Se connecterTHIRD PERSON POVBiglang natahimik ang buong opisina.“Lo—”“Makinig ka muna, Emery,” pagputol ni Benicio.“Lahat gagawin ko.” Napakuyom ang kamay ni Benicio. “Kung gusto mo ng malaking share sa Montenegro Group, ibibigay ko sa'yo.”Umiling si Emery ngunit nakinig lang siya sa sunod nitong sasabihin.“Ako na ang humihingi ng tawad para sa ginawa ni Weston.”Nanigas ang mukha ni Emery at saka unti-unti siyang tumayo.Mahina siyang natawa. “Share? Sa tingin mo ba shares ang gusto ko?”“Emery—”“Sa tingin mo ba negosyo ang dahilan kung bakit ko isinampa ang kaso?”Tumindig na rin si Benicio. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”Napabuga ng hangin si Emery. “Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin.”Halos pumatak na ang mga luha ni Emery ngunit agad niyang pinigilan iyon.“Lo, alam mo ba kung ilang beses akong umiyak dahil kay Weston? Ilang beses niya akong pinili na saktan para protektahan ang ibang tao.”Napasinghap si Emery pilit pinipigilan ang pagbigat ng dibdib niya. “Alam mo kung gaa
THIRD PERSON POVTahimik ang paligid sa executive floor ng Armani Group.Sa loob ng opisina ni Emery, nakaupo sila ni Zion sa sofa habang pinapanood ang mga litrato at video na kuha ni Spencer noong nasa Boracay sila.“Hindi talaga marunong magtago ng camera ang taong ito,” natatawang sabi ni Emery habang tinitingnan ang isang candid photo.Napalingon si Zion. “Alin?”Iniabot ni Emery ang tablet, pagkakita ni Zion ay agad siyang napangiwi. “Burahin mo iyan.”“Bakit?”“Tingnan mo mukha ko dyan, ang panget ko tingnan,” paliwanag ni Zion.Lalong natawa si Emery.Sa litrato ay kitang-kita ang pamumula ng mukha ni Zion habang inaasar siya noon tungkol sa pagiging official nilang dalawa.“Ang cute mo kaya rito,” sabi ni Emery.“Cute ba? Ganito na lang, you can keep that pero kapalit ay isang kiss sa pisngi.” Lalo pang natawa si Emery. “Sige, isa lang ah?”Akmang hahalikan ni Emery ang pisngi ni Zion, ngunit bigla naman itong lumingon kaya sa labi nito tumama ang kanyang halik.Agad niyang
THIRD PERSON POVIlang araw matapos ang desisyon ni Benicio, tuluyan nang nagsimula ang bagong buhay ni Weston Montenegro.Malayo ito sa buhay na nakasanayan niya noon.Wala na ang malawak na opisina sa pinakamataas na palapag ng gusali. Wala na ang mga empleyadong nakapila para batiin siya tuwing umaga. Wala na rin ang personal driver, executive assistant, at mga taong handang sundin ang bawat utos niya.Ngayon, isa na lamang siyang Junior Operations Assistant sa logistics division ng isang branch sa Cebu.Nakasuot siya ng simpleng polo shirt na may logo ng kompanya habang nakaupo sa isang mahabang workstation kasama ang iba pang empleyado.Katatapos lang niyang mag-encode ng delivery reports nang muling bumukas ang pinto ng opisina.“Sir Weston!”Napatingala siya.Nakatayo roon ang supervisor niyang si Mr. Valencia. Agad siyang tumayo.“Why?”Lumapit ang lalaki habang may hawak na ilang folders. Hanggang ngayon ay may kakaibang pakiramdam pa rin ito tuwing kausap si Weston.Sino ba
EMERYPagkatapos ng pag-uusap namin ni Don Marshal, halos hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat ng nangyari.Hanggang sa paglabas namin ng study room dala ang mga regalo ay parang lutang pa rin ako.Samantalang si Zion naman ay mukhang aliw na aliw sa reaksyon ko.“Emery, are you okay?”Napahinto ako at agad siyang tiningnan nang masama. “Hindi nakakatuwa, Zion.”Natawa na lang siya.Pagdating namin sa kuwarto, tinulungan niya akong dalhin ang ilan sa mga regalo. Isa-isa naming inilapag ang mga kahon sa sofa at sa mesa.Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa rin ako makapaniwala.” Itinaas ko ang folder. “Sa ten percent shares na ito.”Tumawa nang marahan si Zion. Napatingin ako sa kanya. “Zion, ten percent iyon, malaking share iyon kaya pwede bang sabihin mo sa lolo mong sobra na ‘to?”Tumago-tango lang siya habang nakangiti sa akin. Inaasar pa rin niya ako.“Hindi mo ba naiintindihan kung gaano kalaki ito?” tanong ko ulit saka umupo sa kama.Ngumisi siya. “Tingin ko naiintindihan ko.” Lu
EMERYNapatingin ako kay Don Marshal, pagkatapos ay kay Zion. Ngunit parang wala lang sa kanila ang nakita ko. Na para bang normal lang na mamigay ng ganoong kalaking share.Napailing agad ako. “Lolo, hindi ko po ito matatanggap.”Natawa si Don Marshal. “Bakit naman?”“Dahil masyado pong malaki ito,” paliwanag ko sa kanya.Agad kong isinara ang folder at ibinalik iyon sa kanya.“May Armani Group na po ako. Tinulungan na rin ako ni Zion na mabawi iyon. Sobra-sobra na po ang naitulong niya sa akin.”“At saka... hindi po tama na magkaroon pa ako ng ganoong kalaking share sa Del Fierro Holdings,” dagdag ko pang sabi.Nakangiti lang si Don Marshal habang nakikinig. “Natapos ka na ba?”Napakurap ako. “Po?”“Tapos ka na bang tumanggi?” tanong niya ulit. Napailing siya. “Emery, hindi kita tinatanong kung gusto mo.”Nanlaki ang mga mata ko. Napabuga ako ng hangin, talagang may pinagmanahan itong si Zion. Palabiro din pala itong si Don Marshal.Napatawa si Don Marshal. “Hindi ko ibinibigay iyan
EMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dating.Biglang napaubo si Don Marshal kaya agad siyang nilapitan ni Eris. “Dad, magpahinga muna kayo.”Tumango si Victoria. “Mahaba rin ang biyahe natin mula States.”“May jet lag pa tayo. Mas magandang magpahinga na muna,” dagdag ni Miguel.Napabuntong-hininga si Don Marshal. “Sige.”Isa-isa silang tumayo.Nagpaalam muna sila sa akin bago nagtungo sa kani-kanilang kuwarto.Hindi nagtagal ay naiwan na lang kami ni Zion. At ako na sobrang namumula pa rin dahil sa nangyari.***Pagkatapos ng nakakahiyang eksena kanina kasama ang pamilya ni Zion, nagpasya kaming mag-almusal sa labas malapit sa pool.Tahimik ang paligid. Maririnig lamang ang mahinang tunog ng fountain at ang huni ng mga ibon mula
EMERYMay kung anong sumikip sa dibdib ko—isang halo ng pagod, galit, at sakit na pilit kong tinatago buong araw. Ramdam ko iyon sa bawat paghinga ko, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis. Gusto kong sumagot. Gusto kong magsalita. Gusto kong ilabas lahat ng na
EMERY“You’re late.”Iyon ang unang sinabi ni Zion nang umupo ako sa harap niya. Ni hindi man lang niya ako binati. Walang kahit anong emosyon sa boses niya.Napatingin ako sa wristwatch ko kahit alam kong hindi naman ako ganoon ka-late. 7:01 PM. One minute lang.Pero sa paraan ng pagkakasabi niya,
EMERYPagdating ko sa mansyon, diretso akong umakyat sa kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sandaling sumandal doon, pinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang inilabas ang bigat sa dibdib ko. Ngunit kahit anong gawin ko, nariyan pa rin ang kirot.Dahan-dahan akong
EMERYHindi ko siya tinignan agad. Ayokong makita niya kung ano man ang mababasa niya sa mukha ko.“Sa una, ayoko,” dugtong niya. “Pero no’ng sinabi niya na mahal niya ako…”Huminto siya sandali. “…parang naisip ko… baka okay lang.”Doon ako tuluyang napatingin sa kanya. Natigilan ako sa sinabi n







