EMERY“Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.”Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang narinig ko, Doc Hidalgo?” wika ko, halos hindi makapaniwala.Ngumiti ang doktor at tumango. “Yes, Mrs. Montenegro, successful ang IVF procedure. Malakas ang kapit ng mga anak mo at healthy sila.”Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.Sa wakas.Sa loob ng limang taon, ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng pag-asa. Limang taon ng pagtitiyaga. Limang taon ng pagtitiis. Limang taon ng pagkapit sa isang lalaking paulit-ulit akong sinasaktan. Tinanggap ko si Weston kahit alam kong niloloko niya ako at ng bestfriend kong si Ravia Salvador At ngayon, heto na, may anak na kami.Hindi man sa paraang pinangarap ko noon, hindi man bunga ng pagmamahal na kusa niyang ibinigay, pero anak pa rin nam
Last Updated : 2026-04-20 Read more