Share

06 Panaginip

Penulis: acire_berry
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-02 18:14:55

Elijah's POV

Pinikit-pikit niya ang mata niya nang matagal ng nakatitig sa binabasa niya. Tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng gabi, pero parang wala siyang narinig na sinubukan na pihitin ang seradura ng pinto. Binaba niya ang papeles niyang hawak maging ang salamin niya sa mata, saka lumabas ng kwarto. Tahimik na sa loob ng bahay, tulog na rin panigurado ang mga katulong niya, malinis na rin sa ibaba ng sumilip siya.

Pumunta siya sa katabi niyang kwarto, dahan-dahan na binuksan iyon at sumilip, pero walang Charlotte sa loob, maging sa pangatlong kwarto.

Nasaan na naman ba siya?

Bumaba siya at inikot ang loob ng bahay, pero wala din si Charlotte doon. Ibig na niyang pumunta ng kwarto ng katulong niya para tingnan kung nandoon, pero huwag na lang dahil baka maka-istorbo pa siya. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng sala at nag-iisip, pero nang napagawi ang tingin niya sa hilera ng susi ng mga sasakyan niya ay kulang ng isa.

Lumapit siya at tinitigan ang mga susi. Marunong bang mag-drive ng sasakyan si Charlotte? Parang hindi, base sa nakikita niya tuwing uuwi ito na nag-co-commute lang, basta na lang niyang kinuha ang isang susi at nagmamadaling lumabas ng bahay, pero napahinto rin siya sa paglalakad dahil ang kotse na nawawala ang susi ay nandito pa rin sa loob ng bakuran ng bahay niya.

Habang nakakunot ang noo ay dahan-dahan siyang lumapit sa kotse. Napatingin siya sa harapan ng kotse, buhay ang makina. Agad siyang lumapit at sinubukan na silipin si Charlotte sa loob, hindi niya makita dahil tinted, at wala talagang maaaninag sa loob. Sinubukan niyang buksan ang pinto, pero naka-lock.

Ano bang iniisip ng babaeng 'to at nag-lock pa ng pinto? Nasa loob naman siya ng bakuran ng bahay niya.

Kinatok niya ang bintana para sana gisingin si Charlotte, pero daig pa ang mantika kung matulog. Hindi man lang natinag sa ingay ng pagkatok niya sa bintana. Pakiramdam niya habang narito si Charlotte, magiging magulo ang tahimik niyang mundo.

Hindi puwedeng manatili si Charlotte sa loob dahil kahit bukas ang makina at aircon, ay may tendency pa rin na mamatay lalo pa't pag nawalan ng gasolina ang kotse. Baka nag-set pa ito ng high sa aircon, mas lalong mapapadali ang pagka-ubos ng gasolina.

Umalis siya sa tabi ng kotse at muling pumasok sa loob ng bahay para kuhanin ang duplicate keys ng kotse niya, na ngayon lang niya naalala dahil hindi pa naman nawawala ang originals keys ng mga kotse niya dahil masinop siya, pinagawan niya lang para in case na mawala at kung saan lang nilagay ay may gagamitin siya sa tuwing nagmamadaling umalis.

Binuksan niya ang drawer at doon naka-ayos ang lahat ng duplicate keys ng lahat ng kotse niya, kinuha niya ang susi ng kotse kung nasaan si Charlotte, saka muling lumabas ng bahay.

Nang naalis na niya ang lock ng pinto ng kotse ay mabilis niya iyon na binuksan. Tulog na tulog nga si Charlotte, at hindi man lang nagising talaga sa pag-iingay niya sa bintana kanina. Balak sana niyang gisingin, pero napakuyom na lang ang kamay niya, at inis na binuksan ang pinto ng driver seat para patayin ang makina. Bubuhatin na lang niya si Charlotte papasok ng bahay.

Nang muli siyang pumasok ng bahagya sa loob ng kotse ay hirap siyang makuha si Charlotte, ang ginawa na lang niya ay hinila ang dalwang kamay nito para makaupo, at doon niya binuhat.

Sa halip na matutulog na lang siya ng oras na 'to, naghanap pa siya ng babaeng nawawala.

Sa higaan niya ito hiniga para maging komportable, pero pinanindigan talaga ni Charlotte na hindi nagpalit ng damit. Napailing na lang siya habang kinukumutan si Charlotte. Magpapalit na lang siya ulit ng kumot, bedsheet, at punda ng unan bukas.

Napahikab siya, kaya nahiga na rin siya sa kabilang side ng kama. Unti-unting ng napapapikit ang mata niya nang may maramdaman na biglang dumantay sa tiyan niya, inis niyang inalis iyon at asar na tiningnan si Charlotte. Gusto niya sanang gisingin, pero may awa naman siya kaya naglagay na lang siya ng unan sa pagitan nilang dalawa. Nang hindi na ito makalagpas at makalapit sa kanya.

Inaantok na talaga siya, kaya pumikit siya muli at tuluyan ng natulog.

Pagpatak ng alas-kwatro ng madaling araw ay nagising si Elijah dahil sa isang sigaw.

Tumayo siya, pero napakapit sa higaan dahil biglang umikot ang paligid. Nang okay na ay tumingin siya sa katabi niya na natutulog naman.

Si Charlotte ba ang sumigaw? O meron pang iba?

Lumakad siya papunta sa side ni Charlotte, pero tulog pa rin naman ito. Aalis na sana siya pero bigla na naman itong sumigaw, kaya agad siyang napatingin muli sa mukha nito na hindi naman gising dahil nakapikit pa rin. Mukhang nananaginip si Charlotte.

Bumalik na lang siya sa pagkakahiga at matutulog na ulit, may dalawang oras pa para matulog ulit siya. Sasakit ang ulo niya pag hindi siya ulit natulog. Pero parang hindi na rin matutuloy dahil nagwawala na si Charlotte ngayon sa higaan.

"Char, gumising ka!" Inalog niya ang katawan nito, pero patuloy pa rin ito sa pagwawala na parang nasasapian ng kung anong elemento. "Gumising ka...hoy... Charlotte!"

Sa pagkakaalog niya sa katawan ni Charlotte ay parang maghihiwalay na ang kaluluwa nito sa katawan, pero hindi pa rin talaga nagigising. Binangungot na nga ata.

"Hey!!"

Napansin niya na may luha na tumulo sa pisngi nito, kaya pinagpatuloy niya ang ginagawa niya, pero no choice na siya, isang sampal na malakas ang ginawad niya kay Charlotte, na agad naman nagising at tumingin sa kanya na parang natakot dahil lumayo sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ka kasi magising." Mabilis din ang paghinga nito at mukhang nakakatakot ang napaginipan. "Ayos ka na ba?'

"Bakit...narito ako?" Nilibot nito ng paningin sa loob ng kwarto.

"Kinuha kita sa loob ng kotse."

Lalapit sana siya kay Charlotte, pero tinaas nito ang isang kamay. "Huwag kang lalapit!"

Napabuntong-hininga siya at tumayo, hindi na rin naman siya makakatulog kaya hindi na siya babalik sa kama para humiga.

"Ipagpatuloy mo na ulit ang pagtulog mo, sorry sa nagawa ko, ginising lang kita, kaya kita nasampal."

Kinuha nito ang kumot at binalot sa katawan, mukhang alam na niya kung ano ang napaginipan nito. 

"Lalabas na ako, matulog ka na ulit."

Tumalikod siya at lumabas ng kwarto, pagkasara ng pinto ay hindi muna siya lumakad para bumaba. Narinig din niya ang pag-iyak ni Charlotte sa loob ng kwarto. Ano nang mangyayari sa kanila kung naaalala pa rin nito ang nagawa niya? 

Para makasiguro ay bibilhan na lang niya ng gamit si Charlotte para sa kabilang kwarto. Mukhang hindi sila puwedeng magtabi o magsama sa iisang kwarto dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ni Charlotte. Baka magkaroon pa ito ng sakit sa tuwing magsasama sila sa iisang lugar na hindi malawak. Umalis siya sa tapat ng pinto, bumaba na siya para magkape, pero masakit na ang ulo niya dahil kulang sa tulog.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
Grabe pala sobrang na trauma sa nangyari hindi din naman kase madaling kalimutan yon kaya nakakaawa naman si charlotte sana maging okay na sya ... btw thank you ms. A sa pag update ng story next po please ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   70 - Panganib Sa Buhay ni Charlotte

    "Kuya sandali! May nakita akong kakilala ako. Babatiin ko lang siya saglit." "Sino?" "Si Shaira, kaibigan ni Elijah." Saglit na napakunot ang noo ni Christian dahil kilala rin niya ang sinasabi nito. "Kaibigan ko rin siya. Nasaan ba?" Lumingon si Christian sa mga tao, pero hinila na siya ni Charlotte. Hindi naman sila nagmamadaling lumakad dahil hirap na rin ang kapatid niyang maglakad. Malaki ang ngiti ni Charlotte na lumapit kay Shadira na may tinitingnan na damit sa labas ng isang store. "Shaira!" Tawag ni Charlotte nang tuluyan na silang makalapit. Nawala lang ang malaking ngiti kay Charlotte nang tinitigan lang siya nito habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Charlotte, yung pinakilala sayo ni Elijah." Ngumiti ito at tumingin sa tiyan ni Charlotte. Tinanggal ang shades nitong suot na kulay pula. "Naku sorry hindi kita namukhaan. Malaki na kasi ang pinagbago mo." "Okay lang. Medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko." Tinitigan ni Shaira ang

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   78 - Pagpunta Sa Mall

    Nagpupumiglas si Venus sa upuan habang pilit na hinihila ang pulso na may itim na tela na nakapalupot doon. Takot na takot at ibig sumigaw pero walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Napatigil si Elisse nang malapit na ang dulo ng ballpen sa ibabaw ng kamay nito. Ang luha sa mata ni Venus ay patuloy na umaagos kaya napatigil si Elisse. May hindi ata tama sa babaeng kaharap niya ngayon. Tumayo si Elisse at hinagis ang ballpen sa kasama ni Roger. "Maswerte ka at may awa pa ako, pero kung wala, kanina ka pa walang buhok." "Elisse, enough!" may pagbabantang sigaw ni Elijah. Inirapan lang siya ni Elisse at pumunta na ito sa gilid. "Ano ng mangyayari kung hindi naman pala siya nakakapagsalita?" tanong ni Elijah kay Roger. Bumuntong-hinga ito. "Sa ngayon, mukhang kailangan pa natin ng panahon para muling bumalik ang boses niya. Sa case niya parang trauma na may hindi magandang nangyari kaya ganyan ang pinapakita sa atin. Don't worry, Sir Elijah, once na may progress

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   77 - Pagkahuli Kay Venus

    "May nakikita ka ba na wala kaming nakikita? Bakit kinakausap mo 'yang telepono mo habang nakaharap sayo? Wala namang tao." Nanlilisik ang matang lumingon si Elisse sa lalaking nasa likuran niya. Ang pinakamataas sa agent na binabayaran niya. "Hindi mo ba nakikita? Pa laser mo 'yang mata mo dahil sobrang labo na!" Lumakad siya at umupo sa couch. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Ang kasamahan naman nito ay pigil na pigil ang tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin. Samantala, sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Elijah ay agad din siyang nakarating sa tapat ng kanyang bahay. Mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. May konting hingal na huminto siya malapit sa pinto pero naguluhan sa itsura ng mga bisita sa bahay. Ang isa ay parang bahay nito kung umasta base sa pagkakaupo, yung isa naman ay parang namimili ng maliliit niyang furniture na naka-display. Samantalang si Elisse ay naglilinis ng kuko sa paa. "Elisse." Tawag niya rito dahil

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   76 - Dalawang Puso Na Puno Ng Hinagpis

    "Pasensya na sir. Nag-aalala lang po kami dahil tahimik niya po kaming pinalabas. Baka po may gawin siyang hindi maganda kaya ho hindi po kami mapakali. Halos mawalan po kasi ng buhay ang mata ni Ma'am Charlotte." Muling tumingin si Christian sa pinto ng kwarto. Bumuntomg-hininga siya at lumakad pero huminto rin kaagad sa mismong tapat ng pinto. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo. Ako ng bahala sa kanya." "Sige ho sir." Sunod-sunod na umalis ang mga katulong habang si Christian tinitigan pa saglit ang pinto bago pihitin ang seradura na hindi naman naka-lock. Dahan-dahan siyang sumilip at nakitang nakaupo ang kanyang kapatid sa kama habang nakatingin sa munting balkonahe ng kwarto. Tahimik na pumasok si Christian sa loob ng kwarto at huminto sa kabilang side ng higaan. Nilapag niya ng tahimik ang dala niya maging ang kanyang telepono sa lamesita sa tabi ng kama. Ilang buwan na ang nakakalipas, ngayon na lang ulit pinakita ni Charlotte ang ganitong ugali. Ilang araw na lang ang bi

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   75 - Paghuli Kay Venus

    Lulan na ng kotse si Elijah, seryoso siyang nagmamaneho papunta sa kanyang kumpanya. Ilang saglit pa ay huminto siya sa tapat ng building at tahimik na bumaba ng kotse at inabot ang susi sa guard. Lahat ng kanyang empleyado ay bumati sa kanya at ang kanyang sagot ay pagtango lang habang patuloy na naglalakad patungo sa kanyang opisina. Nang makita ng secretary nito si Elijah ay agad itong tumayo at nagsalita. "S-Sir...lahat ng papers na kailangan iyo pong pirmahan ay nasa table mo na po. May karamihan din po iyon dahil ilang araw po kayong hindi pumasok," seryosong saad ng secretary pero mapapansin na bahagyang may kaba ang bawat salita nito. "Good. Kung sakali na may tumawag at hanapin ako, sabihin mong may urgent akong ginagawa. Susubukan kong tapusin ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan, at huwag na huwag kang magpapasok sa opisina ko kahit pagkatok ay huwag mong pahihintulutan. Naiintindihan mo ba?" "Yes sir." Tumango si Elijah at nagpatuloy pumasok ng opisina. Nang

  • Marry Him At The Age Of Eighteen   74 - Lumpiang Corned Beef

    Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status