Charlotte's POV
After One Week... Nakaharap siya sa salamin ngayon habang nakatulala. Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Elijah. Hindi bongga ang kasal, walang wedding gown, hindi sa simbahan, walang venue para sa reception ng kasal, at higit sa lahat walang invited kung hindi ang pamilya lang nilang dalawa ni Elijah. Nag-request siya sa magulang niya na kung maaari ay huwag silang ikasal ni Elijah sa simbahan, gusto niya ay sa Mayor lang at walang makaka-alam na ikakasal silang dalawa. Hindi naman kasi maiiwasan na hindi halungkatin kung bakit sila ikakasal ni Elijah, at sa utak ng mga tao ay parang sila ang gumagawa ng sariling kwento kung bakit sila ikakasal, kaya mas mabuting maging tahimik na lang, after all kaya lang naman sila ikakasal ni Elijah ay dahil sa pagkakamali, pero hindi niya maiwasan na hindi umiyak bago ang araw na 'to dahil hindi naman niya inisip na gagawin sa kanya ng kaibigan ng kuya niya ang ganon, pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat at ngayon ay matatali na siya sa binata. May kumatok sa kwarto, kaya tumayo siya at binuksan iyon, ang Mama niya pala. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Bakit hindi ka pa nakabihis? Ilang oras na lang ay aalis na tayo." "Dress lang naman ang isusuot ko kaya okay lang na mamaya na." "Yung makeup mo hindi mo pa sinisimulang lagyan ang mukha mo, pati 'yang buhok mo ay wala rin sa ayos. Akala ko pa naman ay ikaw na ang bahala, kaya hindi ako na-hire ng stylist para sayo." Maliit siyang napangiti, bago bumalik sa harap ng vanity mirror niya. Pumasok naman ang Mama niya at huminto sa likuran niya habang nakaharap silang dalawa sa salamin. "Galit ka ba sa amin ng daddy at kuya mo?" Umiling siya. "I know na masyado pang maaga para mag-asawa. Gusto ko nga mga 25 years old ka ng magkaroon, pero mukhang hindi naman naaayon sa gusto ko ang lahat, saka isa pa hindi ko naman hawak ang mangyayari sayo." Kinuha ng Mama niya ang suklay. Ito na ang nag-ayos sa buhok niya, pinusod lamang iyon ng mataas at naglaglag lang ng konting hibla ng buhok sa gawing harapan ng mukha niya. Ito na rin ang nag-ayos sa kanya dahil light makeup lang naman hindi na kailangan pang gandahan dahil simple lang naman ang kasal nila ni Elijah. "Ayan... ang ganda talaga ng unica hija ko." Ngumiti ito. "Pero ang gusto ko kahit arrange marriage lang ang nangyari sa inyo ni Elijah ay pagsilbihan mo siya bilang asawa niya. Charlotte." Paano niya gagawin 'yon kung hindi niya alam kung paano? Busy siya sa school, busy naman ito sa kumpanya kaya paano? Siguro ang matatanging ma-aaambag lang niya ay hindi mmagsungit at kausapin ng maayos si Elijah kahit ang gusto niya ay hindi ito makita sa tuwing uuwi siya. Oras na natapos ang kasal ngayon ay diretso na sila sa bahay ni Elijah. Nandoon din ang simpleng salo-salo, at doon na siya titira, maging ang mga gamit niya ay nasa kotse, nakalagay sa maleta. "Char, halika na. Baka ma late tayo papunta sa munisipyo, marami ring dapat gawin ang isang mayor, isiningit lang niya tayo sa schedule niya, pero..." Tumingin ito sa damit niya. "Magbihis ka muna at maglagay ng sandals labas na ako para i-check ang daddy mo." Tumango siya. Pagkalabas nito ay humarap siya muli sa salamin. Ilang oras na lang magiging Walton na ang apelyido niya, pero hanggang matapos siya ng college hindi niya gagamitin 'yon. Lumingon siya sa kama niya, nandoon ang susuotin niyang white dress. Kinuha niya iyon at sinuot, pero bago lumabas ng kwarto ay pinasadahan muna niya ang itsura niya sa salamin.02 San Antonio Road...
Pagkalipas ng ilang oras ay tumapat ang kotse nila sa isang munisipyo. Napansin din niya na may mga kotse na naka-park sa gilid, mukhang nandoon na ang pamilya ni Elijah. Bumaba sila at naglakad papasok. Napansin niya ang mga nagtatrabaho doon na busy habang dumadaan sila, sa isang kwarto kasi sila papasok dahil nandoon ang office ng Mayor, pero bago pa siya makapasok ay hinila siya ng Mama niya.
Nakakunot ang noo niya itong tinanong. "Bakit Ma?" May kinuha ito sa bag na minipis na kulay puti. "Isuot mo 'to. Ito ang magiging belo mo." "Kailangan pa ba niyan, Ma?" "Oo naman.Tumalikod ka at bumaba ng konti." Tumalikod siya at sinimulan ng ilagay ng Mama niya ang belo sa ulo niya, handang-handa talaga ito dahil may dala ring hairpin, pagkatapos ay pinaharap siya nito at nilagay ang ibang parte ng belo sa mukha niya. "Tara na." Nauna nga pala ang kuya at papa niya sa loob bago siya hilahin ng Mama niya. Pero nang pagpasok nila ay parang gusto niyang lumubog sa tiles ng munisipyo dahil ang mata ng lahat ay nakatitig sa kanya mismo. Mabuti na lang at kinabitan siya ng belo ng Mama niya, hindi masyadong nakakahiya. "The bride is already here. We should start," saad ng Mayor. Hindi niya masyadong makita si Elijah dahil sa belo niya, pero hindi talaga matatago na napaka-gwapo ng kaibigan ng kuya niya, mukha nga lang itong strikto at masungit pag hindi ngumingiti, pero ang pasa nito sa gilid ng labi at mata ay bahagya ng nawawala.. Napansin niya din na parehas ang design ng suot nila, naka-barong ito, siya naman ay parang sinaunang dress ang suot. Pinagsalikop niya ang kamay niya ng humarap sila kay Mayor Kevin, base sa nakita niya sa ibabaw ng table nito na naka-ukit ang pangalan sa isang kahoy. Lumipas ang dalawang oras bago natapos ang pagsasaad ng Mayor tungkol sa pagpapakasal, bago nauwi sa, you may now kiss the bride. Nakatitig lang siya sa Mayor ng sinabi iyon, ayaw niyang humarap kay Elijah. Pero si Elijah na mismo ang nagharap sa kanya, at dahan-dahan na tinaas ang belo niya, ang matan niya na hindi makatitig sa mata nito kaya sa bandang leeg na lang siya tumingin. Nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya na abot hanggang tenga ang lakas, habang palapit ang mukha nit Elijah. Hindi siya pumikit, pero hindi rin siya tumitig sa mata nito. Lumapat ang labi ni Elijah sa pianaka-gilid ng labi niya, pero gumalaw ang labi nito na parang ngumiti o ngumisi? Nang lumayo na ito ay ganun pa rin naman ang ekspresyon ng mukha nito seryoso. Guni-guni niya lang siguro. "Congratulations Mr. and Mrs. Walton." May nilapag ang Mayor na papel. "Pirmahan niyo ang ibabaw ng printed name niyo, para maging valid na ang kasal niyo ngayong araw." Naunang pumirma si Elijah, bago siya. Nang tumingin sila sa likuran ay malalaki ang mga ngiti ng mga ito, pamilya niya at pamilya ni Elijah, puwera lang pala sa daddy at kuya niya.. Nang nalaman pala ng pamilya ni Elijah ang ginawa nito ay nakiusap na ang Mama niya na huwag na itong saktan dahil nakatamo na ito ng malalalang suntok mula sa dady niya, kaya sinabi ng Mama niya na mag-usap na lang ng mahinahon hanggang sa makasal na nga sila ngayon. Actually mababait ang magulang ni Elijah nang na meet niya ang mga ito, pero ang stiktong mukha ni Elijah ay namana nito sa ama, seryoso masyado na parang sa unang tingin nito ay hindi ka nito gusto para sa anak niya. Lumapit ang Mama niya sa kanya. "Congrats anak." Niyakap siya nito at malaki ang ngiti na bumaling ng tingin kay Elijah. "Congrats, Elijah." "Thank you, Tita." "Now that you are already married. I will assume that you take care of my daughter," saad ng dady niya mula sa likuran ni Elijah. Maliit na ngumiti si Elijah at tumungo. "Makakaasa po kayo sa akin na aalagaan ko ang anak niyo ni tita." "Good to know, so let's go. Nagugutom na ako." Lalakad na rin sana siya pero may humawak sa kamay niya. Tiningnan niya kung sino ang may-ari no'n, si Eljah pala. "Bakit?" "Sa akin ka na sasabay." Tiningnan niya ang mukha nito, parang napipilitan pa ata na isabay siya. "Hindi na, doon na lang ako sasakay sa kotse nila Mama." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya, at matigas na nagsalita. "Uunahan ko na ang pamilya mo dahil once na subukan mo na doon sumakay sa kotse nila tita ay pagtutulakan ka nila para sa kotse ko sumakay dahil ang ikakatwiran nila ay may asawa ka na." Napaismid siya. "Okay tara na." Kinuha niya ang kamay niya na hawak nito bago nagsimulang maglakad at iniwan niya si Elijah, pero bago pa man siya makalabas ng tuluyan sa munisipyo ay nagulat siya nang may humawak na naman sa kamay niya. Mabilis siyang napatingin, pero si Elijah na walang kangiti-ngiti sa labi ang nakita niya. Sabay silang lumabas at sigurado siyang nakita niyang nakangiti ang Mama niya habang nakitang magkahawak sila ng kamay ni Elijah, pero ang kuya at dady niya ay hindi man lang makikitaan ng kasiyahan sa mukha. Tinaas niya ang isang kamay niya, tumango naman ang Mama niya. Pinagbuksan pa siya ni Elijah ng pinto ng kotse, ito na rin ang nagsara bago lumipat sa kabilang side ng kotse bago pumasok sa loob, sa driver seat. Naglakbay sila ng matagal, hindi naman niya alam na ganito kalayo ang bahay ni Elijah sa munisipyo. Nagugutom na rin siya dahil kape lang naman ang ininom niya kanina bago sila umalis ng bahay. Pang huli silang papasok sa bakuran ng bahay ni Elijah, pero hindi naman niya inaasahan na malaki ang bahay nito, yung parang white house. Buong barangay ang puwedeng tumira. Hindi niya napansin na huminto na pala ang kotse. Nabigla na lang siya nang may nagbukas ng pinto, nakababa na pala si Elijah. Lumabas siya habang nakatitig pa rin sa harap ng bahay nito. "Pumasok na tayo sa loob." Naglakad na ito, pero nagulat siya ng hindi man lang siya alalayan nito, mabato pa naman ang dadaanan bago makatuntong sa patag. Dahil nga may takong ang sandals niya ay dahan-dahan siyang naglakad. Magkamali lang siya ng tapak sa bato, lagapak talaga siya. Isang hakbang na lang ay okay na, at nang nagawa niya ay napangiti siya ng malaki, pero nang tumunghay siya ay nawala rin iyon nang makita niya si Elijah na nakatitig sa kanya at sumenyas ang kamay nito na bilisan niya, mukhang napagtanto nito na hindi siya puwedeng mag-isa sa labas at si Elijah ang nauna sa loob. Unang pumasok ai Elijah sa loob, samantalang siya ay nakasunod lang sa likod nito, pero nang huminto si Elijah ay nabunggo syia sa matigas nitong likod. Napangiwi siya dahil bahagyang malakas ang pagkakabangga niya. "What are you doing?" Nakalingon na pala ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin. "Sinusundan ka?" Hindi niya alam kung ano ang isasagot e. "Tsk, you are free where you want to go here. I'm not the food." Inirapan niya ito bago lumayas sa tabi nito, bahala na si Elijah, basta siya ay hahanap na ng makakain dahil gutom na siya, pero napahinto siya nang may mapagtanto. Ibig sabihin ang pagsasama nila ay parang aso at pusa na hindi magkasundo? Yung isa ay mabait, pero yung isa ay masungit, syempre siya na ang mabait si Elijah ang masungit. Napailing na lang siya, hindi naman sila magkikita oras-oras kaya okay lang siguro. Busy na ang lahat dahil mga gutom, maging ang pamilya niya ay nasa isang table na at kumakain na rin. Samantalang siya sasandok pa lang, wala namang tao na nakatayo sa gilid ng pagkain, kaya sariling sikap. Inabot siya ng siyam-siyam sa pagpili ng ulam niya dahil habang busy ang lahat tinitikman niya iyon isa-isa, kaya pag hindi niya nagustuhan ay hindi niya iyon kukuhanin at ilalagay sa plato niya. May nakita siyang kulay golden brown, fish fillet siguro, pero para sure ay kumuha siya ng isa at saka kinain iyon, pero muntik na niyang maluwa nang may biglang humawak sa balikat niya. "Pipili ka lang ng kakainin mo inabot ka na ng ilang minuto, and what are you doing? Tinitikman mo isa-isa ang mga iyan?" Habang ngumunguya at inuubos ang nasa bibig niya bago lunukin ay lumingon siya kay Elijah. "Tinitikman ko lang kung alin ang hindi masarap." "That's not good, Charlotte." Tama naman ito hindi nga naman maganda ang ginagawa niya, pero masasayang ang kukuhanin niyang pagkain kung hindi rin naman siya masasarapan kaya sinigurado lang niya."Pamilya lang naman natin ang nandito." "Kahit na, show some manners." Kumunot ang noo niya. Lumalabas ata ang tunay na ugali ni Elijah. Magsasalita pa sana to, pero sinumpak niya ang isang buong fish fillet, at susubukan sana nitong magsalita. "Opps... don't talk when your mouth is full. Show some manners too, Elijah. "Kumunot ang noo nito habang dahan-dahan na nginunguya ang sinubo niya. Iniwan naman niya ito doon dahil kakain na siya.Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun
Sa awa sa kapatid, lumabas siya ng kwarto at may kinuha sa kwarto niya para ibigay kay Charlotte. Nang pumasok muli siya sa kwarto ni Charlotte ay dinig niya na ang pag-iyak nito. "Huwag ka ng makulit dahil hindi talaga puwede ang gusto mo Charlotte, pero habang hindi mo pa makausap si Elijah may regalo ako sayo." Sumilip ang mukha ni Charlotte sa unan na nakalagay sa mukha nito. Ngumiti naman si Christian at may tinaas na damit. "Sinabi sa akin ni Elijah na gustong-gusto mo ang amoy niya, kaya pinakuha niya ang gamit na niyang damit. Alam kong hindi masyadong malinis ito, pero kung ito ang makakapawi diyan sa pangungulila mo kay Elijah, payag na akong ilapit mo sa katawan mo ito." Kahit basa ang paligid ng mata ni Charlotte ay makikita pa rin ang galak sa mata nito nang malaman na kay Elijah ang damit na hawak ni Christian. Tinaas niya agad ang kamay niya para iabot iyon ng kanyang kuya, at nang mahawakan at ilapit niya sa ilong niya ang damit ay mas lalo siyang naiyak dahil sa
Huminga ng malalim si Christian bago lumapit sa higaan ni Charlotte. Tumingin siya sa kanilang ina. "Iwan niyo muna kami sandali, Ma." Nagtaka naman ang ina ng dalawa. "May sasabihin ka ba sa kapatid mo? Kung meron, dito na lang din kami para marinig namin ng daddy mo." Umiling si Christian. "Si Charlotte na lang muna ang kailangan kong makausap at makarinig ng sasabihin ko. Huwag kayong mag-alala, hindi naman makakasama sa kanya ang mga sasabihin ko." Nag-aalinlangan man ang mag-asawa ay umalis ang mga ito sa kwarto at naiwan si Christian na nakaupo na sa tabi ng kama ni Charlotte. "K-Kuya si Elijah nagpunta na ba siya rito?" Puno ng pagka-asam ang pagkakatanong ni Charlotte. Hindi sumagot si Christian, tahimik lang nitong nilapag ang puting sobre sa ibabaw ng kumot ni Charlotte. "Ano 'to?" tanong ni Charlotte habang kinukuha ang sobre. "Sulat mula kay Elijah." Nagsalubong ang kilay ni Charlotte habang nakatitig sa sobre na mukhang dikit na dikit ang bukasan. "B-Bakit magp
Nang tuluyan na makalabas si Christian ay huminto siya sa tapat ng pinto habang nakalagay ang dalawang kamay sa bewang. Sa itsura niya ay tila nag-iisip na siya ng mas mabigat na dahilan para paniwalain si Charlotte tungkol kung nasaan nga ba si Elijah. Lumakad si Christian paalis sa tapat ng pinto hanggang sa mapadpad siya s a billing station kung saan may lalaking nurse na nagsusulat. Tinitigan niya ang hand writing nito ng matagal bago tuluyang umalis ng ospital. Samantala, sa oras na iyon ay gising na si Elijah, pero nakadilat nga ang kanyang mata ngunit nakatulala lang sa kisame at may pagkakataon na hindi na ito kumukurap. Pumasok si Elisse na bihis na bihis at mukhang aalis, napakunot ang noo niya nang nadatnan si Elijah na hindi pa bumabangon sa kama nito. "Wala ka bang balak bumangon diyan, Elijah?" Bumuntong-hininga lang si Elijah at tumalikod ng higa kay Elisse. Napataas naman ang kilay ni Elisse sa ginawa ni Elijah. "Akala ko pa naman sisimulan mo ng gumawa ng paraan
Umupo si Elijah isang dipa malayo sa kanyang kapatid. Halatang sa itsura ng mukha nito ay malungkot siya dahil sa napagkasunduan nila ni Christian. "Hoy ano ng sabi ni Christian?! Nakita mo ba si Charlotte? Nakausap mo ba siya? Nasabi mo ba ang totoong nangyari kaya hindi ka agad nakapunta ng ospital?" Napahilot na lang si Elijah sa sintido niya dahil sa sunod-sunod na tanong ni Elisse. Ang lahat naman ng tanong nito ay hindi ang sagot. "Hindi," maikling sagot ni Elijah. Napakunot ang noo ni Elisse. "Tulog ba siya ng pumunta ka doon? Dapat hinintay mo na lang na magising at hindi ka muna umuwi rito." Malalim na napabuntong-hininga si Elijah. Sumandal siya sa sandalan ng sofa at tumitig sa kawalan. "Pinagbawalan na ako ni Christian na makita si Charlotte." Unti-unting namilog ang mata ni Elisse at bahagyang lumapit ng upo kay Elijah. "Ano't bakit daw?!" "Batid na niya ang nangyayari. Akala ko ay wala siyang malalaman, pero nakalimutan ko atang matalino ang tao na 'yon, lalo n
Lumakad ng ilang hakbang si Christian palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan umatras naman siya ng isang hakbang. Napansin iyon ni Christian kaya hindi ito nagpatuloy na maglakad. "Natatakot ka ba? Dapat hindi ka na natatakot sa dami mong kasalanan, Elijah." "P-Please, Christian. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan 'yan!" sigaw niya. "Kelan pa Elijah ang tamang oras?! Pag patay na ang mag-iina mo!!" Halata na rin sa paghinga ni Christian ang galit na kinikimkim lang nito, pero anumang oras ay malapit na rin itong sumabog sa galit. "Kailangan na nating pag-usapan ngayon at bigyan ng solusyon ang problema mo. Magkakaroon tayo ng kasunduan, Elijah." Kumunot ang noo niya. "K-Kasunduan? Anong kasunduan ang sinasabi mo?" "Tutal may problema ka pang dapat ayusin sa pagitan niyong dalawa ni Venus. Nagdesisyon akong hindi ka na muling magpapakita pa kay Charlotte— hanggang isilang niya ang anak niyong dalawa." Lalong nagsalubong ang kilay niya, hindi puwede 'yon. "Hindi ak
Nakarating siya sa ospital na sinabi ni Elisse. Walang pag-aatubiling inayos niya ang pagkaka-park ng kotse at saka tumakbo papasok ng ospital. Huminto siya sa isang nurse na makaksalubong niya na malapit lamang sa billing station. "E-Excuse me. Saang kwarto naka-admit si Charlotte?" Bahagyang may gulat sa mukha ng nurse pero pumasok naman ito kung saan nakalagay ang mga file records ng mga pasyente na naka-admit sa ospital. Matagal nitong tiningnan ang file bago nagtaas ng ulo at tinanong siya. "Ano pong apelyido? Dalawang Charlotte po ang naka-admit sa ospital na ito." Bubuka na sana ang bibig niya para sabihin ang kanyang apelyido, pero may pagdadalawang isip din siya dahil baka hindi iyon ang ginamit na apelyido ni Charlotte dahil tinatago nga nila ang kanilang pagiging mag-asawa at pagdadala nito ng kanyang apelyido. "Sir?" Umiling siya at sinabi ang kanyang apelyido, "W-Walton. Charlotte Walton." Napakunot ang noo ng nurse dahil siguro sa tagal niyang sumagot. Hindi
Elijah's POV "Makalabas kaya ako dito ng hindi ako nakikita ni Venus?" "Hindi." Nagsalubong ang kilay niya. "Anong hindi?" "Mahirap makalabas kahit mag-disguise ka pa. Halata masyado kung tatabunan ng mukha mo ang cap na dala ko, nasa bungad lang siya ng entrace nitong ospital doon sa gate." Napasandal naman siya sa kanyang upuan. Paano siya makaka-alis kung mabibisto rin pala siya? "Mas maganda ang plano ko. Nandito na siya in 1...2— nandiyan na pala siya." May pumasok na isang lalaki na nakasuot ng leather black jacket, maong pants, black leather shoes, lahat ng nasa katawan nito ay kulay itim. Diretso ito sa harap mismo ni Elisse. "Nakita mo ba siya sa labas?" tanong ni Elisse sa lalaki. "Yes. Gumagamit ba siya ng pinagbabawal na gamot kaya gusto mong makatakas sa kanya? Sa itsura ng babae na iyon ay hindi nalabong hindi gumagamit ng ganon." "Hindi. Sadyang may saltik lang ang babae na 'yon, malapit ng maaning kaya ganon ang itsura. Anyway, ipag-drive mo ang kapa
Elijah's POV Kanina pa niya inaayos ang kanyang cellphone habang nakaupo rito sa waiting area. Nabagsak ang kanyang cellphone habang nagmamadali siya kanina, dahil sa request ng doctor na kailangan niyang bihin sa labas ng ospital. Inalog at paulit-ulit na pinindot ang turn-on button sa gilid, pero hindi talaga magsindi ito. Sa asar ay muntik niya na ulit iyong ibato sa pader, pero napigilan niya at kumalma habang nakasandal sa pader. Bumuga siya ng hangin at muling sinubukan na buhayin ang phone niya. Kagat labi niyang diniinan ang power button, at nang makita niya na umilaw ang screen ng cellphone ay napasuntok talaga siya sa hangin, pero hindi nagtagal ay may tumatawag na sa cellphone ,si Elisse. Sinagot niya iyon at pinatong sa kanyang tenga, "Hello." "Thank God sinagot mo na!!" sigaw na saad ni Elisse mula sa kabilang linya. "Nasira ang telepono ko kanina, na-ayos lang ngayon. Bakit napatawag ka?" "Kung alam mo lang na kanina pa kita kokontak, muntik na akong mabaliw dito