Choose between marrying Elijah or you want to file a case for what he does to you."Lihim siyang tumingin kay Charlotte, maging siya ay naghihintay sa sagot nito, pero yumuko lang si Charlotte at hindi namili sa sinabi ni Christian. Napahinga siya ng maluwag doon, pero kung sakali na pinili nito ang makulong siya hindi na siya gagawa ng paraan para hindi siya makulong.Seryosong tumingin sa kanya si Christian. "Suwerte ka pa rin Elijah dahil mabait ang kapatid ko, pero napagsamantalahan lang ng katulad mo."Tumulo ang isang patak ng luha niya sa pisngi, aabutin ng mahabang panahon bago siya mapatawad ni Christian."Kuya sandali! May nakita akong kakilala ako. Babatiin ko lang siya saglit." "Sino?" "Si Shaira, kaibigan ni Elijah." Saglit na napakunot ang noo ni Christian dahil kilala rin niya ang sinasabi nito. "Kaibigan ko rin siya. Nasaan ba?" Lumingon si Christian sa mga tao, pero hinila na siya ni Charlotte. Hindi naman sila nagmamadaling lumakad dahil hirap na rin ang kapatid niyang maglakad. Malaki ang ngiti ni Charlotte na lumapit kay Shadira na may tinitingnan na damit sa labas ng isang store. "Shaira!" Tawag ni Charlotte nang tuluyan na silang makalapit. Nawala lang ang malaking ngiti kay Charlotte nang tinitigan lang siya nito habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Charlotte, yung pinakilala sayo ni Elijah." Ngumiti ito at tumingin sa tiyan ni Charlotte. Tinanggal ang shades nitong suot na kulay pula. "Naku sorry hindi kita namukhaan. Malaki na kasi ang pinagbago mo." "Okay lang. Medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko." Tinitigan ni Shaira ang
Nagpupumiglas si Venus sa upuan habang pilit na hinihila ang pulso na may itim na tela na nakapalupot doon. Takot na takot at ibig sumigaw pero walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Napatigil si Elisse nang malapit na ang dulo ng ballpen sa ibabaw ng kamay nito. Ang luha sa mata ni Venus ay patuloy na umaagos kaya napatigil si Elisse. May hindi ata tama sa babaeng kaharap niya ngayon. Tumayo si Elisse at hinagis ang ballpen sa kasama ni Roger. "Maswerte ka at may awa pa ako, pero kung wala, kanina ka pa walang buhok." "Elisse, enough!" may pagbabantang sigaw ni Elijah. Inirapan lang siya ni Elisse at pumunta na ito sa gilid. "Ano ng mangyayari kung hindi naman pala siya nakakapagsalita?" tanong ni Elijah kay Roger. Bumuntong-hinga ito. "Sa ngayon, mukhang kailangan pa natin ng panahon para muling bumalik ang boses niya. Sa case niya parang trauma na may hindi magandang nangyari kaya ganyan ang pinapakita sa atin. Don't worry, Sir Elijah, once na may progress
"May nakikita ka ba na wala kaming nakikita? Bakit kinakausap mo 'yang telepono mo habang nakaharap sayo? Wala namang tao." Nanlilisik ang matang lumingon si Elisse sa lalaking nasa likuran niya. Ang pinakamataas sa agent na binabayaran niya. "Hindi mo ba nakikita? Pa laser mo 'yang mata mo dahil sobrang labo na!" Lumakad siya at umupo sa couch. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Ang kasamahan naman nito ay pigil na pigil ang tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin. Samantala, sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Elijah ay agad din siyang nakarating sa tapat ng kanyang bahay. Mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. May konting hingal na huminto siya malapit sa pinto pero naguluhan sa itsura ng mga bisita sa bahay. Ang isa ay parang bahay nito kung umasta base sa pagkakaupo, yung isa naman ay parang namimili ng maliliit niyang furniture na naka-display. Samantalang si Elisse ay naglilinis ng kuko sa paa. "Elisse." Tawag niya rito dahil
"Pasensya na sir. Nag-aalala lang po kami dahil tahimik niya po kaming pinalabas. Baka po may gawin siyang hindi maganda kaya ho hindi po kami mapakali. Halos mawalan po kasi ng buhay ang mata ni Ma'am Charlotte." Muling tumingin si Christian sa pinto ng kwarto. Bumuntomg-hininga siya at lumakad pero huminto rin kaagad sa mismong tapat ng pinto. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo. Ako ng bahala sa kanya." "Sige ho sir." Sunod-sunod na umalis ang mga katulong habang si Christian tinitigan pa saglit ang pinto bago pihitin ang seradura na hindi naman naka-lock. Dahan-dahan siyang sumilip at nakitang nakaupo ang kanyang kapatid sa kama habang nakatingin sa munting balkonahe ng kwarto. Tahimik na pumasok si Christian sa loob ng kwarto at huminto sa kabilang side ng higaan. Nilapag niya ng tahimik ang dala niya maging ang kanyang telepono sa lamesita sa tabi ng kama. Ilang buwan na ang nakakalipas, ngayon na lang ulit pinakita ni Charlotte ang ganitong ugali. Ilang araw na lang ang bi
Lulan na ng kotse si Elijah, seryoso siyang nagmamaneho papunta sa kanyang kumpanya. Ilang saglit pa ay huminto siya sa tapat ng building at tahimik na bumaba ng kotse at inabot ang susi sa guard. Lahat ng kanyang empleyado ay bumati sa kanya at ang kanyang sagot ay pagtango lang habang patuloy na naglalakad patungo sa kanyang opisina. Nang makita ng secretary nito si Elijah ay agad itong tumayo at nagsalita. "S-Sir...lahat ng papers na kailangan iyo pong pirmahan ay nasa table mo na po. May karamihan din po iyon dahil ilang araw po kayong hindi pumasok," seryosong saad ng secretary pero mapapansin na bahagyang may kaba ang bawat salita nito. "Good. Kung sakali na may tumawag at hanapin ako, sabihin mong may urgent akong ginagawa. Susubukan kong tapusin ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan, at huwag na huwag kang magpapasok sa opisina ko kahit pagkatok ay huwag mong pahihintulutan. Naiintindihan mo ba?" "Yes sir." Tumango si Elijah at nagpatuloy pumasok ng opisina. Nang
Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun