Charlotte's POV
Pagpasok palang niya sa loob ng bakuran ng bahay nila ay rinig na ang ingay mula sa loob ng bahay. Mukhang nandito na naman ang kaibigan ng kuya niya. Kung makapag-ingay ay parang hindi mga Ceo ng kumpanya. Lahat ng kaibigan ng kuya niya ay mga Ceo o kaya ay mayayaman na tao. Ang magulang niya ay ang pinakamayaman sa bansa nila, kaya ang kuya niya ay maraming kilalang mga mayayamang tao kahit sa ibang bansa. Pumasok siya sa loob ng bahay at nakita niyang umiinom na naman ang mga ito ng alak. Nakasuot pa rin sila ng tuxedo hanggang ngayon, siguro ay pagkatapos ng working hours ay dito tumuloy sa bahay nila. Malayo ang puwesto ng mga ito sa daraanan niya kaya okay lang na magtuloy-tuloy siya, minsan kasi ay kung saan-saan ang puwesto nila sa sala kaya hindi niya maiwasan na bumati sa mga ito kahit ayaw niya. Galing siyang eskwelahan at may pagkakataon na alas-siete siya ng gabi nakaka-uwi dahil sa projects nila na kailangang tapusin ng araw lang na 'yon. College student siya at Engineering ang kurso, kaya may mga subject na mahirap at gawain na inaabot na sila ng alas-siete ng gabi. Nagpatuloy siya sa paglalakad, pero biglang napahinto. "Charlotte. Bumati ka naman sa mga kaibigan ko," saad ng kuya niya. Ayaw niya sana, pero humarap siya sa mga ito at kumaway ng bahagya, pero hindi nakatingin o nagsalita, saka siya muling naglakd para pumasok na ng kwarto niya. Narinig pa niya ang isang kaibigan ng kuya niya na wala pa ring pagbabago sa kanya. Halos kada isang linggo kasi ay tatlong beses silang nandito. Napailing siya dahil kung siya ay hindi pa nasasanay sa presensiya ng mga ito, sila rin pala. Nang nasa loob na siya ng kwarto ay humiga siya sa mismong sahig ng kwarto niya sa pagod sa maghapon na klase, maging ang utak niya ay pagod na rin. Ayaw niyang humiga sa kama dahil amoy pwis siya. Maliligo na lang siya bago matulog at kakain na rin pala ng hapunan. Nakapagluto naman na siguro si Manang Delinda, mayroon ding pulutan ang mga umiinom sa labas na puwede din na pang-ulam. Dalawang oras din ang ttinagal niya sa kwarto bago lumabas at pumunta ng kusina. Pagbukas pa lang niya ng takip ng kaserola ay napangiti siya dahil may sabaw ang ulam niya ngayon. Kumuha siya sa mangkok at naglagay ng kanin sa plato bago dalhin sa lamesa, habang kumakain siya at nakatingin sa phone niya ay may nagsalita mula sa likuran niya. "Excuse me. Pinakukuha ng kuya mo yung sisig." Nasamid tuloy siya sa hinihigop niyang sabaw sa boses na 'yon. Binaba niya ang kutsara at lumingon sa may-ari ng boses na 'yon, si Elijah pala, ang pinaka-matalik na kaibigan ng kuya niya. "A...hind iko alam kung nasaan 'yon." "Hanapin mo na lang sa kusina." Utos nito. Napatingin siya sa pagkain niya, pero tumayo rin siya at maging ang phone niya ay iniwan niya sa ibabaw ng lamesa. Hinanap niya sa buong kusina ang sisig na sinasabi ni Elijah, pero bakit wala? Muli siyang lumabas ng kusina at pumunta sa dining area. "Wala namang sisig doon." Napakunot naman ang noo ni Elijah. "Ang sabi kasi ng kuya mo ay kuhanin ko raw sa kusina ang sisig." "Baka hindi sisig ang pinapakuha niya." Umupo siyang muli sa harap ng lamesa. Pumasok naman ang kuya niya na tila nagtataka dahil naroon pa rin si Elijah. "Bakit ang tagal mong bumalik?" "Hinanap pa ng kapatid mo yung sisig na sinasabi mo." Nagsalubong ang kilay ng kuya. "Sisig? Saan mo nakuha na may sisig?" "Sayo." Napakamot naman ang kuya niya sa ulo. "Ang sabi ko sinigang hindi sisig. Lasing ka na ba?" "No. Namali lang ng dinig." "Diyan ka muna, ako na ang kukuha." Naglakad papasok ng kusina ang kuya niya at siya naman ay nag-scroll lang sa phone niya dahil nahihiya siyang sumubo ng kanin habang nasa likuran niya si Elijah. "Ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Hindi naman ako nakatingin habang sumusubo ka." Napahinto siya sa pag-scroll at napangiwi, pero mabuti na lang at bumalik agad ang kuya niya na may dala ng malaking bowl at doon nakalagay ang sinigang na sobrang daming sabaw na makikita. "Halika na, Elijah. Hindi makakakain ng mabuti si Charlotte pag nandiyan ka." Kumunot ang noo nito. "Bakit?' "Parang hindi ka pa nasanay sa kanya. Mahiyain nga ayaw niyang may ibang tao sa paligid niya. Unang beses mo pa namang nagpunta rito ng narito siya." "Okay." Parehas nang lumabas ang mga ito sa dining area, at siya naman ay nagpatuloy ng kumain hanggang sa matapos siya. Nakalimuan niyang meron pala siyang dapat gawin bago matulog, at saka basang-basa pa rin naman ang buhok niya kaya may time pa siya para gawin iyon habang bino-blower ang buhok. Wala nga pala ang magulang nila ngayon sa bahay dahil nag-out of the country ang mga ito. Hindi naman sila puwedeng sumama ng kuya niya dahil sa trabaho at siya naman ay may pasok pa sa school, kaya ngayon silang dalawa lang ng kuya niya sa bahay at kasama na rin pala ang mga katulong nila. Pumasok siya muli sa kwarto at umupo sa harap ng study area niya. Habang may binabasa ay bino-blower niya ang buhok niya. Bibitawan niya lang pag may kailangan siyang isulat. Dalawang oras rin ang ginugol niya sa binabasa niya habang pinapatuyo ang buhok, at nang nakaramdam na siya ng antok ay niligpit na niya ang mga gamit niya bago nahiga sa kama. Ilang saglit pa ay mahimbing ng natutulog si Charlotte habang nkakayakap sa unan niya. Samantala pag patak ng alas-dose ng hating-gabi ay mga lango na sa alak ang mga nag-iinuman sa loob ng sala ng bahay nila Charlotte. Ang iba ay tulog na, mayroon pa ngang nakadapa sa sahig, nakalaylay ang ulo sa sofa, habang si Elijah at ang kuya ni Charlotte na si Christian ay nakasandal na sa sofa at nakatulog na rin. Samantala naalimpungatan si Elijah at tumingin sa mga kasamahan nito sa sala, bagsak lahat. Tumayo ito at lumakad ng pasuray-suray, mukhang hinahanap nito ang banyo. Lahat ng pinto na nadadanan niya ay tinitingnan niya habang nanliliit ang mata. Binuksan nito ang isang kwarto at pumasok doon, pero sinara rin kaagad. Tumigil saglit si Elijah at napatingin sa loob ng kwarto na 'yon. Ang kwartong napasukan niya ay ang kwarto ni Charlotte. Tulog na tulog si Charlotte at mukhang hindi niya naramdaman na may pumasok sa kwarto niya. Pipikit-pikit ang mata ni Elijah na lumapit sa higaan ni Charlotte, dahil sa kalasingan ay mukhang may gagawin si Elijah na hindi maganda sa dalaga sa paraan nito ng pagtitig. Lumapit ang mukha nito kay Charlotte, at tiinitigan nito ng matagal na parang kinikilala kung sino ba ang nasa harap nitong dalaga. Samantala nagising ang diwa ni Charlotte dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil may hangin na mainit siyang nararamdaman sa mukha niya. Ang nasa isip niya ay multo, kaya hindi siya dumidilat kahit gising na gising na ang buong katawan niya. Pero mas lalong napakunot ang noo niya nang may humihila naman ng kumot niya. May multo na ba dito sa kwarto niya? Pero nang may naramdaman siya na parang malambot na pinapadaan sa labi niya ay napadilat siya. Si Elijah ang bumungad sa kanya, at iba na ang tingin nito sa kanya. Sisigaw na sana siya pero biglang tinakpan nito ang bibig niya. Sa takot ay nangilid ang luha niya at pilit na tumatayo, pero malakas ito kaya hindi niya nagawang umaliis sa kama. Hmmp..ku...ya...! Pilit siyang nagsasalita habang nakatakip ang kamay ni Elijah sa bibig niya, habang may mapupungay na mata si Elijah na nakatitig sa kanya ay halos magwala siya dahil ang kamay nito ay pumapasok sa loob ng damit niya. Tuluyang tumulo ang luha niya sa gilid ng mata niya dahil ang hina niya para lumaban sa lakas ng katawan ni Elijah. Nang medyo nilayo nito ang katawan sa kanya ay tinulak niya ito, pero kahit gaano pa kabilis ang katawan niya ay mas mabilis ito, isang suntok ang natanggap niya sa sikmura, kaya nanghina na siya doon pa lang. Hindi na siya makagalaw kaya ginawa na nito ang panghahalay sa kanya. Lalong bumuhos ang sakit sa luha niya nang may sobrang sakit siyang naramdaman sa pagitan ng hita niya. Dumilat siya at kitang-kita niya ang itsura ni Elijah nang nakuha na nito ang gusto. Ngumiti pa ito sa kanya bago bumagsak sa tabi niya. Binalot niya ng kumot ang katawan niya at tumayo, pero napaupo rin dahil sa nanghihina niyang katawan. Sa gilid ng kama niya ay doon niya binuhos ang lahat ng luha niya, malakas, at lahat ng sakit ay sinisigaw ng mga luha niya. Samantala nagising si Christian. Papunta na ito sa kwarto nito para doon ipagpatuloy ang pagtulog. Hahayaan na lang nito ang mga kaibigan nito doon dahil sanay naman na ang mga iyon dahil sa madalas na pagpunta rito sa kanilang bahay, pero habang papunta si Christian sa kwarto nito ay napatigil ito nang may iyak itong narinig mula sa kwarto ni Charlotte. Napakunot ang noo ni Christian, kaya mabilis nitong binuksan ang pinto para tingnan si Charlotte sa loob, pero habang nakahawak ito sa seradura ng pinto ay natigilan si Christian nang makita ang kapatid na nakabalot sa kumot habang umiiyak sa isang gilid habang si Elijah ay tulog sa ibabaw ng kama habang ang pang-ibabang parte ng katawan nito ay nakapatong lang ang isang unan, at walang saplot sa buong katawan. Galit na tuluyang pumasok si Christian sa loob at pilit na ginigising nito si Elijah, walang amor iyon, ang bawat pang-gigising nito kay Elijah."Kuya sandali! May nakita akong kakilala ako. Babatiin ko lang siya saglit." "Sino?" "Si Shaira, kaibigan ni Elijah." Saglit na napakunot ang noo ni Christian dahil kilala rin niya ang sinasabi nito. "Kaibigan ko rin siya. Nasaan ba?" Lumingon si Christian sa mga tao, pero hinila na siya ni Charlotte. Hindi naman sila nagmamadaling lumakad dahil hirap na rin ang kapatid niyang maglakad. Malaki ang ngiti ni Charlotte na lumapit kay Shadira na may tinitingnan na damit sa labas ng isang store. "Shaira!" Tawag ni Charlotte nang tuluyan na silang makalapit. Nawala lang ang malaking ngiti kay Charlotte nang tinitigan lang siya nito habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Charlotte, yung pinakilala sayo ni Elijah." Ngumiti ito at tumingin sa tiyan ni Charlotte. Tinanggal ang shades nitong suot na kulay pula. "Naku sorry hindi kita namukhaan. Malaki na kasi ang pinagbago mo." "Okay lang. Medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko." Tinitigan ni Shaira ang
Nagpupumiglas si Venus sa upuan habang pilit na hinihila ang pulso na may itim na tela na nakapalupot doon. Takot na takot at ibig sumigaw pero walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Napatigil si Elisse nang malapit na ang dulo ng ballpen sa ibabaw ng kamay nito. Ang luha sa mata ni Venus ay patuloy na umaagos kaya napatigil si Elisse. May hindi ata tama sa babaeng kaharap niya ngayon. Tumayo si Elisse at hinagis ang ballpen sa kasama ni Roger. "Maswerte ka at may awa pa ako, pero kung wala, kanina ka pa walang buhok." "Elisse, enough!" may pagbabantang sigaw ni Elijah. Inirapan lang siya ni Elisse at pumunta na ito sa gilid. "Ano ng mangyayari kung hindi naman pala siya nakakapagsalita?" tanong ni Elijah kay Roger. Bumuntong-hinga ito. "Sa ngayon, mukhang kailangan pa natin ng panahon para muling bumalik ang boses niya. Sa case niya parang trauma na may hindi magandang nangyari kaya ganyan ang pinapakita sa atin. Don't worry, Sir Elijah, once na may progress
"May nakikita ka ba na wala kaming nakikita? Bakit kinakausap mo 'yang telepono mo habang nakaharap sayo? Wala namang tao." Nanlilisik ang matang lumingon si Elisse sa lalaking nasa likuran niya. Ang pinakamataas sa agent na binabayaran niya. "Hindi mo ba nakikita? Pa laser mo 'yang mata mo dahil sobrang labo na!" Lumakad siya at umupo sa couch. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Ang kasamahan naman nito ay pigil na pigil ang tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin. Samantala, sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Elijah ay agad din siyang nakarating sa tapat ng kanyang bahay. Mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. May konting hingal na huminto siya malapit sa pinto pero naguluhan sa itsura ng mga bisita sa bahay. Ang isa ay parang bahay nito kung umasta base sa pagkakaupo, yung isa naman ay parang namimili ng maliliit niyang furniture na naka-display. Samantalang si Elisse ay naglilinis ng kuko sa paa. "Elisse." Tawag niya rito dahil
"Pasensya na sir. Nag-aalala lang po kami dahil tahimik niya po kaming pinalabas. Baka po may gawin siyang hindi maganda kaya ho hindi po kami mapakali. Halos mawalan po kasi ng buhay ang mata ni Ma'am Charlotte." Muling tumingin si Christian sa pinto ng kwarto. Bumuntomg-hininga siya at lumakad pero huminto rin kaagad sa mismong tapat ng pinto. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo. Ako ng bahala sa kanya." "Sige ho sir." Sunod-sunod na umalis ang mga katulong habang si Christian tinitigan pa saglit ang pinto bago pihitin ang seradura na hindi naman naka-lock. Dahan-dahan siyang sumilip at nakitang nakaupo ang kanyang kapatid sa kama habang nakatingin sa munting balkonahe ng kwarto. Tahimik na pumasok si Christian sa loob ng kwarto at huminto sa kabilang side ng higaan. Nilapag niya ng tahimik ang dala niya maging ang kanyang telepono sa lamesita sa tabi ng kama. Ilang buwan na ang nakakalipas, ngayon na lang ulit pinakita ni Charlotte ang ganitong ugali. Ilang araw na lang ang bi
Lulan na ng kotse si Elijah, seryoso siyang nagmamaneho papunta sa kanyang kumpanya. Ilang saglit pa ay huminto siya sa tapat ng building at tahimik na bumaba ng kotse at inabot ang susi sa guard. Lahat ng kanyang empleyado ay bumati sa kanya at ang kanyang sagot ay pagtango lang habang patuloy na naglalakad patungo sa kanyang opisina. Nang makita ng secretary nito si Elijah ay agad itong tumayo at nagsalita. "S-Sir...lahat ng papers na kailangan iyo pong pirmahan ay nasa table mo na po. May karamihan din po iyon dahil ilang araw po kayong hindi pumasok," seryosong saad ng secretary pero mapapansin na bahagyang may kaba ang bawat salita nito. "Good. Kung sakali na may tumawag at hanapin ako, sabihin mong may urgent akong ginagawa. Susubukan kong tapusin ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan, at huwag na huwag kang magpapasok sa opisina ko kahit pagkatok ay huwag mong pahihintulutan. Naiintindihan mo ba?" "Yes sir." Tumango si Elijah at nagpatuloy pumasok ng opisina. Nang
Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun