Share

05 Unang Pag-aaway

Author: acire_berry
last update Last Updated: 2024-01-01 17:46:39

Elijah's POV

Habang tahimik na nakaupo ay biglang may sumakit sa gilid ng tiyan niya. Lumingon siya kay Charlotte habang nakanganga na nakatingin sa tagliran ng tiyan niya.

"Ano bang ginagawa mo at ang likot mo?" Tinaas nito ang pera na sinusubukan na nitong paghiwa-hiwalayin. "Sinabi ko na mamaya mo na lang pagtuonan ng pansin 'yan. Bakit ba ang kulit mo?"

"Wala naman akong gagawin, kaya inumpisahan ko na, tapos na akong kumain."

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Parang nagmumukha kang pera."

Natigilan si Charlotte at tumingin sa kanya na may mukhang seryoso. "May pasok na ako sa makalawa kaya inuumpisahan ko na 'to."

"Meron ka pang oras bukas."

"May pupuntahan ako bukas."

Nagsalubong ang kilay niya. "Saan ka pupunta?"

"Sa friend ko lang."

"Are you sure?"

"Oo."

Hindi na siya nito pinansin, at tinuon na naman ang tingin sa paghihiwalay ng pera. Napailing na lang siya.

Paglipas ng oras ay handa ng umuwi ang pamilya nila ni Charlotte, malapit na rin sumapit ang gabi, kaya kailangan na rin nilang umuwi.

Nakatayo na sila ngayon sa tapat ng pinto palabas.

"Alis na kami, maging masaya kayo sa pagsasama niyong dalawa." Saad ng Mama niya. Tumingin ito kay Charlotte. "Ikaw naman Charlotte, pagsilbihan mo ang asawa mo, alagaan, at ipagluto."

Tiningnan niya ang mukha ni Charlotte, pero napansin niya na bahagya itong napangiwi. Napailing siya sa ginawa nito, mukhang hindi naman napansin ng Mama niya ang ginawa nito.

"Ingat kayo, Ma sa daan."

"O siya sige, iwan na namin kayo." Ngumiti ito parehas sa kanilang dalawa ni Charlotte bago sumakay ng kotse. Ang pamilya naman ni Charlotte ay kumaway lang sa kanila bago umalis.

Nanatili sila sa pinto habang nakatingin sa labas.

"Anong ng gagawin natin?" tanong ni Charlotte.

Lumakad siya sa loob ng bahay. "Magbihis ka na, kung gusto mo ikaw ang magligpit ng lahat ng kalat dito sa loob. Ikaw na rin ang maghugas ng pinggan."

"Ha? Hindi ba 'to catering?"

"Hindi."

Lumingon siya at nakitang nakatitig si Charlotte sa lamesa at mga pinggan na naroon. Nagsalubong ang kilay niya ng pupunta ito roon.

"Umakyat ka na, at magbihis. May katulong na maglilinis niyan." Tila nagdadalawang isip pa si Charlotte. "Bilisan mo, pag nagbago pa ang isip ko pati paglalaba sa sapin ng lamesa ay ipagagawa ko sayo."

Agad naman itong naglakad papunta ng hagdan, pero napatigil din. "Saan nga pala ang kwarto ko?"

Nag-umpisa ulit siyang maglakad paakyat sa hagdan, nilagpasan niya si Charlotte.

Tatlo ang kwarto sa pangalawang palapag ng bahay niya, isa ang sa kanya, at ang dalawa ay bakante.

Pumasok siya sa isang kwarto, sumunod naman si Charlotte.

"Ito ba ang kwarto ko?"

"No, kwarto nating dalawa 'to."

Nanlalaki naman ang mata nito habang iniikot ng paningin ang loob ng kwarto.

"Seryoso?"

"Yes."

"Sa kabilang kwarto na lang ako, tutal naman ayaw naman natin ang isa't-isa."

Tinitigan niya ang mukha nito. "Sigurado ka na ayaw mo dito?'

"Oo."

"Okay, follow me."

Pumunta siya sa kabilang kwarto at binuksan iyon. "Itong kwarto na 'to. Gusto mo?"

Sumilip ito sa pinto, pero nagsalubong ang kilay sa nakita sa loob.

"Bakit walang laman?"

"Wala kasing gumagamit nito, kaya walang laman kahit cabinet. Ako lang naman mag-isa dito kaya isang kwarto lang ang may laman."

"Wala din yung isang kwarto pa?"

Tamad siyang tumingin sa mata ni Charlotte. "Hindi mo ba narinig? Isang kwarto lang ang may laman, kaya wala rin yung pangatlong kwarto."

Inirapan lang siya nito, saka pumasok sa loob ng kwarto, at tumayo sa gitna.

"Halika na sa kwarto natin, magpalit ka na doon."

"Dito na lang kaya ako matulog."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Nakita mong wala ngang gamit, kahit kama, tapos dito ka matutulog. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo sa akin? Prinsesa ka nila doon, tapos dito, sa sahig ka matutulog."

"Bibili ako ng sarili kong kama at cabinet."

Pumasok siya sa loob at tumayo sa harap ni Charlotte. "Puwede mo itong gawin na study room mo, pero ang maging kwarto mo na tutulugan ay hindi puwede. Ayokong tatayo pa ako once na tumawag ang isa sa pamilya nating dalawa para kausapin ka, for sure hahanapin ka nila maging ako sayo. Kung natatakot ka sa akin dahil baka gawin ko na naman ang ginawa ko sayo kaya tayo nakasal, ay hindi na mangyayari. Nagkamali na ako nung una, hindi ko na uulitin pa iyon sayo."

Bumuntong-hininga naman si Charlotte. "Malaki ba ang higaan mo?"

"Hindi mo ba nakita? Una tayong pumasok doon, gamitin mo 'yang mata mo minsan, para hindi ka tanong ng tanong."

"Bawal na bang magtanong ngayon?"

"Yes, lalo pa't alam mo naman ang sagot. Sumunod ka na sakin."

Lumabas siya at pumasok naman sa kwarto niya, hinubad niya ang barong niyang suot kaya t-shirt na lang ang natira sa pang itaas niyang suot. Napatingin siya sa pinto ng pumasok si Charlotte, at tila may hinahanap.

"Nasaan yung maleta ko?"

"Maleta?"

"Oo, nandon lahat ng damit ko."

"Walang binaba dito na maleta."

Namilog naman ang mata nito, bago lumabas ng kwarto habang tumatakbo. Paglipas ng ilang minuto ay bumalik din agad.

"Hindi nababa nila kuya yung maleta ko na nasa sasakyan."

Tumingin siya sa cabinet niya. "Kung gusto mo, damit ko muna ang gamitin mo."

"Huwag na, ganito na lang ako. Hindi na ako magpapalit."

Umiling siya. "No, nagpawis ka na, kaya malagkit ka pati 'yang damit mo ay nakasagap na ng usok. Ayokong mahihiga ka sa kama ko na 'yan pa rin ang suot mo."

"Ang arte mo naman."

"Hindi ikaw ang naglalaba kaya huwag ka ring maarte."

Inis nitong binagsak ang hawak sa maliit na mesa sa gilid ng kama. "Nasaan na yung damit na sinasabi mo? Akina!"

"Nagtataas ka ba ng boses sa akin?"

"Halata naman. Bakit nagtatanong ka pa? Kung ayaw mo akong madumi doon ako sa kabilang kwarto matutulog kahit sa sahig lang!"

"Kaya mo? Go, walang pumipigil sayo."

Kumuyom ang kamay nito, bago tumalikod sa kanya at umalis ng kwarto. Sinara nito ang pinto ng malakas kaya napapikit siya.

Ang tigas talaga ng ulo.

Lumabas siya ng kwarto para sundan ito sa kabila. Pero pagbukas niya ng pinto ay wala naman doon si Charlotte, maging sa banyo. Pumunta siya sa pangatlong kwarto, pero wala rin ito doon.

Saan siya nag punta?

Bumaba siya ng hagdan at sa ibaba naman naghanap.

"Cara, nasaan ang ma'am mo?"

"Yung asawa mo po ?"

"Yes. Nakita mo ba siya dito sa baba."

"Nasa kusina po."

"Sige. Salamat."

Pumunta siya ng kusina, nakita niya si Charlotte na naghahalungkat ng kaldero. Hindi pa ba ito nabusog sa kinain kanina?

"Charlotte."

Nalaglag ang takip ng kaldero nitong hawak, kaya umalingawngaw ang ingay no'n sa paligid.

"What are you doing?"

Pinulot nito ang kaldero, pero hindi siya sinagot. "Charlotte!"

Kumuha ito ng kanin at yung natirang ulam kanina. Umupo ito at nagsimulang kumain.

"Naririnig mo ba ako?"

Patuloy lang itong kumain na hindi lumilingon sa kanya, sa inis ay umalis siya ng kusina at pumasok sa kwarto niya, ni lock niya ang pinto. Matigas din naman ang ulo ni Charlotte, panindigan na nito. Tingnan lang niya kung magtagal sa sahig na malamig.

Naligo siya, pagkatapos ay umupo sa harap ng table para basahin ang papeles. Kinuha niya muna ang salamin niya sa mata bago nagsimula.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
cute niyo dalawa haha
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
waiting po sa next chapter super excited na po ako ...... next po please ...
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
wow thank you po ms. A sa pag update ng story at sa new chapter nakakatuwa po silang mag away ...... ang cute ... tampo na agad si charlotte nang aaway kase si mister elijah yan tuloy looking forward po ako ukit sa sunod na update thank u po ulit ......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   70 - Panganib Sa Buhay ni Charlotte

    "Kuya sandali! May nakita akong kakilala ako. Babatiin ko lang siya saglit." "Sino?" "Si Shaira, kaibigan ni Elijah." Saglit na napakunot ang noo ni Christian dahil kilala rin niya ang sinasabi nito. "Kaibigan ko rin siya. Nasaan ba?" Lumingon si Christian sa mga tao, pero hinila na siya ni Charlotte. Hindi naman sila nagmamadaling lumakad dahil hirap na rin ang kapatid niyang maglakad. Malaki ang ngiti ni Charlotte na lumapit kay Shadira na may tinitingnan na damit sa labas ng isang store. "Shaira!" Tawag ni Charlotte nang tuluyan na silang makalapit. Nawala lang ang malaking ngiti kay Charlotte nang tinitigan lang siya nito habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Charlotte, yung pinakilala sayo ni Elijah." Ngumiti ito at tumingin sa tiyan ni Charlotte. Tinanggal ang shades nitong suot na kulay pula. "Naku sorry hindi kita namukhaan. Malaki na kasi ang pinagbago mo." "Okay lang. Medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko." Tinitigan ni Shaira ang

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   78 - Pagpunta Sa Mall

    Nagpupumiglas si Venus sa upuan habang pilit na hinihila ang pulso na may itim na tela na nakapalupot doon. Takot na takot at ibig sumigaw pero walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Napatigil si Elisse nang malapit na ang dulo ng ballpen sa ibabaw ng kamay nito. Ang luha sa mata ni Venus ay patuloy na umaagos kaya napatigil si Elisse. May hindi ata tama sa babaeng kaharap niya ngayon. Tumayo si Elisse at hinagis ang ballpen sa kasama ni Roger. "Maswerte ka at may awa pa ako, pero kung wala, kanina ka pa walang buhok." "Elisse, enough!" may pagbabantang sigaw ni Elijah. Inirapan lang siya ni Elisse at pumunta na ito sa gilid. "Ano ng mangyayari kung hindi naman pala siya nakakapagsalita?" tanong ni Elijah kay Roger. Bumuntong-hinga ito. "Sa ngayon, mukhang kailangan pa natin ng panahon para muling bumalik ang boses niya. Sa case niya parang trauma na may hindi magandang nangyari kaya ganyan ang pinapakita sa atin. Don't worry, Sir Elijah, once na may progress

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   77 - Pagkahuli Kay Venus

    "May nakikita ka ba na wala kaming nakikita? Bakit kinakausap mo 'yang telepono mo habang nakaharap sayo? Wala namang tao." Nanlilisik ang matang lumingon si Elisse sa lalaking nasa likuran niya. Ang pinakamataas sa agent na binabayaran niya. "Hindi mo ba nakikita? Pa laser mo 'yang mata mo dahil sobrang labo na!" Lumakad siya at umupo sa couch. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Ang kasamahan naman nito ay pigil na pigil ang tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin. Samantala, sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Elijah ay agad din siyang nakarating sa tapat ng kanyang bahay. Mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. May konting hingal na huminto siya malapit sa pinto pero naguluhan sa itsura ng mga bisita sa bahay. Ang isa ay parang bahay nito kung umasta base sa pagkakaupo, yung isa naman ay parang namimili ng maliliit niyang furniture na naka-display. Samantalang si Elisse ay naglilinis ng kuko sa paa. "Elisse." Tawag niya rito dahil

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   76 - Dalawang Puso Na Puno Ng Hinagpis

    "Pasensya na sir. Nag-aalala lang po kami dahil tahimik niya po kaming pinalabas. Baka po may gawin siyang hindi maganda kaya ho hindi po kami mapakali. Halos mawalan po kasi ng buhay ang mata ni Ma'am Charlotte." Muling tumingin si Christian sa pinto ng kwarto. Bumuntomg-hininga siya at lumakad pero huminto rin kaagad sa mismong tapat ng pinto. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo. Ako ng bahala sa kanya." "Sige ho sir." Sunod-sunod na umalis ang mga katulong habang si Christian tinitigan pa saglit ang pinto bago pihitin ang seradura na hindi naman naka-lock. Dahan-dahan siyang sumilip at nakitang nakaupo ang kanyang kapatid sa kama habang nakatingin sa munting balkonahe ng kwarto. Tahimik na pumasok si Christian sa loob ng kwarto at huminto sa kabilang side ng higaan. Nilapag niya ng tahimik ang dala niya maging ang kanyang telepono sa lamesita sa tabi ng kama. Ilang buwan na ang nakakalipas, ngayon na lang ulit pinakita ni Charlotte ang ganitong ugali. Ilang araw na lang ang bi

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   75 - Paghuli Kay Venus

    Lulan na ng kotse si Elijah, seryoso siyang nagmamaneho papunta sa kanyang kumpanya. Ilang saglit pa ay huminto siya sa tapat ng building at tahimik na bumaba ng kotse at inabot ang susi sa guard. Lahat ng kanyang empleyado ay bumati sa kanya at ang kanyang sagot ay pagtango lang habang patuloy na naglalakad patungo sa kanyang opisina. Nang makita ng secretary nito si Elijah ay agad itong tumayo at nagsalita. "S-Sir...lahat ng papers na kailangan iyo pong pirmahan ay nasa table mo na po. May karamihan din po iyon dahil ilang araw po kayong hindi pumasok," seryosong saad ng secretary pero mapapansin na bahagyang may kaba ang bawat salita nito. "Good. Kung sakali na may tumawag at hanapin ako, sabihin mong may urgent akong ginagawa. Susubukan kong tapusin ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan, at huwag na huwag kang magpapasok sa opisina ko kahit pagkatok ay huwag mong pahihintulutan. Naiintindihan mo ba?" "Yes sir." Tumango si Elijah at nagpatuloy pumasok ng opisina. Nang

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   74 - Lumpiang Corned Beef

    Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status