Charlotte's POV
Umupo siya sa lamesa na ang pagitan sa bisita ay dalawa, siya lang ang nasa banda doon kaya malaya niyang kinain ang lahat ng kinuha niya, habang kumakain ay umupo si Elijah sa tabi niya."Kumain ka ng maayos, Charlotte."Natigilan siya, at tumingin sa plato. Naka-ayos naman yung pagkain niya, mahina lang naman siyang kumain, at hindi patay gutom."Maayos akong kumakain, Elijah."May tinuro itong isang patak ng sauce sa sapin ng lamesa. "Maayos ba 'yan? Hindi, Charlotte, kaya kung kakain ka ay ayusin mo."Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa maliit lqng naman na dumi sa tela. Sobrang linaw naman ng mata nito para makita pa 'yon, nakatabing na nga yung plato niya napansin pa talaga.Hinila niya ang plato niya palapit sa kanya para kung sakali na may mahulog kahit maliit na pagkain ay masalo ng plato, saka siya muling kumain."We both agreed that no one's gonna know that we are married to each other, right?"" Tumango siya habang ngumunguya. "Yung gabi na nangyari ang lahat bago ang kasal."Napahinto siya sa pagkain. "Ngayon lang kita makakausap ng mag-isa. I'm sorry nang gabi na iyon, Charlotte. I don't know what happened to me that night."Hindi na ata niya makakalimutan ang ginawq nito sa kanya, nakakatrauma, lalo na nung sinuntok siya nito sa sikmura. Ibang-iba si Elijah ng gabi na 'yon, pero magiging bangungot sa kanya ang nangyari na 'yon."Kinasal tayo dahil doon, Elijah. We don't love each other. Pero sa ginawa mo natali tayo sa isa't-isa na wala naman talagang pagmamahal na namamagitan sa atin. You can do what you want, ganun din ako. Magpatuloy tayo sa sarili nating buhay na parang hindi mag-asawa, after all, we married each other because of your mistakes."Nagpatuloy siyang kumain, hindi na rin nasundan pa ang pagsasalita ni Elijah, hanggang sa matapos siya. Sumandal siya sa upuan, habang inaalis na ang belo sa ulo niya."Anak, punta kayo ni Elijah sa gitna. Magsayaw kayo, yung romantic dance," saad ng Mama niya nang nakalapit ito sa lamesa nila ni Elijah."Romantic dance, paano 'yon, Ma?"Ngumiti naman ang Mama niya. "Ganito 'yon anak, halika muna rito Elijah." Tumayo si Elijah at sinusunod lang nag sinasabi ng Mama niya. "Ilagay mo ang kamay mo Charlotte sa balikat ng asawa mo, habang siya naman ay nakahawak sa bewang mo, pagkatapos mag-sway lang kayo ng mabagal. Kami naman ay may regalo sa inyo habang nagsasayaw kayo sa gitna.""Kailangan pa ba no'n? Ibigay niyo na lang kaya, Ma, yung regalo sa amin ng hindi na kami sumayaw." Suhestiyon niya.Bahagyang nanalaki ang mata ng Mama niya. "Hindi puwede anak, kahit sa mayor lang kayo kinasal ay kahit paano ay may celebration naman kayo, like magsayaw diyan sa gitna. Hindi na nga kayo nag-slice ng cake para subuan na rin ang isa't-isa. Hindi niyo na rin ba gagawin ang magsayaw sa gitna?"Pasimple siyang yumuko at pumikit. Nakalimutan ata nito na pilit lang naman ang kasal nila ni Elijah dahil sa nangyari, pero kung makapagsabi ito, ay parang kinokonsensya pa sila, kung bakit hindi nila gagawin iyon."Huwag na, Ma. Sayang ang oras."Nawala ang sigla sa mukha nito, kaya umiwas na lang siya ng tingin, pero nagulat siya nang may humila sa kanya at dinala sa gitna ng sala. Habang nakakunot ang noo ay tumingin siya kay Elijah na seryoso lang naman ang mukha."Anong ginagawa mo?""Magsasayaw.""Ayaw ko nga 'di ba. Bakit dinala mo pa ako dito?"Tumingin ito sa puwesto ng Mama niya, nakangiti ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Elijah, maging ang ibang parte ng pamilya nila ay tumayo na rin sa tabi ng Mama niya para manuod.Nilagay ni Elijah ang dalawang kamay niya sa balikat nito, ang kamay naman ni Elijah ay nilagay sa bewang niya. May musika na tumugtog na kumalat sa buong sala ang bahay. Hindi siya gumalaw maging si Elijah."Sway mga anak!!" Sigaw ng Mama niya.Lihim siyang napangiwi, pero naramdaman niyang unti-unting gumalaw si Elijah kaya nadadala siya. Ang pamilya niya ay nagsilapitan na, at habang nagsasayaw sila ng mabagal ay nagkakabit ang ilan ng pera sa damit nila ni Elijah. Sumilip siya sa pera na malapit sa balikat niya, puro lilibuhin iyon.Pag talaga nabibilang sa may kayang pamilya ay ganito ang nakikita niya, normal na lang sa kanya dahil nakakahawak naman siya no'n, pero iba kasi ngayon. Regalo ang mga iyon dahil mag-asawa na sila ni Elijah.Napahinto si Elijah at tumitig sa kanya. "If you want to hurt me, just punch or slap me.""Huh?"Yumuko ito, kaya sinundan niya ng tingin ang tiningnan nito sa ibaba. Gulat niyang nilayo ang paa niya sa paa nito, natapakan pala niya at kalahati ng sapatos niyang suot ang nakatapak kanina sa sapatos ni Elijah. Wala ngang takong iyon, pero mabigat naman ang kabuuan ng sapatos, kaya masakit din iyon."Sorry, hindi ko napansin."Umismid lang ito sa kanya bago tinuon muli ang atensyon sa pagsasayaw nilang dalawa.Lumapit ang Mama niya, dahil ito naman ang magsasabit sa katawan nila. Pagkatapos nitong isabit ang pera ay bigla nitong hinawakan ang parehas na likod nilang dalawa ni Elijah, at biglang pinaglapit silang dalawa ni Elijah ng sobra, yung tipong kulang na lang ay yumakap sila sa isa'-isa."Ma!"
Tumingin ito sa mukha nilang dalawa ni Elijah. "Sige na, ngayon lang naman 'to, maging sweet naman kayo."
Napapikit siya sa kakulitan ng Mama niya ngayon.
"Okay po." Sagot ni Elijah.
Napakunot ang noo niya sa sinagot ni Elijah, pero mas nagulat siya ng kinabig siya nito.
"Just pretend, Charlotte."
Nagsasayaw tuloy sila ng mabagal habang nakayakap si Elijah sa kanya, ang dalawang kamay niya ay nanatili sa taas, habang ang kamay ni Elijah ay magkahawak naman sa gawing bewang niya sa likod.
"Gumalaw ka. mukha kang tuod."
Inis siyang sumabay sa paggalaw nito. Ang bigat pa ng nakasabit sa katawan niya, ginawang kapa e, ang haba.
Nang natapos ang dalawang music at ang paglalagay ng pera sa katawan nila ay umupo na sila ni Elijah.
Habang tinatanggal naman niya ang pera sa kanya ay binilang niya ng pa sekreto, pero bahagyang lumuwa ang mata niya dahil ang kapa na nilagay sa kanya ay nasa one hundred thousand pesos ang halaga, puwera pa yung iba na nasa bewang niya na ginawa namang palda.
"O, itabi mo 'to."
Bigla namang binaba ni Elijah ang pera sa lamesa sa harap niya. Makapal din 'yon. Grabe magbigay ang pamilya nilang dalawa.
Nalipat ang pansin niya sa minatamis na nilagay ng isang katulong sa lamesa nila. Leche plan iyon, kaya binigay niya kay Elijah ang naka-kapa na pera.
"Para may silbi ka, alisin mo ito isa-isa sa plastik."
"What? In front of our family?"
"Oo, masama ba 'yon?"
"Yes, puwede namang mamaya mo na alisin at itabi. Huwag ngayon, Charlotte."
Sa yaman ng isang 'to, wala na lang sa kanya ang pera, bahala si Elijah, siya na lang ang magtatabi no'n para sa hinaharap. Kinuha niya muli ang pera at nilagay sa kabilang upuan.
Kakainin muna niya yung leche plan, madalang pa naman siyang makakain no'n, tuwing may malaking okasyon lang sa bahay ng magulang niya. Napansin niya ang kuya niya na nakatingin sa kanila, ngumiti ito sa kanya, pero ng napatingin kay Elijah ay nawala rin 'yon. Lumingon naman siya sa katabi niya, nakatingin din pala sa kuya niya.
"Kuya sandali! May nakita akong kakilala ako. Babatiin ko lang siya saglit." "Sino?" "Si Shaira, kaibigan ni Elijah." Saglit na napakunot ang noo ni Christian dahil kilala rin niya ang sinasabi nito. "Kaibigan ko rin siya. Nasaan ba?" Lumingon si Christian sa mga tao, pero hinila na siya ni Charlotte. Hindi naman sila nagmamadaling lumakad dahil hirap na rin ang kapatid niyang maglakad. Malaki ang ngiti ni Charlotte na lumapit kay Shadira na may tinitingnan na damit sa labas ng isang store. "Shaira!" Tawag ni Charlotte nang tuluyan na silang makalapit. Nawala lang ang malaking ngiti kay Charlotte nang tinitigan lang siya nito habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Charlotte, yung pinakilala sayo ni Elijah." Ngumiti ito at tumingin sa tiyan ni Charlotte. Tinanggal ang shades nitong suot na kulay pula. "Naku sorry hindi kita namukhaan. Malaki na kasi ang pinagbago mo." "Okay lang. Medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko." Tinitigan ni Shaira ang
Nagpupumiglas si Venus sa upuan habang pilit na hinihila ang pulso na may itim na tela na nakapalupot doon. Takot na takot at ibig sumigaw pero walang kahit isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Napatigil si Elisse nang malapit na ang dulo ng ballpen sa ibabaw ng kamay nito. Ang luha sa mata ni Venus ay patuloy na umaagos kaya napatigil si Elisse. May hindi ata tama sa babaeng kaharap niya ngayon. Tumayo si Elisse at hinagis ang ballpen sa kasama ni Roger. "Maswerte ka at may awa pa ako, pero kung wala, kanina ka pa walang buhok." "Elisse, enough!" may pagbabantang sigaw ni Elijah. Inirapan lang siya ni Elisse at pumunta na ito sa gilid. "Ano ng mangyayari kung hindi naman pala siya nakakapagsalita?" tanong ni Elijah kay Roger. Bumuntong-hinga ito. "Sa ngayon, mukhang kailangan pa natin ng panahon para muling bumalik ang boses niya. Sa case niya parang trauma na may hindi magandang nangyari kaya ganyan ang pinapakita sa atin. Don't worry, Sir Elijah, once na may progress
"May nakikita ka ba na wala kaming nakikita? Bakit kinakausap mo 'yang telepono mo habang nakaharap sayo? Wala namang tao." Nanlilisik ang matang lumingon si Elisse sa lalaking nasa likuran niya. Ang pinakamataas sa agent na binabayaran niya. "Hindi mo ba nakikita? Pa laser mo 'yang mata mo dahil sobrang labo na!" Lumakad siya at umupo sa couch. Napangiwi at napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Ang kasamahan naman nito ay pigil na pigil ang tawa kaya sinamaan niya ito ng tingin. Samantala, sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Elijah ay agad din siyang nakarating sa tapat ng kanyang bahay. Mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. May konting hingal na huminto siya malapit sa pinto pero naguluhan sa itsura ng mga bisita sa bahay. Ang isa ay parang bahay nito kung umasta base sa pagkakaupo, yung isa naman ay parang namimili ng maliliit niyang furniture na naka-display. Samantalang si Elisse ay naglilinis ng kuko sa paa. "Elisse." Tawag niya rito dahil
"Pasensya na sir. Nag-aalala lang po kami dahil tahimik niya po kaming pinalabas. Baka po may gawin siyang hindi maganda kaya ho hindi po kami mapakali. Halos mawalan po kasi ng buhay ang mata ni Ma'am Charlotte." Muling tumingin si Christian sa pinto ng kwarto. Bumuntomg-hininga siya at lumakad pero huminto rin kaagad sa mismong tapat ng pinto. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo. Ako ng bahala sa kanya." "Sige ho sir." Sunod-sunod na umalis ang mga katulong habang si Christian tinitigan pa saglit ang pinto bago pihitin ang seradura na hindi naman naka-lock. Dahan-dahan siyang sumilip at nakitang nakaupo ang kanyang kapatid sa kama habang nakatingin sa munting balkonahe ng kwarto. Tahimik na pumasok si Christian sa loob ng kwarto at huminto sa kabilang side ng higaan. Nilapag niya ng tahimik ang dala niya maging ang kanyang telepono sa lamesita sa tabi ng kama. Ilang buwan na ang nakakalipas, ngayon na lang ulit pinakita ni Charlotte ang ganitong ugali. Ilang araw na lang ang bi
Lulan na ng kotse si Elijah, seryoso siyang nagmamaneho papunta sa kanyang kumpanya. Ilang saglit pa ay huminto siya sa tapat ng building at tahimik na bumaba ng kotse at inabot ang susi sa guard. Lahat ng kanyang empleyado ay bumati sa kanya at ang kanyang sagot ay pagtango lang habang patuloy na naglalakad patungo sa kanyang opisina. Nang makita ng secretary nito si Elijah ay agad itong tumayo at nagsalita. "S-Sir...lahat ng papers na kailangan iyo pong pirmahan ay nasa table mo na po. May karamihan din po iyon dahil ilang araw po kayong hindi pumasok," seryosong saad ng secretary pero mapapansin na bahagyang may kaba ang bawat salita nito. "Good. Kung sakali na may tumawag at hanapin ako, sabihin mong may urgent akong ginagawa. Susubukan kong tapusin ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan, at huwag na huwag kang magpapasok sa opisina ko kahit pagkatok ay huwag mong pahihintulutan. Naiintindihan mo ba?" "Yes sir." Tumango si Elijah at nagpatuloy pumasok ng opisina. Nang
Tumalikod si Elijah sa kanyang kapatid para itago ang dahan-dahan na umaagos na luha sa kanyang pisngi. Ilang araw siyang parang lutang, walang gustong gawin kung hindi uminom. Hindi rin siya makapag-isip ng tama o mag plano dahil si Charlotte lang ang tumatakbo sa isip niya araw-araw. Wala siyang alam kung okay lang ba ito, nahihirapan ba sa pagbubuntis, o nakakagalaw pa ba ng normal. Sa sitwasyon niya ngayon, alak ang kakampi niya dahil kahit paano ay nawawala ang sakit sa kanyang puso. "Huling pagkakataon, Elijah. Sa oras na nasayang pa ang pagkakataon mo ngayon, wala ka ng magagawa kung hindi mag-move on. Kakalimutan mo si Charlotte at ang mga anak mo, babalik ka sa dati na walang iniisip kung hindi ang kumpanya, at walang kasal na naganap. Naiintindihan mo—" "O-Oo. Sapat na sa akin ang narinig ko mula sayo kanina. Magpapatuloy ako hanggang sa makulong sa bilangguan si Venus." Maliit na napangiti si Elisse, dahil sa wakas mukhang natauhan na ang kanyang kapatid. "Magaling kun